ISABELLA “Oh? Bakit ganyan ang mukha mo ayaw mo na ba kaming makita—ahhh! Masakit yun ha!” nakangiwing reklamo ni Ruffa nang hampasin ko siya sa braso. Sino ba naman kasi ang ayaw ng walang bisita kung palagi na lamang akong nakakulong dito sa Villa. Minsan lang nila ako dinadalaw kapag wala silang pasok dahil abala na sila sa last semester. Samantalang ako, andito sa villa at hindi nakakalabas. Mabuti na nga lang hindi palaging umaalis si Esrael. Saka palaging nadalaw si mama at papa kaya kahit paano ay hindi ako nabo-bored. Pero gusto ko na ring pumasok sa school. “May problema ba?” usisa naman ni Kikay. Malalim akong napabuntong hininga at sumandal sa sofa. “Ina-alala ko si Esrael. Ilang beses ko na siyang napapansin na palaging may malalim na iniisip. Masyado niya akong inaalala. L

