Kabanata 2

1439 Words
Julie "You look expensive tonight." Compliment ni Kuya Lucas ng makapasok siya sa kwarto ko. Nang lingunin ko ang pwesto niya ay nakasandal siya sa hamba ng pintuan at malawak ang ngiting ipinakita niya sa akin. “I do really expensive kahit na ang simpleng damit na ang suot ko?” I asked and laughed a little. Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Kuya sa suot ko ngayon. Dahil reunion lang naman ang pupuntahan ko ay nagsuot na lang ako ng simpleng beige off shoulder na dress at pinares ko ng high heels, hindi na ako nagdalawang isip na isuot ito dahil magaling naman akong magdala ng damit. “Of course you are. You’re Julie Ann Montiero, one of the highest paid models of this year.” Pagmamayabang niya kaya napairap na lang ako at kinuha ang sling bag at susi ng kotse. Lumapit ako kay Kuya at kumapit sa braso niya. “Kuya naman, last year lang ako nagistart as a model pwede bang ‘wag kang ganyan. I am not one of the highest paid models of this year, may mataas pa sa akin,” naiinis kong saad habang pababa kami ng hagdan. Natatawa na lang ang mga nakasalubong naming katulong ng marinig nila ang sinabi ko habang si Kuya naman ay inismiran lang ako at muli akong sinagot. “Totoo naman, eh. Para sa akin you’re already one of them. Imagine how proud I am na halos pag-aagawan ka na ng mga modeling agents para lang i-endorse ang mga brand nila. You should be proud of your achievements, my little baby.” Napanguso na lang ako ng marinig ko ang sinabi niya, I can really sense that my Kuya is proud of what I am achieving right now, but I am beyond proud because I finally made my Kuya happy. I always wanted to see how proud my Kuya was because he’s the one who never stopped understanding and loving me when our parents died. Gusto kong ibalik sa kanya lahat ng ginawa niya sa akin. “Anong oras mo ako hihintayin sa pag-uwi?” Pagtatanong ko ng ihatid niya ako sa kotse na gagamitin ko. Nang tingnan ko siya ay nagtataka lang siyang tumingin sa akin. “Why are you looking at me like that? May hindi ba ako magandang nasabi?” “Why are you asking me that kind of question, Julie? Nasa sa iyo na kung anong oras ka uuwi, I am not the one who are going to decide it. You are now 22 years old, nasa sa iyo na ang desisyon.” Seryosong paliwanag niya kaya hindi ko na mapigilang ngumiti. What a sweet Kuya, no wonder why Lilie fell for him. “I’m sorry, nasanay lang ako na kapag pupunta ako sa mga party ay ikaw ang nagsasabi na kung hanggang anong oras lang ako. Kaya medyo naninibago lang ako.” “That was back then when you were still a minor. Ngayong may sarili ka ng desisyon ay hahayaan na kita but always ask me first before doing it. Sa ngayon ay mag-ingat ka sa pagda-drive, always looked around to your surroundings and be alert. Don’t off your cell phone, kapag hindi ka sumagot sa tawag or text ko ng limang beses I will track your location. Is that clear?” Mahabang litanya niya kaya saglit akong naptulala sa narinig. Parang gusto ko na tuloy bawiin na sweet si Kuya Lucas. “Julie Ann Montiero, did you get what I said earlier?” Nabalik na lang ako sa huwisyo ng marinig ko muli ang boses niya kaya napangisi na lang ako at tumango. “Yeah, yeah I get it. Aalis na ako.” Paalam ko at basta na lamang pumasok sa kotse at inistart na ang sasakyan, bago ako tuluyang lumabas ng gate namin ay bumusina pa ako at diretso larga na papuntang reunion. Habang nagda-drive ako ay muling pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Jen. Lahat ay nandoon pati na rin daw ang mga teacher at mga naging substitute teacher. Ibig sabihin ay nandoon rin pala siya. Napapikit na lang ako at mahinang hinampas ang manibela dahil pumasok ang isang senaryo na pilit ko ng nakalimutan. Huminga ako ng malalim at muling nagdrive ng makita kong green light na, so what kung nandoon siya Julie? Act like you didn’t know him. That’s right, Julie. You can do it! Makalipas ang 30 minutes na byahe ay napangiti na lang ako ng marating ko ang parking lot ng University namin. I can say na marami ng nagbago, mas lalong lumawak ang parking lot. Mas naging maganda ang view ng University namin. Pagpasok ko ay ramdam na ramdam ko na ang saya at excitement sa gaganaping reunion ngayon. Alive na alive ang mga tao at miski na rin ang tugtugin, ang daming mga ala-ala ang bumalik sa akin habang inililibot ko ang tingin sa University. Bago pa man ako makarating sa Gymnasium kung saan gaganapin ang party ay marami ang nagpapakuha sa akin ng litrato na malugod ko namang tinatanggap. I really miss this kind of vibe - happiness and comfort is all I can feel right now. Nang tuluyan na akong makapasok sa gymnasium ay mas lalong dumami ang bumati sa akin, natutuwa ako dahil ang lalaki ng mga pinagbago naming lahat. Some of them are very successful, ang iba ay kasal at pamilyado na. Nakakatuwa lang, naabot namin ang pangarap namin sa sarili namin. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang mga kaibigan ko, alam kong nandito na sila. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay biglang nawala dahil sa mga taong nakikita at nakakasalamuha ko ngayon. Hindi ko akalain na magkikita-kita pa kami. Alam ko naman na lahat kami ay may sari-sariling buhay pero heto kami ngayon at muling nagsama-sama. It's good to be back to the place where you can express yourself confidently. The memories, the laugh, the faces of some people that you never forget even how many years have passed by, you can still remember them. But my eyes automatically locked into that person who is looking directly in my direction. Kusang tumaas ang kamay ko para kawayan ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita. Katulad ko ay bakas sa mukha niya ang saya ng magtagpo ang mata naming dalawa. She immediately run towards me and hug me tightly. Nagulat man ay kusa akong napangiti. "Julie, I miss you!" Her sweet voice filled my ears kaya mas lalo pang lumaki ang ngiti ko. "I miss you too, Jen," sagot ko naman at humiwalay na kami ng yakap. Pinagkatitigan niya ang mukha ko. Itinaas baba niya pa ang mata niya sa buong katawan ko kaya 'di ko na mapigilang tumawa. "Para kang tanga sa ginagawa mo." I tease but she rolled her eyes at me. Nagpapa-padyak pa siya na akala mo ay isang bata. "Lalo kang gumanda. Alagang-alaga ka yata ni Papa Lucas." Bakas sa tono niya ang pagbibiro kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Hanggang ngayon pa rin ay hindi nila nakakalimutan si Kuya Lucas. "Self love lang ang katapat nito, Mare. Alam mo naman kapag nasaktan. Charot!" Pagbibiro ko pa kaya napailing na lamang siya at bigla na lamang siyang tumingin sa likuran ko. "Nandito na sila Crispin?" Excited kong tanong kaya nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Kahit nagtataka ay basta-basta na lamang akong lumingon. And suddenly, I regret it. Our eyes met. His hazel brown eyes that I love to stare everytime. His stare will make you blush. His black hair, and lastly his handsome face that I will never forget. He's here. "Sir Kris! Na-miss ka namin! We’re happy that all of us are here!" Agad na lumipad ang paningin ko sa nagsalita. Si Dominic na ngayon ay nakaakbay na sa lalaking matagal ko ng matagal na hindi nakita. "Yeah. It's good to be back here." Sagot niya pero ang paningin niya ay nasa akin pa rin. Hindi ko alam pero gusto kong umalis ngayon dahil biglang nag-iba ang nararamdaman ko. Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa mga mata niya ay halo-halong emosyon naman ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Akala ko ay nakalimutan ko na nangyari sa akin pero mukhang hindi pa. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung ano ang nangyari at sino siya sa buhay ko. "It's nice to see you again, Julie." Nakangiting saad niya pero hindi ko magawang ibalik ang ngiting binigay niya sa akin. Kaya malamig ko siyang tinignan at palihim na ngumisi. "It’s nice to see you again, Sir Kris." He's Kris Adler Buenavista, the man who left me 4 years ago.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD