Chapter 33

2567 Words
Tulala pa rin ako na naka-tayo rito sa gilid ng locker, gulat na nalaman ang lahat ng 'yon. Hindi ko ina-asahan na ganoon kababa ang tingin ng mga tao sa amin. Kasalanan ba namin na nagkaroon ng sumpa ang seksyon namin? Oo nagpa-panggap pa rin ako hanggang ngayon na tila wala akong alam patungkol sa sumpa sa seksyon namin sapagkat hindi ko naman talaga alam ang buong impormasyon tungkol dito. Ang tanging alam ko lang ay mayroong sumpa ang seksyon namin pero hindi ko alam kung paano, bakit, at kung ano-ano pa. Kahit sila lola at Lea ay hindi alam ang totoong rason sa likod ng sumpa na ito kung kaya ay hihintayin ko na sila na mismo ang magsabi sa totoo. "Calix," napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita si Kath na nag-aalalang naka-tingin sa akin habang naka-hawak sa balika ko. "Bakit?" Tanong ko rito at umayos ng tayo. Bumitaw naman ito sa pagkaka-hawak sa akin at ngumiti. "Pasensya ka na at hindi namin sinabi sa'yo," sabi ni Kath at malungkot na tumingin sa akin, ngumiti lang ako sa kaniya atsaka kinuha ang mga gamit ko ng makapag-bihis na. "Hindi naman kasi namin ine-expect na dadating kayo sa punto na magkaka-sigawan na," nito sabay sandal sa locker, patuloy lang ako sa pag-labas ng su-suotin ko na damit at hinarap din ito pagkatapos. "Okay lang nai-intindihan ko naman,"tugon ko at ngumiti sa kaniya, "Magbi-bihis na muna ako," paalam ko rito. Tumango naman ito at sinabing susunod nalang daw sila sa'kin. Agad na akong lumabas ng dance room, bumungad naman sa akin ang sobrang ingay na hallway at ang mga first year na abala sa paghi-hintay ng attendance ng org ng department namin. Nag-patuloy lang ako sa paglalakad at nakita na ang ibang rooms sa floor na ito ay naka-bukas. May kaniya-kaniyang booth at stall ang mga estudyante rito. Bigla naman nahagip ng mata ko ang isang food stall na kung saan nagti-tinda ng korean street food. Shit! Sana pala dinala ko wallet ko. Nagla-laway lang akong nakatitig dito hanggang sa makarating ako sa CR. Pumasok na ako agad at naghanap ng bakanteng cubicle, at hindi naman ako nabigo at walang tao sa pinaka-dulo nito. Sinarado ko na ang pinto at nagsimula na akong maghubad ng damit at nagbihis, pagkatapos ay lumabas na ako at nakita ang mahabang pila ng mga babae na naghi-hintay magka-bakante ang isang cubicle. Napansin ko naman na may isang babaeng nakatitig sa akin na tila ba ako'y hinu-husgahan ngunit isinawalang bahala ko nalang ito at pumunta sa harap ng malaking salamin dito sa CR. Tinupi ko na muna ang suot-suot ko kanina atsaka inayos ang aking buhok bago naisipan na lumabas at bumalik sa Dance room, ngunit bago pa ako makarating roon ay siya naman ang paglabas ng dalawa ko na kaibigan dala-dala ang napag-usapan na su-suotin mamaya. "Tapos ka na?" Tanong ni Amani habang tina-takpan ang namu-mugto nitong mga mata. "Oo," sagot ko rito, tumango naman siya at napa-tingin sa kaniyang paligid. "Nakaka-hiya, ang daming tao tapos mugto pa mata ko,"ani ni Amani atsaka yumuko, natawa naman kami ni Kath sa inasal niya at napa-iling nalang. Natawa naman ako ng biglang hilahin pababa ni Kath ang kamay na naka-takip sa mukha nito habang si Amani naman ay ipinikit ang kaniyang mga mata at ini-iwas ang tingin. "Huwag mo itago,"sabi ni Kath habang hawak-hawak pa rin ang dalawang kamay ni Amani. "Kathyang, kapag ako maka-ganti sa'yo,"banta nito, "Makikita mo talaga,"dugtong nito atsaka hinila ng pwersa ang kamay nito. "Asar talo,"sabi ni Kath. "Oo nga pala, bihis na kayo,"sabi ko sa dalawa at bahagya itong tinulak, "Malapit na 3:30, lagot na naman tayo sa President natin,"dugtong ko. "Oo na,"sabi ni Kath. "Hintayin mo kami ah?" Sambit naman ni Amani na tinanguan ko lang bilang sagot. Tumalikod na ang dalawa at nag-simula ng mag-lakas papuntang CR, umiiling na pumasok ako sa Dance Room. "Boo!" "Ay yawa!" Gulat na sigaw ko at hinampas si Dave. "Ano trip mo?" Inis na tanong ko rito at  nag-tungo sa locker upang ilagay sa bag itong mga gamit ko. "Wala lang,"nata-tawa nitong sabi, hinarap ko naman ito atsaka sinuntok sa braso. "Babae ka ba talaga?" Tanong nito habang naka-ngiwi na hina-haplos ang natamaan ng suntok. Buti nga sa'yo. "Halata naman diba?" Inis na tanong ko rito at padabog na sinarado ang locker. "Ano ba kasi ang kailangan mo?" Tanong ko, "Wala, gusto ko lang itanong kung bakit mugto ang mga mata ng mga tao na nandito,"tugon niya at napa-kamot sa ulo. Teka? Wala ba 'to kanina? Bakit wala yata itong alam sa mga nangyayari? "Wala ka kanina?" Tanong ko "Kakarating ko lang,"sagot nito. Kaya naman pala wala itong alam sa mga nangyayari ay sa kadahilanan na late itong dumating. "Sana lahat, late,"sabi ko at umupo sa bakanteng upuan na malapit sa akin. Sumunod naman ito habang kamot-kamot ang kaniya ulo. May kuto ba 'tong lalaking 'to? "May ginawa lang sa bahay,"paliwanag nito. I didn't ask. "Nawalan na naman tayo ng kaklase,"sabi ko at tinignan ito sa mata. Kita ko naman ang labis na pagtataka sa mukha nito at sumandal sa lamesa na nasa harap ko. "Anong ibig mo sabihin?" Tanong nito. "Kristy is dead,"sabi ko atsaka umiwas ng tingin. Gulat na napa-atras naman ito at seryosong napa-titig sa akin, "Hindi magandang biro 'yan, Calix,"ani nito na hindi maka-paniwala. "Bakit ko naman gagawing biro ang pagka-matay ng isang tao?" Tanong ko atsaka napa-buntong hininga. Hindi ako nasisiraan ng bait para gawing biro ang pagkamatay ng isang tao. Masiyadong below the belt na iyang joke na ganiyan. "Isa pa,"sabi ko atsaka yumuko, "Bakit naman magiging ganiyan ang hitsura ng mga kaklase natin kung nagbibiro lang ako?" Paliwanag ko sa kaniya. Nagulat naman ako ng bigla itong napa-upo sa sahig at tulalang naka-titig sa sahig. "Panibago na naman?" Tanong nito ngunit hindi na akong nag-abala pa na sagutin siya. Oo, panibago na naman. Panibagong estudyante na naman ang namatay dahil sa sumpa ng klase na ito. Panibagong inosenteng estudyante na naman ang namatay dahil lang sa isang sumpa na hindi ko alam kung paano nagkaroon. Hihintayin ko ang araw na kung saan malalaman ko ang buong katotohanan patungkol sa mga nangyayari, hindi ko hahayaan na makapag-tapos ako rito na walang nalalaman. Lalapitan ko na sana si Dave ng biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang mga kaibigan ko na kasama si Zaria na sobrang lapad ang ngiti. Napa-tingin naman ito sa banda ko at kumaway ngunit napalitan ito ng pagtataka nang makita nito ang naka-upo na Dave sa sahig. "Oy Dave, rejected ka ba ni Calix?" Sabi ni Amani at tumawa ngunit hindi lang umimik si Dave at napansin ko ang pagtaas-baba ng kaniyang mga balikat. Umiiyak siya, paano nalang kaya kapag nalaman na ito ni Zaria? Natahimik naman si Amani at napa-iwas ng tingin ng maintindihan nito ang nangyayari. "Okay ka lang Dave?" Tanong ni Zaria atsaka lumuhod upang maging pantay kay Dave. Ngunit umiling lang ito at tinignan si Zaria, "Paano ako magiging Okay kung isa na naman sa atin ang nawala?" Paliwanag niya at tuluyan ng umiyak. Oo nakaka-panibago na isang lalaki ay umiiyak sa harap ng isang babae ngunit nai-intidihan ko naman ang sitwasyon. "Ikaw? Bakit okay lang yata sa'yo?" Tanong ulit nito kay Zaria, napatingin naman ako sa kaibigan ko na naguguluhan na naka-tingin sa kaniya. "Anong ibig mo sabihin?" Tanong ni Zaria at nagu-guluhan na napa-tingin sa amin ngunit kaniya-kaniya kami ma umiwas ng tingin at pini-pigilan ang pag-patak ng mga luha. Okay na e', tumigil na kami pero bakit ang sakit talaga maalala na unti-unti kami nababawasan. Bawat araw na lumipas ay paunti-unti nalang kami na natitira. "Kath? Amani? Calix?" Tawag nito sa amin na nagba-baka sakali na sagutin ang kaniyang katanungan. "Ano ang nangyayari?" Tanong nito. "Kristy is dead,"mahinang sabi ni Amani atsaka yumakap kay Kath at ibinaon sa balikat nito ang kaniyang mukha. "What?" Tanong nito na may halong gulat at naguguluhan na expresyon sa mukha. "The hospital said that Kristy is dead,"sabi ko at napa-yuko. Narinig ko pa ang pag-singhap ni Zaria na halata sa mukha nito ang pagka-gulat. "W-what? H-how?" Naguguluhan nitong tanong at napa-tingin sa akin. "Iyan ang hindi namin alam,"sabi ko. "That's nonsense! Dahil sa Diarrhea ay namatay na ito? Impossible!" Halos pasigaw na sabi nito at napa-tayo. "I know. Na-isip ko na rin 'yan,"sabi ko atsaka napatingin kay Dave na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin na naka-upo sa sahig. "Wala ba siyang Autopsy or Something?" Tanong nito ngunit umiling lang ako at nag-kibit balikat. May ita-tanong pa sana siya ng pumasok bigla si Celestial at seryosong napa-tingin sa amin lahat. "Everyone,"tawag pansin nito sa amin, "Are you ready?" Tanong nito at pumalakpak pa ng dalawang beses. "If you are ready then proceed now to AVR," sabi nito, "We will begin our program shortly," anunsiyo nito atsaka lumabas na ng Dance Room. Napa-tingin naman ako kay Dave ng bigla itong tumayo at lumabas. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay close rin si Kristy at si Dave kung kaya ganoon na rin ang pag-iyak nito. "Tara na,"aya ni Kath. Sumunod naman kami sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng Dance Room at nag-tungo sa AVR. Ilang saglit pa ay umupo na kami rito sa backstage at kina-kabahan na naghi-hintay sa oras na kami at tawagin. "Baka magka-mali ako,"sabi ni Amani habang naka-hawak sa dibdib nito. Halata sa kaniyang mukha na sobra itong kabado pero hindi ko ma-pigilan ang sarili ko na hindi matawa sapagkat muka itong natatae. Bahagya naman akong nagulat ng bigla nitong hawakan ang dalawa kong kamay na nasa ibabaw ng hita ko. May ref ba dito? Bakit ang lamig naman ng kamay ng babaeng 'to. "Hoy, kumalma ka nga,"saway ko rito atsaka hinawakan ang dalawang balikat nito. "Breathe in,  Breathe out,"sabi ko at sinunod naman nito. Nasa ganoong sitwasyon lang kami ng biglang lumapit si Kath at hinawakan ang kamay ko na nasa balikat ni Amani. Isa pa 'tong babaeng 'to, kina-kabahan din ba siya? Nakaka-loka, siya itong lead dancer pero isa rin ito sa kabado. "Hoy, kayong dalawa bakit ba kayo ganiyan?" Tanong ko. "Baka kasi magka-mali tayo, Grades to e',"ani ni Kath atsaka bumuntong hininga. "Hindi tayo magkaka-mali, ang kailangan niyo lang ay kumalma,"sabi ko atsaka kumuha ng dalawang bottled water at ibinigay sa kanila. "Eto, uminom na muna kayo ng tubig at breathing exercise,"sabi ko atsaka tumayo na upang tignan ang nangyayari sa stage. Nang mapa-tingin ako sa Audience ay bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita na sobrang dami pala nila. Sobrang dami pala ng CCS students! Bakit hindi ko 'to alam?! Medyo nakaramdam ako ng lamig ngunit agad din itong nawala ng makita ko si Jake at Zadie na naka-upo sa pinaka-sulo ng hall na 'to at tila ba sila ay naguusap-usap. May connection ba ang dalawa na 'to? Akala ko ba hindi pwede na pansinin itong si Zadie ngunit bakit hindi rin sinu-sunod ni Jake ang rules ng Classroom? Hindi kaya, sa kadahilanan na hindi pa rin tumi-tigil ang sumpa ay dahil kay Jake? "Calix, tara na!" Nagulat naman ako ng bigla akong hinila ni Kath at dinala sa harap ng stage. Hindi ko namalayan na kami na pala ang tinawag. Pumwesto na ako sa harap at umayos ng tayo. "Let's give a round of applause to 3rd Year section A!" Anunsiyo ng MC atsaka tumugtog ang music namin at nag-simula na kaming sumayaw Lumipas ang limang minuto ay natapos na rin kami at nag-tungo na sa backstage. Thank God! Wala naman kami mali at smooth naman ang takbo ng buong dance choreo namin. Ngunit habang ako ay suma-sayaw, hindi ko ma-pigilan ang sarili ko na mapa-tingin sa dalawang tahimik na tao sa classroom na nakilala ko. Masinsinan itong nag-uusap at tila ba may pinag-aawayan. Gusto ko man iyon malaman ngunit masiyadong weirdo si Jake para sa akin habang dapat naman iwasan si Zadie. Pagkatapos ay na uminom na kami ng tubig dito sa backstage at pinag-uusapan ang sayaw namin kanina. "Sa tingin ko flat 1.0 na 'yon,"sabi ni Harold at tumawa ng malakas. "Mag dilang anghel ka sana,"sagot naman ni Daisy atsaka nakipag-groupfie sa iba namin na mga kaklase. "Panigurado 'yan, tiwala lang,"tugon nito. Napa-iling nalang ako at napatingin sa dalawa ko na kaibigan na parang pinagbagsakan ng langit atsaka lupa. "Feeling ko talaga nagka-mali ako sa steps na ganito,"ani ni Kath atsaka isinayaw ang steps. "Hindi naman, nakita ko sakto lang naman 'yong steps mo,"tugon naman ni Amani atsaka uminom ng tubig. "Feeler lang ba ako?" Tanong ni Kath at  umupo. "Now mo lang knows?" Sabi ni Amani at tumawa ng malakas, hinampas naman siya nito ng bottle ng tubig niya kanina "Aray naman," reklamo ni Amani. "You deserve that,"sabi ni Kath at umirap. "Calix, nandiyan ba si Calix?" Tanong ng kaka-pasok ko lang na kaklase. "Bakit?" Tanong ko at tumayo. "May nagha-hanap sa'yo,"sabi nito. May nagha-hanap sa'kin? Sino naman? Wala naman akong ka-kilala rito. "Sino?" Tanong ko at lumapit sa kaniya. "Hindi ko rin alam e'," sabi nito, "Pero dalawa itong lalaki na naka-suot ng itim na leather jacket,"sabi nito. Napa-tigil naman ako sa pagla-lakad at gulat na napa-tingin sa kaniya. "Baka kidnap 'to?" Tanong ko. Binatukan naman ako nito, kaya at napa-tawa nalang ako ng malakas. "Sa loob talaga ng school?"  Napa-iling nalang ako na lumabas ng AVR at nakita ang dalawang lalaki na nag-uusap sa gilid. "Excuse me, sir's?" Tawag pansin ko sa kanila. Napa-lingon naman ito sa akin, "Are you Calixta?" Tanong ng isang lalaki na may hawak-hawak na notebook. "Yes po," sagot ko. May inilabas naman itong isang mukhang wallet at nakita roon ang license na isa itong police. Police? Anong kailangan ng police sa'kin? "We are police officer's and kami 'yong naatasan para imbestigahan ang pagkamatay ng iyong kaklase,"paliwanag nito. "Maari ba kami na mag-tanong?" Tumango naman ako. Buti nalang at mayroong imbestigasyon itong pagkamatay ni Kristy at hindi isang malaking tanong ang lahat. Sana naman pagkatapos nito ay magkaroon na kami ng sagot sa lahat. "Dito tayo," aya nila sa isang tabi sa hallway na malapit lang sa pinto ng AVR. "Na-alala mo ba ang nangyari noong bago ito mahimatay?" Tanong nito. Tumango naman ako at kwenento sa kanila ang buong pangyayari sa oras na iyon. "Ang ibig mong sabihin ay bago pa kayo magsimula ay masama na talaga ang pakiramdam niya?" Tanong nito. "Opo, tumulong lang po ako sa kaniya kasi mukhang hindi niya kaya pumunta sa CR na siya lang po mag-isa," sabi ko, na isinulat naman ito sa dala-dala nitong notebook. "Ganoon ba," tugon nito, " Salamat sa oras mo," sabi nito at aalis na sana ngunit pinigilan ko ito. "Teka po," pigil ko sa kanila, "Maari po ba na kapag alam niyo na ang dahilan ng pagka-matay nito ay sabihan niyo po ako?" Tanong ko. "Huwag ka mag-alala, sasabihan kita agad," sabi nito at ngumiti bago tuluyan ng umalis. Napa-ngiti naman ako atsaka bumalik na sa loob ng AVR. Kristy, malalaman din namin kung ano ang dahilan ng pagkamatay mo. Hindi ko alam kung bakit tanging ikaw lang ang naisipan nilang imbestigahan habang 'yong iba natin na kaklase ay parang wala lang. Pagka-pasok ko ay bumungad naman sa akin ang madilim na AVR at tanging sa stage lang nito ang may ilaw. Napa-tingin naman ako sa likod ngunit labis ang pagka-dismaya ko ng makita ko na wala na ang mga ito rito. Nasaan na kaya sila? Iniwas ko nalang ang tingin ko at nag-tungo na sa backstage at nakita ang nagra-rambulan na sina Kath at Amani. "Shunga ka kasi,"ani ni Kath atsaka hinampas ng bottled water. Gaganti sana si Amani ngunit nakita ako nito at agad na lumapit. "Sino raw 'yong nagha-hanap sa'yo?" Tanong nito, "Asus, hindi ko sinasabi na may manliligaw ka pala,"dugtong nito atsaka sinundot ang tagiliran ko. "Stop!" Natatawa kong sabi atsaka tinulak ito ng bahagya. "Shunga! Police lang 'yon!" Tugon ko at umupo sa bakanteng space dito. "Police? Bakit? May krimen ka bang nagawa?" Gulat na tanong nito, agad ko naman itong binatukan at sinamaan ng tingin. "Anong akala mo sa'kin?" Tanong ko. "Masamang tao." Dugtong ni Kath. "Last ka nalang,"sabi ko atsaka inirapan ito. "Pero seryoso bakit?" Tanong ni Amani at umupo sa tabi ko. "Ini-imbestigahan nila ang pagkamatay ni Kristy,"paliwanag ko, na-tahimik naman ang dalawa at umiwas na ng tingin. Anong nangyari sa dalawang 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD