CHAPTER THREE. Althea's Feeling Towards Her
Althea's POV
Halos hindi bumubuka itong aking bibig, at hindi rin maigalaw ang aking katawan, parang namanhid ako sa bawat haplos ni Dominique sa akin.
Ang malamig na hangin ay naglalakbay sa paligid, tila ba iniipon ang lahat ng mga damdamin ko. Sa gitna ng pag-ikot ng mundo, narito ako, yakap ng babae na matagal ko nang hinintay. Ngunit sa kabila ng ligaya, naroon din ang sakit na aking nararamdaman.
Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya, at humarap.
Dominique: " I--- ikaw ba talaga yan? "
Althea: " Hindi mo na ba talaga ako naaalala, Dominique? (ngumiti ito nang pilit) sa bagay, sino ba naman ako. "
Dominique: " Eto naman, nagtatampo ka agad. Ang laki na nang pinagbago mo. "
Althea: " Ikaw din, sobrang laki nang ipinagbago mo. Halos, hindi na nga kita makilala. "
Dominique: " Pero teka, alam mo? "
Althea: " Uh.. Sa coffee shop pa, tinarayan mo nga ako eh. Sino pabang may ganang magpakilala sayo non. "
Dominique: (napakamot sa batok sa kahihiyan) "Eh sorry, hindi kasi maganda yong araw ko non. At teka, kumusta naman yong mama mo? yong papa mo? "
Althea: " Si mama okay lang, kasama ko sya sa bahay. Si papa naman, (napabuntong hininga) ayon, sumama sa ibang babae, iniwan kami. "
Nalungkot naman si Dominique sa balita ni Althea sa kanya.
Dominique: " Ganon ba, eh ikaw? Kumusta kana? "
Althea: " Eto, ganon pa rin. Patuloy na nangangarap sa buhay. Ma swerte ka nga, biruin mo, ang sikat mo na."
Dominique: " Ano bang swerteng pinagsasabi mo dyan. "
Nagtawanan naman ang dalawa. Gusto pa sanang makausap at makasama ni Althea si Dominique nang matagal, pero tinawag naman ito ng isa pang kasamahan niya sa trabaho.
Staff: " Althea, hanap ka ni Direk. "
Althea: " Ah. Oo nga pala, sige susunod ako.... Ano, balik na tayo? Kailangan ko pang magtrabaho.
Dominique: " Sige, tara."
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti nang makita kong naglakad kami palabas ng kwarto ni Dominique. Parang kailan lang, ako'y naglalakbay sa mundo ng pangarap, at ngayon ay kaharap ko na ang babae na matagal ko nang inaasam na makita.
Tumungo kami sa set, dala ang mga ngiti sa aming mga labi. Sa pagpasok namin, nararamdaman ko ang mga mata ng lahat na nakatutok sa amin. Narito ako, kasama ang isang kilalang modelo, at para bang lahat ay naghihintay kung anong kaganapan ang magaganap.
Habang naglalakad, napansin kong tila may mga nagsusulyap sa akin na staff, tila ba nagtatanong kung sino ako sa buhay ni Dominique. Ngunit hindi ko iyon pinansin, mas gusto ko ang tahimik na pagmomomento namin.
Samantala, halos hindi naman pumipikit si Althea na pagmasdan si Dominique sa kamera. Mas lalo naman itong ngumiti nang malapad matapos nginitian ito ni Dominique.
Direk: " Beautiful, nice shot Dominique. "
Dominique: " Thank you. "
Iginala naman ni Dominique ang kanyang mga mata, hinanap kong nasaan si Althea, at nang makita itong abala sa ipa pang mga models, nilapitan naman niya ito, at binigyan ng tubig.
Dominique: " Pagod kana? (habang niabot ang tubig na hawak niya) "
Althea: " Di naman ma syado, salamat (habang binubuksan ang takip ng tubig at nagsimulang uminom.) "
Althea: " Ikaw ba? Ayos ka lang? "
Dominique:" Of course, I brought my inspiration here. (ngumiti naman ito ng napaka lapad) "
Hindi naman naitago ni Althea ang kanyang pagka galak sa narinig. Alam niyang kaibigan lang ang turing ni Dominique sa kanya, at ayaw nyang masira iyon dahil lang sa nararamdaman niya dito. Hindi naman namalayan ni Althea na nakatitig na pala siya nang matagal kay Dominique, kaya ito tinapik.
Dominique: " Ayos ka lang? "
Althea: " Ha? Ahh.. yeah.. I'm sorry. Ang ganda mo kasi. "
Dominique: " Ha? "
Althea: " Ah ano, yung ano.... maganda ang naging shoot nyo ganina.. Oo tama.. "
Nagtaka naman ito, sa biglaang pagkabalisa ni Althea.
Dominique: " Anyway.. San kana ba nakatira ngayon? Kasi nong last time dumaan ako sa inyo, iba na kasi ang nakatira. "
Althea: " Lumipat na kami, matagal na. "
Dominique: " Saan? Pwedeng sumama sayo mamaya? Gusto ko kasing makita si Aling Belen eh."
Althea: " Sa-- sasama ka? "
Dominique: " Bakit? Bawal naba akong dumalaw sa inyo? "
Althea: " Hindi naman sa ganon, pero kasi baka pagod kana. "
Dominique: " Ano kaba, ayos lang. "
Althea: " Sige, sasabihan ko si Mama na pupunta ka. "
Althea's House
Nakarating kami ni Dominique sa bahay namin, nakatanaw naman si Mama sa amin,na papalapit sa bahay. Nakita ko naman ang ngiti sa mukha ni Mama, habang binabati ito ni Dominique, at niyakap.
Dominique: " Aling Belen, kumusta po? "
Nanay ni Althea: " Naku, ayos lang. Ikaw, ang ganda mo na ha, lalo kang gumaganda."
Dominique: " Naku hindi naman po. "
Nanay ni Althea: " Ang mga magulang mo, nandito din ba sila kasama mo?"
Dominique: " Wala po eh, si kuya Richard yong kasama kong umuwi dito, kaso kinailangan ding bumalik sa England for work. "
Nanay ni Althea: " So mag isa ka sa bahay? "
Dominique: " Ay hindi po ako sa bahay nakatira, sa condo ko po, ang layo kasi eh. "
Nanay ni Althea: " Ganon ba, ay teka kumain na kayo? "
Dominique: " Ay hindi pa po. "
Nanay ni Althea: " Sakto, pinagluto kita nang paborito mo noon. "
Dominique: " Talaga ho ba? Nako, nag abala pa po kayo. "
Nanay ni Althea: " Hayaan mo, halika. "
Nag simula na silang maglakad papuntang kusina, pero napansin nang nanay neto na hindi sumunod ang anak.
Nanay ni Althea: " Anak, ano dyan ka lang? Lika na. "
Althea: " Ha? Sige po sunod ako. "
Napangiti naman si Althea habang minamasdan ang kanyang ina at si Dominique na sabay naglalakad papunta sa kusina.
Sa hapag kainan, habang abala si Althea sa kanyang pagkain, muntik naman itong mabilaukan dahil sa tanong ng kanyang ina kay Dominique.
Nanay ni Althea: " So Dominique, kayo naba ng anak ko? "
Dominique/Althea : Ha? //// MA!!!!!!!!!
Nagkatinginan naman kaming dalawa.
Althea: " Mapag biro talaga yan si Mama, wag mo nalang pansinin. "
Dominique: " Ah.. hehehe. ganon ba. "
Hindi naman namalayan ng dalawa na kanina pa sila tinitigan ni Aling Belen na ina ni Althea.
Nang matapos na sila sa kanilag haponan, tinulungan naman ni Dominique si Althea na ligpitin ang mga pinagkainan. Nag presenta sana itong si Dominique na hugasan ang mga pinag kainan, pero tumanggi si Althea, bagkus, sinabihan niya si Dominique na siya nalang ang gagawa.
Habang nag huhugas si Althea ng mga pinggan, ay abala naman si Dominique sa paglilibot ng kanyang paningin sa mga litratong nakakabit sa dingding nila. Napansin din nang ina ni Althea ito, pero ibinaling niya ang tingin kay Althea, at kusang pinuntahan sa may kusina.
Nanay ni Althea: " Wala pa ba siyang alam? "
Napatigil naman si Althea sa kanyang ginagawa.
Althea: (bumuntong hininga) " Ma, ayokong sirain ang pagkakaibigan namin. "
Nanay ni Althea: " Eh pano kong gusto ka din nya? "
Althea: " Ma, please, ayoko mo nang pag usapan yan. "
Nanay ni Althea: " Natatakot kaba, na baka lalayo ang loob niya sayo, pag nagtapat ka sa kanya? "
Althea: " Hindi lang naman yan ang kinakatakot ko."
Bumuntong hininga ang ina ni Althea, at hinawakan ang balikat ng anak.
Sa paglalim ng gabi, napag desisyunan ni Dominique na umuwi na, hindi na sana nya aabalahin si Althea na ihatid siya, pero mapilit ang ina neto, kaya walang nagawa si Dominique kundi umoo nalang sa kanya.
Habang papalakad sila papunta sa sasakyan ni Dominique, pinigilan naman ni Althea si Dominique na buksan ang sasakyan neto.
Althea: " I'll drive. "
Dominique: " You know how to drive? "
Althea: (ngumisi ito ) " Sa 20 years ba naman Dom. "
Dominique: " Ahh---"
Althea: " Akin na. "
Hindi na ulit ito nakipag talo, at kusang ibinigay nalang ang susi ng kanyang sasakyan.
Sa loob ng sasakyan, nag simulang paandarin ni Althea ang makina ng sasakyan, pero nasilayan niya si Dominique sa may salamin na hindi nakasuot ng seatbelt, kaya lumingon ito at kusang lumapit kay Dominique para ikabit ang seatbelt sa kanya, na sya namang ikinabigla ni Dominique. Halos pinipigilan naman ni Dominique ang kanyang sariling hindi gumalaw, tumama na kasi ang ilong niya sa pisngi ni Althea. Naramdaman naman ni Dominique ang paghinga ni Althea, dahan - dahan namang iniharap ni Althea ang kanyang mukha kay Dominique, na syang dahilan para mapabilis ang t***k nang puso neto. Unti unti namang bumaba ang tingin ni Althea sa mga labi ni Dominique.
Nang bumalik sa katinuan, napagtanto ni Althea na sobrang lapit na pala ng mga mukha nilang dalawa, kaya agad itong napaiwas.
Althea: " So-- sorry "
Dominique: (Huminga ng malalim) "It's fine,............. tara? "
Althea: " Okay. "
Nabalot naman ng katahimikan ang dalawa, hanggang sa makarating sila sa condo ni Dominique. Pagdating nila, sabay naman silang bumaba ng sasakyan.
Dominique: " Thank you. "
Gumanti naman si Althea ng ngiti.
Dominique: " Teka nga pala, pano kaba uuwi? "
Althea: " Magta taxi nalang ako pauwi. "
Dominique: " Sure ka? Okay then, I'll book you. "
Althea: " Wag na, ako na. "
Dominique: " Naabala na kita, let me. "
Hindi na rin ito tumanggi sa alok ni Dominique, habang hindi pa dumadating ang sasakyan ni Althea, sinamahan naman ito ni Dominique na mag hintay sa labas. Sa kalagitnaan nang katahimikan, binasag naman ito ni Althea sa kanyang katanungan.
Althea: " May boyfriend kana ba don, Dom? "
Napalingon naman si Dominique sa tanong ni Althea sa kanya. Hindi naman ito nakasagot agad.
Althea: (ngumiti ng pilit) "I'm sure, oo. Silence means yes.
Dominique: " W-- wala. "
Napalingon si Althea sa sagot ni Dominique sa tanong niya sa kanya, nag tama naman ang mga mata nilang muli.
Althea: " T-- talaga? "
Dominique: (smiled) " Oo naman, eh ikaw ba, meron din ba? "
Althea: " Oo. "
Unti - unti namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Dominique matapos niyang marinig ang sagot ni Althea. Ibinaling naman ni Althea ang tingin niya muli sa ibang direksyon.
Althea: " But... I don't know if kung gusto nya din ba ako. Ikaw ba, kung may gusto ka sa isang tao. (biglang ibinaling ang tingin niya kay Dominique) mag lalakas loob ka bang sabihin sa taong yon, ang nararamdaman mo? "
Nakita naman ni Dominique ang seryosong mukha ni Althea sa tanong niya, hindi naman ito nag dalawang isip sa pag tugon sa sagot neto.
Dominique: " I'm a type of person, na kung gusto ko (habang hindi inilayo ang tingin niya kay Althea) gagawin ko ang lahat, I'll do everything to make that person fall for me. "
Ang kanilang pagtitinginan, ay parang isang gabi habang tumatagal ay mas lalong lumalalim...
See you on the next chapter... :)