Chapter One

2095 Words
Chapter One "Saan ka ba nagmana bata ka?! Imbis na asikasuhin mo ang magiging kurso mo sa kolehiyo, pag-fafans club ang inaatupag mo?" Pina-ikot lamang ni Gelyn ang kanyang mga mata ng marinig ang maagang seremonyas ng kanyang ina. Araw-araw nalang siya nito pinapagalitan at pinapa-ngaralan. "Aba huwag mo akong ma-irap irapan diyan!" Napabuntong hininga nalang siya. Nag aarala naman siya ng mabuti. Wala naman siyang binabagsak na subject at pasado naman lahat ng grado niya. Ngunit hindi padin iyon sapat sa kanyang magulang. Gusto kasi ng mga ito matulad siya sa kanyang mga nakakatandang kapatid. Mga pawang guro din ang mga ito at nirerespeto sa kanilang lugar. "Ma hindi po ako umi-irap. Pina-ikot ko lang ang eyeballs ko" Depensa niya bago siya tuluyan lumabas ng kanilang bahay upang pumasok sa skwelahan. Narinig niya pa ang sigaw ng kanyang ina kaya napahagikgik nalang siya. Hindi na niya sineseryoso ang mga sermon nito dahil para sakanya mababawasan lang ang kanyang ganda at tatanda siyang dalaga katulad ng mga ate niya. Proud naman siya sa mga ate niya ngunit hindi niya pangarap na sundan lamang ang mga yapak ng mga ito. She wanted to be something.. Teka ano nga bang pangarap niya? Hindi niya pa talaga maisip kung anong kurso ang balak niyang kunin sa kolehiyo. Isa lamang kasi ang pinapangarap niya sa mga oras na ito. Ang maging asawa ni Zach! Lalo siyang napangiti ng maalala ang kanyang soon to be nobyo. Mamayang alas-dose pa ang kanyang first subject ngunit heto siya naglalakad papunta sa sakayan ng bus. Bus papunta sa ibang paaralan. Sa paaralan ng kanyang ultimate crush. Araw-araw niyang inaagahan ang kanyang pag alis sa kanilang bahay upang dumaan muna sa paaralan ni Zach Hoffman. Ngunit palagi lamang siyang nabibigong makita ito. Takot kasi ito magpakita sa mga tao dahil madalas pinagkakaguluhan ito ng mga babeng kagaya niyang nahuhumaling sa kagwapuhan nito. Kaya heto siya ngayon bagsak ang kanyang mga balikat dahil hindi nanaman niya nasilayan ang kanyang pinakamamahal na soon to be husband. "Gelyn! Bilisan mo ma-late na tayo" Hila hila ni Arabella ang kanyang kamay papunta sa kanilang silid paaralan. Wala siyang kagana-ganang makinig sa guro dahil okupado ni Zach ang kanyang isip. Mag-iisang buwan na nung huli niya itong makita. Alam niyang sa wakas napansin siya nito dahil sa kagagahan na ginawa niya. Muntik niya pa iyon ikamatay. "Hoy Gelyn break time na!" Pabirong hinila ni Arabella ang kanyang mahabang buhok. Napangiti siya dahil hindi niya napansin ang pagtakbo ng oras kaka-isip kay Zach. Mag back-read nalang siya mamayang gabi sa lahat ng leksyon na itinuro ng kanilang guro. Ganoon naman ang kanyang ginagawa sa tuwing hindi siya nakapakinig ng husto. "Tara Ara!" Tumayo na siya at binitbit ang kanyang hello kitty back-pack. "Hoy Gelyn saan ka pupunta?" Sinundan agad siya ng kanyang kaibigan. Kahit alam naman nito kung saan siya madalas mag punta tanong padin ito ng tanong . "Alam mo na yun kung saan!" Lakad takbo ang ginagawa niya dahil dalawang oras lamang ang break time nila bago ang susunod nilang klase. "Hindi ako sasama sayo--" "Ililibre kita!" Putol niya sa pagtangi nito. Napangiti agad ito. "Tara!" Sabay silang napahagikgik dahil isang magic word lamang ang katapat nito. Kapag naririnig nito ang salitang libre nagliliwanag