CHAPTER FOUR. A Heartstring's Tangled

1725 Words
CHAPTER FOUR. A Heartstring's Tangled Habang naghihintay si Althea at si Dominique sa labas ng condo ni Dominique, ang kanilang mga mata'y nag-uusap ng hindi nasabi, may halo ng damdamin ang hangin ng gabi. Ang malayong mga ilaw ng syudad ang nagbigay ng larawan sa naglalahad na drama sa kanilang dalawa. Althea: "So, lahat?" Dominique: "Lahat, Althea." Ang bigat ng mga salitang iyon ni Dominique ay umusbong sa hangin, at hindi mapigilang maramdaman ni Althea ang halo ng magkaibang damdamin sa kanyang kalooban. Ang pahayag na si Dominique ay kasalukuyang walang ka-relasyon ay nagdulot ng pag-asa, ngunit ang kawalan ng katiyakan sa nararamdaman ni Althea ang nag-iwan sa kanya ng pag-aalinlangan. Althea: "Mukha kang may tiwala, Dom." Dominique: (ngumiti) "Tiwalang tiwala, di ba?" Isang nerbiyos na tawa ang tumakas mula sa mga labi ni Althea, at hindi niya maikakaila ang kaharian sa pagsasalita ni Dominique. Ang subli na tensyon sa kanilang pagitan ay tila'y isang tahimik na kasunduan na naghihintay na aminin. Althea: "Sana ay may kumpiyansa ako tulad mo." Dominique: (ngumiti) "Ang kumpiyansang ito ang susi, tama?" Ang mga salitang ito ay nagdulot ng nerbiyos na halakhak mula sa labi ni Althea, at hindi niya maipagtanggol ang pagka-charm ni Dominique. Ang hindi malilimutang tensyon sa kanilang pagitan ay malaon nang nararamdaman, isang tahimik na kasunduan na tila'y naghihintay na aminin. Althea: "Nais ko lang sana na may kumpiyansa ako tulad mo. Madalas, parang naiipit ako, hindi makapagpahayag ng aking tunay na nararamdaman." Dominique: "Baka kailangan mo lang ng tamang pagkakataon, Althea. At ng tamang tao." Habang nagsalita si Dominique, ang kanilang mga mata'y muling nagtagpo, at tila'y ang buong sanlibutan ay nagtulungan upang likhain ang tamang pagkakataon. Ang hanging dumarampi sa paligid ay nagdala ng magaan na simula ng kanilang unang hakbang sa hindi nasabi pang koneksyon. Althea: "Paano kung sirain ko ang lahat? Paano kung hindi pareho ang nararamdaman ng taong gusto ko?" Dominique: "Hindi mo malalaman hangga't hindi mo susubukan, di ba? Ang buhay ay maikli para hadlangan ng mga 'paano kung.'" Ang ngiti sa mukha ni Althea ay hindi naitago. Ang kahinaan na nakita niya sa mga mata ni Dominique ay nagbigay sa kanya ng damdaming nakikita at nauunawaan siya ng isang paraan na hindi niya naranasan noon. Althea: "Tama ka. Siguro nga'y oras na para sumugal." Dominique: "Nandito lang ako para saluhin ka kung sakaling masaktan ka." Ang tapang sa tinig ni Dominique ay nagbigay ng init kay Althea, nagdulot ng mainit na sandali sa malamig na gabi. Ang hindi nasabi na tensyon sa kanilang dalawa ay unti-unting nag-iba sa isang tahimik na pang-unawa, isang koneksyon na hindi nasasabi ng mga salita. Habang naghihintay sa taxi ni Althea, ang atmospera ay nagliwanag. Ang kaakit-akit na pambasag ng mga biro ni Dominique ay pinaaliw ang nerbiyos ni Althea, at natagpuan nila ang kahaliwang magkasama. Nang dumating na ang taxi, hindi na maitangging ang hindi malilimutang koneksyon ay bumukas sa kanila. Althea: "Salamat sa gabing ito, Dominique. Kailangan ko ito." Dominique: "Don't mention it. Ingat ka pauwi." Habang sumakay si Althea sa taxi, siya'y nagtangi ng huling tingin kay Dominique, napagtanto na ang gabi na ito ay nagmulat ng isang bagong koneksyon. Ang hindi nasabing tensyon ay naging daan sa isang bagong pang-unawa, iniwan ang dalawang ito na may damdaming umaasang magdadala ng kakaibang kaganapan. Dominique's POV Nakasakay na rin si Althea, nakakahiya dahil naabala pa sya dito. Hindi ko naman maiwasang, ngumiti. Pumasok na ako sa condo para sana magpahinga, pero bigla kong naisip ang sinabi ni Althea sa akin tungkol sa kanyang nagugustuhan. Hindi naman sa nangingialam pero, bakit nakaramdam ako nang kaunting lungkot nong narinig ko iyon? Dominique: " No, no, no... Kaibigan mo lang si Althea okay? Urrgh, ano ba itong iniisip ko. " Naglakad ako papuntang kwarto nang biglang tumunog ang cell phone ko, sinilip ko naman kong sinong tumawag, kumunot ang aking noo sa taong tumawag sa akin. Dominique: " Anong kailangan mo? " Kyle: " I'm going to the Philippines, next week. " Dominique: " What? " Kyle: " Tinawagan kasi ako nang daddy mo, sabi nya samahan daw kita dyan, dahil matatagalan pa bago makabalik si Richard dyan sa Pinas. " Dominique: " I don't need a chaperon, okay? " Kyle: "Dom, mabuti na din to para mas makilala natin ang isa't isa. " Dominique: " Kyle please, sabihin mo kay Dad tumanggi ka." Kyle: " No chance, I already said yes to him. " Dominique: " Urrrgghhhhhh!!! Damn it!! " Padapog na pinutol ang pag uusap nilang dalawa ni Kyle, naibato naman ni Dominique ang kanyang cell phone sa kama dahil sa sobrang inis. Lumabas ito ulit ng kwarto at nag punta sa terrace, para huminga ng malalim. Samantala, hindi naman makatulog si Althea, kakaisip sa sinabi ni Dominique sa kanya. Althea: " Magbabago ba ang pananaw mo sa akin, kung sasabihin ko sa yo ang tunay na nadarama ko, Dominique? Baka mas lalong lalayo ka sa akin, at ayokong mangyari iyon. " Ipinikit ni Althea ang kanyang mga mata, naguguluhan pa rin kong anong dapat gawin, kung kaya ba nyang sirain ang kanilang pagkakaibigan, para sa kanyang nararamdaman. Ramdam ni Althea ang lungkot at pangamba. >>>>>>>>> Ang umaga ay dumating nang tahimik para kay Dominique at Althea. Bawat oras na lumilipas ay parang nagdudulot ng mas maraming katanungan kaysa sa mga kasagutan. Sa kabilang banda ng siyudad, nagigising si Althea na may kakaibang pakiramdam na bumabalot sa kanyang puso. Nang makarating si Althea sa kanyang trabaho, di mapigilan ang pagpansin ng kakaibang t***k ng kanyang puso. Habang naglalakad sa kalsada, napagtanto niyang hindi lang takot ang nararamdaman niya, kundi isang pangamba na baka masira ang magandang samahan nila ni Dominique. Agad naman niyang nasilayan si Dominique, sa di malamang dahilan ay nilapitan niya ito at kinausap. Althea: " Dominique, pwede ba tayong mag usap? " Dominique: " Oo naman, ano ba yon, Hmm? " Habang nag-uusap sila, ang tension ay palaging naroroon, tila'y isang malaking alon na nagdadala ng pagbabago sa kanilang samahan. Althea: " Matagal ko nang gustong sabihin sayo to, pero na tatakot ako, ayoko kasing masira yong pagkakaibigan natin, pero Dom, hindi ko na talaga matatago ito, habang tumatagal mas lalo kitang ginusto. " Ang ngiti sa mukha ni Dominique ay unti unting nawala, dahil sa sinabi ni Althea sa kanya. Dominique: " A-- ano? " Althea: (huminga ito nang malalim saka nag salita ulit) " Mahal kita, Dom " Dominique: "Althea, hindi pwede ito. Kaibigan kita, at ayokong masira ang magandang samahan natin." Althea: "Iniintindi mo ba kung gaano kasakit maging 'kaibigan' lang? Ayaw ko nang maging kuba sa sarili kong nararamdaman." Dominique: " Pero Althea, mahal kita pero, b-- bilang isang kaibigan lang. " Ang kanilang usapan ay nagpatuloy sa loob ng ilang minuto, at ang hangin ng damdamin ay tila'y naglalaro sa paligid. Bagamat nais ng dalawang ito na maayos ang kanilang mga nararamdaman, parang may malaking pader na naghihiwalay sa kanilang puso. Dominique: " Siguro kailangan ko munang huminga, maiwan na muna kita. " Althea: " D-- dom ! " Ang takot at pangamba na naramdaman ni Althea ay tila nangyari na, hindi naman niya naiwasang masaktan, alam niyang darating sa punto na masisira ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanyang nararamdaman. Bakit kailangan ko pang maramdaman ito sayo Dom? Hindi ba pwedeng iba nalang yong mahalin ko, at hindi nalang ikaw? Naramdaman ko ang pagtulo nang aking luha sa mga mata ko, kasabay neto ang pagdampi ng sinag nang araw sa mukha ko, nang minulat ko ang aking mga mata, napabalikwas ako ng pagbangon. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid, nang mapagtanto kong panaginip lang pala ang nangyari, hinawakan ko ang aking dibdib at huminga nang napaka lalim. Althea: " Salamat naman, at panaginip lang pala. " Pero hindi parin maiwasan ni Althea ang malungkot, dala ng kanyang panaginip. Althea: " Pano kong, yun nga yong sasabihin niya sa akin? Na kaibigan lang ang turing niya. " FAST FORWARD... Papunta na sana si Dominique sa kanilang kompanya, dahil may aasikasuhin siya, at para na rin mapag aralan ang iba pang trabaho sa loob ng bigla itong nakaramdam ng pananakit ng kanyang puson. Sa sobrang sakit ay hindi na niya kayang igalaw pa ang kanyang mga binti. Iginapang niya ang kanyang sarili hanggang makaabot sa sofa, doon ay inihiga niya ang kanyang sarili. Hindi naman niya alam anong gagawin, dahil namimilipit ito sa sakit, naisipan naman netong tawagan ang kaibigang si Althea. Sa ilang segundo lang ay sumagot naman ito. Althea: " Hello D-- ' Dominique: " Please help meee... (crying )" Althea: " W-- why? AN-- anong nangyari? (kinakabahan.) " Dominique: " I can't take it anymore!! (sobbing)... Please Thea, I need your help. " Althea: " Papunta na ako. " Kahit nasa kalagitnaan si Althea ng kanyang trabaho, ay umalis pa rin ito para puntahan si Dominique sa condo niya. Nang makarating si Althea sa unit ni Dominique, agad naman niyang nakita ito na nakahiga sa sofa habang tumatangis, wala namang pag aalinlangang lumapit siya dito. Nabigla naman si Althea nang yakapin ito ni Dominique, hindi na rin napigilan ni Althea na gumanti nang yakap mula sa kanya. Althea: " San masakit, ha? " Dominique: " Please help me, di ko talaga kaya. (crying...) " Althea: " Shhhh... tahan na, akong bahala, wag mo masyadong igalaw ang katawan mo, okay? Babalik ako, punta lang ako sa kusina, may kukunin lang ako. " Dominique: " (sobbingg)... Okay. " Agad naman itong kumaripas ng takbo, at nag simulang magpainit ng tubig. Maya - maya ay bumalik si Althea dala ang hot compress, inilagay niya ito sa may tyan ni Dominique. Althea: " It can ease the pain, maya maya din ay mawawala din yan. " Habang hawak - hawak ni Althea ang hot compress na nasa t'yanan ni Dominique, nakahawak naman si Dominique sa kamay ni Althea, hinihimas ni Althea ang buhok ni Dominique hanggang sa ito ay makatulog. Nang mapansin ni Althea na natutulog na si Dominique, hindi naman maiwasang titigan ang maamong mukha neto. Dahan - dahan naman hinawakan ni Althea ang pisngi ni Dominique, at hindi nya namalayan na nakangiti na pala sya habang nakatitig kay Dominique. Biglang iniwas ni Althea ang kanyang tingin kay Dominique. Althea: " Habang tumatagal, mas lalong lumilinaw ang pagtingin ko sayo, mas lalo kitang minahal, Dominique. " See you on the next chapter :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD