GIANNE's POV Nanginginig ang aking kamay at kinakabahan na tumitig sa flooring. Katatapos ko lang mag-half bath, dahil gabi na 'din ay heto ako at hindi mawala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay siyang pagbukas ng pinto. "Take this." inabot niya ang isang sweatshirt sa akin, mabilis naman na tinanggap ko ito. "Wear it." Tumango lang ako at umakyat na ng kama, ilang minuto akong nakahiga ng marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. May dumamping mainit na bagay sa paa ko kaya napakislot ako. "It's cold, you need to wear this." at sinuot niya sa akin ang pares ng medyas saka siya umakyat sa kama. Bigla akong nailang sa presensiya niya. Sino ba naman ang hindi maiilang? sa lahat ng nangyari ay heto ako, kailangan kong pagbigyan ang gus

