THIRD PERSON's POV Tinungo ni Gianne ang daan papuntang kung saang parte ng bahay siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Habang hapo ang dibdib ay ang sabay na pag-ragasa ng kaniyang luha. Pilit pinapatahan ang sakit na dulot ng kaniyang mga narinig mula kay Liam. "Gianne wait---" Hindi niya ito pinakinggan bagkus ay mabilis na tinakpan nito ang mga tenga. Sa oras na ito ay naiintindihan niya ang lahat, maliwanag ang lahat sa kaniya. Mas lalong nakaka-sakit lang dahil tama si Liam. She fell. She can't deny it. Sa loob niya ay hindi naman siya masasaktan at iiyak ng ganito kung wala lang ang lahat, ang masakit na katotohanan pa dito ay labis ang galit niya sa sarili dahil imbes na mangibabaw ang poot at galit sa kasamaan na ginawa sa kaniya ni Liam. She can't really deny, she's

