THIRD PERSON POV “Sir, hindi naman po siya kumain” Marahas na napabuntong hininga si Rick sa narinig sa kanyang kasambahay na may bitbit na tray. Hindi man lang nabawasan kahit konte ang dinala nitong pagkain sa kuwarto ng kanilang anak. “Elena, ano pa ba ang maaari nating gawin kay Charry?” namomoblemang tanong nito sa kanyang asawa. “Hindi ko alam Rick, pero kasalanan mo ang lahat. Pinalaki mo siyang ganyan. Nakukuha ang lahat ng gusto niya sa buhay sa ano mang paraan kaya pati pagdating kay Esrael hindi pa rin sumusuko ang anak mo.” Paninisi nito sa asawa. Nagulat si Elena nang hampasin nito ang mesa kung saan sila naghahapunang dalawa. “Bakit hindi na lang kasi si Charry ang nagustuhan ni Esrael?! Bakit si Isabella pa?! Kumpara sa kanya mas higit naman na nakakalamang ang anak

