bc

The Professor's Secret

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
second chance
powerful
mafia
bxg
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

“AKIN KA.” ‘Yan ang mga katagang nagpatigil sa kilos ko, hindi ko alam pero kinilabutan ako sa kung paano niya sabihin ito. Mahinahon ngunit ramdam ko ang kaseryosohan at pagdadamot sa kanyang boses.

Kaya mahina akong natawa at matalim siyang tinignan ng lingunin ko muli siya. Dahil sa inis na nararamdaman ay unti-unti ko siyang nilapitan, hindi inalintana ang panganib na naghihintay sa akin pagkatapos kong gawin ito.

“Simula ng mawala ka, hindi na ako sa’yo.” Mariin ngunit mata sa mata kong sinabi sa kanya ‘yon. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya pero nawala ito at napalitan ng nakakalokong ngisi na mas lalong nagpainit ng dugo ko.

“Simula ng makita kita, alam kong pagmamay-ari na kita.”

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
JULIE “KUYA, I miss you!” I immediately hugged when I saw him standing in front of me. Dahil sa ginawa kong ‘yon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. “I miss you too, baby. Kumusta ang flight?” Pagtatanong niya habang yakap-yakap ako. Hindi namin alintana ang mga camera na ngayon ay kinukuhanan kaming dalawa. Pati ba naman dito ay hindi ako tatantanan ng mga media? “Okay lang, nakatulog naman ako ng mahimbing kaya hindi ko ramdam ang jet lag,” sagot ko at ng humiwalay na siya ng yakap ay kinuha niya ang maleta ko at hinawakan ang kamay ko para umalis na sa airport. Mahina na lang akong tumawa dahil sa inaasal niya. Kuya Lucas didn’t change his actions toward me. “Why are you laughing, Julie. May kalokohan ka na naman bang naiisip?” Birong tanong ni Kuya kaya umiling ako at yumakap sa braso niya. Infairness nakaka-miss rin pala 'tong si Kuya Lucas biruin. “Wala ha! Natutuwa lang ako kasi hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo mo sa akin. You’re still seeing me as a baby even though I’m 22 years old na.” Pagre-reklamo ko pero tumawa lang siya at inakbayan ako. Inirapan ko pa siya sa ginawa niya. “Baby pa rin naman kita, ah. Kahit ‘di mo maamin na miss mo ako araw-araw, baby pa rin kita.” Pang-aalaska niya kaya kinurot ko siya ng malakas na ikinaiwas niya at tuluyang pinasok ang maleta sa compartment ng kotse. Napaigtad na lang ako ng biglang pumalibot ang mga bodyguard ng airport at bodyguard namin. Narinig ko pa ang isa na sumigaw sa pwesto namin dahil hindi na kami magkarinigan gawa ng mga sigaw ng mga tao at mga reporters na bigla na lang pala sumugod sa pwesto namin. “Ma’am Julie, Sir Lucas. Pumasok na po kayo sa loob ng kotse niyo, baka mas lalo kayong dumugin ng tao at masaktan. Kami na po ang bahala dito.” Dahil don ay mabilis akong hinawakan ni Kuya sa braso at nagmamadaling pinapasok sa passenger seat. Nang siya naman ang lumipat sa kabila para magmaneho ay mas lalong nagsisiksikan ang mga tao at reporters. Rinig na rinig ko pa ang iilang tanong na binabato sa kanya. “Mr Montiero, totoo bang nasa ibang bansa ang girlfriend mo?” “Lilie De Vega ba ang pangalan ng girlfriend mo, Mr Montiero?” “Bakit siya nasa ibang bansa, buntis ba siya?” “Anong feeling na bumalik na ang kapatid mo?” “Bakit mo tinatago ang girlfriend mo?” Napairap na lang ako sa mga ilang tanong na narinig ko. That's one of the reason why sometimes I hate entertaining some reporters and media, minsan kasi ay below the belt na ang tinatanong nila sa amin at hindi nila iniisip kung ano ang magiging epekto non sa amin sa oras na may marinig kaming hindi maganda sa pandinig namin. Pati personal na buhay namin ay nadadamay. “Okay ka lang, Kuya?” 'Yun agad ang lumabas sa bibig ko ng makapasok siya sa sasakyan. Pinaandar niya muna ito bago sumagot sa akin na madilim ang mukha. Katulad ko ay hindi niya rin nagustuhan ang ilang tanong na binato sa kaniya. “Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol kay Lilie. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan ang naging tanong nila, maaaring madamay si Lilie at makaapekto yon sa kaniya habang tinatapos niya ang kurso sa ibang bansa.” Pag-amin niya at ramdam na ramdam ko ang malalim niyang buntong hininga kaya napatingin na lang ako sa labas ng bintana. “Pero girlfriend mo na siya?” Hindi ko na mapigil ang tanong kaya katahimikan ang bumalot sa aming magkapatid, nang tingnan ko siya ay nakangisi lang siya at napahawak sa batok. “Hindi pa, hinihintay ko pa siyang makapasa sa board exam niya na Psychologist.” Pag-amin niya kaya napailing na lang ako at natawa. Ganto pala tamaan si Kuya Lucas, handang maghintay ng matagal. But on the other hand I’m happy because finally, Kuya already found his home and it was Lilie. The truth is I’m always rooting to this two, they are private but mahahalata mo naman na mahal nila ang isa’t-isa at handa nilang hintayin ang isa’t-isa. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at sinandal ko na lamang ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Ako kaya kailan makakahanap ng ganang pagmamahal? Iyong marunong maghintay? At habang iniisip ko ‘yon ay may taong pumasok na lang sa isip ko, kaya mahina kong inuntog ang ulo ko sa bintana. It’s been four years, Julie. Stop thinking about that person. … “Ay hala! Lalong gumanda si Julie. Naging model lang siya, lalong naging expensive!” ‘Yan agad ang bumungad sa akin pagpasok ng bahay.. Natawa na lang ako at niyakap ang mga maid na naging close ko sa ilang taon na ang nakalipas. Masasabi kong marami nga ang nagbago maliban sa mga itsura nila ay pati na rin itong bahay namin. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng makita ko si Manang na ngayon ay naiiyak. “I miss you, Manang! Alam kong lalo akong gumanda, huwag mo ng sabihin pa,” pagbibiro ko para hindi siya tuluyang umiyak kaya kinurot niya ako sa tagiliran. “Ikaw talagang bata ka. Ikaw ay umakyat muna para makapagpahinga, mamaya ay pupunta dito sila Keegan,” aniya kaya tumango na lamang ako at tinulungan si Kuya na bitbitin ang mga gamit sa kwarto ko. Pagpasok sa kwarto ay humiga agad ako at naramdaman ko naman na tumabi si Kuya sa akin at hinahaplos ang buhok ko. “You should take a rest first, Julie. Iwan muna kita, okay?” Malambing na boses na saad ni Kuya kaya tumango ako at nginitian siya. “Thank you, Kuya.” “You’re welcome, baby. Pahinga ka muna, magpapalit lang ako ng damit,” paalam niya at napapikit na lang ako ng dampian niya ako ng halik sa noo. Namalayan ko na lang na ako na lang ang mag-isa sa kwarto kaya inilibot ko ang paningin dito. “Finally, I’m already home.” Masayang sambit ko dahil ramdam na ramdam ko ang init ng kumot at unan na yumayakap ngayon sa katawan ko. Pero agad akong napamulat ng marinig ko ang malakas na ringtone ng cellphone indikasyon na may tumatawag sa akin. Nang hugutin ko ito sa bulsa ko ay napangisi ako dahil sa caller. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay puro mura at sigaw na ang naririnig ko sa kabilang linya. Halo-halong boses ang naririnig ko at makalipas ang ilang segundo ay isang malakas na sigaw ang natanggap ko. “Hoy Julie Ann, gaga ka! Kung hindi pa namin nakita na trending ka ngayon sa Twitter at f******k, hindi namin malalaman na umuwi ka na.” Boses ni Jen ang bumungad sa akin at hanggang sa naging sunod-sunod ito. “Nasaan ba ‘yang babaita na yan?!” Si Crispin. “Tanga ka ba? Malamang nasa bahay!” Si Shel na nahihimigan ko ang inis sa tono. “Sabi ko nga, galit ka kaagad.” “I miss you all.” Dahil sa naging tugon ko ay tumahimik ang kabilang linya. “Shet! Pagdating talaga kay Julie, nagiging marupok tayo!” Sabay-sabay nilang saad at nagtatawanan kami kahit nasa kabilang linya kami. “Binobola niyo ako, eh.” Pagbibiro ko pa kaya nagtawanan sila sa kabilang linya. “Ay te, alam mo na yung chismis sa mga batch natin?” Tanong sa akin ni Zyra sa kabilang linya kaya tumayo ako at pinaglaruan ang buhok ko. “Hindi pa. At saka kakauwi ko lang, chismis na agad ang bungad niyo sa akin. Ano ‘yon? May ikakasal na?” Pagbibiro ko pero mura ang natanggap ko sa kanya. “Gaga, may reunion na magaganap bukas. Lahat nandoon miski ang mga teachers. Nakaka-excite!” Sigaw niya sa kabilang linya pero ako naman ay nanlalamig at nanlalata. It means he will be there too?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.6K
bc

His Obsession

read
72.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook