Nagising si Gianne sa ingay na tawa ng kaniyang anak sa labas ng kwarto. Binuksan niya ang mga mata at takang inilibot ang mata sa kabuoan ng silid. Naalala niya ang nangyari kagabi, muling sumibol ang mabilis na pintig na puso sa sakit. Umagang-umaga ay sakit agad ang bubungad sa kaniya. Matapos siyang mag-walk out sa senaryong nangyari kagabi ay pumasok ito ng bahay at dumiretso sa isang silid at saka ibinuhos ang mga luha, naaalala niya pa ang itsura ng kwartong iyon ngunit paggising niya ngayon ay mas malaki ito at ang paligid ay kulay peach na may halong crema. Ang ding ding ay may iba't ibang picture frames na larawan ng mga bulaklak at pag-harap niya ay nakaharap ang isang mesa na puno ng picture frames. It's like a deja vu. Nasisiguro niyang kwarto ito ni Liam. Dahi

