ISABELLA “It’s a baby girl! Congrats sa inyong dalawa.” Nangingilid ang luhang napatingin ako kay Esrael nang sabihin ni Doc. Ava ang gender ng baby namin. Pinisil niya nag kamay ko at hinalikan ako sa noo. Nadinig pa namin ang malakas na heartbeat ng baby. Six months preggy na ako at hindi na ako makapaghintay na makita ang baby naming dalawa. “Thank you so much, Doc. Ava for taking care of my wife.” Ngumiti ito sa amin at pinahid ang cream na nilagay sa naka-umbok kong tiyan. “Wala yun, Mr. Montefalco.” Pagkatapos namin sa Obgyne ay niyaya ko naman siya sa mall upang makapamili na kami ng gamit ni baby. Hindi pa kami nakakapag-isip ng name para sa kanya. Gusto ko pareho kaming mag-agree ni Esrael sa bagay na yun. “Sino tatawagan mo?” tanong ko sa kanya dahil hinugot niya ang

