THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Wala bang nakasunod sa’yo?” bungad na tanong ni Charry kay Shiela nang datnan niya ito sa pinag-usapan nilang meeting place. “Wala po Madam, hindi naman po nila ako pinaghihinalaan.” sagot nito. Napangisi si Charry sa sinabi nito. “Wala silang kamalay-malay na bukas na bukas din ay mamatay na ang babaeng yun…” “Madam? Anong plano mo?” Kinuha nito ang bag at naglabas ng maliit na bote. “Isang patak lang nito sa pagkain ng babaeng yun. Paniguradong bubulagta na siya habang bumubula ang bibig.” Panigurado ni Charry. At pagkatapos ay inabot kay shiel ana kaagad naman nitong tinangap at inilagay sa bag. “Madam, paano kung mahuli ako—” “Huwag kang mag-alala may plano na ako tungkol diyan. Ako ang bahala sayo. Kung hindi lang mahigpit ang bantay sa vill