ang paligid nito. "Teka hindi ba tayo mag bubus?" Tanong ni Arabella sakanya ng sumakay sila sa grab car na nirentahan niya gamit ang grab application. "Hindi!" Todo ngisi siya. Credit card ng ate niya ang kanyang ginagamit pang bayad sa grab car na iyon. Mabait kasi sakanya ang kanyang mga ate at pinapahiram ng mga ito sakanya ang credit cards ng mga ito. Minsan lamang niya iyon gamitin. Gaano nga ba kadalas ang minsan. "Eh teka saan ba tayo pupunta?" Kunot nuong tanong padin nito "Sa coffee shop ng mayayaman!" Nag nining ning ang kanyang mga mata "Ililibre mo ba ako don?" Nilingon niya ito at sinabunutan ng pabiro "Mukha ka talagang libre no!" Sabay silang natawa. "Mocha coffee ang gusto ko ha." Excited din ito. "Wow may order na agad si madam arabela." Ngumisi lang ito "Hindi mo ba tatanungin kung bakit tayo pupunta sa coffee shop ng mayayaman?" "Hindi na kailangan. Alam ko namang hahanapin mo lang si Zach don!" Namula ang kanyang mga pisngi. Marinig palang niya ang pangalan ni Zach tila kinikilig na siya "Tama. Paano mo yun nahulaan? I'm going to see my future husband there! Nabasa ko sa isang vlog sa internet madalas raw naroon ang asawa ko" Napapakagat labi pa siya samantalang ang asim asim na ng mukha ng kanyang kaibigan "Malakas talaga tama mo diyan sa Zach na yan no?" "Oo naman. Tamang tama kasi siya for me" Napangiwi nalang ito. "Paano mo naman nasisigurong nandoon si Zach ngayon? Hindi ka ba napapagod sumunod sunod kung nasaan yang lalakeng yan?" "I can feel it in my heart. Nararamdaman ko mag kikita kami ngayong araw na ito kaya wag kang panira diyan, Sige ka hindi kita ililibre?" Arabella rolled her eyes on her. Alam niyang nagsasawa na itong samahan siya sa pagsunod sunod at paghanap kay Zach. Pinag bawal na kasi ang tumambay sa harapan ng mansyon ng mga hoffman. Napaligiran na iyon ng mga gwardiya at mga asong malalaki. Dahil sa ginawa niyang agaw buhay moves. "Anong ginagawa mo?" Kunot nuong tanong ni arabella sakanya habang hinuhubad niya ng kanyang uniform "Nagbibihis sa tingin mo ba mag uuniform ako sa loob ng coffee shop? nakadamit ako huwag kang mag-alala" Todo ngisi siya habang naghuhubad siya ng kanyang uniform. Naka simpleng white blouse siya sa loob ng kanyang uniform at siyempre naka sexy shorts lamang siya. "Ang daya mo! Wala akong dalang damit!" Reklamo ni arabella "Siyempre dinalhan kita." Inilabas niya sa kanyang hello kitty bag ang isang pantalon at simpleng tshirt. "Ako mag papantalon tapos ikaw naka-shorts?!" Reklamo pa muli nito "Ang dami mo naman reklamo arabela. Dapat reklamo nalang pinangalan sayo. Edi mag uniform ka nalang-" "Oo na!" Hinablot na nito sakanya ang damit Napangisi siya "Takpan mo ako, Dito nako mag bibihis." "Bilisan mo malapit na tayo!" Pinang takip niya kay arabella ang kanyang hinubad na school uniform Patingin tingin lamang ang grab driver sa mga pinag gagagawa nila. "Hoy manong baka magkakuliti ka." Pinang lakihan niya ng kanyang mata ang grab driver kaya hindi na ito muling tumingin sakanila at nagpatuloy lamang ito sa pagmamaneho Pag dating nila sa coffee shop inilibot agad ni Gelyn ang kanyang matalas na paningin. Hinanap agad niya ang kanyang prince charming. Tahimik lamang ang buong coffee shop. Halatang mayayaman ang mga taong naroon. "U-morder muna tayo Gelyn. Nakakahiya napapatingin satin ang mga tao dito" Bulong ni Arabella sakanya dahil halos libutin nila ang buong coffee shop. "Heto umorder ka na. Hintayin mo ako hahanapin ko lang kung nasaan ang asawa ko" Ini-abot niya ang credit card ng kanyang ate kay Arabella. "Anong order mo?" Bulong uli nito "Kahit ano ikaw na bahala" Ipinagpatuloy niya ang paglilibot sa coffee shop. Dalawang palapag iyon. Bawat lamesa at bawat lalakeng nandoon ay iniisa isa niya ang mga ito nagbabakasakali siyang makikita niya si Zach. "Gelyn!" Sigaw ni Arabella Napatingin agad siya dito habang nasa counter ito. Pinanlakihan niya ito ng mata dahil wagas kung makasigaw ito ng kanyang pangalan. Napatingin tuloy sakanila ang mga tao sa loob ng coffee shop. "Bakit?!" Tanong niya ng makalapit siya kay Arabella. "Gelyn hindi daw pwede credit card dito" Halatang hiyang hiya ito Napataas ang kanyang kilay "At bakit naman hindi?" kunot nuo niyang tanong "Cash lang daw ang tinatangap nila" Halos gusto ng lumubog sa lupa ni Arabella habang nakakapit ito sa braso niya. Gusto niyang mapapikit ng makitang madami itong inorder para sakanilang dalawa. Dalawang strawberry sliced cake at dalawang mocha coffee ang inorder nito. "M-May Cash ka ba?" Bulong niya kay Arabella "W-Wala siyempre." bulong nito "A-Ako bahala" Napalunok siya Kinakabahan din siya dahil wala siyang dala dalang Cash. Credit Card lamang ng kanyang mga ate ang dala dala niya. Humarap siya sa babaeng cashier at nginitian niya ito ng ubod ng tamis. "Ate-este Miss baka pwede naman gumamit ng Card? Nakalimutan kasi namin yung Cash namin" "I'm sorry hindi kami tumatangap ng Credit Card." Tumangi ito at halatang mataray. Napalunok siya dahil nakaka-agaw eksena na sila. Lalo na may kalakasan ang pagpapahiya sakanila ng babaeng cashier. "M-Miss baka naman pwede? N-Nasaan ba yung manager mo?" Pagtataray din niya "Hindi nga pwede. Kung wala kayong pang bayad makaka-alis na kayo" Mas mataray nitong tangi sakanya Lalong kumapit si Arabella sa kanyang braso. Hiyang hiya na ito dahil nakatingin na halos lahat ng tao doon. "M-Miss may pang bayad kami. Pero wala lang kaming dalang cash. M-Magkano ba yan?" Kinakabahan niyang tanong "One thousand four hundred" Mataray nitong sagot "Ano?! Grabe naman one thousand four hundred na agad yan? Dadalawang slice lang yan ng cake!" Reklamo niya. Four hundred pesos nalang kasi ang laman ng wallet niya. "Kung wala kayong Cash makaka-alis na kayo--" "Grabe ka naman Miss. Ganyan ba itinuro sainyong customer service? Pinapahiya mo naman kami" Hindi niya maiwasan manginig sa inis. Nanunubig din ang kanyang mata dahil sa sobrang inis niya. "Umalis na kayo para hindi kayo mapahiya--" "I'll pay for them" Pakiramdam ni Gelyn huminto ang kanyang mundo ng marinig ang baritonong boses mula sa kanilang likuran. Ayon sa panlalaki ng mata ni Arabella hindi na niya kailangan lumingon upang makumpirma kung sino ang lalakeng nagsalita. "G-Gelyn si si si Z-Zach!" Halos kurutin na ni Arabella ang kanyang braso. Nanginginig ang buo niyang katawan. Tila na-engkanto siya sa kinakatayuan at halo halo ang kanyang emosyon. Napalingon siya sa kamay ni Zach ng iabot nito ang two thousand peso bill sa babaeng cashier. Kahit kamay lang nito ang nakikita niya halos lumabas na sa kanyang ribcage ang puso niya. Tila nagkaroon ng malakas na lindol sa loob ng kanyang puso. Nilakasan niya ang kanyang loob upang lingonin ito. Dahan dahan siyang lumingon na para bang may background music pa siyang naririnig. Habng papalakas ng papalakas ang t***k ng kanyang puso "Z-Zach" Hindi makapaniwalang usal niya. Pakiramdam niya pwede na siyang kunin ni Lord sa mga oras na iyon dahil nakatingin din ito sakanya Perfect... Ang perfect ng mukha niya... G-Ganito pala siya kagwapo sa malapitan? B-bakit ang gwapo gwapo niya.. N-Nananaginip lang ba ako? Parang ayoko na magising.. "S-Salamat po" Pasasalamat ni Arabella dahil napatulala lamang siya sa napakagwapong mukha nito. Nag iwas ng tingin si Zach sakanya bago ito lumakad palabas ng coffee shop. Samantalang nakatulala lamang siya at parang umurong ang kanyang dila. "Hoy Gelyn! huy!" Inalog siya ni Arabella dahil nakatulala padin siya kahit nakalabas na ng coffee shop si Zach! "A-Ara nananaginip ba ako?" Tulala pading tanong niya Todo ngiti ito "S-Sampalin mo nga ako Ara.." Hindi padin siya makapaniwala "Gaga hindi ka nananaginip! Si Zach nga yun!" Sinampal siya nito. Medyo may kalakasan kaya natauhan siya "Bakit mo ako sinampal?" Kunot nuong tanong niya "Sabi mo sampalin kita?" "T-Teka nasaan na si Zach?" "Lumabas na! Hindi ka man lang nagpasalamat!" "Ha?!" Dali dali siyang lumabas ng coffee shop. Tumakbo siya upang habulin ito Ang gaga mo talaga Gelyn! Kung kailan nasa harapan mo na doon ka pa natulala! - Pagalit niya sa kanyang sarili "Tara na Gelyn sa school nalang natin kainin to" Todo ngiti si Arabella ng sundan siya nito sa labas ng coffee shop. Bitbit na nito ang pinabalot nitong cakes at coffee nila. Napabuntong hininga siya "Sayang naman! Bakit ba kasi ako natulala!" Nagmamaktol siya habang inis na inis siya sa kanyang sarili "Heto sukli ni Zach yan. Binigay ng cashier sakin tayo na lang daw mag bigay kay Zach" Ini-abot sakanya ni Arabella ang six hundred pesos. Nanlaki ang kanyang mata. Sa wakas may dahilan na siya upang lumapit muli sa kanyang future husband! Niyakap niya si Arabella "This is the best day ever!" Tumalon talon pa siya sa sobrang kilig. Napatalon din ito "Grabe ang gwapo gwapo pala talaga ng crush mo! Mukhang uod ka lang kapag katabi mo siya Gelyn!" Nawala ang ngiti niya "Grabe ka naman!" Tawa ito ng tawa "Tigilan mo na yang paghahabol sa lalakeng yun Gelyn. Feel ko wala kang pag asa don. Kahit artistang maganda feel ko hindi parin bagay sakanya sa sobrang gwapo niya eh.. Kay Richard ka nalang" Umasim ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito "Yuck! Ayoko nga sa mayabang na yun!" "Gwapo din naman si Richard ha. Medyo bagay kayo. Kaysa sa Zach na yon. Parang aparisyon na yun sa sobrang kagwapuhan eh." Tinaasan niya ito ng kilay "Nagwagwapuhan ka sa Zach ko ha?" Tumawa ito ng malakas "Gwapo naman talaga. Pero huwag kang mag alala. Ang para kay Gelyn para kay Gelyn lang! Pati ba naman ako pag seselosan mo! Wala akong balak mabaliw sa Zach na yan. May iba akong minamahal. Yung ka-uri lang natin. Para makatotohanan." "Grabe ka naman! Ka-uri ko naman si Zach eh.. Pareho kaming makinis ang mukha" Napangiwi nalang si Arabella. "Kay Richard ka nalang. Hindi ka papatulan ng Zach na yon. Putulin mo man lahat ng daliri ko" "Napaka-nega mo no? Darating din ang araw. Si Zach mismo ang mababaliw sakin" "Mababaliw kakaiwas sayo." Tukso ni Arabella sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD