Chapter 19

2606 Words
Lumipas na ang dalawang linggo at lahat ng mga kaklase ko ay nakaka-usap ko na pwera nalang pala kay Jake. Masyado itong Aloof sa amin at tuwing bakanteng oras ay lagi nalang itong lumalabas sa classroom namin at hindi ko alam kung saan ito papunta. Nagba-basa lang ako ng libro patungkol sa Java Programming nang biglang may kumalabit na naging dahilan ng pag-lingon ko rito. “Calix, pwede ba paturo sa part na ‘to? Hindi ko kasi alam kung saan ako nagkamali e’. Ang daming bug,”kamot-ulong sabi nito at tinuro ang screen ng kaniyang laptop. “What subject ba ‘to?”tanong ko rito na agad ko na ini-scroll ang ang compiler nito. “Sa Electives natin ‘yan,”sagot naman nito at kinuha ang upuan ni Kath na hanggang ngayon ay wala pa rin. Late na naman yata ‘yon. “Oh okay, wait, I will try to run it and see what’s wrong,”sabi ko rito na agad naman itong tumango. Habang binabasa ko ang error na nagdisplay sa screen nang biglang bumukas ang pinto ay iniluwa doon si Kath na hinihingal. “Akala ko late na ako!” Hinihingal na sigaw nito. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa hitsura ni Kath. Gulong-gulo ang kaniya buhok at halos gusot ang uniform na suot nito. “Sana okay ka lang Kath,”rinig kong sigaw ni Kristy at tumawa ng sobrang lakas at nakipag-apir pa kay Kristoff at Harold. “Manahimik ka ah? Tae kayo,”hini-hingal na sabi nito atsaka pumasok sa loob ng classroom. Agad naman na tumayo si Dave at ibinalik ang upuan ni Kath. Pagkarating nito sa pwesto niya ay agad naman itong umupo at hinahabol ang hininga nito. “Nakakapagod!” Rinig kong reklamo. “Bakit ba kasi ngayon ka lang?”Tanong ko rito at binalik ang tingin sa screen ng laptop. “Nakakainis naman kasi si Mommy, sabi niya dadaan lang kami sa tita ko. Ayon, nakipag-chika pa sa mga ‘to kaya ang resulta, na-late ako,”sagot nito atsaka inilabas ang laptop na dala-dala nito. “Hindi mo ba nabasa ang announcement sa group chat?” Tanong ko habang isa-isang binasa ang lines of codes ni Dave. “What announcement? Hindi ko pa nabubuksan ‘yong messenger ko e’,”sagot nito atsaka napa-kamot sa ulo. Napa-tingin naman ako rito at nakitang binu-buksan na nito ang kaniyang f******k account. “Basahin mo nalang,”sabi ko and highligted some codes of lines and erased it. “This part, dapat ang ginawa mo rito is to compare—-,”hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Kath, kung kaya ay napalingon kami rito. “Hoy Kath!” Sita naman ni Dave rito. “Bakit hindi niyo sinabi sa’kin na wala tayong first and second subject?!”sigaw nito. “Excuse me? Hindi na namin kasalanan kung ‘di mo binuksan ang messenger mo!” Sabi ni Kristy at natatawang inirapan ito. “Sana lahat shunga,”tawang-tawa naman na sabi ni Amani. “Urgh! Na-haggard tuloy ako,”reklamo nito. Tumawa naman ng malakas si Amani atsaka tumayo at tinapik ito sa balikat. “Mabuti na ‘yang ganiyan at nang magtanda ka. Open-open din ng messenger okay?” Natatawa na sabi ni Amani rito. Tinulak naman siya ni Kath at inirapan. Napa-iling nalang ako sa kanila at patuloy na ine-explain kay Dave kung ano mali sa program nito. “So I just have to change this code and then make a link to the other page para ma-retrieve ko ‘yong data?” Tanong nito. “Yes, no need to complicate things. You only need to create one of this and then pwede mo na ‘to gamitin sa lahat. Masyadong redundant ‘yong code mo kaya in result naging bug,”sagot ko rito, agad naman itong tumango at nagpa-salamat at umalis na. Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng biglang bumukas ang pintuan. Napa-lingon naman ako rito at nakita ko ang isang babae na pumasok na ngayon ko lang nakita. Transferee ba ‘to? Bakit magta-tatlong linggo na ako sa school na ‘to pero ngayon lang ito nagpakita sa klase? Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa umupo ito sa bakanteng upuan sa harap ni Jake. Nakatitig lang ako sa kaniya at pinipilit na ina-alala kung nakita ko na ba ito sa mga nagdaang araw ngunit na bigo lang ako. Bakit ngayon lang ‘to pumasok? Kung old student ‘to edi sana drop out na ‘to ngayon? Magtatanong sana ako kay Kath ng bigla itong tumayo at lumabas ng classroom. “Psst,”tawag ko rito kay Amani. Abala naman si Amani sa pakikipag-daldalan sa iba ko pang kaklase. “Psst!”Ulit ko, napa-lingon naman sa akin si Krisha at tinuro si Amani, tumango naman ako kung kaya ay kinalabit niya ito. Napa-lingon naman si Amani kay Keisha at sa akin. Ngumiti naman ito at biglang tumayo sa upuan niya at iniwan ang iba naming mga kaklase, bastos na bata. “Bakit? Miss mo baa ko kaya ka napatawag?” Nakangising tanong nito. “Alam mo ang bastos mo, iniwan mo ‘yong mga kaklase do’n,”sabi ko sa kaniya atsaka tinuro sila Krisha nagpatuloy sa pag-uusap. “Hayaan mo sila, nagpa-alam naman ako kaya okay lang,”tugon naman nito. Agad ko naman itong hinila at pina-upo sa pwesto ni Kath. “May tanong ako,”pagsi-simula ko rito. “Naku Calix ah, ‘wag ako. Iyan ka na naman sa mga tanong mo,”sagot nito atsaka tatayo na sana ng pigilan ko ito. “Diyan ka lang, sagutin mo nalang kasi ‘tong tanong ko,”dugtong ko rito, napa-iling naman ito. “Ano ba kasi ‘yon?” Sabi nito atsaka itinaas pa ang dalawang kamay ngunit, bago ko pa masimulan ay siya namang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng ikatlong instructor namin. “Okay, Good Morning class,”bati nito sa amin na agad naman kaming bumati rito pabalik. “So before we start with our discussions, I will check your attendance first. Say here if your name is called, understand?” Anunsiyo nito. Tumango lang ako rito at sinimulan nang tawagin ni sir ang mga pangalan namin isa-isa.             Naka-kalahati na ito sa pagtawag ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok rito si Kath na naka-kunot ang noo. “Katharina Leano, why are you late?” Tanong ni sir rito, lumingon naman si Kath kay sir at biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at napakamot sa ulo. “Sorry sir, galing po ako sa clinic. You can check the log there if you want,”paliwanag nito. Tumango naman ang instructor namin na si Sir Ortega, “Umupo ka na,” Utos nito.             Naglakad naman si Kath papunta sa upuan nito na tila ba may malalim na iniisip. Napatitig lang ako sa kaniya at nagtatakang tinaas ang isang kilay.             Ano na naman kayang kabaliwan ang nangyari sa bruhang ‘to?             “Miss Guevarra?” Basa ni Sir sa apelyido ko, napatingin naman ako rito at tinaas ang kamay ko, “Here Sir,”sabi ko atsaka binaba na ang aking kamay.             Napalingon naman ako sa babaeng ngayon ko lang nakita rito at nagtaka, bakit hindi man lang ito tinawag? Hindi ba nakikita ni Sir ang babaeng ‘to? Ina-abangan ko ang pagtawag ni Sir rito ngunit gulat akong napatingin sa harapan.             “Okay class, let’s continue our discussion from last meeting,”sabi nito atsaka binuksan ang projector.             What? What’s going on? Halata naman na may ibang student dito pero bakit hindi man lang ito tinuonan ng pansin? Ang labis kong pinagtataka ay bakit hindi man lang ito tinawag? Tao ba talaga ito o hindi?             Napalingon naman ako rito at kitang-kita ko kung paano nakatitig ang dalawang tao sa akin, si Jake at iyong babae na hindi nila napapansin. Bakit ang weird ng mga kaklase ko?             Iniwas ko na agad ang tingin atsaka nag-focus nalang sa discussion kahit ramdam ko pa rin ang mga titig nito sa likod ko.             Bakit ganon? Hindi ko talaga naiintindahan e’. Matanong ko nalang mamaya sila Z, baka sakaling may sagot ang mga ito.             Napabuntong-hinga nalang ako atsaka tinuon ang atensyon sa harap kahit ang isipan ko ay lumilipad sa kawalan at iniisip kung sino ba talaga itong babaeng ‘to.             Lumipas ang tatlong oras at natapos na rin ang klase namin sa subject na ito, agad naman na lumabas ang instructor namin at ganoon rin ang iba ko pang mga kaklase. Lumapit naman sa akin si Amani atsaka hinila ako papunta sa likuran na bahagi ng classroom.             “Remember the rules Calix, remember the rules!” Mahinang sabi nito na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. “Yes I know, why are you telling me that?” Tanong ko rito at tinignan ito ng seryoso.             Bigla naman itong napahawak sa ulo nito at tinignan ako. “Don’t mess everything up,”tarantang sabi nito na agad naman akong nagtaka. “What do you mean?” Naguguluhan kong tanong rito. “Just do what I say,”giit na sabi nito at akmang aalis na sana ng pigilan ko ang kamay nito. “I have a question, don’t go.” Sabi ko rito at hinila ito ng mahina, lumapit naman ito sa akin atsaka humalukipkip. “What?”Mahinang tanong nito.             “Can you see that girl?” Tanong ko rito. Napa-ayos naman ito ng tayo at tumingin sa akin ng seryoso. “What girl?” Tanong nito. “The girl with a curly black hair and has a scar on her face,”sagot ko rito. Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat nito at napalingon-lingon sa mga kaklase. “Wala tayong classmate na ganiyan,”sabi nito.             “Wala? But she is there,”sabi ko rito atsaka itinuro ang babaeng nakatalikod sa amin, na abalang kumakain ng biskwit. Hindi naman lumingon si Amani at tinignan ako ng mariin, “Nababaliw ka na yata Calix, kung ano-ano nalang iyang pinagsasabi mo,”umi-iling na sabi nito, lumapit naman ito ng bahagya atsaka pinatong ang kaniyang kamay sa balikat ko.             “Mag-pahinga ka na, pagod ka lang siguro kung kaya ay kung ano-ano nalang ang nakikita mo,”sabi nito bago umalis at nagtungo kay Zadie at kinausap ito.             Impossible naman na multo ang babaeng ‘yan, sigurado ako na totoong tao ‘yan pero bakit naman hindi nila ito papansinin? Ang weird naman kung ganon.             Napatingin naman ako doon sa babae ng bigla itong tumayo at lumabas ng classroom. Agad naman ko naman itong sinundan kung saan ito papunta. Naglalakad lang kami papunta sa kung nasaan ang cr. Sumunod lang ako rito hanggang sa naglakad na ito paakyat sa sunod na palapag.             “Wait,”tawag ko rito. Tumigil lang ito saglit atsaka nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan. Hindi man lang siya nag-atubiling lumingon sa akin o ‘di kaya ay tignan ako saglit. Hinabol ko lang ito hanggan sa makarating kami sa 8th floor. Nakatayo lang ito sa gitna ng pasilyo at nakatingin sa kaliwa na kung saan wala itong dingding o kahit ano kung kaya ay kitang-kita sa pwesto niya ang field ng JITU.             “Teka,”tawag ko ulit rito. Tinignan lang ako nito saglit atsaka nagpatuloy na sa paglalakad. Dali-dali ko itong sinundan ngunit nagulat nalang ako ng wala ng tao sa palapag na ‘to.             Dead end.             Saan na ‘yon? Nagpalinga-linga pa ako ngunit wala na akong makita na pwede niyang daanan kung kaya ay napagdesisyonan ko na bumalik nalang sa classroom.             Labis ang pagtataka ko sa nasaksihan ko ngayon, totoo nga kaya na hindi nakikita nila Amani ‘yon babae? Multo ba talaga iyon? Oh isang aloof lang tao?             Gusto ko malaman ang totoo kung kaya sa susunod na makita ko ‘yon ay kaka-usapin ko ito.             Pagkarating ko sa classroom ay sinalubong naman ako agad ni Kath at sinabing magpapatulong ito sa program na ginagawa nito.             Nakita ko naman si Amani na nagtatakang nakatingin sa akin, “Saan ka galing?” Tanong nito sa akin, “Sa CR lang,”pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin.             Ayoko malaman ni Amani na sinunda ko iyong babae, baka magalit na naman ‘to sa akin. Tinulungan ko nalang si Kath sa Codes nito hanggang sa dumating ang susunod namin na instructor. Tumalikod na ako kay Kath at babalik na sana sa upuan ng makita ko ‘yong babae na pumasok sa pintuan sa likod at agad na umupo sa kaniyang pwesto, umupo na rin ako at hindi pa rin maiwas ang tingin ko rito.             “Calix!”Tawag sa akin kung kaya ay halos mapa-talon ako sa gulat at tinignan ng masama si Amani. “Bakit?” mahinang tanong ko rito. Tinuro naman nito ang board na sinasabing mag-focus ako sa klase tumango lang ako sa kaniya at humarap na sa board.             Anong pinaglalaban no’n?             Tinuon ko nalang ang pansin ko sa harap at paminsan na napapalingon sa babaeng ‘yon. Nagulat naman ako ng makitang nakatitig ito sa akin. Binalik ko nalang ang tingin ko sa harap at napayuko             Sino ba kasi ‘yang babae na ‘yan. Nahihiwagan na ako sa kaniya, gusto ko malaman lahat tungkol sa kaniya at kung bakit hindi ito pina-pansin. Bigla naman akong nakarinig ng paghila ng upuan kung kaya ay napalingon ako sa pinang-galingan no’n at nakita ang babae na ‘yon na tumayo dala-dala ang bag nito atsaka lumabas. Napalingon naman ako sa mga kaklase ko at kay sir na parang wala lang itong narinig o na pansin na may lumabas.             Napatayo naman ako bigla at susundan sana ang babaeng iyon ng makita ko ang atensiyon ng mga kaklase ko ay sa akin na nakatuon, “What is your problem Guevarra?” Tanong ni Sir sa akin na napatigil sa kaniyang pagtuturo. Nagtaka naman akong tinignan ito at ang mga kaklase ko bago ako bumalik sa pagkaka-upo.             “Wala po sir, sorry.” Paghihingi ko ng pansensya rito atsaka kinuha ang libro at hinarang sa mukha ko. “Okay, let’s proceed.” Rinig kong sabi nito atsaka nagpatuloy sa pagdi-discuss.             Bakit ganon? Ang daya naman yata. Napansin nila ako pero hindi nila napasin ang babaeng ‘yon na kalmang lumabas ng classroom na parang wala lang kaniya ang lahat, o ‘di kaya ay hindi talaga ‘yon tao? Kung ganon, that explains why everyone here can’t see her. O my god!             Napa-hawak naman ako sa bibig ko at napa-yuko.             Tatanungin ko talaga si lola mamaya patungkol rito, kung may pamilya ba kami na makakakita ng mga multo. Bigla naman nagtayuan ang mga balahibo ko at bahagya akong napatalon sa upuan ko ng biglang may huwamak sa balikat ko.             “Hoy, tapos na class natin kanina ka pa tulala diyan. Lalim yata ng iniisip mo?” Napalingon naman ako sa rito at nakita ang nakangisi na si Kath. “May iniisip lang,”sagot ko rito at agad na niligpit ang mga gamit ko.             “Ano? Oh ‘di kaya ay sino? Ikaw ha,”pang-aasar ni Kath atsaka sinusundot-sundot ang pisgni ko. “Huwag ka nga!” Naka-nguso kong saway rito, natawa naman siya at tinawag ang kambal na seryosong nag-uusap.             “Si Calix oh, iniisip si crushy,”pang-aasar ni Kath habang nakaturo pa sa akin. Agad naman nagbago ang  ekspresyon sa muka ni Amani atsaka lumapit sa amin. “Kaya naman pala luting ngayong araw,”dugton naman ni Amani at ngising napatingin sa akin. “Naniwala ka naman?” Asar na tanong ko rito na agad naman itong tumango atsaka tumawa.             “Syempre, bakit naman hindi? Atsaka alam naman natin apat na--,”hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin dahil tinakpan ko ang bibig nito at nilakihan ng mata.             “Mahiya ka nga, alam mo na hindi totoo ‘yan,”sabi ko rito, itinaas naman nito ang kaniyang mga kamay na tila nagsu-surrender kaya tinaggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.             “Oo na, defensive naman ‘to.” Sabi nito atsaka tumaliko na sa amin at kinuha na ang mga gamit atsaka nag-ayang umuwi. Napa-iling nalang ako bago kami nagsimulang maglakad papalabas ng Classroom.             Ngunit bago iyon ay nakita ko iyong babae na nakatayo sa bakanteng room na kung saan naroroon si Jake noong isang linggo.             Parehong awra ang binibigay ng dalawang ‘yon sa akin, kilabot at takot. Ewan ko ba napaka-misteryoso ng mga taong ‘to.             “Hi Calix!” Bati ni Sining sa akin nang magkasalubong kami rito sa hallway papuntang elevator. “Hello Sing,”Bati ko rito pabalik. “May gagawin ka ba ngayon?” Tanong nito, kung kaya ay agad naman akong napa-iling.                “Nice, pina-patawag ka kasi ni Celestial.” Sabi nito. “Bakit?”             Nagkibit-balikat lang ito atsaka ngumiti, tumango lang ako sa kaniya at humarap sa mga kaibigan ko. “Ma-una na kayo, bye. Ingat kayo,”pa-alam ko rito na agad naman tumango ang tatlo. Isa-isa ko silang niyakap at bumaba na papuntang ground floor gamit ang hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD