Chapter 56

1132 Words

ESRAEL Pasado alas-otso na nang marinig ko ang kotse ni Mark na dumating. Maagang nagpahinga si Isabella kaya agad akong bumaba upang salubungin siya. “Doon na tayo mag-usap. Baka magising si Isabella.” Turo ko sa kanya sa tabi ng swimming pool. Naupo kami sa rattan chair at inabot niya sa akin ang envelop na dala niya. Ako na mismo ang nagtangal ng tape upang buksan ito. “Don’t tell me pina-imbistigahan mo na yung Matilda na yun?” “Hindi lang siya, kundi pati ang doctor niya.” Sagot ko. “What? Tsk! Bro, kapag nalaman ni Isabella ang ginawa mo at wala silang kinalaman kay Charry. Paniguradong magagalit sa’yo ang asawa mo—” “Fvck!” bulalas ko nang makita ang mga larawan na kasama ni Doc. Ava si Charry sa isang larawan nila sa university at may isa pang bagong kuhang larawan lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD