ISABELLA “Wala kang kasing sama! Pati ang taong itinuring kang kaibigan pinatay mo!” matapang na singhal ko sa kanya. Matapos na pindutin niya ang remote na nagkokonekta sa bomba na nasa katawan ni Doc Ava. Yumuko siya at hinila ang buhok ko ng malakas kaya napangiwi ako. “Kaibigan?! May kaibigan bang traydor?! Sinumbong niya ako kay Esrael kaya nararapat lamang sa kanya ang mamatay! Bakit? Gusto mo na bang sumunod?! Sabihin mo lang at kating-kati na akong tapusin ka!” igting ang panga na sigaw niya sa akin. Wala nang epekto sa kanya ang magmakaawa pa ako dahil nilamon na ng galit ang puso niya at kahit anong gawin ko ay hindi na niya akong pakikingan pa. “Bakit hindi na lang ako ang patayin mo? Bakit idinadamay mo pa si Esrael at ang anak namin? Ako na lang Charry! Ako na lang!” Pigil

