Chapter 9

2706 Words
    "Iha kumusta ang pag-gala mo?"tanong ni lola ng patayin ko ang makina ng motorsiklo. Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si lola na nagwawalis sa harapan nito at nong makita niya ako ay agad naman itong napatigil at lumapit sa akin. "Okay lang naman po lola"sagot ko sa kaniya atsaka itinaas ang dala-dala kong mga plastics.     "Mabuti naman kung ganon, nag enjoy ka ba?"tanong nito sa akin atsaka kinuha ang isang plastic na naglalaman ng mga damit sa ukayan. "Opo lola, marami palang mga ukayan sa lugar na 'to atsaka masyadong mahal yung mga damit sa Gaisano"nakangiwi kong sabi sa kaniya habang naglalakad kami paapasok sa loob ng bahay, agad naman niyang iniligay sa gilid ng pinto ang dala-dala niyang walis. "Tama ka riyan napakamahal ng mga damit sa mga mall dito kung kaya ay binigyan kita ng limang libo, hindi ko na inee-expect na sa ukay-ukayan ka lang pala pupunta"natatawang sabi nito.     "Mas makakamura po ako pag doon e', atska oo nga pala lol hindi mo naman nabanggit sa akin na may bbq pala rito"nakanguso kong sabi, natawa naman si lola at agad kumapit sa braso ko. "Pasensya ka na apo."     "Okay lang po, ahhh oo nga pala dinalhan ko rin kayo ni Lea ng BBQ"sabi ko sa kaniya habang kinuha ang isa pang plastic na may bulsita sa loob na naglalaman ng bbq. Kinuha naman ito ni lola at tuwang tuwa na binuksan. "Akin na muna 'yang isang plastic na dala-dala mo lola, dadalhin ko lang 'to sa labahan"sabi ko sa kaniya atsaka kinuha ang nasa kamay niya at tumungo sa likod ng bahay gamit ang pinto na nasa kusina.     Nakita ko naman si Lea sa Laundry Room na naglalaba, lumapit ako rito atsaka inilagay sa isang basket ang nabili kong mga damit. "Lea mamaya mo na 'yan tapusin, may dala akong bbq doon. Kumain ka muna"nakangiti kong sabi sa kaniya, tumango naman ito at naghugas ng kamay bago ipinahid sa isang tuwalya na nakasampay sa gilid. "Ilagay mo nalang po riyan 'yang damit mo Calix, ako na bahala sa mga 'yan mamaya"tugon nito, tumango naman ako at sabay na kaming pumasok sa bahay.     Nang makapasok na kami ay nakita kong abala si lola sa paghahanda ng mga plato at kanin sa lamesa. Hindi naman masyadong halata na gutom na gutom ka no? Lola? Natawa nalang ako sa nakikita ko at agad naman na tinulungan ni Lea si lola atsaka kumain. Umupo naman ako sa gilid ni lola atsaka ito tinignan. "Nakakamiss din 'tong BBQ, ang tagal tagal ko na rin palang hindi nakakain ng ganito"sabi ni lola. "Enjoy lang po lola"natatawa kong sabi rito. Masayang kumakain si lola habang isinasawsaw ang bbq niya sa sauce na dinala ko. Ilang saglit pa ay natapos na rin ito at hinihinamas ang kaniyang tiyan.     "Sobrang busog ko, salamat apo"nakanngiting sabi sa akin, tumango lang ako sa kaniya at napatingin ka lea na hindi pa tapos sa pagkain. "Lea, ikaw talagang bata ka oo. Kay tagal mo talagang matapos kumain kaya ang payat payat mo"pang-aasar ni lola rito na naging dahilan naman ng pagnguso ni lea. "Hindi ko rin po alam maam, siguro na sanay lang ako"pagpapaliwanag nito at nagpatuloy ng kumain, umiling nalang si lola rito atsaka humarap sa akin.     "Anong plano mo ngayon?"tanong ni lola sakin. "Tutulong lang po muna ako sa mga gawaing bahay pagkatapos ay magpapahinga po, medyo napagod po ako eh"natatawa kong sabi kay lola sabay kamot ng ulo. "Kung sabagay mag aalas singko na naman ng hapon,oh siya sige tulungan mo muna ako mag walis sa labas ng bahay"sabi nito, tumango naman ako atsaka tumayo na. "Ikaw na bahala rito Lea"rinig kong sabi ni lola kay lea bago pa ako tuluyang makalabas ng kusina.   "Lola, nasaan 'yong walis?"tanong ko rito,agad naman niyang itinuro ang gilid ko at nakita ang tatlong walis na nakahilira. Napakamot naman ako ng ulo sabay kuha nito at peace sign kay lola.Natawa nalang si lola sa akin at nagsimula na itong mag walis ganoon rin ako.     Bandang alas sais na kami natapos sa paglilinis sa labas sapagkat niligpit din namin ang mga upuan atsaka tent na ginamit noong nandito pa si lola, agad naman akong umakyat sa itaas pagkatapos kong magpaalam na magpapahinga na ako. Naghalf bathe na muna ako bago ko maisipan na humiga sa kama.       Pagkahiga ko ay agad ko naman na kinuha ang cellphone ko at tinignan ang mga posts ng mga friends ko. Wala naman masyadong update, puro memes lang ang nakikita ko o hindi kaya ay mga drama ng mga friends ko. Pinatay ko na ang cellphone ko at napatitig sa kisame.           "Dito ka nalang mamalagi sa amin ng lolo mo, dito ka na rin magtapos ng pag-aaral mo sa kolehiyo"   Bigla naman na bumalik sa akin ang tanong ni lola kanina. Naalala ko tuloy ang malungkot na mukha ni lola na nakatingin sa akin habang tinatanong iyon. Siguro namimiss na nito ang mga anak niya at hindi niya kaya na mawalan pa siya ng isa pang parte sa pamilya, ako nalang ang nag-iisang pamilya niya na buhay pa kung kaya 'yon ang dahilan bakit gusto nitong dito na ako mag-aaral. Gusto niya na malaman na ligtas ako palagi at na-aalagaan. Sa katunayan, hindi naman talaga masama itong lugar na ito. Maganda naman siya at napakapresko, hindi tulad sa siyudad na puro usok at polusyon.      Gusto ko ba talaga mamalagi rito? Ewan ko. Siguro oo, dahil na rin sa hindi ko pwede iwan sila lolo at lola dito sa bahay lalong lalo na patanda na sila ng patanda. Makakapag-adjust naman siguro ako atsaka may makikilala naman siguro akong mga bagong kaibigan rito diba?      Napabuntong hininga ako sa palaisipan na iyon. Tumagilid ako ng pagkakahiga at pinikit ang mga mata ko.       Walang masama kung susubukan ko rito. Walang masama kung tatanggapin ko ang alok ni lola na dito na mag-aral. Tatanungin ko nalang si lola bukas kung may unibersidad ba dito na maganda ang training ng IT. Iyong lang naman talaga ang importante, as long as maganda 'yong trainig ay walang kaso sa akin 'yon. Siguro kakausapin ko nalang si lola bukas patungkol rito.       Napabalikwas naman ako ng bangon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko naman ito at nakita ang pangalan ng group chat naming magkakaibigan. Agad ko naman itong sinagot at bumungad sa akin ang mga nakangiting mukha ng mga ito.   "Helllllooooo Calix"bati ni Maryvil sa akin habang kumakaway-kaway pa. "Hello sa inyo. Kumusta?"tanong ko rito. Sabay sabay naman ang mga ito na sumagot na okay lang kung kaya ay nagtawanan nalang kami. Halos dalawang oras kaming nag-uusap ng mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kung hindi ay ang mag-asaran at bolahan, bigla naman itong tumahimik ng ibalita ko sa kanila na lilipat na ako ng unibersidad. "Hala bakit?"malungkot na tanong ni Dhanna. "Kinakailangan mem"sagot ko rito, mem ang tawagin naming mga babae sa isa't isa "Nakakalungkot naman, pero bisitahin mo kami rito ah? And chat us always"pagpapa-alala naman ni Louise sa akin. "Syempre naman no"sagot ko rito at ngumiti. "Mamimiss ko kayo"dugtong ko. Nag-uusap usap lang kami ng ilang saglit bago napagpasyahan na e-end na ang call, nagpaalam na kami sa isa't isa at natulog na.         Nagulantang naman ako ng biglang may kumatok sa pintoan ng kwarto ko, bumangon naman ako habang kinusot-kusot ko ang aking mga mata bago binuksan ang pintuan. Bumungad naman ang lola ko na sobrang lawak ang ngiti.   "Bakit po?"tanong ko rito habang humihikab, nagulat naman ako ng bigla akong niyakap. "Sobrang saya ko apo at naisipan mo na dito na talaga mag-aral"sabi nito na naging dahilan ng pag gulat ko.     Paano nalaman ni lola? Hindi ko pa naman sinasabi sa kaniya ah? Bukod sa mga kaibigan ko...Wala na akong ibang sinabihan. "How did u know po?"tanong ko rito. "Well napadaan si Lea kagabi sa harap ng room mo, and naikwento niya sa akin ang usapan mo at ng mga kaibigan mo"tuwang-tuwa na sabi nito     Kaya naman pala, lea ah. Spoiler masyado. Natawa nalang ako sa kaniya atsaka ito yinakap pabalik "Opo, dito na po ako. Ayoko po kayong iwan dito"sabi ko at bumitaw na sa yakap. Kitang kita ko naman sa mga mata nito ang saya. "Mag-e-enroll ka na sa JITU mamaya"sabi nito. "JITU?"pag-ka-clarify ko rito. "Jibitngil Institute of Technological University, one of the TOP IT school in cebu"pagpapaliwanag ni lola. Oo nga't aware ako na isa sa Top IT schools ang Jibitngil Institute pero hindi ko naman ineexpect na dito pala iyon naka locate.      Wait. Tama Jibitngil Island pala ito, bakit hindi ko man lang naisip.  "Oh sige po"sagot ko rito. "Magligo ka na at magbihis. Mamaya pagkatapos mong kumain ay pupunta na tayo roon"sabi niya atsaka umalis na. Napa-iling nalang ako rito atsaka napagpasyahan na ayusin na ang higaan at maligo.       Pagkatapos ay  agad naman akong lumabas ng kwarto at nagsimula ng maglakad patungo sa hagdan. Hindi paman ako nakakarating sa may hagdanan ay may na rinig naman akong nagsasalita mula sa kwarto ng aking mga magulang     "Kung hindi dahil sa sumpa na 'yon buhay pa sana ang mga anak ko"rinig na rinig kong sabi ng isang lalaki sa loob ng kwarto, kung kaya agad naman akong lumapit sa nakabukas na pinto at tinignan kung kaninong galing itong boses. Pagkarating ko rito ay napangiti naman ako na Makita ang malusog ko na lolo. Ngunit labis ang aking pagtataka ng nakaharap lang ito sa larawan ng buong pamilya naming habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang "Kung hindi dahil sa sumpa na 'yon buhay pa sana ang mga anak ko" . Labis ang aking pagtataka sa sinasabi nito.     Sumpa? Anong ibig sabihin nito na sumpa? Anong sumpa ang tinutukoy niya? May sumpa ba ang pamilya namin na kung kaya ay sunod-sunod na namatay sila mama, papa atsaka tita?     Mas lalo akong naguguluhan sa mga pangyayari. "Apo?"tawag ng isang tao na nasa gilid ko kung kaya ay agad naman akong napalingon rito at Nakita si lola na nag-aalalang nakatingin sa akin. Lumapit naman ito at tinignan kung saan ako nakaharap, Nakita ko naman sa mga mukha nito ang pagkagulat at dali-dali nitong isinirado ang pintuan.     Agad naman akong hinila ni lola pababa. Hindi nalang ako umimik at hinayaan ito.     Hanggang sa makarating kami ni lola rito sa kusina ay tsaka na niya binitawan ang kamay ko at umupo na sa pwesto nito. Tulala lang ako na nakatayo kung saan ako iniwan ni lola habang bakas pa rin sa mukha ko ang pagtataka.     "Apo? Maupo ka na at nang makakain na tayo"tawag pansin ni lola sa akin kung kaya ay bahagya akong nagulat pero agad din naka-adjust at naupo nalang sa pwesto ko. Inihain naman agad ni Lea ang mga pagkain sa harap naming at tahimik lang kaming kumain.     Kung sumpa talaga ang mayroon sa pamilya naming, bakit hindi ko 'to alam? Akala ko ba may pumatay kay tita kung kaya ay ito'y sumakabilang buhay? Mali ba ako? O totoo nga 'yong narinig ko mula kay lolo?      Naalala ko na sabi pa ni lola sa akin na mas Mabuti pa na 'wag ng malaman ng ibang tao ang tungkol sa pagkamatay ni tita kung hindi ay maaring bumalik ang takot sa mga ito? Kung kabilang ang buong tao rito sa sumpa, ito ba ang dahilan ng pagtago ni lola sa pagkamatay nito? Ugh! Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko, masyadong marami akong hindi nalalaman. Kinakailangan ko talagang manatili rito at hayaan na masagutan ang mga katanungan ko sa aking sarili.       "Calixta!!"sigaw ni lola na bigla naman akong napatalon sa gulat, agad naman akong tumingin rito at kitang kita ko ang kunot na noo nitong nakatingin sa akin. "Bakit po?"nagtataka kong tanong rito.     "Kanina ka pa tulala riyan, kanina pa kita tinatawag at sinabing kumain na. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ginagalaw ang pagkain mo"sabi nito na may kaunting galit sa boses. Agad naman akong humingi ng pasensya rito at napabuntong hininga nalang si lola at nagpatuloy na sa pagkain.     Natapos na kaming kumain at balak sana na tumayo na ni lola ng pigilan ko ito. "Bakit?"tanong nito sa akin at umayos ng upo. "Lola, nagtataka lang po ako kung bakit ganoon ang sina---"hindi ko ma lang natuloy ang sasabihin ko ng biglang tumayo si lola at binagsak nito ang mga kamay sa lamesa "Huwag ka ng magtanong pa Calix, hayaan mo na iyang lolo mo. May sakit 'yan sa utak kung kaya ay 'wag mo na itong pansinin pa"galit na saad ni lola bago pa ito umalis sa kusina.     Gulat na gulat naman akong nakatingin dito, napatingin naman ako sa kasama ko na si Lea at gulat din itong nakatingin sa pinto na kung saan lumabas si lola. Nagkibit balikat nalang ako atsaka tumayo at nagtungo sa kwarto para mag handa sa pag-alis namin.     Ilang saglit pa ay nakarinig naman ako ng mahinang katok mula sa aking pintuan, nagtataka naman akong lumapit rito atsaka binuksan. Bumungad naman ang malungkot na mukha ni lola sa akin "Bakit po?"tanong ko rito, bigla naman ako nitong niyakap "Pasensya ka na at nasigawan kita kanina apo. Hindi ko sinasadya"paghihingi nito ng pasensiya kung kaya yinakap ko rin ito pabalik. "Okay lang po, naiintindihan ko"sagot ko bago ako bumitaw sa yakap at ngiting tinignan ito.      "May mga bagay talaga na kinakailangan na manatili nalang sekreto apo. 'wag na nating usisain ang mga bagay-bagay bago pa ito makasakit ng ibang tao. O sha, maghanda ka aalis na tayo"makahulugang sabi nito at umalis na.     Napatingin naman ako sa likod ng paalis kong lola at nagtatakang tinititigan ito. Mukhang hindi ko nga kilala itong lola ko, sobrang napakadaming tinatago na sekreto itong pamilya ko sa akin. Sa sobrang tagal ko ba naman na nawala sa lugar na ito, malamang maraming tungkol sa pamilya ko ang hindi ko alam lalong Lalo na, kahit kailan ay hindi man lang nag-abala na magkwento si tita sa akin tungkol sa mga nangyayari sa lugar na ito.     Ano ba talaga ang meron sa pamilya namin? Bakit ayaw na ayaw ni lola na may malaman ako? Malalaman ko rin 'yon, just wait.         Agad ko naman na isinirado ang pinto at sumunod na kay lola sa kung saan naroroon ang aming sasakyan. Nakita ko naman si lola sa loob nito at kung kaya ay agad akong sumakay rito. "Ready ka na?"tanong nito sa akin at tumango naman ako agad. Pinaandar na nito ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho papuntang JITU.       Habang kami ay nasa biyahe at napansin ko na hindi ito ang dinadaanan namin lagi, ngayon lang ako napadaan rito. Napatingin naman ako sa labas at Nakita ang napakagandang tanawin. Ang dagat.      Napakaganda naman dito, 'yong kalsada ay katabi lang nito ang dalampasigan na kung saan makikita mo ang mga taong masayang naliligo habang 'yong iba naman ay tinutulungan ang isang bangka na buhatin papunta sa tubig dagat.      Ang ganda ng dagat dito, puting-puti 'yong buhangin at tila kumikislap ang dagat dahil sa linis nito, hindi naman nagtagal ang pagkamangaha ko at biglang nalungkot ng biglang natabunan ng malalaking kahoy ang magandang tanawin. Kung kaya ay napatingin nalang ako sa harap at hinintay kung kailan kami makakarating sa university na kung saan ako mag-aaral.     Hindi naman ganoon katagal at bumungad sa amin ang napakalaking arko na may nakasulat na  Jibitngil Institute of Technology University Main Campus   Namangha naman ako sa grande ng pasukan ng kanilang unibersidad at mas Lalo akong namangha sa laki at lawak nito. Ilang hektarya kaya ang unibersidad na ito? Napangiti naman ako habang inoobserbahan ang mga building na may kanya kanyang pangalan.    Architecture, Med, BUSINESS, EDUCATION, TECHNOLOGY at iba pa. Parang 'yong school ko lang sa siyudad pero ang pinagkaibahan ay ang bawat course ay may building dito habang sa unibersidad ko naman sa siyudad ay ang bawat palapag.      Grabe, magkano kaya tuition rito? Parang ang mahal naman yata. "Lola? Hindi po ba mahal ang tuition dito?"tanong ko habang abala na tinitignan ang paligid. "Hindi naman"sagot ni lola sa akin na parang hindi sure. "Totoo po?"pag-sisigurado ko at tinignan ito. Nagkibit balikat lamang ito at tumawa.     Mukhang mahal nga ang tuition sa Unibersidad na ito, agad naman pinihit ni lola ang manobela at nag park sa bakanteng parking lot.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD