Naramdaman ko ang pag-bigat ng aking tiyan dahilan upang mapa-daing ako ng mahina, tulog na tulog pa ang kaluluwa ko ngunit pinilit kong imulat ang aking mga mata. Sa pagmulat ko ay bumungad ang mukha ng mala-anghel sa paningin ko. Napaka-hinahon at napaka-aliwalas niyang tignan. Napaka-bait kung pagmamasdan. Sa kabila ng mala-anghel nitong mukha ay ang naka-kubling demonyo sa likod ng kaniyang pagkatao. Bumuntong hininga ako, ang araw na ito ay matatapos na at nagagalak ako. Ngunit hindi ko maipinta ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa dibdib ko. Masaya ako dahil sa wakas ay palalayain niya na kami ng anak ko ngunit hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na ayaw ng katawan ko. Jusko, Gianne! Mariin akong pumikit at muling iminulat ang mata. Sa pangalang beses ay

