CHAPTER SIX. The Confession
Ang pag dating ni Kyle, ang mas lalong gugulo sa utak ni Dominique. Hindi niya alam pano niya ito haharapin. Alam niya sa kanyang sarili na ikakasal sya dito, pero kahit anong gawin nya ay hindi niya kayang ibigay o suklian man lang ang pagmamahal na ibinigay ni Kyle sa kanya. Samantala, naglalaro rin sa kanyang isip si Althea, hindi niya lubos maisip na sa lahat ng tao sa mundo, sa kanya pa sya nakaramdam ng ganoong saya. Pero takot itong aminin ang kanyang nadarama, dahil hindi pa ito sigurado sa kanyang tunay na nararamdaman.
Nag desisyon si Dominique na pumunta muna sa kanilang bahay, dahil don mas makakapag isip siya ng mabuti, habang tinatanaw ang mga bituin sa kalangitan, hindi nya parin mawala sa kanyang isipan si Althea.
Nang makarating si Dominique sa kanyang bahay, napansin niyang tahimik ang paligid. Ang gabing iyon ay puno ng mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Iniisip niya kung paano niya haharapin ang sitwasyon at kung paano niya sasabihin kay Kyle na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman nito.
Tinungo ni Dominique ang balkonahe at doon ay umupo sa silyang may magandang tanawin ng kalangitan. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nag-umpisa siyang magmuni-muni.
Dominique: "Althea, bakit ikaw ang laging sumasagi sa isipan ko? Ano bang meron sa'yo na kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang itapon sa isipan ko? At si Kyle, paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko siya kayang mahalin ng higit pa sa pagiging kaibigan?"
Dominique: " Ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ko sayo? Kaibigan kita, pero bakit sa tuwing magkalapit tayo, bumibilis ang t***k ng aking puso? "
Ipinikit ni Dominique ang kanyang mga mata dahil naguguluhan ito.
Nag-antabay si Dominique sa kanyang sarili, nag-iisip kung paano niya haharapin ang mga susunod na araw. Isasakripisyo ba niya ang sarili para sa kasiyahan ng iba, o iaamin ang nararamdaman niyang mas matindi kay Althea?
Althea's POV
Nanay ni Althea: ( coughing)..
Althea: " Ma, sigurado ho ba kayo na ayaw nyong magpa tingin sa doktor? "
Nanay ni Althea: " Wag na kasi, gagastos ka lang, okay lang ako. "
Althea: " Pero ma, an tagal tagal na nang ubo nyo, nag aalala na ako eh. "
Nanay ni Althea: (tumabi sa kinauupuan ni Althea).. " Althea, ayos lang ako, okay? Ang pagtuunan mo ng pansin ang ang sarili mo. "
Althea: " Ha? Ayos naman ako ah. "
Nanay ni Althea: " Ang ibig kong sabihin, ay yan. (habang tinuturo ang puso ni Althea) "
Althea: " Mama naman eh, nagbibiro kapa dyan. "
Nanay ni Althea: " Inamin mo naba sa kanya? "
Althea: " Maaaaa!!! "
Nanay ni Althea: " Anak, okay lang yan. Kung aminin mo tapos hindi ka niya magustuhan, edi at least sinabi mo. Pero kahit ayawan kaman nang marami, nandito lang ako anak, hinding hindi kita sasaktan. "
Niyakap ni Althea ang kanyang ina.
Althea: " Thank you ma, hindi ko alam anong gagawin ko kung wala ka. "
Kinabukasan...
Nagpunta si Dominique sa pinag tatrabahoan ni Althea, para sana dalawin ito, pero nagulat ito ng makita si Kyle sa loob. Nagtataka rin si Kyle bakit nandito si Dominique.
Dominique: " Anong ginagawa mo dito? "
Kyle: " I'm here to meet our client, ikaw ba't ka nandito? "
Direk: " Miss Guevara, you're here! I'm glad to see you again. "
Kyle: " You knew her? "
Direk: " Yeah, she's one of our model here. "
Kyle: " Really? Hahaha, meant to be talaga tayo Dom. "
Dominique: " Tumigil ka nga! "
Direk: " Magkakilala din kayo? "
Kyle: " She's my fiance! "
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Kyle, halos hindi rin na proseso nang maayos sa utak ni Althea ang narinig mismo sa bibig ni Kyle, kahit si Dominique ay nagulat sa sinabi neto. Agad namang tumingin si Dominique kay Althea, na halos hindi rin makaimik sa narinig.
Dominique: " Bakit mo ba kailangang sabihin yon, ha? "
Kyle: " Bakit? Ikakasal na naman tayo ha, anong masama sa sinabi ko? "
Dominique: " Kahit na! "
Biglang hinatak ni Dominique si Kyle papalabas, sinundan naman ito ng tingin ni Althea. Hindi alam ni Althea anong mararamdaman niya, parang tumigil bigla ang mundo niya sa narinig neto. Nakaramdam ito ng kirot sa puso, habang tinignan si Dominique at Kyle na magkahawak kamay na lumabas.
Althea: " Ikakasal? "
Sa kabilang banda...
Dominique: " Ano ba sa tingin mo ginagawa mo, Kyle? "
Kyle: " Teka nga, nagagalit kaba sa akin dahil sinabi ko yon? "
Dominique: " Hindi sa ganon! Dapat kasi sinabihan mo muna ako, bago mo ipagkalat! "
Kyle: " Alam mo, hindi kita maintindihan! Ikakasal na tayo Dominique, bakit mo pa itatago yan? "
Dominique: " Ako ang mag didesisyon kong ikakasal ako o hindi! "
Kyle: " Pag aawayan ba naman natin ito ulit? Dominique, makinig ka sakin, walang masama sa sinabi ko! Mahal kita, at handa akong ipagsigawan yon--- "
Dominique: " Hindi kita mahal! "
Kyle: " Anong sabi mo? "
Dominique: " Kaya lang naman ako pumayag sa letcheng arranged marriage nato, dahil sa utang na loob. "
Kyle: " Umamin ka nga sa akin, kaya kaba pumunta dito sa pinas dahil may mahal kana dito. "
Dominique: " Ano bang pinag sasabi mo? "
Kyle: " Wag na wag kang magkakamali, Dominique. Kaya kong maging masamang tao. "
Dominique: " Pinagbabantaan mo ba ako? "
Kyle: " I'll just give you a warning. "
Kasabay neto ang pag alis ni Kyle sa harapan ni Dominique, hindi naman binaliwala ni Dominique ang pagbabanta neto sa kanya.
Alam nyang ma impluwensyang tao si Kyle, pero wala syang pakialam dito. Bumalik sya sa loob para hanapin si Althea, pero sa pag tatanong niya hindi niya mahagilap si Althea, nalungkot naman ito, dahil alam niyang nag tatampo eto dahil hindi niya sinabi kaagad na ikakasal siya, bagkus ay inilihim niya ito sa kanya.
Napag desisyonan ni Dominique na puntahan si Althea sa bahay nila, pero pagdating niya doon ay wala si Althea, tanging ang nanay nya lang ang nandodoon.
Sa Bahay Ni Althea...
Nanay ni Althea: " O iha, hindi ba siya nag sabi sayo na may trabaho sya ngayon? "
Dominique: " Oo nga po eh, pero bigla syang nawala kanina, so I was wondering kong umuwi sya dito. "
Nanay ni Althea: " Wala naman siya dito, bakit? May nangyari ba sa inyong dalawa? "
Dominique: " Ay nako po wala po. "
Nanay ni Althea: " Eh kung gusto mo, hintayin mo nalang siya dito. "
Dominique: " Pwede po ba? "
Nanay ni Althea: " Oo naman, hindi ka naman iba dito sa amin. Sige na hintayin mo nalang sya sa taas, baka mamaya uuwi din yon. "
Nagpasya si Dominique na hintayin si Althea sa bahay nila, habang abala si Dominique sa pakikipag usap sa nanay ni Althea, ay siya namang pagsulpot neto sa bahay. Nagulat si Althea nang makita si Dominique na nasa bahay nila. Agad namang napalingon si Dominique ng mapansin ng nanay ni Althea na dumating na ang anak.
Nanay ni Althea: " O anak, andyan ka na pala. "
Althea: " Anong ginagawa mo dito? "
Dominique: " A-- "
Nanay ni Althea: " Ganina ka pa niya hinahanap, akala niya umuwi ka, kaya sinabihan ko nalang siya hintayin ka dito. "
Althea: " Umuwi kana. "
Nanay ni Althea: " Anak! Wag ka naman ganyan magsalita kay Dominique. "
Althea: " Ma, pwede ba? Pagod ako. Kung ayaw nyang umuwi bahala sya, magpapahinga na ako."
Nabigla naman si Dominique sa inasal ngayon ni Althea, ngayon lang kasi nya ito nakitang magalit nang ganito. Nagsimulang maglakad si Althea papuntang kwarto, pero sinundan ito ni Dominique, nabigla naman si Althea ng makapasok si Dominique sa loob bago pa ito sinara ang pinto.
Althea: " Diba sinabi ko naman na pagod ako! "
Dominique: " I need to talk to you. "
Ipinikit ni Althea ang kanyang mga mata habang hinahawakan ang kanyang noo.
Althea: " Ano bang gusto mong pag usapan natin? "
Dominique: " Alam kong galit ka, dahil nag lihim ako sayo. "
Althea: " Haha.. Sinong galit? Ako? Ba't naman ako magagalit? "
Dominique: " Then why are you acting like this, Huh? Bakit bigla kang nawala sa set kanina? "
Althea: " Need ko ba dapat ipaalam sayo lahat kong san ako pumunta? Ano ba kita? Kaibigan lang naman kita diba-- "
Dominique: " Kaibigan lang ba talaga, Althea? "
Biglang nagbago ang tingin ni Althea sa mga mata ni Dominique. Makikita rin sa mga mata ni Dominique ang pagkaseryoso sa kanyang tinanong.
Althea: " Ang gulo mo kausap. "
Dominique: " Dahil ang gulo mo din! "
Napakunot ng noo si Althea.
Dominique: " Hindi ko alam tama ba tong nararamdaman ko eh, k-- kung bakit ako nandito, bakit ko pinag pipilitan ang sarili kong e explain lahat sayo, eh kaibigan lang naman kita! "
Natulala si Althea sa mga narinig niya sa bibig ni Dominique, ayaw niyang pangunahan ang damdamin neto, pero sa bawat bigkas ni Dominique ng mga salita, at sa bawat pag bitaw neto, ramdam niyang may gusto itong sabihin sa kanya, at gaya din niya, takot din itong umamin sa tunay na nararamdaman neto. Nagsimulang tumalikod si Dominique at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.
Dominique: " Aalis na ako, walang patutungohan tong pag uusap nating ito. "
Hinarang ni Althea si Dominique gamit ang kanyang kamay, at hinawakan ito sa bewang. Ramdam ni Dominique ang bawat hininga ni Althea mula sa kanyang leeg.
Althea: " Ayokong sirain ang pagkakaibigan nating ito, pero hindi ko alam pano ko pipigilan ang sarili ko na hindi mahulog sa iyo. "
Nabigla si Dominique sa nabitawang salita ni Althea, hindi nya alam pano siya tumugon dito, pero sa kabilang banda ay ang kasiyahan sa puso neto.
Althea: " Hindi ko sinadya na mahulog sayo, Dominique. "
Tinignan ni Dominique si Althea sa mga mata neto, nabuhayan naman nang loob si Althea ng makitang unti unting ngumiti si Dominique sa kanya.
Dominique: (ngumiti) "Kailan pa? "
Althea: " I don't know, naramdaman ko na ito noon, 20 years ago. Pero mas lalong tumindi nong nakita kita ulit. "
Dominique: " Ba't di mo sinabi sa akin ?"
Althea: " Hindi kasi madaling sabihin yon. Pero ngayon, parang imposible na din, ikakasal kana diba? "
Umiwas nang tingin si Dominique, at tinalikuran si Althea.
Dominique: " Akala mo ba madali lang sakin na pakasalan si Kyle? Ginawa ko lang naman ito dahil sa kagustuhan ng mga magulang ko. "
Althea: " Anong ibig mong sabihin? "
Dominique: " Bumalik ako dito sa Pilipinas para takasan ang obligasyon ko. Pero parang nakatali na yata ako sa katotohanan, kahit anong gawin kong pag iwas darating at darating din ito. "
Nakikinig lang si Althea sa mga salita ni Dominique.
Dominique: " Ayokong darating yong panahon na masasaktan kita, Althea. "
Hindi paman nag sisimula ang kanilang relasyon, ay nakadama na si Althea ng pagkirot sa puso. Alam niyang darating sya sa puntong ito, na masasaktan siya. Pero hindi nya inaasahan na sa pag amin niya, ay may kagalakan sa kanyang damdamin at pag asa dahil pareho ito ng nararamdaman sa isa't isa, ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, at hindi umaayon sa kagustuhan nilang magsama.
SEE YOU ON THE NEXT CHAPTER :)