Ramdam ni Diamond kung paano binalot ng matinding katahimikan ang rest house nang mawala ang mga kaibigan ni Calix. Kung kanina walang katapusan ang mga asaran ng QUATRO, parang biglang nawalan ng buhay ang padre de pamilya nila nang magpaalam ito para magkapagpahinga raw siya ng maaga sa kwarto. "Mommy, what happened to daddy? Is he sick?" Humarap sa kanya ang anak nang may pangamba sa mga mata. Wala naman siyang nagawa kung hindi ngitian ito. "Daddy's taking a nap in his room. Napagod yata sa pagbubuhat ng mga gamit natin kanina, Baby." Mataman itong tumitig sa kanya na para bang may iba pang bumabagabag sa isipan nito. Hinanda n'ya naman ang sarili para magawa nitong sagutin ang anumang sunod na itatanong ng anak tungkol sa daddy nito. "Ayaw po tumabi sa atin ni daddy, Mommy? Bakit

