"TELL ME!" napatalon ako sa sigaw niya, "Is it true, Gianne?" Nagtatagis ang kaniyang mga ngipin, na-narinig niya ang usapan namin ng kuya. "f**k!" at hinampas niya ng pagkalakas-lakas ang mesang katabi niya, natumba ang frame na ang larawan ay kaming dalawa. Hindi pa 'din ako makaimik at nanginginig ang kamay ko kaya ipinagsaklob ko ito at yumuko. "FACE ME!" Napakislot ako at awtomatikong inangat ang tingin at sumalubong ang nagliliyab na paningin niya. Tinitigan ko lang siya at maya-maya'y hinablot niya ang kamay ko at hinila sa kung saan, nagpatianod lang ako sa kaniya. Hindi magkanda-mayaw sa pag-pitik ng mabilis ang puso ko at napa-kagat na lang sa ibabang labi. Tinungo namin ang walk in closet at pinapanood lamang siya sa ginagawa niya. Binuhat niya ang malaking maleta

