Chapter 34

2716 Words
Dumaan ang ilang araw ay wala naman masiyadong nangyari pagkatapos ng insidente ni Kristy. Hanggang ngayon ay hini-hintay ko pa rin na tumawag o mag-text ang Police tungkol sa dahilan ng pag-kamatay nito. Hindi talaga ako naniniwala na dahil lang sa Diarrhea ay kaya ito nawalan na ng buhay, oo nga at possible na  mamatay ito dahil doon pero wala naman itong tinatagong sakit o hindi kaya ay hindi naman ito dehydrated. Sobrang nahi-hirapan kaming lahat sa pagkamatay ng mga kaklase namin, lalong-lalo na sunod-sunod pa ito na nangyari. Kailan kaya ito mati-tigil? Mata-tapos ba talaga itong sump ana ‘to o tuluyan na itong mananatili sa buhay ng mga tao sa isla na ito? Gusto ko man silang tulungan pero sa tuwing may ginagawa akong involve kay Zadie ay lagi nalang nababawasan ang bilang namin. “Alam mo ba na nakaka-baliw ‘yan?” Tanong ni Kath atsaka inilapag sa harap ko ang isang bottled water. Kinuha ko naman ito atsaka binuksan at uminom. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko rito atsaka siya tinignan ng masama, bahagya naman itong tumawa at umi-iling na napa-tingin sa paligid. “Kanina pa kita na kitang tulala,”tugon nito, “pagkatapos ay bigla nalang iiling at malu-lungkot,”paliwanag nito at tinignan ako sa mga mata. “Wala,”sambit ko, “Ini-isip ko lang ang mga nangyari sa atin nitong mga nag-daang araw,”paliwanag ko at napa-buntong hininga. Kasalukuyan kami na nandito sa Canteen ng school at kuma-kain ng pananghalian. Wala sina Amani atsaka Zaria sapagkat may kina-kailangan itong ayusin sa Guidance Office hindi ko alam kung ano ang gagawin nila roon pero bahala na sila sa buhay nila. “Huwag mo na masiyadong isipin ang mga iyon,”sabi nito, “Sanayan nalang tayo sa mangyayari,”seryosong sabi nito. Hindi ko alam kung gagaan ba dapat ang nararamdaman ko o mata-takot sa sinabi ni Kath. Anong ibig sabihin nito na sanayan nalang? Hindi ba pwede na ang isagot nito sa akin ay matatapos din lahat ng mga pangyayari na ito? Maniwala lang? Bakit naman ganoon? Bakit naman dapat ay sanayan nalang? Hindi na ba talaga ito mata-tapos? Nanahimik nalang ako at hindi na nag-abala pa na sagutin ito. Nag-patuloy lang ako sa pagkain hanggang sa napag-desisyonan namin na pumunta na sa classroom ngunit habang papunta kami roon ay napansin namin ang mga estudyante na nagtipon-tipon sa isang parte ng field. Sabay kami napa-tingin ni Kath sa isa’t-isa at tumango. Habang papa-lapit kami roon ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinignan kung anong oras na. May kalahating oras pa kami bago magsi-simula ang susunod na subject namin kung kaya ay may oras pa kami upang makipag-chismis sa kanila. “Tapos ang sabi pa niya ay bumalik na naman daw ang sumpa,”sigaw ng isang babae habang may pina-pakita itong isang imahe sa kaniyang cellphone. Ang lama ng imahe ay isang lalaki na may Venturi Mask sa kaniyang bibig habang naka-higa ito sa isang stretcher at walang malay.  Tini-tigan ko ito ng Mabuti at kumunot ang aking noo ng mapagtanto ko na si Kristy pala ang tinu-tukoy ng babaeng ‘yon. Saan nila ito nakunan at bakit ang daming tao na nag-tipon dito dahil lang --- Teka, hindi ba at ang sabi nito ay may  nakapag-sabi sa kaniya na bumalik na ang sumpa? Hindi kaya naipag-kalat na sa lahat ang mga nangyayari? Kung totoo man ito ay maaring sobrang baba na ng tingin ng mga ito sa amin. Napalingon naman ako kay Kath na makitang naka-ngisi ito, “Ang saya mo yata?” Sambit ko na naging dahilan ng pag-lingon nito rito sa banda ko.  Nagulat naman ako ng bigla nitong hinila ang kamay ko at lumayo sa mga tao na naroroon. Patuloy lang ito sa pag-hila sa akin hanggang sa makarating kami sa isang parte ng school na kung saan sobrang napaka-tahimik. “Bakit?” Tanong ko ngunit tumitig lang ito sa mga mata ko at napatingin-tingin sa paligid. “Makinig ka,”sabi nito. “Kahit anong mangyari hayaan mo sila, ngumiti ka lang at makisama,”dugtong nito atsaka ngumiti sa isang grupo ng babae na dumaan sa gilid namin. Tumaas naman ang kilay ko rito. Bago pa ako makapag-salita ay bigla na ako nitong hinila at mabilis na naglakad patungo sa building ng CCS at nag-hintay ng elevator. May ita-tanong pa sana ako ngunit hindi ito nag-abala na lingunin ako kahit isang saglit. Siguro mamaya nalang. Napaka-weird talaga ng ina-asta ng babaeng ito ngunit naalala ko, lahat naman yata na kabilang sa seksyon na iyon ay weird.  Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang elevator at agad kaming pumasok. Lumapit itong si Kath sa banda na kung saan naroroon ang mga button atsaka nito pinindot ang 7th floor. Kahit kami lang dalawa ang nasa elevator ay sobrang napaka-tahimik nito. Hindi ko alam kung dapat ba na ako ‘yong bumasag sa katahimikan o ano. Tumunog naman bigla ang evelator na nagsasabi na nakarating na kami sa destinasyon na palapag namin. Na-una na itong maglakad at maingat lang ako na sumunod, binuksan na nito ang pinto at hindi na nag-abala pa na isarado. Napa-iling nalang ako nang tuluyan na akong maka-pasok ng classroom, at bumungad sa akin ang sobrang saya na Amani. Ano na naman kaya ang nakain ng isang ‘to. Ang lapad ng ngiti ah? Akala mo naman maganda, charot. “Ano kailangan mo?” Tanong ko rito, “Guess what?” Tugon nito “What?” Tanong ko at nag-simula ng maglakad patungo sa upuan ko. “I am one of the chosen students who will attend the DevCon,”sabi nito na halos mapa-tili sa excitement. Nakarating na ako sa upuan ko at tumabi naman ito. “Good for you,”sabi ko at ngumiti sa kaniya. “Congratulations!” Bati ko atsaka itinulak ang kaniyang noo gamit ang aking hintuturo. “Aray naman,”reklamo nito, “Required ba na may ganiyan?” Tanong nito atsaka sinamaan ako ng tingin. Tumango naman ako bilang sagot, “Tae mo talaga,”sambit nito bago tumayo at padabog na umalis. Natawa nalang ako sa kaniya at napa-iling na kinuha ang notepads ko. “Hayaan mo ‘yan,”rinig kong sabi ni Zaria kung kaya ay na-patingin ako rito, “Ngayon lang ‘yan nasubukan na piliin,”dugtong nito habang pilit na tina-tago ang kaniyang pagtawa. “Che!” Reaksyon naman ni Amani at inirapan si Zaria. “Totoo naman kasi,”sagot ni Zaria, “Kailan ka ba pinili?” Tanong nito at tumawa ng malakas. Sa tingin ko ay double meaning itong sinasabi ni Zaria eh. May ibang ibig sabihin ito at alam ko na tungkol na ito sa love life, so hindi na ako makiki-sawsaw sapagkat hindi ako interesado sa ganiyan. “Relate ka Calix?” Tanong ni Amani sa akin ngunit umiling lang ako, “Huwag mo ‘kong gayahin sa’yo,”tugon