THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Ayoko Charry, itigil na natin ito!” giit ni Doc. Ava nang utusan siya nitong ipagpalit ang magiging anak ni Isabella sa anak ni Mathilda kapag nanganak na ito. Nahampas ni Charry ang table at tumayo upang lapitan si Doc. Ava. “What?! Ngayon mo pa ba ako ilalaglag Ava? Nakalimutan mo na bang malaki ang utang na loob mo sa akin? Kung hindi dahil sa akin hindi ka magiging doctor!” galit na singhal ni Charry sa kanya. Noong araw ng huling pagkikita nila ni Esrael ay napilitan siyang magpunta sa Mindanao upang magtago. Kinailangan pa niyang tumira sa bundok kasama ng mga pwersa na kalaban ng gobyerno upang hindi lang siya mahanap. Sa tulong ng kakilala ng kanyang ama ay hindi siya nahanap ng mga pulis at sundalong naghahanap sa kanya. Ngunit isang araw nagisin

