Chapter 23

2519 Words
Tatlong araw ang nakakalipas simula noong dinala ako sa clinic. Wala naman ganoong nangyari nitong nagdaang araw kung kaya ay mabilis lang nag paglipas ng panahon. Abala ako ngayon sa paghahanda ng mga gamit ko na dadalhin para sa PE namin mamaya.  Hindi naman ganoon katagal at bigla akong nakarinig ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko kung kaya ay agad akong lumapit dito at binuksan. “Calix,”ani ni Lea na nakangiti ng sobrang lapad. “Oh bakit?” tanong ko rito. Agad naman ako tinulak nito papasok sa kwarto ko at sinarado agad ang pinto. Hinila naman ako nito papunta sa higaan ko at tinignan ako ng derecho sa mata habang sobrang lawak ng mga ngiti nito. “Ano ba kasi iyon? Umagang-umaga nang-gugulat ka,” sabi ko rito atsaka inirapan at kinuha ang pe uniform ko at inilagay sa isang paper bag. “Alam mo ba nakita ko si Mark sa palengke kanina,”excited na sabi nito sabay hawak pa sa dalawang pisngi nito. Tinaasan ko naman ito ng kilay. “Binulabog mo ‘ko ng ganito ka-aga para lang diyan?” medyo naiinis na tanong ko rito. Inirapan naman ako nito atsaka humalukipkip.  “Napaka-KJ mo talaga,”sabi nito. “Bawal ba maging masaya?” “Bawal kapag ikaw,” sagot ko rito atsaka kinuha ang uniform ko at nagbihis. “Ang Mark ba na tinutukoy mo ay iyong first boyfriend mo?” tanong ko rito. Lumingon naman ito sa akin ngiting aso na tuma-tango. “Oh, tapos ano nangyari?” tanong ko rito habang binu-butones ang pang-itaas ng uniform ko. “Hiningi niya number ko,” tugon nito na agad naman akong napalingon sa kaniya at napa-hawak sa gilid ng tiyan ko. “Let me guess,”sabi ko sa kaniya habang naka-kunot ang aking noo. “Naging marupok at binigay naman?” Agad naman itong tumango habang kamot-kamot ang kaniya ulo. Napa-iling nalang ako at tumalikod sa kaniya, “Oh, tapos? Ano ang nangyari?” tanong ko rito habang hinahanap ang neck tie ng uniform ko. “So ayun nga,” pagsisimula nito. “Inaya niya ako na kumain sa labas kapag free raw ako,”  “Teka nga, “ sabi ko at lumingon sa kaniya. “Hindi ba’t naghiwalay kayo dahil sa mga magulang mo, kasi ayaw nilang magka-nobyo ka kasi dapat focus ka muna sa studies?” tanong ko rito na agad naman itong tumango humiga sa kama ko. “Mukhang ramdam ko na may magkaka-balikan ah?” nakangising kong sabi rito at umupo sa tabi nito. “Ewan ko,” rinig kong malungkot na sabi nito. Agad ko naman itong pinitik ang noo ito kung kaya agad itong napabalikwas ng bangon habang hawak-hawak ang kaniyang noo. “Bakit naman?” tanong nito at tinignan ako ng masama. “Kaila ka pa hindi naging confident sa sagot mo?” sabi ko rito, “Akala ko ba kapag bumalik ‘yon, aayusin mo na ang lahat?” tanong ko rito. Agad naman itong bumuntong hininga at umiwas ng tingin. “Why? May mali ba?” tanong ko rito. Hindi ko alam pero feeling ko may pumipigil sa kaniya na maging sila. May pumipigil sa kaniya na pumayag sa pag-aya nito sa kaniya kumain sa labas. Wala namang masama kung makipag-balikan ito sa lalaking iyong total hindi naman involve ng cheating iyong hiwalayan nila. Namayani sa amin ang nakakabinging katahimikan bago ko narinig ang malalim na pag-buntong hininga nito. “Iyon na nga eh,” sabi nito, “Hindi ako pwedeng makipag-balikan sa kaniya,” malungkot na sabi nito habang naka-yuko at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. Agad naman na tumaas ang kilay ko. “What do you mean?” tanong ko rito. Tumayo naman ito at malungkot na tinignan ako. “Leano kasi siya,” tugon nito. Lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito at agad na napatayo at dali-dali itong hinawakan sa magkabilang balikat. “Anong sabi mo?” tanong ko rito. Gusto ko lang masigurado na tama iyong na rinig ko. “Leano siya Bes!” ulit na sabi nito atsaka malungkot na iniwas ang tingin sa akin. Leano? Kung kaya ay maaring alam nito kung bakit magka-away ang pamilya namin? Ito na ba ‘yon? Kailangan talaga magkabalikan itong dalawa upang malaman ko ang totoong dahilan ng mga ito. “Hay naku,” sabi ko rito atska napa-iling na tumalikod sa kaniya, “Bakit?” nag-aalalang tanong nito. “Hindi ka naman kasali sa away ng pamilya namin sa Leano,” sabi ko rito habang naka-ngiti ng sobrang lawak. Hindi maiwasan sa akin na makaramdam ng excitement, sa kadahilanan na maaring masagot nito ang mga katanungan ko. “Pero bes baka--,” hindi ko na ito hinayaan na matapos pa ito sa kaniyang sasabihin at agad na lumabas ng kwarto.  Rinig ko naman ang pagsara ng pinto at ang papalapit na mga yapak nito. “Sa tingin mo ba talaga ay okay lang?” tanong nito, agad naman akong tumango rito atsaka nagpatuloy na sa paglalakad. “You can go out with him during your day off’s,” nakangiting sabi rito habang pababa kami ng hagdan. “Ngunit baka magalit si Madam,” nag-aalalang tanong tugon nito kung kaya ay napatigil ako at nilingon ito. “Hindi ka nga kasali sa away ng pamilya,” sabi ko rito. “Atsaka isa pa, hindi kami hadlang sa pag-iibigan niyo. Gusto mo ba na ako pa mag-paalam sa’yo kay lola?” tanong ko rito na agad naman lumaki ang mga mata nito. “Gagawin mo para sa’kin ‘yon?” tanong nito sa akin na halata naman sa mukha nito ang saya. Tumango ako rito atsaka ngumiti, agad naman itong napatalon at yinakap ako ng sobrang higpit. “Thank you!” pagpapasalamat nito. “Kapag kayo nahulog diyan doble gasto ko,” rinig ko na sabi ni lola mula sa itaas kung kaya ay agad napabitaw sa yakap si Lea at sabay kami na napatingin sa itaas. Nakita ko naman ang lola ko na nakangiting nakatingin sa amin. “Si lea po kasi lola kinikilig,” sumbong ko rito na agad naman lumaki ang mga mat anito at hinampas ako sa balikat “Anong mayroon?” tanong ni lola at bumaba na kung kaya agad kaming sumunod rito. Bahagya naman akong tinulak nito at nag-aalalang nakatingin sa likod ni lola. “Baka magalit si madam,”sabi nito. Natawa naman ako ng mahina at iling na binilasan ang lakad ko. “Hoy!” rinig ko na sabi nito ngunit hindi ko nalang ito pinansin at umupo na agad sa aking upuan ng makarating ako sa kusina. “Si Lea lola,” pagsisimula ko rito. “May date sa day off niya,” natatawa kong sumbong rito, ngumiti naman si lola atsaka kinuha ang dyaryo nito. “Oh? Mabuti naman at hindi ka na single bata ka,” sabi ni lola na naging dahilan ng pagtawa ko ng malakas, kita ko naman ang pag-nguso nito at tumingin ito ng masama sa akin. “Madam, ayaw niyo na ba sa akin?” biro nito, umiling naman si lola rito habang lini-lipat ang mga pahina ng dyaryo na binabasa nito. “Madam naman!” reklamo nito habang nilalagyan ng orange juice ang mga baso namin. “O’ sino ba ‘yang malas na lalaki na ‘yan,” sabi ni lola na naging dahilan ng paglakas ng tawa ko. “Madam, malas talaga po? Bakit naman ganiyan,”naka-ngusong tanong. “Si Mark po lola,” sabi ko rito, “Kilala niyo po bai yon?” tanong ko rito.  Napatigil naman si lola sa kaniyang ginagawa at tinignan ako, “Leano?” nagtatakang tanong nito, tumango naman ako rito at napatingin kay Lea na hindi maipinta ang mukha. “Mabait na bata iyan,” komento nito na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. “okay lang po sa’yo?” tanong ko rito. Tumango naman siya at ibinaba na ang dyaryo at nagsimula ng kumain. Kitang-kita ko naman kung gaano kalapad ang ngiti ni Lea habang kumakain. Aba kita mo ‘tong babaeng ito. Ang landi hahaha. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at agad na umakyat pagkatapos upang magsipilyo at kuhanin ang mga gamit ko na nasa kwarto.  Kinuha ko na rin ang susi ng motorsiklo at agad na nagtungo sa garahe. Pina-andar ko na ito at nagtungo na sa university na pinapasukan ko. Hindi naman ganoon katagal ay nakarating na ako rito at ipinark ang motor ko at nagtungo na sa classroom. “Hoy Calix!” rinig kong tawag sa akin habang nakayuko ako na nakatingin sa notebook na sinusulat ko. Agad ko naman itong nilingon at nakitang si Iean pala ito. “Bakit?” tanong ko rito, agad naman itong lumapit at may inilagay na paper bag sa harap ko.  Napangiti nalang ako sa kaniya at nagpasalamat. Nitong mga nagdaang araw ay ayaw na ng mga ito na malipasan ako ng gutom at mahimatay kung kaya ay binibigyan ako ng mga ito ng mga pagkain na galing sa kanila o binili nila sa labas. “Salamat, nag-abala ka pa.” sabi ko rito at ngumiti sa kaniya. Napakamot naman ito sa kaniyang batok at umupo sa upuan ni Kath. “Ayaw lang talaga namin na mahimatay ka na naman dahil sa gutom,” sabi nito kung kaya ay napangiti ako atsaka tinignan ang paper bag na naglalaman ng choco bun. Agad naman lumaki ang mga mata ko at hindi mapigilan na lumawak ang ngiti ko. “Oo, alam ko na paborito mo ‘yan,” nakangising sabi nito. “Kung kaya ay noong makita ko ito ay agad akong bumili.” “Thank you,” masayang pasasalamat ko rito, tumango lang ito sa akin bago nagpa-alam na aalis muna siya. Masaya ko naman kinakain itong bun ng biglang pumasok si Lea na nakasimangot. “Oh? Anong nangyari sa’yo?” tanong ko rito. Sinamaan naman ako ng tingin at agad na umupo sa kaniyang pwesto at dumapa. Anong nagyari sa isang ‘yon? Baka may problema na naman sa kanila.  Kung kaya ay hinayaan ko nalang ito at nagpatuloy sa ginagawa ko. “Anong nangyari sa babaeng ‘yan?” rinig kong tanong ni Zaria kung kaya ay nilingon ko ito at nagkibit balikat. “May problema na naman yata ang bruha,” dugtong naman ni Amani. “Hayaan na muna natin,” sabi ko sa kanila na sinang-ayunan naman ng mga ito. Ilang minuto ang lumipas at dumating na rin ang unang guro namin kung kaya ay nakinig na kami sa discussions nito. Bigla naman na tumayo iyong babaeng outcast ngunit hindi lang talaga ito pinansin ng guro namin. Iniwas ko nalang ang tingin ko atsaka napatingin sa harap ng bigla nalang tumayo itong si Kath at lumabas. Nagtataka akong nakatingin sa kaniya habang papalabas ito ng classroom namin at napatingin din sa dalawang bruha at nakitang nakatitig din ang mga ito sa pintuan na kung saan lumabas ang kaibigan namin. Napalingon naman sa akin si Amani at nagtanong ng bakit. Nagkibit balikat lang ako sa kaniya at nakinig na sa discussions.  Hindi ko alam kung ano problem ani Kath at bigla nalang naging ganiyan ‘yan. Baka may problema na naman siguro sa pamilya nito.  Lumipas naman ang tatlong oras at natapos na rin ang unang subject namin kung kaya ay agad kaming tumayo tatlo at napagdesisyonan na hanapin ang kaibigan namin na nag-cutting. “Anong problema ng isang iyon?” tanong ni Amani habang kina-kagat nito ang kaniyang kuko. “Ewan ko, ganoon na ‘yon noong makarating sa school e’.” sabi ko rito. Nag-simula na kaming maghanap sa kaniya rito sa 7th floor ngunit wala kaming Kath na makita. Pinuntahan na namin ang mga lugar na possible niyang puntahan dito sa 7th floor ngunit wala talaga siya kung kaya ay naisipan namin na bumaba at lumabas ng building ng CCS at nagtungo sa field. Hindi naman ganoon katagal at nakita naman namin ito sa ilalim ng isang kahoy na kung saan may lamesa at upuan sa ilalim nito. “Kita mo ‘to,” rinig kong sabi ni Amani atsaka lumapit sa rito at ginulat ang tulalang kath. Napasigaw naman ito at hinampas ng dala-dalang libro si Amani. “Aray naman,” reklamo ni Amani habang himas-himas ang kaniyang braso na kung saan ito hinampas. “Bakit ka kasi nangugulat?” inis na sabi nito atsaka inirapan si Amani. Tuluyan naman kaming lumapit rito at nakitang may pack lunch pala ito sa harap at tubig. “Gutom ka lang pala, pinag-alala mo pa kami,” irap na sabi ni Amani atsaka umupo sa harap nito. Sumunod naman kaming dalawa ni Zaria at umiiling na napatingin kay Kath, “Sorry naman, simula pa kagabi hindi ako naka-kain e’,” nakangusong paliwanag nito. “Bakit?” tanong ni Zaria atsaka binuksan ang dala-dala nitong libro. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang malapit lang pala ito sa lumang building. Tinignan ko naman ang palapag na kung saan may nakita akong tao ngunit nagulat nalang ako na nakita ko si Outcast na nakatingin sa akin mula rito. Anong ginagawa niya sa building na iyan? Seryosong nakatingin lang ito sa akin at nagulat naman ako ng bigla itong tumalikod at umalis. Saan iyong papunta? Akala ko ba out limit ang building na iyan? Bakit nakapasok si outcast diyan? Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko, “Ay!” Tumawa naman ang mga ito, “Bakit ba kasi kayo nanggu-gulat kayo?” inis na tanong ko sa kanila. “Gulat ka riyan, kanina ka pa tulala. Shunga ka ba?” pahayag ni Kath atsaka iniligpit ang kaniyang mga pinagkainan at itinapon sa basurahan “Hindi kaya,”sabi ko rito atsaka iniwas ang tingin ko sa kanila, “Sus Calix, iniisip na naman yata nito si Jake,” tawang-tawa na asar ni Amani sa akin, kung kaya at kumuha ako ng maliit na bato sa gilid at tinapon sa kaniya. Hindi ko naman inaasahan na matatamaan pala ito sa noo kung kaya ay labis ang tawa namin tatlo. “Calix!” galit na sigaw nito atsaka tinignan ako ng masama. Natawa nalang ako sa kaniya at tumayo. “Aalis muna ako, balik din ako agad,” paalam ko sa mga ito na aga naman pumayag ang mga ito. Hinintay ko na umiwas ng tingin ang tatlo bago ako tuluyan na lumiko at nagtungo sa entrance ng lumang building ngunit naka-lock ito kung kaya ay umikot ako at nagbabasakaling makakita ng entrance dito sa likod at hindi nga ako nagkamali. Agad naman akong pumasok at bigla naman nag-taasan ang mga balahibo ko noong dumaan ako sa elevator. Ginamit ko nalang ang hagdan upang umakyat sa palapag kung nasaan si Outcast kanina. Hinay-hinay lang akong umakyat sa ikalawang palapag at ramdam ko na mas lalong nagtaasan ang mga balahibo ko at nakakaramdam na ako ng takot sa lugar na ito Nang makarating na ako sa pangalawang palapag ay nagulat naman ako ng biglang may nahulog sa isang classroom hindi kalayuan sa hagdan. Kung kaya ay dali-dali akong tumakbo papunta sa itaas at nakita ko naman itong si outcast na pa-akyat sa 5th floor nitong building. “Teka,”tawag ko rito, nakita ko naman na napahinto ito at bahagyang tumingin sa gilid bago nagpatuloy sa pag-akyat. Agad naman akong tumakbo at sinundan ito. Patakbo akong sumunod rito hanggang sa makarating ito sa 5th floor at lumiko, binilisan ko naman ang aking pagtakbo at hinanap kung saan ito nagtungo. Nakita ko naman ang pag-sara ng pinto kung kaya ay agada ko nagtungo roon at binuksan ang pinto at pumasok. Pagkapasok ko sa loob ay nagulat naman akong makita ang malinis na classroom na ito. Nasaan si Outcast? Napatingin naman ako sa harap na kung saan naroroon ang board at nakita ang pangalan ng seksyon ng classroom na ito. “Class A,” basa ko rito. Ito ba ang lumang classroom ng Class A? Maganda pa naman ito at parang wala naman yatang sira pero bakit inabandona ‘to? Hindi ko nalang ito pinansin at hinanap si Outcast. “Hindi ba at binalaan na kita?” rinig kong sabi ng babae mula sa likod ko at nakita si outcast na may dala-dalang tubo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD