ESRAEL “I’m sorry nang dahil sa akin nag-away kayo ng wife mo.” wika ni Laura pagbalik ko sa office. Hindi ko na siya nahabol at nangangamba ako na baka kapag pinilit ko siyang kausapin ako lalo lamang kaming mag-away. Kinuha ko ang coat ko at bumaling ako sa kanya. “I’m sorry, kailangan kong kausapin ang wife ko. Hindi niya maiintindihan ang nangyari kung hindi ko ipapaliwanag sa kanya ng maayos ang lahat. It’s actually my fault. I lied last night nang umuwi ako. Hindi ko sinabi ang tunay na dahilan dahil ayokong mag-away kaming dalawa. At hindi ko inasahan na mangyayari ito.” sagot ko habang sinusuot ang coat ko. Kinuha ko ang black card ko at inabot ko sa kanya. “Use this para makahanap ng matutuluyan pansamantala. I know your in danger kaya ipapasama ko sayo ang dalawang bodyguard

