Chapter 18

2661 Words
                “Bakit ba?” Inis na tanong ko sa kanila at agad na hinila ang kamay ko. “Tara na Calix, ‘wag mo na pansinin si Jake. Iwasan mo nalang siya,”seryosong sabi ni Amani habang umiiwas ng tingin sa akin.                 Ano ba kasi ang meron sa Jake na ‘yon? Bakit ba hindi pwedeng lapitan ‘yon? Atsaka isa pa, naninibago ako sa kini-kilos ni Amani.                 “Bakit nga? Bakit ko siya iiwasan? Kaklase natin siya kaya natural lang na pansinin ko ‘yon,”reklamo ko rito, tumalikod naman si Amani at nagsimula ng maglakad at sumunod naman ang dalawa. Dali-dali naman akong sumunod sa mga ito, “Ano ba kasi ang meron? Gusto ko lang naman malaman e’,”halos pa-sigaw kong sabi sa kanila.                 “Huwag mo nalang pansinin iyon kung hindi ay mamamatay ang buong pamilya mo!” Sigaw ni Amani at humarap ito sa akin. Nanatiling nakatalikod ang dalawang babae sa akin habang nakayuko.                 “W-what?” Utal na tanong ko rito at gulat na napatingin sa kanila. Nagtayuan naman ang mga balahibo ko at bigla ako nakaramdam ng takot, medyo napa-atras pa ako sa sinabi nito.                 “Kakasabi ko lang diba?” Kunot-noong seryoso na nakatingin ito sa akin.                 Agad naman akong napa-iwas ng tingin at napatakip sa bibig. Mamatay ang buong pamilya ko? Ngunit tanging si lola nalang at lolo ang nanatili kong pamilya tapos mamatay pa ang mga ito? Anong mayroon ka Jake? May sumpa ba iyon? Napailing naman ako dahil sa nalaman ko ngunit agad naman akong napalingon sa mga ito ng nakarinig ako ng mahinang tawa. Nakita ko naman si Amani na pinipigilan ang sarili na tumawa, mukha tuloy itong natatae. “Bakit?” Naguguluhan kong tanong rito na naging dahilan ng pagtawa ng malakas ng mga ito.                 “Tae kayo, hindi ko kaya,”sabi ni Amani sa pagitan ng pagtawa nito.                 Anong nangyayari sa mga ‘to? Seryoso ang usapan pero tumatawa lang sila. Natatawa ba sila dahil papatayin ni Jake ‘yong mga lola ko?                 “Hoy!” Tawag ko rito pero patuloy pa rin sa pagtawa ang mga ito.  Si Kath ay pulang-pula na ang kaniyang mukha, habang si Zaria naman ay mangiyak-ngiyak na sa kakatawa. Teka nga, tumatawa sila dahil? Ugh! Agad naman ako lumapit kay Amani at binatukan ito. “Jusko, ngayon niya lang na-gets,”natatawa pa rin na sabi ni Kath sabay batok ko rito. “Aray!” Sigaw nito na kina-kamot ang binatukan ko at patuloy pa rin itong tumatawa.                 “Tinakot niyo ko, mga bruha ko. Akala ko talaga totoo e’,”inis na sabi ko at inirapan ang mga ‘to.                 Hindi pa rin natigil ang mga ‘to sa kakatawa kaya tumayo nalang ako sa gilid at humalukipkip. “Sige, take your time. Masamid sana kayo sa sarili niyong laway,”umiirap kong sabi at napatingin sa mga estudyanteng dinada-anan kami at napapatingin sa amin.                 “Hindi talaga kayo titigil?” Inis na tanong ko rito, itinaas naman ni Kath ang kamay nito na tila ba sinasabi na ‘wait lang’.                 Napa-irap nalang ako at napatingin ka Zaria na huminga ng malalim at tumayo ng maayos atsaka tinignan ako, “Kasi naman Calix, naniniwala ka talaga kay Amani?” Tanong ni Zaria sa akin.                 “Seryosong-seryoso naman kasi si Amani, tapos idag-dag mo pa na napaka-impossibe para sa akin na mag-seryoso ‘yan,”sabi ko at tinuro si Amani. Napa-tigil naman sa pagtawa si Amani at pinahiran nito ang mga tumutulong luha at tinignan ako.                 “Ang Mean mo! Ang sarap mo kasing pag-tripan masyado kang seryoso sa mga bagay. Sinabing ‘wag na pansinin si Jake e’,”nakangusong sabi ni Amani atsaka lumapit sa akin at yinakap ang braso ko.                 “Bakit ba? Nacu-curious ako sa kaniya e’, hindi niyo naman kasi masyadong pinapansin,”pagpapaliwanag ko. Napansin ko naman na tumigil na rin sa pagtawa si Kath at ngiting tinignan nalang ako nito. “Iyong totoo Calix? Crush mo ba si Jake?” Tanong ni Kath sa akin atsaka tinulak si Amani at sinundot ang gilid ng tiyan ko. Napatawa naman ako sa ginawa nito atsaka umiwas sa kaniya.                 “Pinagsasabi mong crush, curious nga. Gaga ka ba?” asar na tanong ko rito at inirapan siya “Hindi si Kath ako, hindi si lady gaga,”nakangisi naman nitong sagot. “Ha ha ha, ang corny mo mag-joke. Sobrang waley,”sabi ko rito na agad naman itong sumimangot. “Crush mo lang si Jake e’ kaya ka ganiyan sa akin,”pang-aasar nito kung kaya ay nilapitan ko ito at kinurot ang mga pisngi nito.                 “Sabing curious nga diba?”Gigil na sabi ko rito. “Iyan kasi Kath, walang sinabi si Calix na crush niya si Jake. Wala pa,”pang-aasar naman ni Amani kaya ay napalingon ako rito at sinamaan ito ng tingin. “Isa ka pa,”inis na sabi ko rito, itinaas lang nito ang kamay hanggang sa gilid ng tenga nito atsaka nag-peace sign.                 “Away,”daing ni Kath kung kaya ay binitiwan ko na ito at tinignan ito ng masama. Hina-haplos naman nito ang kaniyang pisngi na ngayon ay mamula-mula na.                 “Uulitin pa?” Tanong ko kay Kath na agad naman itong napa-iling. “Tara na guys, baka magabihan pa tayo,”rinig kong sabi ni Zaria at napalingon ako rito, nagsimula naman itong maglakad at sumunod na kami.                 “Hindi ko na talaga aasarin si Calix, ang sakit ng pisngi ko,”reklamo naman ni Kath, habang hina-haplos pa rin ang mga ito. Tinignan ko lang ito at nginitian ito ng malapad. “Saya ka girl?” Inis na tanong nito at inirapan ako, natawa nalang ako rito at agad naman na nag-para si Zaria ng tricycle.                 “Saan po kayo?” Tanong ni manong driver. “Sa plaza po,”masayang sagot ni Amani rito at agad naman na tumango si manong kung kaya ay sumakay na kami agad.                 Dito sa loob ng tricycle ay kasya ang apat na tao kung kaya ay nagsiksikan kaming apat. Dalawa sa harap at dalawa naman rito sa likod. Habang nasa biyahe kami ay lumilipad ang mahabang buhok ni Amani rito sa likod at si Zaria ang natatamaan.                 “Hoy Amani! Itali mo nga iyang buhok mo! Alam mo naman na sobrang lakas ng hangin. Hindi masarap ‘yang buhok mo, just in case na hindi mo alam,”pasigaw na sabi ni Zaria sabay hila sa buhok nito. “Aray naman! Oo na!” Pa-sigaw na sagot naman ni Amani na agad naman nito tinali ang buhok. Napa-iling nalang ako.                 Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa babaan ng tricycle kung kaya ay agad kaming nagbayad ng pamasahe at bumaba na. Bumungad naman sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ganda ng Plaza. “Ugh! Tignan mo ‘tong buhok ko, sobrang gulo na!” Reklamo naman ni Kath habang sinu-suklayan ang buhok nito gamit ang kaniyang isang kamay. “Bakit ba kasi hindi mo tinali ‘yang buhok mo,”sabi ni Amani atsaka tinanggal ang pagkakatali ng buhok nito. “Wow, kung hindi ka lang pinagsabihan ni Zar na itali ‘yang buhok mo siguro ay pareho lang tayo,”sagot naman nito.                 Nagsimula na kaming maglakad papunta sa entrance ng Plaza na ‘to, “Bahala na, basta hindi magulo buhok ko ngayon,”nang-aasar naman na sabi ni Amania sa kaniya. Inirapan lang ito ni Kath at nagpatuloy sa pagsu-suklay ng kaniyang buhok.                 Marami kaming stalls na nadadaanan, may stall na nagbebenta ng siomai atsaka puso, may stall na nagbe-benta ng manga, may stall din nagbe-benta ng shake, cotton candies at iba pa. Sobrang daming pagkain dito. Bakit hindi ko nakita noong gumala ako rito?                 “Mas maganda talaga gumala rito pag dapit hapon na,”sabi ni Amani habang nakatingin sa mga stalls at panigurado ay nagha-hanap ng pwede niyang kainin mamaya. “Bakit?” Tanong ko rito at napatingin sa mga taong abala na bumibili ng napili nilang pagkain.                 May nakita naman akong stall na kung saan nagtitinda ng sweetcorn at agad naman kumislap ang mga mata ko. Ang tagal na simula ng makakain ako ng ganiyan.                 “Itong mga stall kasi na ‘to ay nagtitinda lang simula 4 pm until 10 pm, kung kaya, pag-umaga ka pumunta rito ay wala ka talagang mabibilhan ng pagkain,”sabi ni Amani bago lumapit sa isang stall na nagtitinda ng mangga.                 Kaya pala wala akong nakita noong nagpunta ako rito, kung sabagay tanghali pa naman ‘yon. Kung alam ko lang sana na may ganito pala rito pag alas-kuwatro na, edi sana hapon na ako pumunta rito ng makabili ng manga at sweetcorn.                 “Hi manang!”Bati nito sa nagtitinda. Abala naman si manang na nagbabalat ng manga kung kaya ay hindi kami nito napansin, napalingon naman ito sa amin at ngumiti.                 Medyo matanda na si manang, may kulubot na ang mukha nito at may mga putting buhok na rin ito. “Oy iha, nariyan ka pala,”tugon nito. “Oo nga po e’. Alam niyo na, ‘di pwedeng hindi ako bibili ng manga niyo kapag nandito po ako sa Plaza,”nakangiting sabi naman ni Amani atsaka nag-thumbs up pa.                 “Naku iha! Ikaw talaga. O’ sya, pumili ka na kung saan diyan ang bibilhin mo,”sabi nito atsaka tinuro ang mga manggang nakalatag sa harap nito. Napatingin naman ako rito at napanga-nga sa laki ng mga mangga.                 “Magkano po ‘to?” Tanong ko rito. Panigurado mahal ‘to, sa siyudad kapag ganito kalaki ang mangga ay umaabot ng 10 to 15 pesos.                 “limang peso lang iha,”sabi nito na agad naman na lumaki ang mga mata ko at medyo napa-nganga pa ako sa gulat. “Po?” Paninigurado ko. Baka kasi mali lang ‘yong dinig ko.                 “Limang peso kako,”ulit na sabi nito at ngumiti pa. “Bakit ang mura?” Nagtatakang tanong ko at tumawa naman si Manang.                 “Galing ka sa siyudad no’?” Tanong nito na agad naman akong tumango.                 “Kaya naman pala, limang peso lang ‘yan iha,”nakangiting sabi nito.                 Saan ba sa siyudad ako bibili ng ganito kalaking mangga tapos limang peso lang? Hindi ba sila lugi rito?                 “Ito sa akin,”rinig kong sabi ni Kath kung kaya ay napalingon naman ako rito at nakitang inaabot nito ang kaniyang mangga kay manang na agad naman nitong binalatan. Agad naman namili ang dalawa pa at ibinigay ito kay manang kung kaya ay sumunod na rin ako at pinili ang sa tingin ko ay ang pinaka-malaki sa mga mangga na nakalatag.                 Habang naghi-hintay kami na mabalatan ang mangga ay napalingon ako sa paligid at karamihan sa mga tao rito ay kasama ang kanilang mga pamilya. Nalungkot naman ako ng maka-kita ako ng isang pamilya na karga-karga ng lalaki ang anak nitong babae sa kaliwang kamay habang hawak naman nito sa kabila ang kamay ng kaniyang asawa.                 Masaya silang nagtatawanan habang nakatingin sa anak nito na kumakain ng ice cream. Iniwas ko nalang ang tingin ko.                 Ano kaya feeling na kompleto ang pamilya namin? Ano kaya feeling na kasama ko rin sila mama na pumunta sa ganitong klaseng lugar tapos masayang kumakain ng mga pagkain sa stalls na naririto? Hindi ko maiiwasan ang mainggit sa kanila, hindi ko naman na pansin na nagsisimula ng mangilid ang mga luha ko kung kaya ay yumuko ako agad at pinunasan ito. Bigla akong nagulat ng bahagya ng may humawak sa balikat ko.                 “Okay ka lang Calix?” Rinig kong sabi ni Z. Mariin na pinikit ko ang mga mata ko at ngiting tinignan ito. “Oo naman.”                 “Talaga ba?” Nag-aalalang tanong nito na agad naman akong tumango at ganoon rin siya. Agad ko naman iniwas ang tingin ko napabuntong-hininga.                 Ang hirap talaga pigilan ng luha.                 “Eto na,”rinig kong sabi ni manang habang isa-isang binigay sa amin ang mga mangga na napili namin, agad naman akong nagbayad at nagkuha lang ng asin atsaka inilagay sa isang plastic.                 “Tara na’t pumasok sa gate,”aya ni Kath. Nauna naman itong naglakad at sumunod naman kami sa kaniya.                 Habang papasok kami ay bigla akong nakaramdam ng kilabot at para bang may nakatitig sa akin. Napatingin naman ako sa mga kasama ko at parang wala lang naman ang mga ito at masayang nag-uusap-usap. Napalingon naman ako sa paligid ko at tinignan kung may nakatingin ba talaga sa akin o imahinasyon ko lang ito ngunit nabigo ako dahil ang nakikita ko lang sa lugar na ito ay ang mga batang masayang naglalaro, mga estudyanteng nag-eensayo ng pagsayaw, at mga pamilyang masayang nagbo-bonding.                 Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pag-sunod sa mga kasama ko, tumigil naman kami sa malapit sa tren at umupo sa Bermuda grass.                 “Ang daming tao ngayon,”sabi ni Kath habang nagpalinga-linga sa paligid. “Syempre hapon na kaya, what do you expect?” mataray na tanong ni Amani sa kaniya. “I didn’t expect to see students here tho,”tugon ni Kath. “We are also STUDENTS,”sagot naman ni Amania atsaka ine-emphasize pa ang salitang Students.                 Bakit ba ‘to nagtataray ngayon? Hahaha.                 “Teka nga,”nagtatakang tanong ni Kath atsaka napalingon kay Amani. “Bakit?” Tanong ko rito. “Kanina ko pa napapansin Amani, bakit may sagot ka lagi sa tanong ko?” Taas-kilay na tanong nito. “Kasi nga tanong siya? Natural may sagot talaga,”sagot naman ni Amani atsaka kinain ang isang hiwa ng mangga. “Tignan mo, ang pilosopo mo talaga sa akin.”                 “Hindi ah, sinasagot ko lang mga tanong mo sa buhay. Kahit obvious naman ang mga sagot sa mga ito,”nakangiwing tugon nito. “Dami mong alam. Alam mo ‘yon?” iritang sabi ni Kath sa kaniya. “Hindi,”tanging sagot naman ni Amani na naging dahilan ng pagsimangot ni Kath.                 “Hayaan mo ‘yang dalawang baliw na ‘yan. Huwag na huwag kang magpapahawa sa kanila Calix,”biglang sabi ni Z.                 May ibang kasama pa pala kami rito. Ang tahimik ba naman kasi ni Z, simula noong makapasok kami rito.                 “Nandiyan ka pala?” Sarkastikong tanong ni Amani sa kaniya.                 “Oo, bakit?” Sagot naman ni Z sa kaniya. “Akala ko wala na kaming ibang kasama e’,”sagot naman ni Amani.                 “Tinutukoy mo ba sarili mo?”Tanong naman nito pabalik kay Amani, “Hindi bakit?”tugon naman ni Amani. “Wala lang akala ko kasi radyo kasama namin e’. Hindi kasi matigil bibig mo,”sagot naman ni Z sa kaniya.                 Napa-hawak naman ako sa bibig ko at natatawang tinigan si Amani na napatigil sa pagkain ng mangga niya at sinamaan ng tingin si Z.                 “What? Just stating the fact,”kibit-balikat na sabi nito.                 “Kapatid ba talaga kita?”Tanong nito. “Iyan din ang tanong ko e’. Hindi kasi kapani-paniwala,”sagot naman ni Z sa kaniya.                 “ZARIA!”Sigaw ni Amani at inis na tinignan si Z na abala sa pagkain ng kaniyang magga at nakatigin sa paligid.                 “Bakit Amani?”Inosente na tanong nito kung kaya at napa-tadyak nalang si Amani sa kaniyang paa.                 “Iyan karma mo,”natatawang sabi ni Kath rito.                 Nagpatuloy lang na nag-aasaran si Kath at Amani at paminsan-minsan ay sumisingit naman itong si Zaria. Napa-iling nalang ako sa mga ito at napatingin sa paligid.                 Napadako naman ang tingin ko sa isang bench sa hindi kalayuan sa amin na katabi ng isang napakalaking kahoy. Kitang-kita ko sa pwesto ko ang isang taong nakasuot ng sweatshirt at sombrero na nakatingin sa akin.                      Hindi ko makita kung sino ito pero bakit parang kilala ko. Hindi ko nalang ito pinansin at ibinaling nalang ang atensyon ko sa dalawang baliw na kasama ko ngunit bigla naman nagtaasan ang mga balahibo ko kung kaya ay agad akong napalingon sa paligid ko.                 Nagulat naman ako ng makita iyong tao kanina na masamang nakatingin sa akin, na tila ba may Malaki akong kasalanan.                           “Hoy calix! Tulala ka na naman, wala dito si Jake hoy!” Napalingon naman ako kay Kath at nakitang nakatitig pala ito sa akin ganon din ang kambal. “Ha?”                 “Huwag mo kaming ma ‘ha’ diyan? Sino ba ‘yang tinititigan mo?” Tanong ni Amani atsaka tinignan kung saan ako nakatingin kanina.                 “Wala naman tao sa bench na ‘yon,”saad nito, agad naman ko naman ibinalik ang atensyon ko sa kung saan ‘yong taong naka-sumbrero kanina ngunit wala na ito doon.                 Bakit ang bilis naman yata niyang mawala? Napa-tingin tingin ako sa paligid, nagbabasakaling makita ko ‘yong lalaking ‘yon ngunit nabigo lang ako sapagkat kahit anino nito ay hindi ko man lang mahanap.                 “May---Wala. ‘wag niyo na isipin ‘yon. Uwi na kaya tayo? Mag-gagabi na eh’,”suhestiyon ko rito. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at baka isipin pa ng mga ‘to na baliw ako.                 “Mabuti pa,”sang-ayon naman ni Z atsaka tumayo na.                 Tumayo na rin ako at tinext si lola. Agad naman kaming nagpa-alam sa isa’t-isa at naghiwalay.                 Nag-tungo na ako sa kung saan pwedeng huminto ang mga sasakyan at hindi naman ganoon katagal ang hinintay ko at dumating na si lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD