Hindi maipaliwanag ni Diamond kung paano sila humantong sa ganitong eksena, maayos ang takbo ng usapan nilang dalawa ni Calix nang maramdaman n'yang marahan siya nitong niyapos sa bewang at mabilis na hinalikan sa mga labi. Kasinungalingan talagang sabihin na mag-uusap lamang silang dalawa tungkol sa mga naalala nito noong una silang magkakilala. Basta na lamang nakita ni Diamond na nagpatianod ang sarili sa nararamdaman kahit hindi n'ya naman nagawang sagutin nang maayos ang pinakamahalagang tanong nito kanina. May nagbago nga ba sa nararamdaman n'ya five years ago? Wala. Nanatili ang paghangang nararamdaman nito sa nag-iisang lalaking binigyan siya ng ilang oras na kalayaan mula sa magulong mundong kinagisnan n'ya. Sabihin mang konti lamang ang nalalaman n'ya pagdating sa tunay na

