Chapter 32

2661 Words
“Calix, may kailangan ka pa ba?” Tanong ni Lea atsaka hinalungkat ang drawer ko at kumuha ng towels atsaka extra-shirt. Napa-iling nalang ako sa inasal niya na tila ba mas nataranta pa ito kaysa sa akin. “Kumalma ka nga,” sabi ko atsaka nata-tawa na kinuha ang backpack na pagla-lagyan ko ng mga gamit ko. Pagkatapos ay lumapit ako sa isa sa mga cabinet na naririto sa kwarto atsaka kinuha ang wallet na nasa ibabaw nito. “Baka may makalimutan ka,”sambit nito atsaka kunot-noong tumitig sa akin habang nakalagay ang kaniyang mga kamay sa gilid ng kaniyang tiyan. “Ni-lista ko na lahat ng kina-kailangan ko,” tugon ko atsaka bumalik sa pinag-lagyan ko ng bag at inisilid na roon ang kinuha ko na wallet, “Isa pa kanina mo pa paulit-ulit na tsine-check iyang notes ko,”dugtong ko atsaka napa-iling. “Paano ba naman kasi,” sabi nito atsaka umupo sa higaan ko, “Baka matulad na naman iyan sa laptop mo.” “Hindi na ‘yan,”sabi ko atsaka ipinasok na sa bag ang mga nakalatag na mga gamit sa higaan ko. “Mukhang ikaw ‘yong kina-kabahan para sa’kin ah,”tugon ko sa kaniya at napa-ngiti nalang. Alam ko naman na gusto niya lang na masigurado ko na wala akong kinalimutan sa mga dapat kong dadalhin pero masiyado naman yatang exaggerated itong babaeng ito. “Paano ba naman kasi event ‘yan ng department niyo eh,”tugon nito at tumalikod sa akin. Tinigil ko na muna ang ginagawa ko at lumapit sa kaniya, “Paano ma-stress?” Tanong ko at ngumiti ng mapang-asar. Tinulak naman niya ako atsaka inirapan, “Tabi ka nga,” sambit nito atsaka naglakad papunta sa bintana ng kwarto ko. “Hindi ka ba male-late sa event niyo?” Tanong nito at umiling naman ako bilang sagot. 1 pm pa ‘yong napag-usapan na dapat naroroon na kami sa dance room pero panigurado 2 pm na dadating ang mga ‘yon. Filipino time ika nga nila. Ang sa pagkaka-alam ko ay umaga ang event ng whole school habang sa hapon naman ang event ng bawat department sa kani-kanilang building. Bandang 1 pm hanggang 3 pm ay mayroong pa-laro ang department namin atsaka iyong iba’t-ibang contests, pagsapit naman ng 3:30 ay magsi-simula na ang main event sa AVR ng building namin na kung saan kami magpe-present. “Mamayang hapon pa ‘yon,”tugon ko atsaka bumalik sa page-empake ng mga kina-kailangan kong gamit. “Oo ng apala sabi ni Madam pagkatapos mo raw riyan pumunta ka sa kwarto niya,”tugon nito ng ma-alala ang inutos ni lola sa kaniya, napa-iling nalang ako bago tumango. “Baka allowance mo na naman ‘yon for next month,”sambit nito at humarap sa akin, “Siguro,”tugon ko rito. Namayani naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, hindi na ako nag-abala pa na pansinin ito at pinag-patuloy nalang ang ginagawa ko. Ilang sandali pa ay natapos na rin ako atsaka ko naisipan na kumuha ng tuwalya at maligo, nagpa-alam na muna ako kay Lea at nag-tungo na sa CR. Hindi naman ganoon katagal at natapos na rin ako sa pagli-ligo, lumabas na ako sa banyo at bumalik sa kwarto upang mag-bihis at nang maka-pasok ako ay malinis na ito at wala ng Lea sa loob. Nagsimula na akong mag-bihis at lumabas na rin pagkatapos upang kumain ng pananghalian. Nang makarating ako sa kusina ay wala sila Lola o kahit si Lea, napatingin naman ako sa lamesa at nakitang walang kahit anong pagkain na naka-lagay rito kung kaya ay lumapit ako sa ref at binuksan ito. Maglu-luto nalang ako. Bigla ko naman naalala na magpa-pancake ako ngayon. Isinarado ko na ang ref at kinuha ang naka-tagong pancake mix sa isang cabinet dito sa kusina, kumuha rin ako ng measuring cup atsaka isang bowl na kung saan ko e-mi-mix itong mga ingredients.  Inikot ko naman ang lalagyan ng pancake mix at nakita roon ang instructions. So ang pinaka-mababang measure lang ay 1 cup? Siguro ito nalang, wala naman sigurong sobra hindi ba? Na-hagip naman ng mga mata ko ang number of servings ng 1 cup at nakitang makaka-gawa ako ng limang regular pancake kaso large pancakes gusto ko eh, kaya baka dalawa lang ang maga-gawa ko. Iniligay ko na sa measuring cup ang pancake mix at tsaka itinantsya na 1 cup lang dapat, at pagkatapos ay inilagay ko na ito sa bowl at kumuha ng tubig atsaka hinalo na ito. Ilang sandali pa ay natunaw na rin ang pancake mix at sticky na ang liquid nito kaya ay iniligay ko muna ito sa isang tabi at nag-hintay ng dalawang minuto. Pagkatapos ay kumuha na ako ng paglu-lutoan ko at inilagay ito sa stove. “Ano nilu-luto mo?” Napa-lingon naman ako sa nagta-tanong at nakita si lola na kaka-pasok lang sa kusina, “Pancake po, cravings,”sagot ko atsaka ngumiti bago ibinalik ang atensyon ko sa aking nilu-luto. “Ganoon ba,”tugon nito atsaka kumuha ng tasa at nag-timpla ng kape, “Oo nga po pala lola,”sabi ko habang naka-talikod sa kaniya at binaliktad ang pancake na niluluto ko ng makita ko itong kulay brown na. “Bakit mo ng apala ako pina-patawag?” Tanong ko rito, narinig ko naman ang tunog ng isang papel na pinunit kung kaya ay napa-lingon ako rito at kunot noong tinapon ang dyaryong pinunit niya. May problema si lola? “Heto,”seryosong sabi nito atsaka ini-lahad ang isang envelope na may naka-sulat na allowance. Mukhang mangku-kulam si Lea ah? She guessed it right. “Salamat po, lola,”sambit ko ngunit tumalikod lang ito at nag-patuloy sa paglalakad. “Okay ka lang po ba?” Tanong ko rito bago tuluyan itong maka-labas ng Kusina. “Hindi,”tugon nito at bahagyang tumingin sa gilid, “Nagsi-simula na naman sila,”dugtong nito at tuluyan ng umalis. Nagsisimula na naman sila? Sino? At anong connect noon sa dyaryo na pinunit nito? Nagta-taka akong bumalik sa may stove at kinuha ang mga pancakes na naluto ko. Kinuha ko na muna ang syrup atsaka umupo sa dining table at nagsimulang kumain. Malapit na akong matapos ng biglang pumasok si Lea at napa-ngiti noong makita ang envelope na nasa lamesa. “Sabi ko sa’yo e’,”tugon nito atsaka lumapit sa akin. “Kanina pa ‘yan nagri-ring,”sabi nito  atsaka inilapag sa lamesa ang cellphone ko, agad ko naman itong kinuha at nakita na si Amani pala ito. Agad ko naman itong sinagot at nagulat nalang ako ng makarinig ako ng pag-iyak mula sa kabila. “Anong nangyari?” Tanong ko at bigla nalang nakaramdam ng kaba. Anong nagyayari? May nangyari ba sa unibersidad habang wala ako?  “Si Kristy,”sabi nito habang humi-hikbi. “bakit?” Tanong ko rito atsaka tumayo sa pagkaka-upo at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto ko. “Wala na si Kristy,”dugtong nito atsaka umiyak ng sobrang lakas.  Napa-atras naman ako sa kinatatayuan ko at sa kabutihang palad ay na-tumba ako sa malambot kong kama.  Paano? Hindi ko talaga maintindihan paano siya namatay? Diarrhea lang ‘yon hindi ba? Possible ba na mamatay ang isang tao dahil lang doon? Hindi naman siguro, napaka-impossible naman yata ng dahil lang sa diarrhea ay pwede na itong bawian ng buhay. Hindi ko na pansin ang pag-tulo ng mga luha ko, tulala lang ako habang hawak-hawak ang cellphone sa tenga ko. Hindi ko pa rin matanggap ang balita na isinawalat sa akin, hindi pa rin ako maka-paniwala na pagkatapos ni Iean ay sumunod naman itong kaibigan niya agad. Ano ba! Kailan ba titigil itong sumpa na ‘to? Ilang studyante pa ba ang kina-kailangan mamatay upang masawalang bisa ito? “Hindi namin alam kung ano ang dahilan,”sambit nito, “Ayon sa doctor ay wala naman daw itong ibang sakit, kaya labis isang misteryo ang pagkamatay ni Kristy,” “Hindi ba nila ito inimbestigahan?” Tanong ko, “Hindi ko pa alam, mas Mabuti pa pumunta ka na rito at kailangan natin mag-usap ninyong lahat,”suhestiyon nito at narinig ko pa ang pag-singhot nito sa kabilang linya. “Ilan na kayo riyan?” Tanong ko, “Apat pa lang, agad akong pumunta rito ng maka-tanggap ako ng tawag galing kay Kath,” paliwanag niya kung kaya ay nagpa-alam na ako atsaka sinabing aalis na ako. Agad ko naman kinuha ang mga bag ko atsaka lumabas. Nag-tungo na muna ako sa kwarto ni lola upang magpa-alam ngunit kitang-kita ko mula sa pintuan ang naka-kunot nitong noo habang naka-tingin sa isang papel na hawak-hawak nito. Ano kaya mayroon? Umalis nalang ako roon at nag-tungo kay lolo atsaka nagpa-alam, “Ingat ka Apo,”pa-alala ni lolo atsaka yinakap ako. Tumango lang ako atsaka nagtungo na sa baba at kinuha ang susi ng motorsiklo ko at lumabas na. Lumipas ang ilang araw simula noong magka-usap kami ni lolo ay tila tumi-tino na ito ngunit may ilang gabi pa rin na umiiyak nalang ito habang yakap-yakap ang picture frame na may larawan nila mama, papa at tita. Sumakay na ako sa motorsiklo ko at pinaharurot ito, mukhang may kina-kailangan kaming pag-usapan nilang lahat, hindi ko nga lang alam kung tungkol saan. Hindi naman ganoon katagal at nakarating na rin ako sa parking lot ng paaralan, agad akong nag-hanap ng pwesto at pagkatapos ay nag-tungo na sa elevator. Nakita ko pa nga si Jake na kaka-baba lang mula sa isang Vios na kotse ngunit hindi ko nalang ito pinansin at nag-patuloy na sa pag-lalakad patungo sa elevator. Nang makarating ako sa Ground floor ay patakbo akong nag-tungo sa building namin at nakita ang sobrang haba na pila ng elevator. No choice, kina-kailangan ko yata mag hagdan. Ang bigat pa naman ng bag ko pero wala akong ibang choice kaysa naman mag-hintay ako ng halos isang oras bago maka-sakay rito. Kahit nabibigatan ay pinilit kong tumakbo na umakyat sa hagdan, hindi naman ganoon karami ang tao kung kaya ay nakaka-lusot lang ako agad although may mga students na sobrang bagal mag-lakad at masiyadong nakaka-irita specially sa akin na may hina-habol na meeting. Lumipas ang ilang minuto ay hini-hingal na nakarating rin ako sa 5th floor, napa-hawak ako sa railings dito sa hagdan at hina-habol ang hininga ko. Napa-hawak din ako sa balikat ko ng makaramdam ako ng bahagyang pag-sakit. Lumipas ang ilang minuto ay naisipan ko na mag-patuloy sa paglalakad, ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa harap ng dance room. Maraming tao sa hallway at halata sa color ng tshirt nil ana mga first year ito at kaka-unti lang ang makikita mo na higher years. Napa-tingin naman ang mga ito sa akin ngunit hindi ko nalang sila pinansin at binuksan ang pinto ng dance room. Bumungad naman sa akin ang mga kaklase ko na nasa gitna na naka-upo ng pabilog, at rinig na rinig ko ang ilang hikbi na mula sa mga ito. Napa-lingon naman sa akin si Kath na yakap-yakap si Amani. Sinenyasan naman ako nito na lumapit na agad ko naman na ginawa pero bago iyon ay inilagay ko muna sa locker ang mga gamit ko atsaka tumabi kay Amani. Naramdaman siguro nito ang pag-upo ko kung kaya ay napa-lingon ito nagulat nalang ako ng bigla itong umiyak ng malakas at yumakap sa akin. “Wala na si Bakla!” halos pa-sigaw na sabi nito sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. “Alam ko,”malungkot na sabi ko atsaka hinaplos ang likod nito, malungkot na napapa-iling naman itong si Kath na nakatingin sa amin. Alam ko na kaming lahat ay nalu-lungkot at nata-takot sa mga nangyayari lalong-lalo na ngayon na sunod-sunod ang nangyayaring pagpatay. Ngayon ay mayroon na naman kaming kaibigan na namatay ngunit wala man lang ang nakaka-alam ng dahilan kung paano ito namatay. “Kanina pa ‘yan,”bulong ni Kath sa akin at hinaplos ang likod ni Amani, “Wala si Zaria kasi may Quiz Bee ‘yon ngayon, mamayang 3 pm pa ‘yon Vacant,”paliwanag nito, tumango lang ako rito atsaka napatingin sa mga kaklase ko na umiiyak din habang iyong iba naman ay halata sa mga mata nito na kaga-galing lang sa pag-iyak. “Ano ba kasi ang nangyari?” Tanong ko kay Kath, nagtaka naman ako ng bahagya itong napa-atras at umiwas ng tingin. “Hindi ko rin alam,”sagot nito, “Ang tanging alam ko lang ay tinawagan ang mga magulang ni Kristy na namatay na raw ito,”paliwanag niya Bigla naman na bumangon itong si Amani at pinunasan ang mga luha niya. “Napaka-imposible ba naman kasi ng rason kung paano ito namatay,”tugon ni Amani “Alam ko, kahit sino ang ta-tanungin, iisipin na biro lang ang sinasabi natin,”malungkot na sambit ni Kath atsaka kinuha ang cellphone nito. “Nag-text si Zaria,” sabi ni Kath atsaka ipinakita sa amin ang isang mensahe. “Magce-celebrate sana tayo sa pagka-panalo niya ngunit may masamang balita naman tayong sasabihin sa kaniya mamaya,”tugon ni Amani atsaka umiwas ng tingin, at dahil doon ay namayani naman ang katahimikan sa pagitan namin tatlo. Kina-kailangan na namin mag-handa para sa presentasyon na gaganapin mamaya ngunit heto kaming lahat naka-upo lang sa sahig at tila walang plano na mag-bihis at magmake-up. Gustohin ko man na pagaanin ang loob ng mga ito pero kahit ako ay sobrang bigat na ng nararamdaman ko.  “Kailangan na natin mag-handa,”ani ni Amani atsaka tumayo, ngunit wala ni isang kaklase namin ang pumansin rito kung kaya ay tinulungan ko nalang ito at kina-usap ang iba pa. Ilang sandali pa ay natapos na rin kami sa pagha-handa at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig mo sa pagitan namin lahat. Hindi pa rin makaget-over sa nangyari ngayong araw.  Napa-lingon naman ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok si Celestial. “Okay na ba kayo?” tanong nito ng tuluyan ng maka-pasok at lumapit kay Kath. “Alam ko na panibago na naman ito pero gusto ni Miss Dean na umasta kayo na parang wala lang,”bulong nito sa amin at tini-tigan kami isa-isa. Umasta kami na parang wala lang? Laro lang ba sa kanila ang mga taong namatay? Bakit kahit may nawalan na ng buhay ay patuloy pa rin ang discussions, kahit may namatay na ay patuloy pa rin ang event at kina-kailangan pa na umasta kami ng parang wala lang. Anong akala nila? Madali lang itago ang lahat ng pangyayari na ito? Wala lang ba talaga sa school na ito kapag nawalan ng estudyante?  “Anong ibig mo sabihin?” Tanong ko rito na medyo tumaas na ang boses ko. “Alam ko Calix,”tugon ni Celestial, “Ngunit dapat mo maintindihan na hindi pwedeng ma-apektuhan ang kasiyahan ng ibang estudyante sa unibersidad na ito,”dugtong nito. Lumaki naman ang mga mata ko at kunot-noo na tinignan siya. “So, gusto niyo na itago ito para sa ano? Kabutihan nila? Kasiyahan?” Galit na tanong ko rito, “Hindi man lang nila alam na may nangyayari ng sunod-sunod na pagkamatay sa unibersidad na ‘to?” dugtong ko. “Hindi mo naiintindihan Calix,”sagot nito at tumalikod sa akin. “Anong  hindi ko naiintindihan Celestial? Halata naman na ayaw niyong sabihin sa iba, bakit? Dahil ba takot ang paaralan na malaman ng mga students ang mga nangyayari at lumipat sila sa ibang unibersidad? Ganoon ba ‘yon?” Sigaw na tanong ko na rito at hinila si Celestial pa-harap sa akin “Tumigil ka na Calix, masiya---,”ngunit hindi ko na ito pinagsalita pa. “Ano na naman? Kasi masiyado akong tanong ganito? Ganiyan? Bakit? Kung simula pa lang binigyan niyo na ako ng kasagutan sa lahat e’ di sana ay hindi ako ganito!” Sigaw ko sa kaniya. Napansin ko naman ang pag-tahimik ng iba kong kaklase at naka-tingin lang sa amin. Nang tinignan ko ang mga ito ay kaniya-kaniya ito nag-iwas ng tingin. Bakit? Kasi alam ko na ako ang tama! Kung simula pa lang ay pinaliwanag na nila sa akin lahat ay hindi na ako magta-tanong pa. “Ayaw namin sabihin sa iba sa kadahilanan na walang pake ang mga ito sa atin! Kapag nalaman ng mga ito na nangyayari na naman ito ulit ay gusto mo  ba na habang naglalakad ka sa hallways or grounds ay pag-uusapan ka, sa ka dahilanan na belong ka sa Class A?!”pasigaw na tugon nito. Lumaki naman ang mga mata ko sa aking nalaman. Walang pake? Ang mga estudyante?  “Alam mo ba kung gaano kahirap kapag naranasan mo ang ma-punta sa ganiyang sitwasyon?” tanong nito, “Hindi! Pero ngayon alam mon a kung bakit ayaw ng Dean natin na ipa-alam sa iba ang nangyayari,”paliwanag nit. “Para ito sa kabutihan natin Calix,” sabi niya gamit ang mahinang boses, “Kaya sana naman, for once, please follow the rules,”sambit nito bago tuluyan tumalikod at umalis, habang ako naman ay na-iwan na tulala na nakatingin sa pintuan. I am speechless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD