Chapter 31

2662 Words
Lumipas ang isang linggo ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ay ang mag-practice ng gagawing presentation namin bukas. Bukas na ang sina-sabing event ng mga ito, at ito na rin ang huling araw na kung saan kami ay mag ge-general rehearsal sa avr ng building CCS. Tahimik lang ako rito sa tabi at hini-hintay ang mga kaibigan ko.  Sabi nila ay 8 AM yung meeting time ngunit mag a-alas dyes na ng umaga pero ako pa rin at si Kristy ang naririto. Noong una ay maaga pa naman ang mga ito ngunit kalaunan ay dahil siguro sa pagod ay nala-late na ang mga ito sa nasabing oras na kung saan kami magsi-simulang mag-practice. Napa-buntong hininga nalang ako atsaka inilatag ang isang tela na nakasabit sa isang upuan dito sa loob ng dance Room. Ipi-pikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang makarinig ng malakas na pagka-bagsak ng isang bagay kung kaya ay iminulat ko ang mata ko at napatingin sa pinagmulan nito. Nakita ko naman si Kristy na nanghi-hinang kumakapit sa dingding habang ang bottled water nito ay nahulog na sa sahig. Nag-aalala ko naman itong tinignan at napatayo bigla atsaka lalapit na sana para alalayan ito ngunit sinenyasan niya akong tumigil. “Okay ka lang?” Tanong ko rito at lumapit sa kaniya, “Okay lang,”sabi nito atsaka pilit na ngumiti.  “Pwede mo ba ako samahan hanggang sa pintuan ng Cr?” Tanong nito, tumango nalang ako atsaka kinuha ang kamay niya at pina-akbay sa akin at ma-ingat na nag-lakad patungo sa CR.  Hindi pa kami naka-kalahati sa pupuntahan namin pero bigla nalang itong napa-tigil at napa-hawak sa kaniyang tiyan. Nag-aalalang tinignan ko ito at nakita ang pawis na pawis na si Kristy. “Gusto mo ba na dalhin kita sa Clinic?” Tanong ko sa kaniya at pina-upo ito sa sahig ngunit umiling lang ito, “May practice pa tayo,”nahihirapang sabi nito, halos hinahabol na nito ang kaniyang paghinga, “Mas importante ang kalusugan mo,”nag-aalalang sabi ko sa kaniya ngunit umiling lang ito at inilahad ang kaniyang kamay. Ang tigas ng ulo nito, kapag ito nagkasakit hindi ko alam kung anong mangyayari sa kaniya bukas. Hinila ko nalang siya atsaka inalalayan patungo sa CR, ganoon lang ang sitwasyon namin palagi napapa-tigil siya sa paglalakad at napapa-hawak sa kaniyang tiyan at nang makarating na kami sa CR at nagulat ako ng dali-dali itong tumakbo papunta sa isang cubicle at nagsu-suka. Rinig na rinig ko ang pag-suka nito mula sa labas at ramdam ko ang hirap nito. “Kristy? Gusto mo tumawag ako ng Medic?” Sigaw ko ngunit hindi ito sumagot kung kaya ay inulit ko pa ‘to ng ilang beses. “Kristy ta-tawag na talaga ako ng Medics,”sigaw ko, “Wait ka lang,” Dali-dali akong umalis at nag-tungo sa Elevator, lumipas ang isang minuto bago pa ito bumukas. Agad akong pumasok at hindi pinansin ang mga taong naba-bangga ko. Kailangan kong makarating sa Clinic at humingi ng tulong baka kung ano na ang nagyayari kay Kristy sa loob. Bawal akong pumasok sa CR ng boys kung kaya ay ito nalang ang natatanging option. Hindi nagtagal ay nakababa na rin ako sa building na ‘to, dali-dali akong tumakbo papunta sa Building na kung saan naroroon ang clinic at hindi nagda-dalawang isip na pumasok. “I need your help, please,”bungad ko sa isang babae na nasa help desk at may sinu-sulat sa kaniyang papel. Napa-tingin naman ito sa akin at nagtatakang tinanong kung bakit, “May kaibigan ako na nahimatay sa CR ng boys sa 5th floor ng CCS Building,”nata-tarantang sabi ko, tumango naman ito atsaka may pinindot na button sa gilid nito. Ilang sandali pa ay may dalawang lalaking estudyante na lumabas mula sa isang kwarto ng Clinic. May dala-dala itong wheel chair at isang bag, hindi ko nalang ito pinansin at inaya na sila. Pagkarating namin sa 5th floor ay agad na pinasok ng dalawa si Kristy at hindi nagtagal ay lumabas ito mula sa isang cubicle at sakay sakay na si Kristy sa wheel chair. May bahid ng suka pa ito sa kaniyang damit ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Na-awang nakatingin lang ako rito atsaka sumunod na sa kanila, napa-daan naman kami sa Dance Room at nakita ko silang gulat na naka-tingin sa amin. Patakbong lumapit si Kath at Amani sa akin, “Anong nangyari?” Gulat  na tanong ni Amani, Sasagutin ko na sana siya ng lumingon ang isa sa medics at sinabing sila na ang bahala rito. Tumango nalang ako at nagpa-iwan dito sa tabi. “Anong nangyari kay Kristy?” Tanong ulit ni Amani. “Hindi ko alam,”tanging na sagot ko. Hinid ko naman talaga alam kung ano ang naging dahilan ng pagkawalan ng malay nito. Diarrhea? I don’t know. “Paano nangyari ‘to?” Tanong naman ni Kath atsaka umupo sa tabi ko.  “Hindi ko alam, kanina ay tinanong ko rin ito kung okay lang ba siya,” tugon ko, “At ang sabi niya ay okay lang daw siya pero hindi ako naniwala at lumapit sa kaniya. At pagka-lait ko ay sinabi niya magpapa-sama siya hanggang sa pinto ng cr,”paliwanag ko rito, “Kung kaya ay pumayag ako, hinintay ko ito ng ilang minuto ngunit ayaw nitong sumagot sa tanong ko kung kaya ay napag-desisyunan ko na pumunta sa medics at humingi ng tulong,” Nakita ko naman ang pag-tango ng mga ito at tumahimik. “Are we going to to practice?” Tanong ko ngunit seryosong nakatingin lang ang mga ito sa isa’t-isa na tila ba ito’y nag-uusap. “Kath?” Tawag pansin ko rito, bahagya naman itong napa-talon at tumingin sa akin. “Ano nga ‘yon?” Nau-utal na tanong nito. “Magpa-practice pa ba tayo?”Tanong ko ulit sa kaniya, tumango naman ito atsaka tumayo. “Let’s go everyone, let’s start,”anunsiyo nito sa lahat at pumasok na sa Dance room. Sumunod naman kami at ganoon na rin ang iba pa namin na mga kaklase. Nag-simula na kaming mag-ensayo ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Kristy. Ano ba ang nangyayari sa isang ‘yon?  Lumipas ang ilang oras at break time na namin kung kaya ay agad akong uminom ng tubig atsaka lumapit kay Kath. “Bisitahin natin si Kristy?” Aya ko sa kaniya tumango naman ito atsaka tinawag si Amani. “Let’s go, tapos daan tayo Canteen,”tugon ni Amani atsaka nauna ng maglakad.  “Kumusta na po kaibigan namin?” Tanong ni Kath sa nagba-bantay, napa-lingon naman ito sa akin at ngumiti.  “Kayo na naman pala ‘yan,”naka-ngiting sabi nito atsaka napa-iling na tumayo at hinawi ang kurtina. “May Diarrhea lang ang batang ‘to,”sabi nito atsaka tinignan si Kristy, “Ano ba kasi ang nakain nito?” tanong niya ulit ngunit hindi kami naka-sagot sapagkat wala kaming alam kung ano ba ang nakain nito sapagkat hindi naman kami sabay kumain ng baklang ‘to. “Hindi po namin alam,”sagot ko atsaka lumapit sa tabi ni Kristy. Halata sa mukha nito ang hirap na nararamdaman niya at hindi ko maipagkakaila na nag-aalala ako sa kalagayan ng baklang ‘to. “Hayaan niyo na muna siya magpa-hinga at bumalik nalang kayo mamaya, magiging okay din siya,”sabi ng Nurse atsaka ngumiti sa amin, tumango nalang ako at nagsimula ng maglakad paalis. Napagdesisyunan namin na magtungo nalang muna sa Canteen upang kumain at habang papunta kami roon ay nakita ko si Zadie na papunta na naman sa lumang building. Hindi ko alam kung anong pinu-puntahan niya riyan pero sa tingin ko may kinalaman na naman ito sa susunod na pag-patay. Hindi sa sinisisi ko siya pero sa kung saan siya tuma-tambay o nagpu-punta ay doon may aksidenteng nangyayari o mayroong namamatay. “Calix?” Tawag ni Kath sa akin habang nakatingin sa kung saan ako nakatingin. “Wala, Tara na,”aya ko rito atsaka kinuha ang kaniyang kamay at hinila. Baka mapagalitan na naman ako dahil sa pinansin ko na naman si Zadie. Kina-kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na iwasan ang babaeng ‘to kung hindi ay baka may mangyari na naman sa isa sa amin.  Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa Canteen, pumila na kami rito habang nakatingin sa menu na naka-paskil sa itaas na bahagi ng counter. “Siguro, I’ll order sweet and sour pork,”ani ni Kath habang ang kamay nito ay nasa ibabang parte ng kaniyang bibig, “Kayo?” Tanong nito atsaka lumingon sa amin. “Same,”tugon naman ni Amani habang nagta-type sa cellphone nito, “I’ll have Sweet and sour fish,”tugon ko at tumango naman si Kath. “Hanap nalang kayo ng mauupuan natin, ako na mag-oorder,”pagpe-presenta nito. “Sure ka?” Tanong ko sa kaniya “Okay, Tara na Amani,”aya ko sa isang babaeng busy sa cellphone, nag-hanap agad ako ng bakanteng lamesa habang hawak-hawak ang isang kamay ni Amani. “Ayon,”sabi ko atsaka lumapit sa papa-alis na tatlong magka-kaibigan. Umupo na ako sa isang bakanteng upuan atsaka hinila pa-upo si Amani. “Hoy, mada-dapa ka talaga sa lagay na ‘yan,”suway ko atsaka kinuha ang cellphone niya, “Akin na,”sabi nito sabay agaw sa cellphone niya ngunit inila-layo ko lang ito lalo.  “May balita kay Kristy, akin na ‘yan,”sabi nito kung kaya ay agad kong ibinalik ang kaniyang cellphone, “Anong balita tungkol sa kaniya?” Tanong ko. Kaga-galing lang namin sa Clinic tapos may balita na sa kaniya? “Tungkol saan?” Tanong ko rito. “Pagka-alis daw natin ay biglang may ambulansiya na dumaan mula sa likod ng school,” Ambulansiya? Bakit? Hindi ba at diarrhea lang naman ‘yong sakit ni Kristy? Bakit kailangan pa ng ambulansiya “Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ko rito, “Sabi ng naka-kita from BA Building, nakita lang daw niya na naka-higa si Kristy sa isang stretcher at may naka-attach na oxygen daw sa kaniya,”sabi nito habang bina-basa ang chat siguro ng kaibigan niya. Oxygen? Diarrhea pero kailangan niya ng oxygen? Bakit naman ganoon? “Ang weird lang,”tugon ni Amani atsaka pinatay ang kaniyang cellphone, sakto naman na dumating si Kath dala-dala ang mga pagkain namin kung kaya ay nagsimula na kaming kumain. “Ang seryoso niyo naman yatang dalawa?” Tanong ni Kath atsaka ibinigay ang mga order namin, “Si Kristy kasi,” panimula ni Amani atsaka inilabas ang tubig na dala-dala nito simula pa kanina, “Dinala raw sa hospital, ayon kay Anna,”dugtong nito Bahagya naman napa-tigil si Kath sa kaniyang ginagawa at napa-tingin kay Amani, “Anong ibig mong sabihin?” Gulat na tanong nito, “Mukhang malala ang sakit ni Kristy,”paliwanag ni Amani. “Impossible naman kung ganoon,”tugon ni Kath, “Totoo, napaka-lusog pa nga nito at ang hyper pa nitong mga nag-daang araw,”sabi ko at tumango naman ang dalawa. “Bakit kaya? Ano kaya nangyari sa kaniya?” Nagta-takang tanong naman ni Kath, nagkibit-balikat lang kami ni Amani at nagpatuloy na sa pagkain. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami, hindi na kami nagtagal pa sa canteen at agad na bumalik sa dance room na kung saan naghihintay na ang mga kaklase namin. Habang papunta kami roon ay topic pa rin namin si Kristy. Labis lang ang pagtataka namin kung bakit kailangan pa nito ng oxygen at ambulansiya kung diarrhea lang naman ang sakit nito. Sabi pa ng nurse kanina ay okay lang naman si Kristy pero bakit kaka-alis pa lang namin ay bigla nalang itong sinugod sa hospital? “Zaria!” Tawag ni Amani sa kaniyang kapatid na nakatayo sa harap ng pintuan ng Dance room, “Anong ginagawa mo rito?” Tanong nito.  “Nabalitaan ko ang tungkol kay Kristy,”bungad nito sa amin at hindi man lang nag-abala na kami ay batiin, “Paano ‘to nangyari?” Seryosong tanong nito atsaka tinignan kami isa-isa. Ipinaliwanag ko naman sa kaniya ang buong pangyayari at seryosong nakikinig naman ito sa akin na tila ba naiintindihan nito ang mga sinasabi ko. “So, wala kayong alam kung ano ang naging puno at dulo ng pagkaka-sakit nito?”Seryosong tanong niya, tumango naman kaming tatlo. Abala si Zaria sa pagha-handa para sa paparating na quiz bee at programming bee, siya ang representative ng section namin at ganoon na rin sa buong CCS. Masiyadong matalino si Zaria kung kaya ay labis nalang ang tiwala ng Dean namin at iba pang head ng department namin kung kaya umaga hanggang hapon ay wala itong ginagawa kung hindi ay ang magbasa ng magbasa. Sa pagkaka-alam ko ay pagkarating nito sa paaralan ay sa library ito agad de-deritso.  Gustohin ko man na sumali sa programming bee pero hindi ako confident sa sarili ko na sumagot ng mga codes on the spot. “Oh sige,”sabi nito, “Babalik na ako sa library,”dugtong niya atsaka nagpa-alam na sa amin, kami naman ay pumasok na sa loob ng Dance Room at nagsimulang mag-practice ulit. Nang kami ay matapos ay tinawag kami ni Kath upang pa-bilog na umupo sa gitna. Hinintay na muna namin ito sapagkat abala pa ito sa pagli-ligpit ng kaniyang mga gamit. After ilang saglit ay tumayo na ito sa harap namin at ngumiti, “Bukas na ang big day natin,”anunsiyo nito, “Kung kaya ay gawin natin ang lahat ng maka-kaya natin, let’s give our all tomorrow people,”sigaw nito na sinang-ayunan naman ng iba ko pang mga kaklase. Naghiyawan naman silang lahat at tumayo. “Para sa tumataging-ting na tres!”sigaw naman ng isa ko pang kaklase na sinundan naman ng lahat. Natawa nalang ako sa mga ito atsaka kinuha na rin ang mga gamit ko.  “Matulog kayo ng maaga ng sa gayon ay hindi kayo ma-late bukas,”sigaw ni Kath atsaka tumawa ng malakas, “Nahiya kami sa’yo,”sabi naman ng isa namin na kaklase. “Nakarating nalang kami lahat dito pero nasaan si Kath?”nagda-dramang tanong ni Harold atsaka kunwari na mayroon itong hina-hanap. “Nasaan si Kath?” sabi ni Dave atsaka tumabi kay Harold atsaka sinabayan ang trip nito. “Manahimik kayong dalawa,”sigaw ni Kath at kinuha ang walang laman na bottle nito at itinapon sa kanilang dalawa. Naka-iwas naman si Harold ngunit sapul na sapul naman sa noo si Dave. “Kath ah!” Sigaw nito at masamang tinignan si Kath, inilabas naman ni Kath ang dila nito atsaka siya inirapan. Akala mo talaga hindi college ang mga ‘to oh. “Uwi na tayo, tara na,”aya ni Amani atsaka sinenyasan ako na lumabas na rin kasabay nila. May sasabihin pa sana si Kath ngunit tinakpan na ni Amani ang bibig nito at tuluyan na pinalabas sa Dance Room. “Huwag mo nga akong pigilan,”inis na sabi nito atsaka humalukip-kip, “Alam mo para kang bata,”sabi ni Amani atsaka pinitik ang noo nito, “Leader ka ng Troupe na ‘to kaya umayos ka,”saway ni Amani rito. Inirapan lang siya ni Kath at nauna ng maglakad, “Kapag rich kid, spoiled talaga,”sabi ni Amani atsaka bumuntong hininga. “Ganiyan talaga ‘yan,”sabi ko atsaka kumapit sa braso nito, “Hayaan mo na,”dugtong ko at ngumiti sa kaniya. Napa-iling nalang ito at nag-simula na kaming maglakad. “Minsan talaga uma-andar pagka-isip bata no’n,”sabi nito atsaka sumimangot, natawa nalang ako sa kaniya, “Hayaan na kasi natin, maaring stress ‘yan sa sayaw,”sabi ko, “Wala si Kristy dito remember?” Bahagya naman itong napa-singhap at napa-tigil sa paglalakad kung kaya ay napatingin ako sa kaniya at tinanong kung bakit.  “Oo nga pala,”sabi nito Ngayon niya lang yata naalala na si Kath ang nagha-handle sa amin ngayon at sobrang dami namin na dapat niyang turuan. May ibang kaklase pa kami na sobrang tigas ng ulo at ayaw making kung kaya ay ramdam ko ang stress at pagod ni Kath. “Ice cream nalang muna tayo,”aya ko sa kaniya, “Isama rin natin si Zaria,” Ngumiti naman ito ng malawak at agad na kinuha ang cellphone nito. Ilang sandali pa ay natapos na ito sa pagtawag kay Zaria at humarap sa akin na dismayado, “Hindi raw siya makakasama,”malungkot na sabi nito. “Bakit?” Tanong ko, “Kailangan niya raw mag-aral,”sagot niya.  “Tayo nalang muna,”aya ko sa kaniya na agad naman itong tumango, nakita naman namin si Kath na naghi-hintay sa tapat ng elevator at inis na tinignan kaming dalawa. “ang tagal niyo,” reklamo nito. “Tinawagan pa kasi namin si Zaria,” paliwanag ko, “Ina-aya namin na mag-ice cream muna,” Bigla naman lumiwanag ang mukha nito at ngumit ng sobrang lapad, “Tara!” Excited na sabi nito atsaka yinakap ang kabilang braso ko. Natatawang napa-iling nalang ako sa kaniya. Kapag Ice cream nga ang usapan bigla nalang nagba-bago ang mood nito e’. “Kita mo? Batang anak mayaman,”bulong ni Amani atsaka natawa ng mahina, “Nasa tabi mo lang ako mani,”inis na sabi nito. Bigla naman bumukas ang pinto ng Elevator at sakto na wala itong laman, kung kaya ay agad na kaming pumasok at pumunta na sa Ice Cream shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD