CHAPTER FIVE. The Unexpected but A Meaningful Kiss.
Ang silid ay nabalot ng katahimikan, sa isang pagkakataon, hindi namalayan ng dalawa na ang kanilang landas ay mas lalong pagtatagpuin ng tadhana.
Nagising si Dominique na parang may nakahiga sa tabi ng kanyang ulohan, nakita niya ang maamong mukha ni Althea na natutulog ng mahimbing sa tabi niya, hindi nya namalayan ang kanyang sarili na nakangiti na pala ito habang hawak - hawak nya ang mukha nang dalaga. Bigla itong natauhan nang unti unting gumalaw si Althea, at mahinang idinilat ang kanyang mga mata. Napaayos naman nang upo si Dominique, pero nabigla ito at nakaramdam ng bugso ng damdamin, habang hinawakan ni Althea ang kanyang noo.
Althea: " Ayos ka na ba? May masakit pa ba? "
Dominique: " H--- ha? Ehh.. yeah,, I'm good. "
Althea: (ngumiti) "Mabuti naman, nag alala ako sayo. "
Dominique: " Thank you, for coming. "
Althea: " Oo naman. "
Muling nagtama ang kanilang mga mata, sa pagtitinginan nilang dalawa, may ibang nararamdaman si Dominique na hindi maipaliwanag, sa isip niya kaibigan nya ito, pero bakit nakaramdam siya nang kaba sa tuwing magkalapit silang dalawa ni Althea. Napatanong ito sa kanyang sarili kong ganon din ba ang naramdaman ni Althea, o baka naman siya lang ang nakaramdam neto.
Althea: " Something's bothering you, Dominique? "
Bumalik ito sa katinuan ng marinig niyang masalita si Althea.
Dominique: " Ha? "
Althea: " (tumawa ito nang mahina) Sabi ko, okay ka lang ba. "
Dominique: " Yeah, (huminga ) Saglit lang, punta lang ako sa banyo. "
Sa pagtayo ni Dominique, ay na out of balance ito, kaya hindi naman ito nakaligtas sa bilis nang kamay ni Althea para saluhin sya, at pareho itong natumba sa sofa, tumama naman ang pisngi ni Dominique sa labi ni Althea, dahilan para magkatinginan sila pareho. Hindi naman maipaliwanag ang kuryenteng dumadaloy ngayon sa katawan ni Althea, habang si Dominique ay unti unting bumababa ang tingin sa labi ni Althea, humigpit ang hawak ni Dominique sa balikat ni Althea, habang iginala ni Althea ang kanyang kamay sa likuran niya.
Gustong umiwas ni Dominique sa mga titig ni Althea, at umalis sa kinauupuan niya, pero parang ang panahon ay hindi umaayon sa kanya. Napansin niya ang kamay ni Althea na dahan dahang gumagapang papunta sa kanyang mukha.
The next thing happened, their lips both collided...
Hindi maipaliwanag ni Dominique ang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan ngayon, hindi niya rin alam ba't sya tumugon ng tuluyan sa mga halik ni Althea sa kanya.
This is her first time kissing a woman, and she really feels like heaven on it.
Naging mapusok ang bawat halik nang dalawa. Nang makabalik si Dominique sa sarili niyang presenya, agad naman itong naitulak si Althea, at dali daling tumayo.
Althea: " I--- I'm so-- sorry--- '
Dominique: " It's fine, so-- sorry nadala rin ako. "
Tinitigan ni Althea si Dominique pero umiwas ito ng tingin.
Dominique: " I'--- I'll just go to the restroom "
Dali dali naman itong tumakbo at tumungo sa banyo. Habang naiwan si Althea, na hindi maipaliwanag ang sarili habang nakangiti ito sa kawalan.
Dominique's POV
Nasapo ko ang aking mukha habang nagtatalon sa kahihiya dito sa banyo.
Dominique: " Ayokong lumabas, ayokong harapin si Althea ngayon. Pano ba to? (huminga) Walang malesya yon Dom, Okay? Na out of balance ka lang kanina. Erase2x... "
Habang ginugulo ko ang aking buhok, at kinukumbinse ang sarili na wala lang iyon. Pero bakit may bugso ng damdamin aking nadarama? Hindi pwedeng mangyari ito, ayokong sirain ang pagkakaibigan namin.
Dominique: " May mahal siyang iba Dominique, please tigilan mo na-- "
Knock3x...
Althea: " Dom, ayos ka lang dyan? "
Napatalon naman ako sa kumatok ng pinto.
Dominique: " H-- ha ? Oo, sandali nalang ito, lalabas na ako. "
Althea: " Okay. "
Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Dominique: " Walang meaning iyon, Dom. Umayos ka! " HUminga ulit at nagsimulang lumabas ng banyo..
Lumabas si Dominique kinalaunan sa banyo, nakita naman niya agad si Althea na nakaupo sa may sofa, hinihintay ang kanyang pagbabalik. Hindi naman maitago ni Dominique ang kahihiyan sa nangyari kanina, halos hindi niya ito matitigan nang diretso. Nang makarating si Dominique sa sofa ay umupo ito sa kabilang upuan na parang walang nangyari, napansin naman ito agad ni Althea.
Althea: " Sorry talaga sa nangyari kanina, Dom. Hindi ko sinasadya. "
Panay naman ang tingin ni Dominique sa mga labi neto habang nagsasalita, hindi rin niya napansin na kanina pa siya tinatawag ni Althea.
Althea: " Dom! Ayos ka lang? "
Dominique; " H-- ha? Ano nga uli yong sinabi mo? "
Napakamot si Althea ng kanyang ulo.
Althea: " Nevermind. O pano, ayos ka na ba talaga? Uuwi na ako. "
Dominique: " Ngayon na? "
Althea: " Oo bakit, may kailangan ka pa? "
Dominique: " Wala naman, eh kasi, gabi na. "
Althea: " (ngumisi) Ano ka ba, sanay akong umuwi ng ganitong oras, at saka di ko pwedeng iwan si nanay, madaling mag alala yon. "
Dominique: " Ganon ba, gu-- gusto mo ihatid nalang kita? "
Althea: " Wag na, baka ako pa mag alala ng husto sayo pag uwi mo.
Dominique: " S-- sigurado ka bang okay lang sayo? "
Althea: " Bakit? Ayaw mo ba akong umuwi? "
Dominique: " Hindi naman sa ganon. "
Althea: " Biro lang, o sya, alis na ako. "
Inihatid ni Dominique si Althea sa labas, hanggang sa makaalis ito ng tuluyan, tanaw parin ni Dominique si Althea kahit unti unti na itong naglalaho. Sa kalagitnaan nang kanyang paglalakad pabalik sa kanyang silid, ay napansin niya ang kanyang sarili na nakangiti pala ito habang hawak - hawak ang kanyang labi. Hindi nya rin maitanggi na ang lambot ng mga labi ni Althea. Bigla naman itong napahinto sa paglalakad, at agad ipinikit ang mga mata.
Dominique: " Bakit ko ba iniisip ang nangyari kanina? "
Kinabukasan...
Abala si Dominique sa kanilang kompanya, ang dami na kasing trabaho ang nakaatang sa kanya, hindi pa rin bumabalik ang kaniyang kuya Richard kaya wala siyang choice kundi salubungin ang lahat nang trabaho dito.
Habang abala ito, bigla naman siyang nakarinig nang katok mula asa pinto.
Dominique: " Come in. "
Staff: " Miss Guevara, may naghahanap po sa inyo. "
Dominique: " Sino? "
Staff: " Kyle Sebastian daw po eh. "
Dominique: "(nagulat) Ano? Si Kyle?"
Nang makita ni Dominique si Kyle sa opisina, napagtanto niyang ito ay isang hindi inaasahan na pag-ikot sa kanyang mundo.
Kyle: "Hi, my beautiful fiancee."
Dominique: "(masungit) Ano bang ginagawa mo dito?"
Kyle: "Namiss kita, Dom. "
Tinitigan ni Dominique si Kyle ng masama, hindi niya ito inaasahang darating ito ng napaka aga.
Samantala, habang umiiwas si Dominique sa tingin ni Kyle, napagtanto niyang hindi lamang ito ang kanyang iniisip, kundi sumasagi rin si Althea.
See you on the Next Chapter :) >>>