ko, “What do you mean?” Tanong nito. “Minadali lahat, ayan tuloy hindi pinili,”dugtong ko at nagkibit-balikat. Bahagya naman akong natawa ng marinig ko ang bahagyang pag-reklamo nito. “Pinagtu-tulungan niyo talaga ako ngayon no’?” Tanong nito ngunit hindi na namin ito pinansin. Ang sarap talaga asarin ng isang ito, napaka-bilis mapikon. Nagda-dalawang isip pa nga ako kung totoo ba talaga na naa-asar ito o sina-sakyan lang nito ang trip namin. Napa-tingin naman ako sa paligid ko at hindi ko mapigilan na hindi mapa-ngiti sa mga nakikita ko sa paligid. Totoo nga at marami ng kaklase ko ang nawalan ng buhay ngunit buti nalang at hindi na-apektuhan ang iba ko na mga kaklase sa nangyayari—siguro na-apektuhan sila pero naha-handle naman ng mga ito ng Mabuti. Alam ko na nahihirapan na ang mga ito, nata-takot na at baka sila ang sumunod, ngunit tignan mo nga naman. Patuloy pa rin ang mga ito na lumalaban. Patuloy pa rin ang mga ito na naniniwala na maaring tumigil na ang sumpa ng seksyon namin. Oo nga pala at hindi nila alam na alam ko na ang tungkol sa sumpa pero wala pa rin akong balak sabihin sa kanila na alam ko na sapagkat gusto ko malaman ang lahat; simula sa pinag-mulan nito hanggang sa anong koneksyon ni Zadie sa sumpa. Arias, Iean, Kristy, nagta-taka ako kung suno ang maaring sumunod sa kanila pero kung ako ang ta-tanungin ay gusto ko na itong matigil. Ayoko na itong mag-patuloy pa, gusto ko mamuhay kami ng payapa at makapag-tapos na hindi na nababawasan pa. Ngunit sa tingin ko ay hindi pa rin ito mata-tapos, sa tingin ko ay matagal pa ito mata-tapos. Nagulat naman ako ng biglang may nahulog sa harap ko kaya ay napatingin ako rito. Only to see Kath busy collecting her things that fell on the ground. “Tulungan na kita,”sabi ko at kukunin na sana ang isang envelope na may naka-sulat na ‘Confidential’ ngunit bigla naman hinawakan ni Kath ang kamay ko at tinignan ako ng seryoso. “Kaya ko na,”malamig na sabi nito. Napa-atras nalang ako at bumalik sa aking upuan. Anong nangyayari sa babaeng ‘yan? Sinaniban na naman yata ng ka-abnormalan, kanina ko pa napa-pansin ang pag-ganiyan niya. Napa-tingin naman ako sa dalawa ko pang kaibigan at nakita ang mga ito na nagta-takang naka-tingin sa kay Kath. Nakita ko rin ang bahagyang pagkunot-noo ni Amani. Ilang sandali pa ay tumayo na ito atsaka umayos ng upo. Hindi ko maiwasan na hindi ma-curious sa envelope na iyon, tila kasi may nag-u-udyok sa akin na buksan iyon at basahin. Alam ko naman na masama itong ini-isip ko ngunit hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na ‘wag ma-curious sa laman non. Lumipas ang ilang minuto ay pumasok na ang Research Computing Teacher namin. Sobrang Strikta nito at sobrang nakaka-high blood, lalong lalo na ang kilay nito na on fleek. Ang pinaka-iniinisan ko sa guro na ito ay sa tuwing meeting namin ay mayroon kaming revisions. Binigay at sinunod na nga namin ang lahat na gusto niya ngunit hindi pa rin tama. “Okay Class, take your seat,”sabi nito atsaka sinenyasan kami umupo, sumunod naman kami sa kaniya at nakinig sa kaniyang discussions. “Ano nga ulit ‘yong dapat niyon ipasa today?” Tanong nito, tumaas naman ang kilay ko sa tanong nito at napa-hilamos sa mukha. Pati dapat e-sumite ngayon ay hindi nito alam? “Delivarables? Oh right!” Ulit nito nang sinagot ito ni Celestial. “Extended ‘yan hanggang next Tuesday,”anunsiyo nito, bigla naman nag-hiyawan ang mga kaklase ko at lumapad naman ang ngiti ko. Sa katunayan lang ay hindi ko pa iyon napo-proof read kung kaya ay hindi pa ako ganoon ka confident sa nagawa kong part ngunit ngayon na extended na ay maari ko na ‘yong gawin. “But, you for this week you need to submit a Infomercial Video,”anunsiyo nito ulit. What the fck?! Akala ko makakapag-pahinga ako this week sa research ngunit mas lalo yata akong mahihirapan this week. “By Group miss?” Tanong ng isa kong kaklase. “No, as a class.” Tugon nito atsaka nag-simulang magsulat sa board. “You need to make a video about maximizing the use of ICT if there is a pandemic,”dugtong nito. May isinulat naman ito na mga list of topics at iyon daw ang babasehan namin. “That would be all, if ang outcome ng video ay panget,”she said and smiled, “Then expect it sa grades niyo rin,”dugtong nito bago tuluyan na lumabas ng Classroom. Sabay-sabay naman na nag-reklamo ang mga ito ng makalabas na si Miss. “Yes miss?”biro ni Dave kung kaya ay umayos ng upo silang lahat at napa-tingin sa pinto namu-mutla. “Just kidding!” Sigaw ni Dave kung kaya ay naka-tikim ito ng sapul sa noo sapagkat tinapunan siya ng mga ito ng kanilang mga scratch paper. “Your joke is lame,”sigaw ni Sing, “Just like you,”segunda naman ni Adam. Inasar naman ito ng iba ko pang kaklase ngunit tinawanan lang ito ng malakas ni Dave. Napa-iling nalang ako, “Form a circle,”anunsiyo ni Celestial at tumayo sa harap. “We need to discuss about the Infomercial,” sabi ni Celestial atsaka lumapit sa gitna. Unti-unti naman gumalaw ang mga kaklase ko at formed a huge circle. Natawa kaming lahat ng hindi man lang pina-pasingit ng mga kaklase ko si Dave kung kaya ay agad itong nag-tampo at umupo sa gitna ng bilog. Umi-iling na nilapitan naman ito ni Adam at hinawakan sa tenga sabay hila papunta isang bakanteng upuan. “Aray naman!” Reklamo nito, “Buti nga sa’yo,”sigaw naman ni Jean Joy. “Okay, take your seats now,”sabi ni Celestial. Agad naman kaming pumwesto lahat at seryosong humarap kay Celestial na nakatingin sa aming lahat. “There are 5 topics that we can choose,”she said, “What is your plan in deciding the topic?” Tanong niya sa amin. Tahimik lang akong ino-obserbahan ang mga ito ng biglang nag-taas ng kamay si Dave ngunit hindi ito pinansin ni Celestial. “This is not a joke,”sabi nito kaya ay ni-lingon ito ni Celestial at tinaasan ng kilay. “Just ask them what they want,” sabi nito, “Simple as that,”dugtong nito at ngumiti. Tumango naman itong Celestial at sinunod ang suhestiyon ng kaklase namin na baliw. “What do you think Guys?” Tanong nito.  Hindi ba at masiyadong magulo kapag ganoon? Kasi kung isa -isa pa kami na magsa-sabi ng gagawin namin ay talagang mata-tagalan kami at kina-kalailangan pa na manual na i-tally ‘yong na pag-botohan. Atsaka hindi ba at may poll naman ang messenger? Kung iyon nalang kaya ang gagamitin namin? Tama! Itinaas ko naman ang kamay ko at napa-tingin naman ang mga ito sa akin, “What’s your suggestion Calix?” Tanong ni Celestial habang nakatingin sa akin ng deretso. Tumayo naman ako at ngumiti sa kaniya, “How about we use the poll system of Messenger?” Sabi ko, “Sa pagka-kaalam ko ay mas Mabuti iyon sapagkat mas madali natin malalaman ang resulta,”dugtong ko. “If we are going to, let’s just say,”paliwanag ko, “You ask them what they want, isn’t it too inconvenient?” Tanong ko rito. Tumango naman ang mga kaklase ko at ganoon din si Celestial na tila napapa-isip pa. “We need the result now, so dapat din na mag-hanap tayo ng tamang material na pwedeng gamitin. Hindi ba?” Tanong ko. Tumango naman ang lahat kung kaya ay umupo na ako atsaka nakinig na. “Kung sabagay, lahat naman siguro ay dala-dala ang kanilang mga cellphones?” Tanong nito sabay labas ng kaniyang cellphone at tila may gina-gawa rito. “I created a poll, just answer it in accord to the topic that you wanted,”dugtong nito bago umupo sa tabi nila Sing. Kinuha ko na ang cellphone ko at binuksan ang data.  I opened the messenger only to see the poll that has too many votes already, at leading ang Mental Awareness. Kung sabagay, isa na ‘yong pandemic at lahat ng tao ay mananatili sa bahay. Iyong mga tao na guma-gala upang makawala sa problema sa kanilang bahay ay hindi na makaka-alis sapagkat mayroong malaking tantsya na madakip ito ng mga awtoridad. Isa pa, sa oras ng pandemic ay maaring napakaraming problema ang magsu-sulputan ngunit walang magagawa ang mga ito sapagkat hindi naman ito pwede makapa-unwind. Pinindot ko na ang Vote Poll atsaka pinili ang Mental Awareness. May idea na rin ako na gagawin kapag ito ang napili. “4 more of you haven’t voted yet,”anunsiyo ni Celestial pagkatapos nitong bilangin ang mga taong bumoto. “Done,”sigaw ni Kath atsaka napa-kamot sa ulo. Bigla naman na tumayo itong si Celestial at pumunta sa gitna. “As you can see, Ang mental awareness ang mas lamang sa botohan,” anunsiyo nito, “Which means, Ito na ‘yong topic na gagawan natin ng video,”paliwanag nito. “I am going to make a script tonight,”she said, “And also, I will assign each one of you sa isang task,” “Kapag wala kayong ginawa ay hindi ko kayo isa-Sali sa credits ng videos, are we clear?” Tanong nito. Sumang-ayon naman kami atsaka kami dinis-miss. “Ano plano?” Tanong ni Amani. “Uuwi ako maaga,”sabi ni Kath atsaka tuluyan ng umalis. “Anong nangyari sa isang ‘yon?” Tanong ni Kath ngunit nag-kibit balikat lang ako at kinuha ang mga gamit ko.  “uuwi rin ako maaga, kailangan ko mag-pahinga,”pa-alam ko. Tumango naman ito atsaka umalis na ako at umuwi na sa bahay. Nang makarating na ako ay agad akong nag-tungo sa taas at kahit pagod na pagod ang aking katawan ay pinilit ko mag-tungo sa cr upang makapag-half bath at matulog na. Pagkatapos kong maligo ay sakto naman ang pag-post ni Celestial ng mga assigned task namin. Ako ‘yong naka-assign ng isang babaeng na-trauma kung kaya ay nag-tungo na ako sa drawer ko at kinuha ang mga damit ko na pwede kong dalhin bukas para sa shooting. Pagkatapos ay inilagay ko ito sa gilid ng bag ko upang hindi makalimutan.  Malapit na rin ako matapos, magtu-tulog na talaga ako pagkatapos kong ma-ready lahat ng dadalhin ko. Hindi naman nag-tagal at natapos na rin ako. Agad akong tumalon sa kama ko at kinuha ang unan ko at natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD