CHAPTER SEVEN. Vieling One's Feeling
Sa Condo...
Dominique POV
Dominique: " Ayokong darating yong panahon na masasaktan kita, Althea. "
Hindi maialis parin sa isipan ko ang huling sinabi ko kay Althea, tama ba na pangunahan ko yong puso ko? Totoo naman talaga, ayoko syang masaktan sa huli, hindi ko kakayaning makita syang masaktan ng dahil lang sa akin.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kalawakan, iniisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.
Dominique: " Hindi ako tapat sa nararamdaman ko sayo, Althea. Dahil sa totoo, hindi ko rin alam bakit ko ito nararamdaman mula sayo. Gusto kong pigilin ito, pero kahit anong pigil ko, ikaw pa rin ang tanging sinisigaw neto.
Sa kabilang banda, hindi rin mapakali si Althea sa kanyang silid. Iniisip parin ang mga sinasabi ni Dominique kanina. Lumabas ito sa kanyang silid at nagtungo sa labas ng kanilang bahay. Umupo si Althea sa may upuan malapit sa kanilang bahay, habang tinatanaw ang mga bituin sa kalangitan.
Althea: " Hindi pala sapat na mahal mo lang, alam kong may nararamdaman ka sa akin, Dominique. Pero bakit ayaw mong sabihin? "
Tumingala si Althea ulit sa langit.
Althea: " Sana'y alam mo ngayon, kung gaano kita ka mahal, Dom. Handa akong harapin lahat ng sakit, makasama ka lang. "
Huminga ng malalim si Althea, habang si Dominique naman sa kabilang banda ay nakapikit ang kanyang mga mata, habang nakatingala sa kalangitan.
FAST FORWARD...
Kakatapos lang ni Dominique e meet ang isa sa mga client ng kanilang kompanya kasama si Kyle, hindi niya alam ba't pa ito sumama sa kanya. Naiinis sya dito sa tuwing nandito sya.
Dominique: " It was really nice to meet you, Mr. Lim, hindi mo to pag sisisihan. "
Kyle: " Yeah, right. Ms. Guevara has a word Mr. Lim. (ngumiti while handed his hand to him. ) "
Mr. Lim : " I know, and I trust your dad indeed on this. "
Dominique: " Thank you so much. "
Mr. Lim : " By the way, kailan ba kayo ikakasal dalawa? "
Ang ngiti sa mukha ni Dominique ay unti unting nawala, nang mabanggit ulit ang kasal niya kay Kyle. Habang si Kyle ay napatingin naman kay Dominique.
Kyle: " Ah probably this year na, hopefully. "
Napatingin naman si Dominique kay Kyle.
Mr. Lim: " Alam nyo, bagay na bagay talaga kayong dalawa. Asahan nyo, darating ako sa kasal nyong dalawa. "
Kyle: " hahaha, aasahan po namin yan Mr. Lim. "
Mr. Lim: " Pano, I'll go ahead. See you around. "
Kyle: " Sige po. "
Dominique: " Nice to meet you again, Mr. Lim. "
Habang tinatanaw ni Dominique si Mr. Lim na naglalakad papalayo, hindi naman niya nakalimutan ang sinabi ni Kyle kanina. Ibinaling ni Dominique ang tingin niya ulit kay Kyle.
Dominique: " What was that, Kyle? "
Kyle: " What? "
Dominique: " This year? Really, huh? Without even consulting me? "
Kyle: " Bakit mo ba pinapatagal ang kasalang to? Look, we already have the blessings both sa family natin, ano pa ba yong kulang? "
Dominique: " Hindi mo lang ba ako bibigyan ng panahong pag isipan to? "
Kyle: " I already give you a lot of time, Dominique! I almost waited you for almost 6 years, hindi paba sapat na time yan? Ako naman yong pakinggan mo ngayon, Dom! Anim na taon kitang iniintindi, pwede bang ako naman ngayon? "
Dominique: " You don't get it, Kyle. "
Kyle: " Ano ba yong hindi ko pa maintindihan? Sabihin mo--- "
Dominique: " Hindi kita kayang papasukin sa buhay ko! "
Naging seryoso ang mukha ni Kyle, na parang may galit sa kanyang mga mata.
Kyle: " That's very too much, Dominique! Baka nakakalimutan mong umaasa yong pamilya mo sa pamilya ko, hindi mo naman siguro kayang makita ang mga magulang mong babagsak. "
Dominque: " Tinatakot mo ba ako? "
Kyle: " I am not good in threatening, Dom. This is only a heads up! I will always say this to you, in order for you to be remember. "
Kasabay neto, ang pag alis ni Kyle sa harap ni Dominique. Naiwan si Dominique mag isa na nakatunganga, nakaramdam siya nang takot sa banta ni Kyle, alam niyang may isang salita ito. Kahit anong gawin ni Dominique na pag iwas, hinding hindi nya matatakasan ang katotohanang ito, kahit labag sa kalooban niya ay wala syang magawa.
Althea POV
Habang abala si Althea sa pag tatrabaho, lagi naman itong naka tingin sa kanyang telepono, nag babakasaling mag me message si Dominique sa kanya. Ilang araw na kasi itong walang paramdam sa kanya, matapos ang gabing iyon.
Dali dali naman niyang hinablot ang kanyang cell phone sa pag aakalang tumawag si Dominique sa kanya.
Althea: Hello, Dom--- "
Vicky: " Who the hell is that? "
Althea: " V-- Vicky? "
Vicky: " O, parang hindi ka ata masaya na tumawag ako? May hinihintay ka bang tawag sa iba? "
Althea: (napabuntong hininga) Kala kong sino, ikaw lang pala! Ba't ka napatawag? "
Vicky: "Well, gusto ko lang namang yayain kang lumabas mamaya, pero parang ayaw mo yata, so sa ibang araw na lang! "
Althea: " W-- wait! Lumabas? It means nakauwi kana galing States? "
Vicky: " Hindi pa! Picture ko lang ito ang umuwi! "
Althea: " Eto naman! Nagtampo ka agad. "
Vicky: " Sino ba kasing hindi magtatampo nyan, tinawag mo ako sa ibang pangalan, at saka, sino si Dom? "
Althea: " Wag na nga nating pag usapan yan, dadaanan kita sa inyo pagkatapos nang trabaho ko."
Vicky: " Wag na, magkita nalang tayo sa restaurant, sesend ko sayo address mamaya. "
Althea: " Okay, see you. "
Sa Restaurant...
Vicky: " Ano ka ba Althea, kanina kapa hindi mapakali kati - titig mo dyan sa phone mo, May problema ba? "
Althea: " Ha? Ehh ano kasi, h-- hinihintay ko ang tawag ni nanay. "
Vicky: " Alam mo, sa 10 years na nating magkaibigan, hindi ka parin marunong magsinungaling! Ano ba kasi yan! "
Althea: (napabuntong hininga) " Naalala mo yong kinwento ko sayo noon? "
Vicky: " Asan don? "
Althea: " Yung kaibigan ko na nag migrate sa Engalnd. "
Vicky: " Na lihim mong nagugustuhan? Ano ba name non? Hmm.. nevermind, tapos ano?"
Althea: " Bumalik na sya. "
Vicky: " Eh bumalik naman pala eh, anong problema don, ha? (habang tinitigan si Althea na nakayuko) Ayon! Lumabas din ang totoo, takot ka paring sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. "
Althea: " Ano pang silbi ng pagsabi ko sa kanya, kung ikakasal na sya. "
Vicky: " May date na ba sa kasal nya? "
Althea: " Hindi ko alam."
Vicky: " Ba't dimo tinanong, tanga! May singsing na ba? "
Napakunot ang noo ni Althea sa mga naging tanong neto sa kanya.
Althea: " Eh malay ko ba. "
Vicky: " Ang ibig kong sabihin eh kong may soot na ba syang singsing sa daliri nya, Tsk!! "
Althea: " W-- wala. "
Vicky: " Wala naman pala eh, ligawan mo na. "
Althea: " Baliw ka nuh! Pano ko pa liligawan yong tao, eh may mahal nang iba. "
Vicky: " Pano ka nakaka siguro na mahal nya nga yong tao, aber? Alam mo Thea, kung totoong engaged ka sa taong mahal mo, ipagmamalaki mo yon. Yon kong tunay nga na minahal mo yong taong yun."
Napaisip si Althea sa sinabi ng kaibigan, pano kong hindi nya talaga tunay na minahal si Kyle. May pag asa ba si Althea sa nararamdaman neto kay Dominique?
Pag katapos nilang kumain na magkaibigan ay napagpasyahan nang dalawa na umalis at pumunta sa ibang lugar. Habang abala si Althea sa pag iikot ng mga mata niya sa loob, bigla naman niyang nahagip ang katauhan ni Dominique na nasa harap niya mismo, na nakatingin sa kamay ni Vicky na nakahawak sa braso ni Althea.
Bigla namang nakaramdam si Dominique ng pagkirot sa puso sa nakita niya. Pero hindi nya ipinahalata kay Althea iyon. Bagkus, ngumiti sya dito at tinanong...
Dominique: " Oh Hi, anong ginagawa mo dito? At--- s--- sino nyang kasama mo? "
Althea: (tinignan si Vicky bago tuluyang magsalita) "Hmm.. she's my friend. Kakauwi lang niya galing States, kaya sinamahan ko sya. I-- ikaw, an-- anong ginagawa mo dito? "
Dominique: " May binili lang. "
Althea: " Oh by the way, this is Vicky, and Vicky, this is Dominique-- "
Vicky: " Sya ba yong crush mo-- jkhhhjhyrghtthgd********* "
Tinakpan ko ang bibig ni Vicky sa sobrang ingay.
Althea: (nagsalita ng mahina) "Ano ka ba? Tumahimik ka nga! "
Vicky: (bumulong) Siya ba yon? "
Hindi naman namalayan ni Althea na nakatingin pala si Dominique sa kanilang dalawa, habang nag babangayan, naiinis si Dominique sa kanyang nararamdaman ngayon, para kasing nag seselos sya sa dalawa at sobrang lapit pa ng mukha nilang mag usap. Binasag naman ni Dominique ang pag babangayan ng dalawa.
Dominique: " I'm sorry, (ngumiti ng pilit) but I really have to go. "
Aalis na sana si Dominique ng habulin sya ni Althea.
Althea: " Dominique, sandali lang! "
Tumigil ito sa paglalakad at humarap kay Althea.
Dominique: " Hmm?
Althea: " A-- ayos ka lang ba? "
Dominique: " Yeah, I'm fine! Bakit mo naman naitanong yan? "
Althea: " Kasi... ilang araw ka nang hindi nag paparamdam, so I was wondering kong may nasabi ba akong mali sayo or---- "
Dominique: " Althea, wala. Medyo naging busy lang ako sa kompanya, yun lang! At saka, hindi ko naman kailangan sigurong e explain yong sarili ko sayo, hindi ba? "
Nakaramdam si Althea nang kirot sa puso matapos marinig ang sinabi ni Dominique sa kanya.
Althea: (tumango) "Yeah, tama ka. Hindi mo pala kailangang e explain ang sarili mo sa akin. I get it! "
Dominique: " It's not what I mean-----"
Althea: " Kuha ko, Dominique. (ngumiti nang pilit) Naiintindihan ko. Sige na, may pupuntahan pa kasi kami, ingat ka. "
Tuluyang tinalikuran ni Althea si Dominique, sa pag talikod ni Althea ay may namumuong luha sa kilid ng mga mata neto, pero pinigilan niya itong huwag bumagsak. Nang makarating sya sa kinaroroonan ni Vicky ay hinila niya sa Vicky papalabas.
Althea: " Please, umalis na tayo dito. "
Habang tanaw na tanaw pa rin ni Dominique ang imahe ni Althea papalabas at hawak ang kamay ni Vicky.
Hindi rin maiwari ni Dominique bakit niya iyon nasabi sa kanya, sa bawat hakbang ni Althea papalayo sa kanya, ay parang binuhusan sya ng malamig na tubig sa kinatatayuan niya.
SEE YOU ON THE NEXT CHAPTER :) >>>>>>>>>