Hindi ako mapakali habang nagmamaneho, pasulyap sulyap ako sa cellphone ko at naghihintay ng tawag niya.
Kung hindi sana kami pumunta doon ay hindi mangyayari ito, hindi ko na alam ang gagawin at kailangan kong maghunos dili.
Parang sobrang napaka-bilis ng pangyayari.
Tinignan ko ang mensahe na ipinadala niya kanina.
'If you want to get her. Come to this address xxx LL Bldg. I can't wait to see you.'
Ang nararamdaman ko kanina ay tila ba bumabalik, nanghihina ang katawan ko at para bang lalagnatin ako. Sumasakit 'din ang ulo ko at isabay pa sa nangyayari.
For now, i want to focus to my baby girl at kailangan 'ko siyang makuha agad. Pagkatapos no'n ay aalis kami, hindi ko alam kung saan pero isa lang ang nasa isip ko,
Babalik kami ng italy.
Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko o ang pangyayaring nangyari na.
Ito na naman, bumubuhos na naman ang luha ko. Pinunasan ko ito.
Sa 'di kalayuan ay tanaw na tanaw ko na ang building na sinasabi niya. Bago lang ito sa paningin ko. Medyo traffic pa nga pero mabilis naman ang pag-usad kahit papaano.
Nang makarating sa building ay medyo nalula ako sa laki at taas nito kalaunan ay pinark ko ang sasakyan at tinahak ang loob.
Bumalandra sa akin ang eleganteng entrance, pinasok ko ito. Nilibot ko ang 'tingin sa kabuoan at pumukaw ang isang counter na may nakalagay na Information Area.
"Good afternoon Ma'am, what can I help you?" bati sa akin ng babaeng blonde ang buhok.
"I--I'm looking for Lucas." wala sa sariling sagot ko, ngunit sa loob loob ko ay kinakabahan ako.
Nalilitong tinignan niya ako "Mr. Liam Lucas po?" tanong niya, marinig ko pa lang ang pangalan niya ay iba ang epekto sa'kin, nangangatog ang tuhod ko.
"O-oo miss." sagot ko.
"Ano pong name ninyo Ma'am?" tanong ulit nito
"Gi-gianne Song," maikling sagot ko.
Tumango siya at may inabot na papel tsaka ito binasa.
"Wait lang po ma'am, check ko lang po kung under meeting si sir." sabi niya at tumango na lang ako.
Napatingin ako sa paligid, nasa lobby area ako. Tulad ng sabi ko kanina ay bago lang sa paningin ko ang building na ito dahil wala pa naman ito noon. Masasabi kong talaga namang high class at sobrang elegante.
Hindi na ako magtataka kung isang Liam Grey Lucas ang pagmamay-ari nito. Mula sa interior designs, classy floor tile na tila ba sumisigaw ng yaman at mahihiya kang apakan at daanan ito, mas pukaw tingin 'din ang nakakabigahani at magarbong chandelier na nagbibigay ng soft mood at talaga namang iwewelcome ka.
Ngunit hindi good ang mood ko ngayon at ni kailan ay hindi magiging maganda ang lahat hanggat hindi ko nakikita at nakukuha ang anak ko.
"Mr. Liam Lucas po...opo," napalingon ako sa babae at may kausap ito sa telepono. Tumatango tango lang ito sa kausap niya. "Copy Miss Chel," at binaba ang telepono.
"Sorry Miss song, wala daw po si Mr. Lucas sa office niya at kinansel niya daw po ang lahat ng appointment niya ngayong araw." sabi niya na ikinagulat ko.
"ANO?!" hindi ako makapaniwala.
Papaanong wala!? ang sabi niya saakin ay dito ako pumunta at nandito ang anak ko! hindi ako makapaniwala, ang lalaking 'yon!
Inis na binalingan ko ang babae, "f**k himself! say that to him!" sabi ko na ikinagulat niya at naglakad na ako paalis,
Ngunit hindi pa ako nakakalabas ay biglang nag-ring ang phone ko, mabilis pa sa bente kwatro na kinuha ko 'to at biglang kumulo ang dugo ko sa numerong bumungad.
Sinagot ko ito,
"AKALA KO BA NANDITO ANG ANAK KO!? PINAGLALARUAN MO BA 'KO?!" wala na akong pakealam sa kung sino ang makarinig saakin. Matagal ang binyahe ko magmula dito pero pupunta akong wala akong madadatnan na Ganna!
Humalakhak siya na parang isang demonyo, well? speaking of a demon. He's really a demon!
"Chill, i can see you love." at tumawa ulit, napakuyom ako ng kamao, the nerve of this man!
Nilibot ko ang buong paligid ng lobby maski ang bawat palapag, baka pinaglololoko lang ako ng lalaking 'to.
Maya maya ay bumigat na naman ang dibdib ko, i can feel the warm air through my nose. Sumasama na ang pakiramdam ko kaya naman ay huminga ako ng malalim at tiim bagang nagpipigil, pinipigilan kong hindi sumigaw, kinalma ko muna ang sarili bago siya kausapin.
"Nasaan ang anak ko?" kalamado 'kong tanong.
"I really badly wanna see you. I really miss you" seryosong sabi niya na ikinahinto ko, para kasing.....parang totoo. Umiling ako, hindi totoo.
"Parang-awa, nasaan si ganna?" pikit matang wika ko. I miss my angel and it's my fault. Kalanan ko 'to eh.
"I'll message you the address." nag-iba ang tono ng boses niya at napaka-lamig.
Napamura ako sa sinabi niya, "Tang ina Liam?! Pinaglalaruan mo ba ako? parang awa naman oh, ibalik mo sa'kin ang anak ko," Pagmamaka-awa ko pero nang-uuyam na tawa ang narinig ko.
"Sana naawa ka 'din sa'kin" para akong tuod, hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi niya.
"Please." at lumunok ako, hindi ko na kaya ang ginagawa niya.
Biglang namatay ang tawag at tulala lang ako hanggang sa maibaba ko ang kamay hawak ang cellphone. Wala akong maisip, dahil naba-blangko ako.
Kasunod ay ang pag-vibrate ulit ng cellphone, tinignan ko ito at binuksan ang mensahe,
Hindi ako pwedeng magkamali sa nababasa ko,
Are you kidding me?
Wala naman akong magawa kundi sundin ito at ang address na ito.
Lumabas agad ako ng building at tinungo ang sasakyan, nang makasakay ay huminga ako ng malalim, this is gonna be a long ride.
Habang tinatahak ko ang daan ay napapaisip ako kung iyong sinabi niya ay totoo o baka naman pinagsasamantalahan niya ang kahinaan ko. Pero anak ko ang pinaguusapan at sigurado akong kahinaan ko ang anak ko. Kaya niya ba ginagawa ito?
Gustong gusto ko ng mabawi ang anak ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon at sana ay ayos lang siya, hindi ako mapanatag.
Lumipas na ang gabi ay wala akong pahinga, tuluyan na 'din bumigay ang katawan ko, hihinto lang ako kapag may madadaanang convenience store at gas station. Wala akong matinong kain at tulog sa araw na 'to. Paano ba ako makakatulog kung ganito ako? walang ina ang kayang maging panatag kapag alam niyang nasa kapahamakan ang anak niya.
Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang ang anak ko.
Ipinangako 'kong aalagaan siya at lalayo sa kahit anong kapahamakan. Tama pala ang desisyon ng kuya, dapat sinunod ko na lang siya. Pero kahit gustohin ko ay hindi papayag ang mama, kung ganito 'rin lang ay sana pala naisip 'kong hindi na muna dalhin si ganna dito sa pinas. Sana pala, pero huli na.
Because I know what kind of person liam is. Mas lalo na't ilang taon ang nakalipas ay may nabuo sa pangyayaring iyon at ngayon alam na niya at hindi ko alam kung paano.
Ayoko ng alalahanin iyon at tinuon sa daan ang atensiyon.
Ilang sandali pa ay tinignan ko ang oras, alas kwatro na ng umaga. Kung hindi lang sana ako pahinto hinto ay hindi ako aabot sa ganitong oras.
Inaabangan ko lang ang pagtawag niya at mensahe ngunit hanggang ngayon wala pa 'rin ni isa ang galing sa kaniya.
Malapit na ako sa hotel, Oo hotel. Matagal na ito at mas hindi ako makapaniwala ng hindi niya ibinenta ang condo namin dito sa tagaytay. Napa-iling ako sa naisip, condo namin.
Nang makalapit ay kitang kita ko ang nagnining-ning na hotel, sobrang laki ng ipinagbago nito. Hindi ko maipagkakaila na mas nagustuhan ko siya ngayon dahil na 'din sa laki ng improvements, pagka-park ko ng sasakyan ay bumaba na ako, bumungad ang malamig na simoy ng hangin.
Bago ako pumasok ay huminga ako ng malalim tsaka tinungo ang reception area.
"Goodmorning ma'am how can I help you?" masayang bati ng babaeng maikli ang buhok at naka-formal attire. Katabi naman niya ang isang lalaking busy sa telepono, naka-tuxedo ito at napaka-formal ng mga kilos nila.
"I-i want to see Mr. L-liam Lucas." utal na sabi ko.
"Ah! you are Miss Song, right?" tanong niya, um-oo naman ako.
"Check ko lang po ma'am kung meron si Mr. Lucas." at tinignan ang monitor ng computer,
Hindi ako mapakali at kailangan ko ng makuha ang anak ko. Sana naman ay hindi niya ako pinagloloko.
"Room 204, 4th floor po ma'am." Yes, that's the same room. "Can you sign here ma'am?" at inabot ang logbook.
Matapos kong pirmahan ito ay binigay niya ang susi sa akin. Tinungo ko na ang elevator at malamig na kamay na pinindot ko ang 4th floor.
Hindi ako mapakali at hindi ko na ininda ang lagnat ko. Bumigay ang katawan ko dahil na 'din sa pagod sa trabaho at ngayon kailangan kong maging malakas at hindi pupuwedeng bumigay na lang ako.
Nang magbukas ang pinto ng elevator ay tinahak ko ang kuwarto, nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ito pero naalala ko kung ano ang ipinunta ko dito.
Pagpihit ko ng seradura ay nadatnan ko ang madilim at tahimik na living room. Sinindi ko ang ilaw at nagulat ako sa nakikita ko,
Sobrang gulo at nagkalat ang mga newspaper, magazines at wala sa ayos ang sofa. Iba 'din ang amoy, pinaghalong usok ng sigarilyo at alak.
Hindi ko alam kung anong nangyari dito makalipas ang mahabang taon, pupuntahan ko sana ang kusina nang biglang may kumalabog sa taas, Ganna!
Walang pagdadalawang isip na tinakbo ko ang hagdan. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Pagharap sa pinto ay wala sa sariling binuksan ito, tumambad sa akin ang masangsang at napakalakas na amoy ng alak para akong mahihilo at matutumba! bigla kong nasipa ang isang bagay at agad hinanap ang switch ng ilaw.
Pagbukas ko ay hindi ko inaasahan ito, kalat kalat ang iba't ibang bote ng mga alak sa flooring, ang iba ay basag na at ang iba ay binabahayan ng agiw. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko, nilibot ko ang buong kwarto, i saw the picture frame of me and him, together. May basag ang frame pero nasa ayos pa 'rin ito. Nilibot ko pa ang kabuoan at dumapo ang mata ko sa taong dahilan ng pag-aalala ko.
I saw him.
Sitting on the floor, naka-yuko at naka-angat ang isang paa na pinagpatungan niya ng kamay habang hawak ang alak.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, suddenly.....i found myself crying.
Crying over that guy infront of me who looks terrible and miserable habang pinapalibutan siya ng masangsang na amoy at ng mga alak. Seeing that MAN after a long years is the reason why the pain is returning here...my heart...again. Parang pinupunit ang puso ko na nakikita ko.
Seeing the person you used to love, ang pangit lang tanggapin ang reality, pero hindi porque mahal mo babalikan mo, love is not about fighting. One day you just wake up and giving up to the person na akala mo pinapahalagahan ka.
and...I found myself as a person na akala ko ako yung mahal.
I kept giving chances,
Winaksi ko ang nasa isip, Hurting myself is hurting my dignity. I wipe my tears. There is no reason to cry.
Hahakbang na sana ako papunta sa kaniya nang bigla akong mahilo, unti unting nagdidilim ang paningin ko, namamanhid din ang buong katawan ko. unti unti ay tumumba ang katawan ko.
And everything went black.