Dahan-dahan naming binuksan ang pinto at bumungad sa amin ang isang napakalawak na kuwarto. Madilim at walang bintanang makikita. Hindi kami gumamit ng apoy dahil baka may makakita sa amin. Naglakad kami nang walang ingay. "f**k!" asik ni Genesis. Tumilapon siya sa pader. Hindi ko alam ang nangyari pero nawala na lang siya bigla sa tabi ko at tumama siya sa pader. Parang may puwersang humila sa kaniya. "Genesis, nasaan ka?!" sigaw ko. Hindi ko makita kung nasaan siya. Sobrang dilim at hindi ko alam kung paano ako makagagalaw. "Genesis?!" sigaw ko ulit nang biglang may humawak sa balikat ko, kaya't napasigaw ako sa takot. "Ako 'to," sabi ni Genesis kaya tumigil ako sa pagsigaw. "Hindi ko nakita kung sino ang may gawa n'on pero may kutob ako kung sino," pagkasabi ni Genesis n'on, bumukas

