Chapter 10

2731 Words
“Lola, mukhang mahal po ‘tong school na ‘to ah? Okay lang po ba sa inyo?”Tanong ko rito habang naglalakad kami papasok sa entrance ng isang building. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa na nito na nagging dahilan ng paglingon ko rito. “Huwag kang mag-alala apo. Hindi pera ang basehan sa paaralan na ito, sa katunayan nga ito ang pinagba-basehan,”sagot naman nito habang tinuturo ang kanyang sentido at ngumiti sa akin. Napangiti naman ako rito at napa-iling na sumunod sa kaniya. Agad naman kaming pinigilan ng guard bago pa kami makapasok sa loob ng building na ito. “Saan po kayo papunta?”Tanong nito habang nakatingin sa lola ko, bahagya naman itong napa-atras sa hindi ko malaman na dahilan. “Lola?”Tawag pansin ko rito ng bigla lang itong tumahimik habang nakatingin sa guard. Medyo nagulat naman si lola at agad lumingon sa akin at ngumiti.                 “Bakit apo?”Tanong nito, tinuro ko naman ang guard at agad naman itong tumango. “Mag-e-enroll lang itong apo ko, kung kaya mag-i-inquire kami sa loob kung ano ang dapat naming gawin,”pagpapaliwanag ni lola rito, tumango naman ang guard at agad naman kaming pumasok. Nagtaka naman ako ng may elevator pa pala kaming dapat sakyan bago makarating sa unang palapag ng school.                 Wow yayamin ‘tong school na ‘to ah?                 Agad naman bumukas ang elevator atsaka kami  lumabas at nagtungo sa isang table malapit sa entrance ng building na ito. Inagaw naman kinuha ni lola ang atensyon ng isang babaeng abala sa pagsasa-ayos ng mga papeles sa lamesa nito. Tumigil naman ito sa kaniyang ginawa at ngiting tinignan kaming dalawa.                 “Ano po iyong maipagli-lingkod ko?”Nakangiting tanong nito at umayos ng tayo. “Pasensiya sa istorbo iha, pero maari bang magtanong kung saan kami pupunta pag magpapa-enroll?”Nakangiting paghihingi ng pasensiya ni lola rito, umiling naman ang babae sa kaniya.                 “Naku! Okay lang po ‘yon. Ito po talaga ang trabaho ko,”sagot naman ito at napatingin sa akin “Ikaw ba ‘yong magpapa-enroll?”tanong nito sa akin, agad naman akong ngumiti at tumango.                 Nakita ko naman na medyo nagulat ito pero agad din na bumalik sa dati. Medyo tumaas naman ang kilay ko dahil sa reaksyon nito. Anong meron?                 “N-nandito po sa student lounge ginaganap ang enrollment,”medyo nau-utal nitong sagot habang inilatag nito ang school map sa harapan niya sabay turo sa isang lugar na bakante na mga simbolo lang ng upuan ang mayroon.                 “Ganoon ba? Salamat iha,”pagpapasalamat ni lola atsaka naglakad na, bahagya naman akong yumuko sa babae na nakangiting nakatitig sa akin at nagpasalamat bago pa ako sumunod kay lola.                 “Hay naku! Sobrang lawak talaga ng paaralan na ito. Nakakapagod para sa amin mga matatanda,”reklamo ni lola at kinuha nito ang panyo sa bulsa at pinunasan ang kaniyang noo.                 “Okay lang naman po sa akin na ako nalang mag-isa. Nagpahinga nalang po sana kayo sa sasakyan,”nag-aalala kong sabi rito na agad naman itong napatigil at humarap sa akin. “Hindi iyon maa-ari, ilang taon na rin simula noong masubukan ko pumasok sa isang institusyon. Kahit man lang sa paraan na ganito maramdaman ko na dalaga pa rin ako”natatawa naman na sabi ni lola atsaka ako kinindatan na nagging dahilan ng aking pagtawa nang mahina.                 Feeling din kasi ng lola ko e’, akala mo naman ganoon pa ka bata. Hinayaan ko nalang ito at nagsimula na siya ulit maglakad.                 Hay Naku, lola. Akala mo naman talaga na hindi ka bumibisita sa mga schools no’? Marami ka kayang charity program atsaka may isang public school dito sa Jibitngil na ang lupang tinatayuan noon ay sa’yo but you donated it. Kung kaya may foundation day sa paaralang iyon at lagi kang bisita roon.                 Napa-iling nalang ako sa nai-isip ko at kinuha ang cellphone ko at nagpicture sa paaralan na ito. Agad ko naman na e-senend na sa GC at hinintay saglit na may mag seen pero abala yata ang lahat, isinilid ko nalang ang cellphone ko sa aking bulsa at napatingin sa paligid.                 Ang laki ng unibersidad na ito, may iba’t-ibang building ang bawat kurso at ang mga iyon ay nakapalibot sa isang napakalaking bakanteng oval na may soccer net sa bawat dulo. May mga varsities siguro itong school na ito, ano kayang clubs mayroon ang unibersidad na ito?                 Napatigil naman ako ng makakita ako ng isang building na parang inabandona na, napatitig ako rito ng may nakita akong isang taong dumadaan sa bintana ng hallway nito. Inabandona ba talaga ‘yang building na ‘yan? O baka hindi. Mas tinitigan ko naman ito at Nawala na iyong tao kanina, baka janitor lang na naglilinis o ano. Ino-obserbahan ko naman ang labas na bahagi ng building na iyon at Nakita ang entrance non na nakasarado at may mga kahoy pa na parang dinikit doon at may isang puting plywood na nakadikit rito na may nakasulat na hindi ko Mabasa sapagkat napakalayo ko.                 “Calix! Tara na,”halos pa-sigaw na tawag ni lola sa akin na kung kaya ay agad naman akong napalingon rito. Seryoso naman itong nakatingin sa akin at tumalikod. “Opo,”sagot ko rito atsaka tumakbo palapit kay lola, Nakita ko naman ang paglingon nito sa building na tinitignan ko kanina sabay ngg pagkuyom nito ng kaniyang kamao.                 “Lola? Ano po ‘yong building na iyon?”Tanong ko rito. Tahimik lang si lola at hindi ako agad sinagot. “Sa oras na magsisimula ang klase, dalawa pa-alala lang ang ibibigay ko sa’yo. Una, sumunod ka sa patakaran ng mga kaklase mo at pangalawa ay huwag na huwag kang papasok sa building na ‘yon. Naiintindihan mo ba?”Seryoso nitong sabi habang patuloy na nagla-lakad.                 Naguguluhan ako. Anong patakaran? Bakit ipinagba-bawal ang pag-pasok sa building na iyon? Anong meron? Pati ba naman ang school na ito ay may tinatago rin na sekreto? O baka ang buong Jibitngil ang merong tinatagong sekreto? Gusto ko itong malaman, at sisiguraduhin ko na mamalaman ko rin iyon bago pa matapos ang tanong na ito.                 “Bakit po?”Tanong ko rito. Tumigil naman sa paglalakad si lola atsaka seryoso akong tinitigan sa mata. “Calixta Guevarra. Makinig ka sa akin, kung gusto mong tumagal sa paaralan na ito ay sumunod ka sa mga sinasabi ko,”napa-atras naman ako dahil sa gulat, tumango nalang ako habang nakatitig kay lola na naguguluhan. Agad naman tumalikod si lola at nagpatuloy na sa pagla-lakad.                 Bakit ganoon? Bakit ayaw ni lola na sagutin ang mga tanong ko? Bakit parang ako pa ang mali dahil sa pagtatanong ko? Gusto ko lang naman malaman ang lahat sapagkat akoy naguguluhan na. Ugh! Bakit ba napaka misteriyoso ng lugar na ito! Simula noong lumipat ako rito ay walang sagot ang mga katanungan ko!                 Sisiguraduhin ko talaga na bago matapos itong taon na ito ay malalaman ko ang buong detalye ng lugar na ito at ang rason sa kakaibang kilos ni lola, at ang mga sinasabi ni lolo at ang pagkamatay ni tita at iba pa. Sisiguraduhin ko malalaman ko rin ‘yan lahat.                     “Yes. You only need your NSO, Good Moral and also your Grade Slip,”sagot ng babae na nasa Registrar. “Ngayon po ba ito dapat ipa-pasa?”Tanong ko rito, agad naman itong umiling atsaka tumingin sa screen at nagsimula ng magtipa sa keyboard. “No, the only thing that matters is your Grade Slip. The other two can follow , as long as mapasa mo siya before midterm,”sagot naman nito na agad naman akong napatango.                 Buti nalang talaga na send na kagabi sa email ko ang grade slip ko at naprint ko na ito. “You can now proceed to table #4 and ask for forms,”sabi naman nito sabay bigay sa isang kulay na asul na papel na may nakasulat na “Prospectus” Agad ko naman itong kinuha at nagtungo kay lola.                 “Lola, ma-upo ka muna riyan. Ako na po bahala sa enrollment ko,”awkward na ngiti kong sabi rito. “Osha sige apo, pasensya ka na . Napagod na lola mo e’,”tugon nito, ngumiti nalang ako at nagtungo sa student lounge na kung saan naroroon ang nakahilirang mga lamesa na may iba’t-ibang kurso ang nakasulat sa harapan nito.                 Habang naglalakad ako ay napa-isip ako sa mga kilos at mood ni lola. Pabago-bago, ano ba kasi ang meron? Hays. Tinignan ko nalang ang mga number na katabi sa mga kurso at hindi naman ganoon katagal at Nakita ko naman ito agad. Agad naman ako lumapit rito atsaka bumati.                 “Magpapa-enroll po sana ako,”nakangiti kong tugon rito. “First year?”Tanong nito sa akin, nakasuot ito ng formal na damit at ID sling. “Hindi po, Third Year. Transferee,”sagot ko rito, bahagya naman itong nagulat at ngumiti agad. “Bihira lang magkaroon ng transferee rito, ito fill-upan mo form na ito, atsaka ito at ito. Pagkatapos ay sundan mol ang iyang guide kung saan ka pupunta sa susunod,”pagpapaliwanag nito habang tinuturo saan banda ang dapat kong fill-upan. Tumango naman ako atsaka naghanap na nang bakanteng upuan, medyo madami rin kasi ang estudyante na naririto ngayon.                 Agad naman akong kahanap at lumapit dito. “Ma-ari ba akong maki-upo?”Tanong ko rito at napalingon naman ito sa akin at tahimik na tumango at bumalik sa pagsu-sulat. Agad naman ako nag-fill-up ng form atsaka tinignan kung saan ako pupunta pagkatapos.                 “Students Affairs Organization (SAO),”basa ko rito. Kumunot naman ang noo ko at napa-kamot sa ulo.                 Saan ko makikita ang SAO? Ngayon pa lang ako naka-punta sa school na ito. Napabuntong-hininga nalang ako atsaka tumayo at naghanap ng wall na may nakadikit na school map at hindi naman ako nabigo dahil mayroon naman sa gilid ng announcement board. Agad ko naman na hinanap ang SAO at Nakita ito sa second floor. Agad naman akong nagtungo sa hagdan at naglakad na pa-akyat. May mga nakaka-salubong pa akong mga estudyante na masayang nagkwe-kwentuhan habang iyong iba naman ay mga nursing na nakasuot pa rin ng uniform habang may binabasang papel. Binilisan ko na ang paglalakad ko at nakarating na rin sa second floor, bumungad naman sa akin ang isang pinto sa may kanan ko na may nakalagay na SAO sa ibabaw nito. Agad naman akong nagtungo roon at kumatok. “Come in,”sagot ng nasa loob agad naman akong pumasok at sumalubong sa akin ang lamig ng aircon at ang tahimik na office. “Hello po, magpapasign lang po sana ako,”nakangiti kong sabi sabay lapag ng forms na dala-dala ko. Nagbabasa lang ito ng papel at agad din binaba ang mga ito at tinignan ang papel na nasa lamesa nito.                 Naka-suot ito ng itim na eyeglasses at medyo kulot din ang buhok nito na nakalugay na hanggang sa may dibdib. Agad naman nitong kinuha ang forms ko at tinignan sabay hila ng drawer sa gilid nito at kinuha ang itatatak, pagkatapos ay pinirmahan ito at ibinigay sa kin. Nagpasalamat naman ako at tanging tango lang ang sagot na natanggap ko rito at nagbasa ulit sa mga papeles niya kanina.                 Agad naman akong lumabas ng opisina at tinignan ang guide at nakitang may pirma at tatak na ang box na kung saan nakasulat roon ang first step, sunod ko naman Nakita ang Dean kung kaya ay agad akong nagtungo sa likod nitong office ng SAO. Nakita ko kasi na may nakalagay na direksyon sa pader sa gilid ng hallway, agad naman akong kumatok bago pumasok, at bumungad naman sa akin ang tatlong estudyante na naka-upo. Medyo nagulat naman ako ng biglang may lumapit sa akin na babae na nakasuot ng polo na ka-pareho sa babae na nasa SAO.                 “Hi, ano kailangan mo?”Nakangiti na tanong nito. “Uh, for my enrollment,”sabi ko rito sabay taas ng form na dala-dala ko, tumango naman ito at agad na inilahad ang kamay niya at hiningi ang form para pi-pirmahan ng dean. “Ma-upo ka muna riyan, ibabalik ko ‘to once ma sign na”sagot naman nito, agad naman akong tumango atsaka umupo.                 Pagka-upo ko ay Nakita ko naman ang sarili ko na nag-reflect sa Salamin na nasa harap ko. Inayos ko naman ang magulo kong buhok at tinignan ang mga kasama ko na abalang nagce-cellphone. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bulsa at binuksan ang messenger ko, sunod-sunod naman nag pop ang mga mensahe na galing sa mga kaklase ko.                 “Hala! Ang laki ng lilipitan mo ng School mem,”reply naman ni Louise.                 “Mukhang mamahaling school iyan ah,”sunod na sagot naman ni Dhanna na may pera pa na emoji sa huling parte ng message nito.                 “Calix, pag may chix diyan. Alam mo na ah?”Chat naman ni Cuyos na agad naman umani ng reaksyon mula sa iba ko pang kaibigan.                 “Ang laki talaga ng School guys, May sariling building each courses”chat ko rito bago ko marinig ang ngalan ko na tinawag, isinilid ko naman ang cellphone ko sa bulsa atsaka lumapit sa babae kanina. Kinuha ko naman ito at ngumiti, ngayon ko lang din napansin na umalis na pala ‘yong mga kasama ko, agad naman akong bumaba at nagtungo sa pangalawa sa huli kong pupuntahan. Ang cashier.                   “For Enrollment fee po,”sabi ko sa guard at agad naman akong binigyan ng kulay pink na papel at tinuro kung ano ang fifill-upan ko, pagkatapos ay agad akong pumila sa cashier at nagbayad, agad naman akong pumunta ng accounting for confirmation and nagpa-pirma rin atsaka bumalik sa table #4 at ibinigay ang forms. “Congratulations, you are officially enrolled. Welcome to JITU. August 12 will be the start of our classes. Like and Follow this page for more school updates,”Nakangiting sabi nito atsaka binigay ang maliit na papel na may nakaprint na ngalan ng School Group Page, ngumiti naman ako atsaka kinuha ito. “Thank you po,”pagpapasalamat ko rito.                 “This is your Study load and please go to ID area, for your Identification card,”nakangiting sabi nito atsaka inilahad sa akin ang rectangular na papel na agad ko naman kinuha. Nakasulat roon ang seksyon ko atsaka code ng mga subjects ko at ang units nito.                 Pinuntahan ko muna si lola na naka-upo sa harap ng registrar. “Lola,”tawag pansin ko rito na seryosong nakatingin sa grupo ng mga tao na nag-uusap sa hindi kalayuan sa amin.                 Pamilyar sa akin ang mga mukha ng mga taong iyon, ‘yong isang babae ay ‘yong babaeng pinagtanungan namin ng direksiyon at iyong isa naman ay ‘yong nandoon sa SAO at ‘yong isa naman ay iyong babaeng nasa Dean’s Office. Seryosong nag-uusap-usap ang mga ito na tila ba nagtatalo-talo. Habang nasa kalagitnaan ng pakikinig iyong nasa Dean’s office ay napatingin ito sa akin at agad naman nitong kinalabit iyong nasa SAO. Hinila naman nito ang dalawa at umalis na sila. Ano meron?                 “Iha, tapos ka na ba?”Tanong ni lola sa akin, napatingin naman ako rito at itinaas ang dala-dala kong study load ngumiti naman si lola at tumayo. “Pero hindi pa po ako tapos, kailangan ko pa pong magpa-ID kaya wait lang po kayo rito,”sabi ko atsaka pina-upo siya ulit, tumango lang si lola atsaka ako nagtungo na sa ID area.                   “Hi, please fill the form here and wear this Uniform afterwards,”nakangiting sabi naman ng babaeng nakatayo sa harapan ng computer na may dala-dalang pang-itaas na uniform nang makarating ako malapit sa kaniya.                 Agad ko naman kinuha ang ballpen atsaka nag fill-up na, pagkatapos non ay sinuot ko na ang uniform at pumwesto sa kung saan ako kukunan ng ID picture.                 “Okay, 1,2,3…,”pagbibilang nito bago pinindot ang capture sa dala-dalang camera nito. Tinignan naman niya ang resulta nito bago nag thumbs-up at lumapit sa kompyuter. “Please Sign here,”sabi nito sabay turo sa isang malapad na bagay na kulay itim na may parang pen.                 Naghintay lang ako ng tatlong minute at ibinigay na nito ang ID ko atsaka ako nagpasalamat at umalis na doon at lumapit kay lola. “Tara na po at umuwi,”aya ko rito atsaka pumunta na kami sa sasakyan at nagsimula na itong magmaneho.                   “Grabe kaka-pagod pala ng enrollment niyo,”reklamo ni lola, natawa nalang ako sa kaniya at napa-iling at napatingin sa labas ng sasakyan. “Ganiyan po talaga ‘yan lola, pero atleast worth it,”sagot ko naman rito, nag-agree naman si lola sa akin at ilang minute ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa bahay. Agad akong nagtungo sa kwarto ko at humiga.                   Napakapagod magpa-enroll! Tapos idagdag mo pa na ang daming weirding pangyayari ngayong araw sa school. Hays. Malalaman ko rin ang hiwaga sa likod ng pamilya naming at sa building na iyon.                 Oo nga pala, anong meron sa tatlong studyante na ‘yon? Ang we-weird, Nakita lang nila ako ay umalis na. May problem ba sa akin? Sa tingin ko naman ang tatlong iyon ay kabilang sa Student Council. Halata naman sa ngalan ng opisina nila atsaka sa uniform nila, but bahala na nga ang importante makakapagpahinga na ako at wala na akong i-isipin tungkol sa pag-aaral ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD