Chapter 30

2578 Words
“Apo,” tawag ni lola sa akin atsaka hinawakan ang mga kamay ko, “Alam ko mahirap ito, pero try your best to avoid something that might cause you losing your life,”malungkot na sabi niya. Kumalas naman sa pagkaka-yakap si Lea sa akin atsaka umupo sa tabi ko. “Hindi ko ina-akala na kabilang ka sa seksyon na iyon,”sabi nito atsaka yumuko, “Kaya labis nalang ang gulat ko noong sinabi mo sa akin na sa A ka,”dugtong nito at malungkot na tinignan ako.  “Paano po ‘to nangyari?” Tanong ko sa kanila atsaka na patingin sa kanilang dalawa. Umiling naman si Lea at malungkot na yumuko. “Iyan ang hindi namin alam,”sabi nito. “Tanging mga kabilang lang sa seksyon ang nakaka-alam sa lahat,”dugtong naman ni lola atsaka tumayo, inilahad naman ni Lea ang kaniyang kamay na agad ko naman itong tinanggap. “Ngunit kahit ilang beses ko tanungin ang iyong ina o tita ay hindi sila nag-abala na sagutin ako,”tugon nito at nagsimula ng maglakad. Hawak-kamay naman kami na sumunod ni Lea. “Bakit?” Tanong ko rito, “Hindi namin alam,”sagot ni lola atsaka binuksan ang pintuan ng kwarto ni lolo. Bumungad naman sa amin ang caregiver ni lolo na nagli-linis ng sahig, napalingon naman ito sa amin at bahagyang nagulat ito ng mapadako ang kaniyang tingin sa akin. “Madam,”bati nito atsaka lumapit sa amin at bahagyang yumuko. “Kumusta ang asawa ko?” Tanong ni lola at napatingin kay lolo na naka-talikod sa amin at tulalanng nakatingin sa labas. “Ganoon pa rin po naman siya,”sabi nito atsaka nag-bigay daan ka lola. “Umaga ay tulala lang ito sa labas at sa gabi ay lagi po itong umiiyak,”sabi nito atsaka kinuha ang isang basahan sa ibabaw ng cabinet ng kwarto. “Ganoon ba?”sabi nito atsaka umupo sa katabing upuan ni lolo. “Mahal?” Malambing na tawag ni lola kay lolo. Napa-tingin naman ito sa akin at sinenyasan akong lumapit. Lumapit naman ako rito at tumayo sa kaniyang gilid. “Mahal, nandito apo mo,”sabi nito atsaka hinawakan ito sa balikat. Unti-unti naman lumingon si lolo kay lola at gulat na tinitigan ito. “Apo?” Tanong ni lolo atsaka tuluyan na humarap kay lola, ngayon ko lang napansin na yakap-yakap pala nito ang larawan ni mama. “Nasaan siya?” Tanong ni lolo, ngumiti naman si lola atsaka tinignan ako. Sinundan naman ni lolo ang tingin ni lola at nagulat nalang ako ng biglang pumatak ang mga luha sa mga mata nito. “Anak,”tanging na sabi ni lolo atsaka unti-unting tumayo at lumapit sa akin. Nanatili lang akong nakatayo at hinayaan itong yumakap sa akin. “Anak, ‘wag mo na iwan si Papa ah?” sabi ni lolo na naging dahilan ng pagtulo ng mga luha ko, napa-tingin naman ako kay lola na umiwas ng tingin at pinunasan ang kaniyang mga luha.  Pasensya ka na lolo at ako lang ‘to ang iyong apo, hindi ang totoong anak mo.  Yinakap ko naman ito pabalik at ibinaon sa kaniyang balikat ang mukha ko. “Namiss kita, anak,”sabi nito at narinig ko nalang ang mahinang pag-iyak ni lolo. Unti-unti naman na tumulo ang mga luha ko at hindi ko maiwasan na hindi mapakapit sa likod ni lolo ng mahigpit. Alam ko po na miss mo na sila mama at tita pero kailangan na po natin mag-move on sa mga nangyari. Ayoko po na manatili ka nalang sa loob ng kwarto na ito at umiyak dahil sa pagkawala ng mga ito. Lolo, nandito pa po kami ni lola. We can still spend time together and make memories, hindi niyo po kailangan manatili rito. Kahit hindi po sinasabi ni lola sa akin ay alam ko na nahihirapan na rin po siya sa sitwasyon mo. Gusto ko po na makita man lang kitang masaya, masaya na kasama si lola. “Mahal na mahal ka ni Papa,”sabi nito atsaka yinakap ako ng mahigpit, tahimik lang ako na umiiyak. Kumalas naman ito sa yakap namin at hinawakan ako sa magkabilang braso at tinignan ng maigi. “Gutom ka ba?” Nag-aalalang tanong nito, pero bago pa ako makasagot ay bigla naman na lumapit si lola at hinila si lolo sa papunta sa upuan. “Mahal, hindi iyan ang anak mo,”paliwanag nito, “Apo mo ‘yan,”dugtong nito. Hindi pa rin tina-tanggal ni lolo ang pagkatitig niya sa akin ngunit dahil sa sinabi ni lola ay napatingin ito sa kaniya. “Ano pinagsasabi mo?” Tanong nito, “Naalala mob a ‘yong batang babae na pumunta rito hating gabi?” Sabi ni lola, tumango naman si Lolo rito at tumingin sa akin. “Ikaw ‘yon?” Tanong nito na tinanguan ko, “Pero kamukha mo anak ko,” sabi nito. “Anak siya ng unang anak mo,”paliwanag ni lola rito. “Hindi mo na nakita ang paglaki niya kasi sa siyudad ito nag-aaral,”dugtong ni lola. Tumayo naman ulit si lolo at kinuha ang kamay ko sabay hila papunta sa higaan at pina-upo ako. “Kuha na kuha mo ang mukha ng mama mo,” sabi nito atsaka ngumiti ng mapait. Ngumiti naman ako pabalik rito. “Pasensiya ka na at inakala ko na ikaw ‘yong anak ko,”sabi nito ngunit umiling lang ako, “Okay lang po nai-intindihan ko naman,”sabi ko. Kung ako lang ang tatanungin ay tila wala naman sakit si lolo. Mukhang normal na tao lang siya at walang sakit sa utak. “Alam mo ang ganda-ganda mo na bata,”sabi nito atsaka hinaplos ang buhok ko, “Kuhang-kuha mo ang mga mata ng papa mo,”dugtong nito atsaka ngumiti. “Kumusta ka naman?” Tanong nito, “Okay lang po ako lolo,” sagot ko rito. “Mabuti naman, saan ka nag-aaral ngayon?” Tanong nito, bakit parang ang normal ni lolo para sa isang tao na baliw?  “Sa JITU po,”sabi ko na naging dahilan ng biglaang pagka-gulat nito at paglingon kay lola, nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni lola kay lolo. “JITU? Hindi ba at binalaan na kita?” Seryosong sabi nito atsaka ibinalik ang paningin niya sa akin. “Hindi po,”tugon ko. “Naalala mo ba noong nagtungo ka rito sa kwarto?” Tanong nito, tumango naman ako sa kaniya, “Sabi ko umalis ka, hindi sa lugar na ito kung hindi ay sa paaralan na iyon,”dugtong nito atsaka seryoso akong tinignan. Natahimik lang ako atsaka yumuko. Iyon pala ang ibig sabihin ni lolo, akala ko dahil kay lola kaya niya ako pinapa-layo, akala ko may tinatago si lola sa akin kaya ako nito  iniiwas kay lolo. “Mag-ingat ka,”sabi nito at tumango nalang ako. Sinenyasan na akong tumayo ni lola kung kaya ay sumunod na ako. Ngunit bago pa ako maka-alis ay bigla akong hinawakan ni lolo sa kamay kung kaya ay napatingin ako rito. “Mag-ingat ka, nasa paligid lang siya,”sabi nito bago ako binitawan. Hinila naman ako ni Lea atsaka dinala sa kwarto ko. Tulala lang akong nakarating rito at umupo, hindi ko nga alam kung ano na ang ginagawa ni Lea pero wala akong pakealam. Anong ibig sabihin ni lolo na nasa paligid ko lang siya? Sino? “Hello? Girl? Buhay ka pa naman siguro ano?” Tanong ni Lea atsaka kumakaway-kaway sa harap ko. Masamang tingin naman ang ipunukol ko rito atsaka ito inirapan, “Hindi ba halata?” “Hindi,” tugon nito atsaka umupo sa tabi ko, “Masiyadong nakaka-gulat ang mga pangyayari no’?” tanong nito sa akin. “Hindi,” sabi ko, “The right term is, Masiyadong nakaka-gulat ang misteryo sa islang ito kamo,”sabi ko atsaka humiga na sa kama.  “Ganito talaga itong islang ‘to,”sabi niya atsaka tumabi sa akin sa pagkaka-higa, “Kahit ako ay hindi rin sigurado sa mga bagay sa lugar na ‘to,”dugtong niya atsaka ipinatong ang isa nitong binti sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin at pinikit nalang ang mga mata ko, matutulog nalang siguro muna ako. Nagising naman ako sa ingay ng alarm ko, pagka-tingin ko sa digital clock ng phone ko ay 5 am na pala. Kung kaya ay bumangon na ako at naligo, kailangan ko maging maaga today iyon ang sabi ni Amani sa akin kahapon. Kinuha ko na ang tuwalya ko at nagtungo sa cr. Hindi naman nagtagal at natapos na rin ako, bumalik na ako sa kwarto at nakita si Lea na mahimbing pa rin na natutulog. Bakit hindi pa ‘to nagigising? Maglu-luto pa ‘to ng agahan ah? Lagot talaga ‘to ni lola. Napa-iling nalang ako habang pina-patuyo ko ang buhok ko, pagkatapos ay lumapit na ako rito atsaka ginising. “Lagot ka, tanghali na,”sabi ko ng bumagon na ito sa pagkaka-higa. “Ano?!” Napa-harap naman ito sa akin at nakita akong naka-bihis na ng Uniform kung kaya ay dali itong lumabas ng kwarto at sa tingin ko ay nagtungo na sa kusina. Payback time Lea.  Kinuha ko na ang bag ko atsaka ang mga extra na tshirt at towel ko atsaka nagtungo na sa kusina. Ngunit hindi pa nga ako nakaka-baba ng hagdan ay nakita ko ang pag-labas ni lolo mula sa kwarto nila mama. Nakangiti itong naglalakad papunta sa akin. Oh? Lumalabas na si lolo, mukhang magkakaroon na kami ng oras para makapag-bonding sa labas. Napangiti nalang ako habang naka-titig sa kaniya, “Apo,”tawag nito sa akin ng tuluyan na itong makalapit. “Good morning po lolo,”bati ko sa kaniya, tinaas naman nito ang kaniyang kamay at pinatong sa ulo ko tsaka hinaplos ang buhok ko. “Magandang umaga rin sa’yo,”bati nito pabalik, “Halika at kumain na,”dugtong nito atsaka nauna ng maglakad na sinundan naman ng taga-pangalaga nito. Sumunod nalang ako sa kanila at naabutan si lola at Lea na abala sa pagluluto. Ang aga naman sobra ni lola nagising at nagluto. “Magandang umaga po, Madam,”bati ng tagapangalaga ni lolo. Napa-lingon naman si Lola sa amin atsaka ngumiti ng malapad. “Nandito na pala kayo, upo na muna kayong lahat,”sabi nito atsaka bumalik sa pagluluto. Nagtungo na ako sa pwesto ko at umupo, “Lola,”tawag ko rito, “Kailangan ko nga po pala maging maaga, mage-ensayo raw kami ng sayaw para sa event ng school na gaganapin sa isang linggo,”sabi ko. “Ganoon ba? O sige basta ‘yong paalala ko,”sabi nito atsaka humarap sa akin, “Huwag mong kakalimutan,”dugton nito, agad naman akong tumango atsaka napatingin kay Lea na abala sa pagpi-prito. “Apo, aalis ka na?” Malungkot na tanong ni lolo, ngumit naman ako sa kaniya atsaka umiling. “Kakain po muna ako bago aalis,”tugon ko, lumiwanag naman ang mukha ni lolo atsaka ngiti na tinignan ako. Ilang sandali pa ay natapos na rin sa pagluluto sila lola at masaya na kaming kumain lahat. Nagpa-alam na ako sa kanila pagkatapos at kinuha na ang susi ng motor ko at nagtungo na sa kung saan ito naka-park. Aalis na sana ako ng marinig ko ang pagtawag ni lolo mula sa pinto ng bahay. “Ingat ka,”sigaw nito, ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. Nakita ko pa sa side mirror na kumakaway-kaway ito, napa-ngiti nalang ako atsaka nagpatuloy na. Hindi naman ganoon katagal at nakarating na ako sa paaralan, agad na akong nagparking atsaka nagtungo sa elevator papunta sa floor na kung saan kami magpa-practice. Ang 5th floor, naroroon kasi ang dance room ng building namin. Bigla naman tumunog ang elevator na nagsa-sabi na nakarating na ako sa destinasyon ko. Lumabas na ako ng tuluyan ng bumukas ang pinto nito. Saan banda ba ang Dance Room? Hindi ko pa kabisado ang lugar na ‘to. Napa-buntong hininga nalang ako bago ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang messenger ni Amani. Laking pasa-salamat ko ng nag-ring naman ito. “Hello?” Sagot nito sa kabilang linya. “Saan ba ‘yong Dance Room? Nandito na ako sa 5th floor pero hindi ko alam saan ako papunta,”sabi ko at nagsimula ng maglakad. “Anong classroom ang malapit sa’yo?” Tanong nito, napatingin naman ako sa paligid ko. “Computer Laboratory,”basa ko rito, “Ayon, ikalawang pinto mula sa laboratory ay nariyan kami,”tugon nito, nagpa-alam na ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad papunta roon. Bahagya naman akong nagtaka ng makita ko si Zadie dito. May dala-dala itong bottled water, nang mapatingin ito sa akin ay agad niya itong tinago sa kaniyang likod. Hindi ko nalang ito pinansin atsaka umiwas na ng tingin. Baka Ano na naman ang mangyayari kapag ganoon. Ngunit nagtataka ako sa hawak-hawak na bottled water nito, bakit naman niya itatago sa akin ‘yon? May laman ba iyong bottled water na chemical or what? Napa-iling nalang ako atsaka pinihit ang siradora ng pinto. Bumungad naman sa akin ang sobrang lakas na tugtog mula rito sa loob. “Nandito na si Calix,”sigaw ni Amani atsaka lumapit sa akin. “Pasensya ka na,”halos pa-sigaw na sabi nito atsaka hinila ako. Nakita ko naman na abala sa pagsa-sayaw si Kath sa harap ng salamin kasama sila Kristy at iba pa naming mga kaklase. Ngayon ko lang nalaman na malambot pala ang katawan ni Kath at magaling din ito sumayaw. “Top dancer ‘yan si Kath dito,”paliwanag ni Amani atsaka kinuha ang bag ko at inilagay sa isang locker dito sa room. “Ngayon, let’s start practicing,”sigaw nito atsaka lumapit kay Kath. Natawa naman ako sa kaniya. Pinatay naman nila ang music atsaka pinalapit sa kanila, “Ngayon excuse tayo sa lahat ng quizzes at attendance,”sabi ni Kath atsaka umupo sahig sumunod naman kaming lahat dito, “Ngunit hindi ibig sabihin no’n ay pwede na kayong magbunyi, magpa-practice tayo buong araw,”seryosong sabi nito atsaka tinignan kami isa-isa. Aba isang milagro yata ito at nag-seryoso? Napa-iling nalang ako sa kaniya, “Okay, let’s start,”anunsiyo nito atsaka kami tumayo. Nagsimula na kaming mag-ensayo na pinangu-ngunahan ni Kath. Side Kick naman nito si Kristy na magaling din sumayaw, akala ko walang talent ‘tong mga ‘to. Lumipas ang apat na oras ay tsaka lang naisipan ni Kath na mag-break kung kaya ay napa-upo lahat ng mga kaklase ko sahig. “Aray,”reklamo ni Amani habang mina-masahe ang kaniyang binti. “Walang awa talaga ‘tong babaeng ‘to,” reklamo nito atsaka masamang tinignan si Kath na suma-sayaw sa harap ng salamin, “Halimaw kapag sayaw na ang pag-uusapan,”dugtong nito at napapa-iling nalang. Natawa naman ako sa kaniya atsaka kinuha ang towel ko upang mag-punas ng pawis, “Ikaw ba Calix, Hindi ka ba napagod?” Tanong nito atsaka tinignan ako mula hulo hanggang paa, “Sanay na,”tugon ko.  “Matalino na talented pa, Saan ka ba pinaglihi?” Tanong nito atsaka inilapit ang kaniyang mukha sa ‘kin.  “Tanong mo sa nanay ko,”nata-tawa kong sabi atsaka itinali ang buhok ko. “Hindi ba at nasa langit na ang nanay mo?” Nagtatakang tanong nito kung kaya ay nilingon ko siya at lumapit sa kaniyang tenga, “Edi sumunod ka at tanungin mo siya doon,”sabi ko sa kaniya at umatras na. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nito atsaka itinapon sa akin ang hawak-hawak nitong towel, “Jusko, mauna ka,”sigaw nito atsaka inirapan ako, natawa naman ako sa reaksiyon nito at sabay napa-iling. Ilang sandali pa ay lumapit si Kath sa amin at masamang tinignan kaming dalawa. “Alam niyo naman siguro na mali ‘yang ginagawa niyo?” Kunot-noo nitong sabi atsaka inilahad ang kaniyang kamay. “Tumayo kayo,”utos nito. Tumayo naman kaming dalawa atsaka sumunod sa kaniya, “Maawa ka naman sa mga hindi dancer na katulad mo Kath,”reklamo ni Amani atsaka kinuha ang kaniyang bag. “Kulang ka lang sa exercise,”tugon naman nito.  “Oo ng apala Calix,”sabi ni Kath atsaka tumingin sa akin, “Hindi mo naman sinabi na dancer ka pala?” Tanong nito atsaka ngumisi, inirapan ko lang siya atsaka sumandal sa locker ng room na ito. “Hindi ako dancer,”tugon ko at napatingin sa mga kaklase ko na pagod na naka-upo sa sahig, “Suma-sayaw lang ako sa kwarto kapag bored,”dugtong ko. Narinig ko naman ang pag “sus,” ni Kath pero hindi ko nalang ito pinansin, bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok sila Celestial na may dala-dalang Ice bucket. “Ano ‘yan?” Tanong ni Kristy, inilagay naman nila ito sa gilid atsaka binuksan. “Oy Tubig,” Dali-dali naman lumapit ang mga ito atsaka kumuha ng tig-iisang bottled water atsaka ininom. Lumapit na rin kami at kumuha ng tubig. After isang oras ay nagpatuloy na kami sa pag-eensayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD