Chapter 1
WARNING: THIS STORY IS FOR MATURE AUDIENCES ONLY (18+)
Contains explicit s****l content, strong language, and adult themes
Aliyah’s POV
Napahikab ako pagkadilat ng mga mata ko. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang makita ko si David na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ang bigat ng braso niya na nakapulupot sa bewang ko ay tila nagsisilbing angkla—isang paalala na hindi panaginip ang lahat.
I leaned in and placed a lingering, soft kiss sa mainit at hubad niyang dibdib. Amoy na amoy ko pa rin ang halo ng kaniyang signature perfume at ang natural na bango ng balat niya. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko, sinisiguradong hindi siya magigising habang ninanamnam ko ang pagiging "at home" sa mga braso niya.
Ex-high school sweethearts kami ni David. Siya ang aking first love, ang lalaking nagturo sa akin kung paano tumibok nang mabilis ang puso. Basketball star siya noon, habang ako naman ang cheerleader na laging sumisigaw ng pangalan niya sa court.
Bago naging kami, we were the best of friends sa UP. Tambay sa Sunken Garden, sabay kumakain ng isaw, at magkasamang nagpupuyat para sa mga reqs. Pero deep inside, baliw na baliw na ako sa kanya noon pa man.
Noong nag-confess siya, inamin niyang matagal na siyang torpe dahil natatakot siya sa kuya ko na si Lance. Pero nung naging kami, David was a real-life Prince Charming—caring, thoughtful, at sobrang mapusok magmahal. Pero after graduation, gumuho ang lahat nung bigla siyang nakipag-break. Sabi niya, "it’s not you, it’s me." Gasgas na linya na pumatay sa puso ko.
Pero kagabi? Kagabi ang naging katapusan ng lahat ng pangungulila ko. Last night was the most passionate night of my life. Sobrang intense, bawat haplos niya ay tila sinusunog ang balat ko sa sarap.
Ramdam ko pa rin ang diin ng mga labi niya at ang higpit ng hawak niya sa akin. Ngayon, hinding-hindi ko na hahayaang makawala pa siya.
Flashback
Kinakabahan kong pinaglalaruan ang laylayan ng dress ko habang naghihintay kay David sa garden ng Jimenez Mansion. Engagement party 'to ni Kuya Lance at ni Ciella. Sabi ni Gwy, parating na raw ang kuya niya.
Hindi kami nagkita simula nung nag-break kami bago ako lumipad patungong Milan para sa Fashion Styling. Pag-uwi ko rito sa Pilipinas, nalaman kong galing din siyang abroad. At dahil close friends sila ni Kuya Lance, expected na nandito siya.
Nang makita ko si David na pumasok sa venue, tumigil yata ang mundo ko. He looked smoking hot sa navy blue designer suit niya na hapit sa matipuno niyang katawan. Maya-maya, naramdaman ko ang paglapit niya.
"Long time no see, Ali." Bulong niya, sabay dampi ng mainit na halik sa pisngi ko. Nanindig ang balahibo ko sa boses niya.
"Glad to see you again," halos pabulong kong sagot.
"You look stunning. Parang ayaw na kitang palabasin sa paningin ko," dagdag niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ang asul niyang mga mata ay puno ng pagnanasa na matagal na niyang itinatago.
Habang nagpapatuloy ang party, hindi kami mapaghiwalay ng tingin. Kahit kausap niya si Raed o si Kuya Lance, nasa akin ang atensyon niya. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at niyaya akong sumayaw. Sa dance floor, naramdaman ko ang init ng palad niya sa bewang ko, hinihila ako palapit hanggang sa walang puwang sa pagitan namin.
Nang matapos ang sayaw, sinundan niya ako hanggang sa labas ng bathroom. Isinandal niya ako sa pader, ang kaniyang mga braso ay nakaharang sa magkabilang gilid ko.
"David, anong..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakop na niya ang mga labi ko. It was a hungry, feverish kiss. Lasang whiskey at mint ang kaniyang hininga.
Pumasok ang dila niya at ginalugad ang bawat sulok ng bibig ko, habang ang kaniyang kamay ay mabilis na bumaba sa slit ng dress ko, hinahaplos ang hubad kong hita.
"Ali... miss na miss na kita," ungol niya sa pagitan ng mga halik.
"Huwag dito, David. Doon tayo sa suite," pabulong kong sabi, habang hinahabol ang hininga ko.
AUTHOR’S NOTE: Pa-add po sa library ninyo yung “Playing with Fire at “Owned by Billionaire” po na story ko.