ESRAEL “Naiinip na ako Mark, habang tumatagal ang kaso lalo lamang hindi mabibigayang linaw ang lahat. Kailangan na nating mapanagot ang may sala sa pag-kidnap kay Isabella.” wika ko sa kanya. Nandito kami sa labas habang umiinom ng beer dahil abala ang mga kababaihan sa loob at nag-sasaya. “Ang ipinagtataka ko, sa tuwing papalapit na tayo sa ebedensya palagi na lamang itong nawawala. Ilang lingo ko nang ipinahanap ang mga magulang noong inilibing natin. Tapos yung si Madam Flora naman at Perly ay pinalaya dahil sa piyansa. Hindi na rin natin sila mahagilap hangang ngayon.” Paliwanag niya. “Yun nan ga eh, may taong tumutulong kay Charry para magawa niya ito kahit nakakulong na siya. Isa pang problema si Mayor De Leon. Kinukumbinsi niya akong i-atras ang demanda laban sa kanyang anak.

