bc

ZACH HOFFMAN

book_age18+
37.3K
FOLLOW
225.4K
READ
comedy
sweet
lighthearted
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

Kilalang kilala ni Zach Hoffman si Gelyn Palma. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil sa tuwing nagku-krus ang kanilang landas may kakaiba itong pinag-gagagawa upang mapansin lamang niya ito. Wala na itong ginawa kundi sundan siya kung saan saan. Nagugulat nalang siya sa tuwing nakikita niya ito, kung ano anong raket ang ginagawa nito upang magpapansin lamang sakanya.

Alam niyang ilang beses na nitong tinangkang makipag-kilala sakanya ngunit palagi niya lang ito dinededma. Hindi ito sumuko kahit sinusungitan niya ito. Hangang sa isang araw natagpuan nalang niya ang kanyang sarili na hinahanap hanap ang pinakamakulit na babaeng ito.

She's the most annoying girl in his life. Ngunit may pagkakataon din na palagi nitong napapasaya ang kanyang araw. Napapangiti nalang siya ng palihim, may pagka-komedyante kasi ang babaeng ito.

Kayanin kaya nitong mabihag ang kanyang supladong puso?

chap-preview
Free preview
INTRO
INTRO "Gelyn ano ba? Matagal pa ba tayong pipila?" Tinaasan ni Gelyn ng kanyang kilay ang kanyang matalik na kaibigan. Kasalukuyan silang nakapila ngayon sa labas ng Hoffman's mansion. Kabilang sila sa mga babaeng nag-hihintay sa kanilang mga ultimate crush. "Pwede ba, tigilan mo na kakareklamo mo? Lalo akong nastress sayo Arabela! Sumama-sama ka pa kasi di mo naman pala kayang maghintay. Konting tiis nalang, darating na din yung my loves ko!" Hindi ito kumibo ngunit ramdam ni Gelyn na naiinis na ito. "Umuwi ka nalang kaya Ara? Kakastress ka naman kasi eh. Nagkaka-wringkles ako sayo eh" Pagtataray niya Hindi na ito nakatiis at piningot na nito ang kanyang tenga "Ikaw Gelyn isusumbong kita sa nanay mo. Imbis nag aaral tayo ngayon heto ka at nag-hihintay sa Zach na yon! Eh hindi ka naman mapapansin non!" "Aray!" Tinabig niya ang kamay ng kanyang matalik na kaibigan. Kahit palagi silang nag aaway ni Arabela, ito lamang ang kanyang pinakamamahal na kaibigan. Higit pa sa mga kapatid niya. Lima silang magkakapatid. Siya ang bunso kaya naman spoiled na spoiled siya. Hindi sila mayaman ngunit hindi rin sila mahirap. Teacher ang kanyang nanay sa isang unibersidad. Ang tatay niya naman ay isang guidance councilor kung saan nagtuturo ang kanyang nanay. Ang mga kapatid niya naman ay mga nakapagtapos na ng pag-aaral, parepareho ang kurso na tinapos ng mga ito, Business education, balak kasi ng mga ate niya na maging guro katulad ng kanilang nanay, siya nalang ang nag-aaral pa sakanilang magkakapatid. 4th year high school student palang siya. Panay sila mga babae ngunit para sakanya siya ang pinakamaganda kahit siya ang pinakamaliit. "Tara na kasi Gelyn! Wala ka naman mapapala sa crush mong yan--" "Anong wala ka diyan? Pasasaan bat makikilala din ako ni Zachy my love. Kapag may tiyaga may nilaga" Hinihilot niya padin ang kanyang tenga dahil may kalakasan ang pagpingot ni Arabela sakanya. "Mag-dadalawang oras na tayong naghihintay dito! Araw araw nalang ba tayong pipila dito ha? Kahit anino nga ng Zach na yun hindi mo nakikita dahil tinted naman ang kotse niya! At panigurado may girlfriend na yon---" "Che! ayan na ang my loves ko!" Masayang sigaw niya nang matanaw niya ang paparating na magarang kotse. Tinakpan niya ang bibig ni Arabela kaya nagpumiglas ito Pabilis ng pabilis ang t***k ng kanyang puso habang papalapit ang kotse sa kanilang harapan. Nagtilian ang mga babaeng kasama nila sa pila. Napasimangot siya dahil naiinis siya sa mga babaeng ito. Nagtakbuhan palapit sa kotse ni Zach ang mga babaeng nakapila. "Anak ng patis!" Agad siyang nakigulo sa mga babae. Mabuti nalang at maliit siya kaya nakasingit agad siya sa mga nauna sakanya. "Gelyn bumalik ka nga dito!" Sigaw ni Arabela ngunit hindi na niya ito pinansin. "My lovees!!" Tili niya. Napahinto ang kotseng sinasakyan ni Zach dahil sa pagkakagulo nila. Si Zach Hoffman ang nag iisa niyang crush sa buong buhay niya. Hindi ito artista ngunit iniibig ito ng napakadaming babae dahil sa angking kagwapuhan nito. Sikat sa buong Pilipinas ang buong pamilya nito. Marami itong kapatid na gwapo din ngunit para sakanya si Zach ang nakabihag sa kanyang munting puso. Napanuod lang niya ito ng isang beses sa telebisyon ng ipakita ang mga larawan nito at para bang nahipnotismo na siya nito. Binabalita kasi sa telebisyon ang successful business ng pamilyang ito. Ito na ang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas kaya halos lahat ng tao kilala ang mga "Hoffman" Sino ba namang hindi makakakilala sa mga Hoffman? Halos lahat ng leading business sa Pilipinas ay pag-aari na ng magkakapatid na ito. Simula ng makita niya ito sa telebisyon naging number one fan na siya nito. Natuwa siya dahil magkasing edad lamang sila. Naging masugid siyang taga sunod nito. Lahat ng tungkol sa pamilya nito ay sinaliksik na niya. Lahat ng tungkol sa pagkatao nito ay sinearch na niya. Kung project lang iyon panigurado 100% ang grado niya dahil lahat ng information tungkol kay Zach ay alam na alam niya. Nabalitaan niyang lumipat ito sa isang exclusive all boys school, at agad din tumigil sa pag aaral doon dahil maraming lalake ang nagkagusto dito. Sa ngayon alam niyang nag-aaral na ito sa isang exclusive private school at naging maayos na ang buhay nito doon Muntik pa nga siyang kalbuhin ng kanyang magulang ng sabihin niyang gusto niya mag aral sa skwelahan nito. Kahit kailan hindi siya makakapag aral sa skwelahan nito dahil milyon ba naman ang tuition fee doon kaya heto siya nag-titiis sa pagpila sa gate ng mansyon ng mga ito upang kahit papano masilayan niya ito. Sunod sunod na busina ang nagpa-atras sakanilang lahat. Ang ibang mga babae ay nagsi-atrasan. Ngunit hindi siya umatras. Pinikit niya ang kanyang mata at matapang siyang humarang sa harapan ng kotse nito. Diyos ko Lord huwag sana ako sagasaan! Labis ang kabang nararamdaman niya dahil sa kanyang ginawa. Napapreno ng biglaan ang driver ni Zach Hoffman at kaunting kaunti nalang masasagasaan na siya! Napatili lahat ng mga babae. Akala ng mga ito masasagasaan na siya! "Gelyn!!!" Sigaw ni Arabela. Hindi ito agad makalapit sakanya dahil nahaharangan ito ng ibang babae. Halos umiyak na ito sa pag aalala sakanya. Natahimik ang kanyang paligid. Napalunok siya. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Unti unti siyang dumilat. Kinapa niya ang kanyang katawan "B-Buhay pa ba ako?" Tanong niya sa kanyang sarili Nanginginig ang kanyang katawan ng makitang ga-hibla nalang ang layo niya sa kotse ni Zach! Napatingin siya sa paligid. Naka-nganga lang halos lahat ng mga babae sa kanyang ginawa. Napangiti siya dahil buhay pa siya. "W-Wow buhay pa ako!" Napatalon pa siya sa sobrang tuwa Binusinahan siya ng driver ni Zach at sumilip ito sa bintana "Hoy! Magpapakamatay ka ba?! Muntik pa akong makulong dahil sayo!" Sigaw ng driver ni Zach Hoffman. Kilala niya ito dahil sa mga research na ginawa niya. "M-Manong Junior pasensya na! Gusto ko lang makipagkilala sa alaga mo!" Sigaw niya na para bang walang nangyari sakanya "Aba! Paano mo ako nakilala! Umalis ka nga diyan sa daraanan ng kotse! Mag-si-uwi na kayo!" Sigaw ni manong Junior. Matanda na ito at masungit. Hindi padin siya umalis sa harapan ng Kotse nito. "Zach! Hindi ako aalis dito hangang hindi mo ako nakikilala!" Sigaw niya Binusinahan nanaman tuloy siya ni manong Junior. "Zach my love! Ako si Gelyn Palma! Buksan mo lang yung bintana ng kotse mo aalis nako dito!" Sigaw niya Alam niyang naririnig siya nito. Kinikilig din siya dahil panigurado nakatingin ito sakanya sa mga oras na ito. Hinding hindi niya sasayangin ang buwis buhay niyang kabaliwan, sisiguraduhin niyang makikilala siya ni Zach Hoffman kahit sa pinaka-nakakahiyang paraan pa! "Umalis ka na diyan!" Sigaw ng driver at bumusina nanaman ito upang umalis siya sa daraanan ng kotse. Ngunit nagmatigas siya. Ngumiti lamang siya at hinarang niya pa ng husto ang kanyang katawan. "Zach! Pansinin mo naman kami! Dalawang oras kami naghihintay para makita ka lang! Kaya sana naman kahit kumaway ka lang samin oh? Mabubuo na ang araw namin makita ka lang namin!" Sigaw niya "Umalis ka diyan! Sasagasaan kita talaga!" Sigaw ni manong Junior. "Manong naman high blood! Makikipag kilala lang naman ako!" Sigaw niya "Umalis ka diyan!" Galit na galit na si manong junior napansin niyang namumula na ang mukha nito. Napalunok siya "R-Relax lang manong! Baka hatakihin ka pa! Sige na nga po aalis nako! Ayoko naman makapatay ng matanda!" Napasimangot nalang siya Wala siyang nagawa kundi umatras at dahan dahan siyang tumabi sa gilid upang makadaan ang kotse nito "Bwisit kang bata ka!" Huling sigaw ni manong Junior bago nito sinara ang bintana ng kotse nito. Nakatingin lamang siya sa tinted na kotse ni Zach. Kahit anino nito hindi man lang niya nakita. Malungkot ang kanyang mukha habang nakatingin sa kotse nito. Muntik na siyang mahimatay ng biglang ibinaba ni Zach Hoffman ang bintana ng kotse nito ng paandarin ni manong Junior ang kotse. Halos lahat ng babae nagtilian. Napa-nganga lang si Gelyn habang titig na titig siya kay Zach Hoffman. Nakatingin ito sakanya!!! Blanko ang expresyon ng mukha nito habang nakatingin sakanya. Unti unti siyang napangiti. "My loves! Ako si Gelyn Palma huwag mo yun kakalimutaaaan!" Sigaw niya habang hinahabol niya ang kotse nito. Napasimangot lang ito habang nakatingin sakanya. Napakasuplado nito! Ngunit napakagwapo talaga! Nagtatalunan at nagsisigawan ang mga babae sa paligid niya. "Nakita ko na siya! Ang gwapo gwapooo niyaaaa!!" Tili ng isang babae "Grabe hindi ko inaasahan magpapakita siya satin lahat!" Tili pa ng iba. Hiningal si Gelyn sa paghabol ng kotse ni Zach kaya tumigil na din siya sa pagsunod sa kotse nito. Ngunit kitang kita niya na nakatanaw padin si Zach hoffman sakanya bago ito makapasok sa mansyon nito. Nakakunot ang nuo nito habang nakatingin sakanya. Kinawayan niya lang ito habang hingal na hingal siya. Ngayon niya lang napansin na nanunubig na pala ang kanyang mata. Tears of joy? Ngayon niya lang iyon naranasan. "Gelyn gaga kaaaaa!!!" Isang mahigpit na yakap naman ang ginawa ni Arabela sa likuran niya. "Gaga gaga mo! Akala ko mamamatay kana!" Umiiyak ito habang mahigpit siyang niyayakap "Arabela kilala na niya ako!" Masayang masaya siya "Nababaliw kana Gelyn! Muntik ka na mamatay dahil sa kabaliwan mo sa Zach na yon!" Niyakap niya din si Arabela sa sobrang saya niya. Hindi na nga niya naiisip ngayon kung delikado ba ang kanyang kabaliwang ginawa. Basta para sakanya tama ang kanyang ginawa dahil napansin na siya ni Zach Hoffman! "Hayaan mo na! Buhay pa naman ako eh! Nakita mo ba kanina pinagbigyan niya ako? Nagpakita siya sakin! Tapos tinitigan niya pa ako! Sana mapansin na niya ako simula ngayon!" "Umuwi na tayo!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.4K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

The Young Master's Maid

read
748.9K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.8K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.8K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook