Story By CeVi
author-avatar

CeVi

ABOUTquote
Hoffman series (Pagkakasunod-sunod po) 1: MR.BASTED RETURNED 2 : THE YOUNG MASTER\\\'S MAID 3 : Angelo Hoffman 4: Miguel Hoffman 5: Joshua Hoffman 6: Cedric Hoffman 7: Kenzo Hoffman 8: Luke Hoffman 9: Zach Hoffman 10: Kenjie Hoffman 11 : Gabriel Hoffman 12: Ram Hoffman 13: Michelle Hoffman 14: Noah Hoffman All completed ❤️❤️❤️ Love you! Fb page : CeVi Dreame Beware of fake accounts!!!!
bc
Rented Girlfriend Book 2
Updated at Apr 18, 2024, 17:00
Malas sa pag-ibig. Iyan ang masasabi ni Harley Hoffman sa takbo ng love life niya. After being in a serious relationship in three times in a row. He failed. Lahat ng mga babaeng minahal niya, iniwan lang siya at sinaktan. Kahit gaano pa siya kagwapo at kayaman ay tila malas talaga siya pagdating sa pag-ibig. He's not getting any younger anymore. He's already thirty two. Gustong gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya. But how? Kung halos lahat ng nakikilala niyang mga babae ay mang-gagamit at maambisyon sa buhay? Sa tuwing aalokin na niya ng kasal ang mga ito ay pareparehong hindi pa handa ang mga ito at tila natatakot na maikasal. One time may nakilala siyang babae na nakapukaw ng kanyang atensyon, she's a good samaritan. Her name is Thalia. Mabilis nitong nakuha ang interest niya. But when he tried to get to know her, sinabi nito sakanya na hindi ito maaaring makipag-date sakanya dahil kasalukuyan itong may kliyenteng nobyo. Naguluhan siya ngunit pinaliwanag nito sakanya ang trabaho nito. Kaya naman nang malaman niya ang tungkol sa kumpanya na nagbibigay ng mga babaeng handang rentahan bilang kasintahan, nagkaroon siya ng interest. He tried to rent a girlfriend. He want to rent Thalia to be his girlfriend. Kahit hindi naman niya kailangan magbayad pa para lamang magkaroon ng nobya, dahil sa taglay niyang kagwapuhan pumipila ang mga babae para lamang magpapansin sakanya But there is something special with the girl he just met few days ago. So he tried the rented girlfriend thing. Mahahanap na kaya niya ang babaeng bubuo ng buhay niya sa katauhan ng kanyang rented girlfriend? Paano kung nahulog ng husto ang loob niya sa dalaga na iyon ngunit sa bandang huli ay tangihan parin nito ang iaalok niyang kasal dahil trabaho lamang para sa dalaga ang relasyon nila?
like
bc
Rented Girlfriend
Updated at Feb 7, 2024, 17:29
Rented Girlfriend ❤️❤️❤️ Jacob Riel Hoffman is already successful in the field of business. He is contented in his life. Being a multi-billionaire businessman in his early thirty is such an outstanding achievement. Ngunit kahit abot-kamay na niya ang tagumpay ay parang may kulang parin sa buhay niya, he still hasn't gotten into a relationship. Not even once! Single parin siya hangang ngayon at hindi pa siya nagkakaroon ng nobya sa buong buhay niya. Ofcourse it is not because of his looks, Oh God!He is beyond perfect! Kung pagiging gwapo lang ang pag-uusapan ay nag-uumapaw pa nga ang kagwapuhan niya. Maraming babae ang nais na mapansin niya. Ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi niya napag-bigyan. Paano niya pagbibigyan ang ibang babae kung may isang babae siyang hinihintay? He's in love with his childhood friend Bianca. But Bianca is already in a relationship with somebody since they were highschool. Hindi na ito binitawan ng nobyo nito. Walang ibang magawa si Jacob kundi hintayin nalang na maging single ang dalaga. Wala talaga siyang balak magmahal ng iba. But his friends and cousins can't accept that he still hasn't had a girlfriend! And worst Iniisip pa ng mga ito na bakla siya. Heck no! Impossibleng bakla siya dahil wala sa lahi nila ang pagiging bakla. He just couldn't explain to them that he was waiting for a special woman in his life. Then, One night they beat him in a racing game. As a punishment he needs to date a rented girlfriend for one month! Her name is Jaira Madrigal. Pumayag siya upang tigilan na siya ng mga pinsan niya. And he also wanted to try something new in his life. It seems like he wants to have a hot and spicy life. He did not expect that little by little he will eventually fall inlove with his sweet rented girlfriend Jaira. Paano na yan? She can only be his rented girlfriend for a month! Bakit tila nabitin siya sa loob ng isang buwan? Possible nga kayang nahulog na ang loob niya sa dalaga at tuluyan na niyang nakalimutan ang nararamdaman niya para kay Bianca?
like
bc
SECRETLY YOURS
Updated at Nov 21, 2023, 19:31
Yumi is looking forward to her stepsister's upcoming wedding. Pinag-ipunan niya talaga ang pag-uwi niya sa Pilipinas para lamang makadalo siya sa kasal nito. Nangako rin siya na siya ang magiging wedding singer sa kasal ni FionaIsa siyang singer sa Japan sa loob ng limang taon at ngayon lamang siya uuwi ng Pilipinas. Kaya naman nais niyang sulitin ang kanyang bakasyon, minabuti niyang mag-liwaliw muna sa boracay dahil ilang taon na rin siyang hindi nakakapagpahinga. Puro trabaho at pag-iipon lang kasi ang inatupag niya sa mahabang panahon. She give herself a "Me" time. Mag-isa siyang nagpunta sa boracay bago siya umuwi sa manila para sa kasal ng kanyang stepsister.Hindi niya akalain na may makikilala siyang lalakeng bibihag ng husto sa mapili niyang puso. Bente kwatro anyos na siya at tila ngayon palang niya naranasan ang magkaroon ng matinding atraksyon sa isang lalake. Nahulog agad ang kanyang loob sa gwapong lalakeng iyon. He is Rence. Noong umulan siguro ng kagwapuhan ay sinalo nitong lahat ang magagandang quality ng isang lalake. Kinilig siya ng husto dahil nagpakita rin ito ng interest sakanya hangang sa umabot nga sa punto na naibigay niya ang pinaka-iingatan niyang pagkabirhen sa binataWala siyang pinag-sisihan kahit wala pang 24 hours niya itong nakilala ay bumigay na agad siya sa binata at may nangyare agad sakanila. Nagsusumigaw kasi ang matinding atraksyon sa pagitan nilang dalawa sa unang beses palang nilang pagkikita. Naging pitong araw tuloy ang bakasyon niya sa boracay imbis na tatlong araw lamang dahil nag-enjoy sila ng husto ni Rence sa isat-isa. Halos araw araw at gabi gabi nilang sinulit ang hotel room na kinuha nito para sakanilang dalawa. Ito ang nagbayad ng lahat. She was so happy because she never thought she would have a hot boyfriend during her vacation. Ngunit isang umaga ay bigla nalang ito nag-check out at hindi man lang nagpaalam sakanya. Hindi niya alam kung saan niya ito hahanapin at nawalan rin siya ng gana na hanapin pa ito dahil nadismaya siya ng husto.Nawasak tuloy ang puso at pagkababae niya dahil sa kanyang katangahan. Nagpakasawa lang ang gwapong lalakeng iyon sa katawan niya sa loob ng isang linggo at heto siya ngayon nagsisisi kung bakit hindi muna niya ito kinilala bago niya ito pinagkatiwalaanSubalit laking gulat niya ng makilala niya kung sino ang lalakeng nakatakdang pakasalan ng step sister niya! Walang iba kundi si Terence Hoffman! Ang lalakeng nakasiping niya sa boracay sa loob ng isang linggo!Nagulat rin ito ng makilala siya. Hindi niya inaasahan na mas lalo pa siyang mahuhulog sa binata sa pagdaan ng mga araw. Masyado siyang marupok pagdating sa binata kaya naman nagkaroon sila ng secret affair kahit alam niyang ikakasal na ito sa stepsister niya. Mali man sa pangingin ng iba ay pumayag siyang magkaroon sila ng sikretong relasyon  Tama bang maging mali? May maganda bang kahahatnan ang relasyon nila? Paano kung mabuntis siya nito?
like
bc
Love behind camera
Updated at Jul 30, 2023, 18:54
Clyde Rafael Mendez is one of the most popular actor in the Philippines. Also known by his screen name Clyde Mendez. Katambal niya si Riva Sanches. His leading lady for seven years! Pumatok sa mga tao ang chemistry nilang dalawa kaya naman napakaraming projects ang dumating sa kanyang career hangang sa silang dalawa ang naging pinakasikat na love team sa buong Pilipinas. Marami nga ang umaasa na sana ay silang dalawa ni Riva ang magkatuluyan in real life. Masyado malayo na ang narating ng kanyang kasikatan. Hangang sa ibat-ibang bansa ay tila nakikilala na rin siya bilang isang magaling at napakagwapong actor. Ngunit bago niya pa man marating ang kanyang kasikatan at katangyagan ay nagmula lamang siya sa isang mahirap na pamilya, Hindi niya makakalimutan ang kanyang pinangalingan lalo na ang kanyang babaeng kaibigan na kasama niya sa bawat hakbang patungo sa kanyang pangarap bilang isang artista.His one and only bestfriend. Kyla Martinez. His number one fan and supporter. Daig pa nito ang isang milyong fans sa supporta na ibinigay nito sakanya noon.Kababata niya ito at kapitbahay sa magulong lugar kung saan sila unang nangarap na maging sikat na artista siya balang araw.Noong una ay wala naman talaga sa isip ni Clyde Rafael ang pagpasok sa showbiz, ngunit dahil gusto niyang maipagamot ang malalang sakit ng kanyang nanay ay naenganyo siyang mag-audition sa isang sikat na tv network. Isinama lang siya ni Kyla noon sapagkat naniniwala itong may potensyal siyang maging artista dahil sa kanyang angking kagwapuhan. He is half mexican and half pinoy. Mexicano ang kanyang ama na nabuntis lamang ang kanyang ina sa isang gabing pagkakamali. Pagkatapos noon ay hindi na ito muling nagpakita pa sa kanyang ina. Nagpapasalamat siya dahil sa kabila ng hirap ng buhay ay pinili parin siyang buhayin at pag-aralin ng kanyang ina. Kyla remain as his best friend through out the years. Ito rin ang ginawa niyang personal assistant mula pa noong magsimula siya sa showbizMadalas nga itong pagselosan ni Riva dahil masyado daw silang malambing ni Kyla at parang hindi raw normal sa magkaibigan ang mga kilos nilaMinsan pa nga pinagbabawalan siya ng kanyang manager at ni Riva na makipaglapit ng husto sa dalaga upang makaiwas daw siya sa mga issue at chismis.Kaya napipilitan siyang huwag maging clingy kay Kyla sa tuwing may ibang tao sa paligid. Ngunit kapag silang dalawa lamang ay palagi naman silang naghaharutan o dikaya ay naglalambinganMasaya siya dahil mayroon siyang kaibigan na isang katulad ni Kyla. Marami ang nagsasabi na baka raw may relasyon sila ni Kyla kaya wala pa siyang nagiging nobya. Tinatawanan niya lang ang mga ito dahil alam nilang dalawa ni Kyla na magkaibigan lamang sila at hindi na hihigit pa sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon. Ngunit nagulantang yata ang perpektong mundo niya ng ipakilala nito sakanya ang nobyo daw nito!Bakit parang nanikip ang puso niya? Bakit parang hindi niya kakayanin kung may ibang lalakeng yayakap sa kanyang best friend?
like
bc
Love brought me to you
Updated at Mar 26, 2023, 16:30
Doctor Lance Steford Jr. From a wild party on his own yacht Doctor Lancer Steford unexpectedly falls overboard and is washed up on an island. Pag gising niya ay naroon na siya sa isang isla na tanging isang babae lamang ang naninirahan doon! Higit sa lahat wala siyang maalala tungkol sa kanyang pagkatao. Hindi niya maalala miski ang kanyang pangalan! Mabuti nalang at mabait ang babaeng tumulong sakanya. Inalagaan siya nito habang naroon siya sa bahay nito. Naging kaibigan niya ito dahil isang buwan silang magkasama sa isla na iyon bago pa man sila lumuwas sa kabilang isla kung saan maraming tao ang naninirahan upang makahingi ng tulong. Isang beses sa isang buwan lang kasi dumadaan ang bangka patungo sa kabilang isla. But when they were going to the other island, it was as if he didn't want to leave the island because he was used to being with that woman. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang mawalay pa sa babaeng nakilala niya. Her name is Athena Angela Sanchez. The people on the other island immediately recognized him. Mukhang si Athena lamang ang hindi nakakakilala sakanya palibhasa ay wala itong social life. Sinabi ng mga tao na siya raw ang pinakasikat na doctor sa buong Pilipinas. Pareho pa nga silang nagulat ni Athena ng malaman nila iyon Sinama niya ito sa maynila dahil ito lamang ang taong kaya niyang pagkatiwalaan lalo na't wala pa siyang maalala tungkol sa kanyang sarili Ngunit paano kung pagdating nila sa maynila ay malaman niyang isa pala siyang napakayaman ngunit babaerong doctor na may dalawang nobya? Nalaman rin nila na napakahilig niya sa s3x dahil nagkalat ang condoms sa drawers niya. Will he be able to confess his feelings to Athena? Will she believe that he felt true love from the moment he met her? Paano kung bumalik na ang kanyang mga alala. Kaya niya bang talikuran ang lahat para lamang makasama si Athena sa mundo kung saan silang dalawa lamang?
like
bc
Mistress for Hire ?
Updated at Feb 16, 2023, 18:21
Mistress For Hire! ? Liam James Hoffman love his wife and his son with all his heart. Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mag-ina ay naging bulag-bulagan siya sa mga pangloloko ng kanyang asawa kahit madalas niya itong mahuling nang-lalalake ay sinasantabi niya lang iyon para sakanyang anak. Ayaw niyang magkaroon ng broken family ang anak niya kaya naman nagbubulag-bulagan nalang siya sa mga paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang asawa Dalawang taon palang silang kasal ni Nathalie kaya't umaasa pa siyang magbabago ito. Nagtataka rin siya kung bakit hindi naman siya nagagalit sa tuwing nanglalalake ito. Marahil mahaba lang talaga ang pasensya niya. Wala man lang siyang nararamdamang selos sa tuwing nahuhuli niya itong nagkakasala sakanya But his friends cannot stand his wife anymore! Para sa mga kaibigan niya ay isa siyang martir at hindi na katangap-tangap ang mga ginagawa ni Nathalie sakanya His friends come up with a plan that will change his life forever. They hired a sexy mistress for him! Her name is Diana. Ito na yata ang pinakamagandang babaeng nakilala niya. Noong umpisa ay todo tangi siya sa mga kalokohan ng kanyang kaibigan. Hinding hindi niya magagawang lokohin ang asawa niya kahit ito na mismo ang harapharapang nangloloko sakanya Ngunit ng makilala niya ang babaeng binayaran ng kanyang mga kaibigan ay para siyang nauhaw. Nakaka-uhaw ang alindog nito at sa sobrang pagka-uhaw niya ay napapayag siya ng mga ito na maging kabit si Diana. Naging masaya siy sa mga nakaw na sandali, lalo na sa mga maiinit na gabi na kanilang pinagsasaluhan Hangang sa hinahanap hanap na niya ang kanyang kabit sa bawat araw at parang hindi na niya kayang mabuhay ng wala ito. Nakakaramdam rin siya ng matinding selos ng isang beses ay makita niya itong may kasamang ibang lalake. "Damn she's mine" Doon lamang siya nakaramdam ng matinding selos sa buong buhay niya Tama ba ang hinala niya? He is falling inlove with his hired mistress?!
like
bc
My Twin Brother's Girlfriend
Updated at Dec 15, 2022, 16:08
My Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay iyon na agad ang binungad sakanya ng kanyang kapatid. Nais na raw ni Rowan na makipaghiwalay sa current girlfriend nito na si Angela. Dahil napakaboring nitong nobya ayon sa kwento ng kakambal niya. Hindi nga lang magawang saktan ni Rowan ang dalaga dahil kahit papaano raw ay may pinagsamahan ang mga ito sa loob ng dalawang taong relasyon.   "I don't love her anymore. She's so boring and too plain. Hindi man lang ako makahalik kahit sa kamay niya. Kaya please tulungan mo ko Rohan? Isang buwan lang. Unti-unti mo lang siyang hiwalayan para sakin. Hindi ko kasi siya kayang hiwalayan dahil ayokong makita kung paano siya masaktan sa break up na binabalak ko--" "You're crazy. Ayoko nga" Balewalang tangi ni Rohan sa kanyang identical twin brother na si Rowan. Natatawa lamang siya sa pabor na nais nitong ipagawa sakanya. Sa edad nilang bente otso ay napaka-isip bata pa rin nito. Happy go lucky ito sa Pilipinas samantalang siya ay bente anyos pa lamang siya noon sa bansang Europa ay namamayagpag na ang mga negosyo niya. Marahil magkamukha nga sila sa physical na anyo ngunit magkaiba ang pagkatao nila ng kanyang kapatid. Wala itong inisip kundi ang maglaro ng computer games kaya madalas itong sermonan ng kanilang ama na si Ram Hoffman. "Isang buwan lang Rohan. I cannot break her heart. Please do it for me." Inilapag ni Rowan ang isang litrato ng magandang babae sa ibabaw ng kanyang office table. "Bakit isang buwan pa? I can do it immediately--" "No please. Don't break her heart too much. Mahalaga rin sakin si Angela. Dahan dahanin mo lang ang pakikipaghiwalay sakanya. That's it that's all" "Kakaiba ka rin no? You want to break her heart slowly? Mas masakit yata yon" Natatawa pang tanong niya sa kanyang kapatid "Just please do it? May utang na loob ka pa nga sakin diba? I saved your life long time ago--" "Fine. Oo na gagawin ko na ang pinagagawa mo" Putol niya sa sinasabi ng kanyang kakambal dahil ayaw na niyang maalala ang pangyayaring tinutukoy nito "Thanks! You're the best twin brother in the world!" "Triplets tayo" Naiinis na pagtatama niya sa sinabi nito "Babae naman si Ramona kaya di siya kasali sa plano ko" Tukoy nito sa babaeng kapatid nila Tatlo silang ipinanganak na identical brothers and sister. Kung gaano sila kagwapo ay ganoon rin kaganda ang bunsong kapatid nila. "Fine. I'll do it" Pang-sangayon nalang niya sa kakaibang pabor nito Iniisip niyang madali lang naman ang nais ipagawa sakanya ni Rowan. Uunti-untiin lamang niyang hiwalayan ang nobya nito. Ngunit hindi akalain ni Rohan na mabibihag ni Angela ang kanyang puso at unti-unti siyang napaibig sa dalaga. Para itong isang pinagbabawal na gamot na hindi niya kayang tigilan Imbis na hiwalayan ito ay mas lumalim pa ang relasyon nila sa kanyang pagpapangap. Kung alam lang siguro ng kanyang kapatid kung gaano ito kasarap humalik ay paniguradong hindi nito ipapamigay sakanya ang nobya nito Subalit ng malaman ni Rowan ang namamagitan sakanilang dalawa ni Angela ay nagalit ito ng husto at nais nitong bawiin muli sakanya ang girlfriend nito! Magagawa niya bang ibalik si Angela kay Rowan kung natutunan na niya itong mahalin ng totoo? Lalo na at nabuntis niya pa ito!
like
bc
Falling inlove with Karen Hoffman
Updated at Oct 5, 2022, 17:04
Karen Hoffman's picky taste when it comes to men has only been piqued once. Isang beses lamang nalagpasan ng isang lalake ang napaka-taas na standards niya pagdating sa isang lalake. He is Nathan Ventâcourt. Unang kita palang ni Karen sa gwapong lalakeng ito ay nataranta na ang buong pagkatao niya. At the age of thirty she never thought she would still fall in love like a blooming teenager. Tila kinikiliti ng lalakeng ito ang lahat ng parte ng kanyang katawan sa tuwing titingin ito sakanya. His gaze is her weakness! Nakaka-inlove ang mga pasulyap sulyap nito sakanya paminsan minsan sa tuwing nagkikita sila. Driver ito ng kanyang bestfriend. Yes he is not rich. But she doesn't care! Nagsusumigaw ang kakisigan nito. Lahat ng gusto niya sa isang lalake ay narito na. Masyado siyang mapili pagdating sa physical na anyo ng kalalakehan kaya magpahangang ngayon ay wala pa siyang nagiging nobyo kahit napakaganda naman niya. Madali kasi siyang maturn off sa mga simpleng bagay lamang. Ngunit kakaiba talaga ang lalakeng ito! He is perfect! 101% ang final grade nito sa standards niya! Matangkad, Moreno, Sobrang gwapo, Matangos ang ilong, May maamo at malamlam na mga mata. May mapulang labi, maganda at maputi ang mga ngipin nito. Fresh pa palagi ang hininga nito. Maganda rin ito magdala ng damit at kapag nagsasalita ito ay para bang lalakeng lalake ang datingan nito. Higit sa lahat napakakisig nito! Masarap sigurong maglambitin sa mga muscles nito na firm na firm! At masarap rin sigurong almusalin ang mga pandesal nito sa tiyan tuwing umaga. He is her 100% type! Taglay nito ang matagal na niyang hinahanap sa isang lalake! Isa lamang ang problema niya, Bukod kasi sa ubod ng sungit ng lalakeng ito ay mas bata pa ito sakanya ng isang taon. He is only 29 years old. Wala rin itong interest sakanya dahil dinededma lamang nito ang mga pagpapa-pansin niya Until one day hindi na niya nakayanan ang pangdededma nito sa beauty niya. Siya na mismo ang nag-alok ng 1 Million pesos sa lalakeng ito para lamang i-date siya at paligayahin sa kama! Pumayag kaya ito? Ibinaba na niya ang kanyang pride dahil inlove na inlove na talaga siya sa gwapong driver ng kanyang best friend!
like
bc
CODY HOFFMAN
Updated at Jul 24, 2022, 18:41
Cody Hoffman Nagsimulang mag-bago ang buhay ni Elizabeth ng ipag-utos sakanya ng kanyang ama na kailangan niyang akitin ang nag-iisang lalakeng anak ng kaibigan nito sa negosyo upang palawigin pa ang kanilang kayamanan. Kailangan niyang masakatuparan na maikasal sa binatang ito sa lalong madaling panahon Dahil ayaw niyang biguin ang kanyang ama at nais niyang mahalin rin siya nito katulad ng pagmamahal nito sa kanyang kapatid ay napa-sunod siya nito sa nais at mga plano nito Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalakeng aakitin at kailangan niyang maging asawa ay ang sikat na lalakeng si Cody Hoffman! Kamakailan lamang ay umamin ito sa buong Pilipinas na isa itong bakla! Kaya naman nagulantang ang buong mundo lalong lalo na ang fans club nito. Kilala kasi itong matinik sa mga kababaehan. Ngunit bigla nalang itong nagladlad sa publiko na may pusong babae ito. Paano naman niya aakitin ang isang bakla na sobrang gwapo? Kung parehong lalake ang tipo nila! Nakakaloka! Nanghinayang siya ng husto sa pagkalalake nito. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nagpapangap lamang itong bakla dahil sa isang malalim na dahilan. Kaya pala madalas niya itong nahuhuling napapalunok sa tuwing inaakit niya ito. Umusbong kaya ang pag-ibig sa pagitan nila kung nagpapangap itong bakla? Paano kung malaman nito ang dahilan kung bakit siya nagpursige maging asawa ito sa mismong araw pa na hindi na niya kayang mabuhay ng wala ito dahil hulog na hulog na siya sa binata
like
bc
SECRET LOVE
Updated at Jul 4, 2022, 16:45
Song-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibinigay ni Chelsea ang buhay nito para sa kanyang ina kaya wala siyang planong saktan ito lalo pa't utang niya sa dalaga ang buhay ng mommy niya. She save her mom when they were young. Muntik ng mamatay ang mommy niya kung hindi lang itinaya ni Chelsea ang buhay nito para sa kanyang mommy. He will never forget that. Nakakalungkot lang isipin na sa dami ng lalake sa buong mundo ay siya pa ang nagustuhan nito at nais maging asawa sa pagdating ng panahon Ofcourse that's not what he wanted. But for him, It's his responsibility. Chelsea's happiness is his responsibility. Kahit pa hindi niya gusto si Chelsea dahil sa pagiging maldita nito at magaspang na pag-uugali ay wala siyang planong baliin ang pangako niya sa dalaga na balang araw ay ito ang kanyang pakakasalan. Nagdadasal nalang siya na sana balang araw makakilala ito ng higit sakanya upang magbago ang gusto nito. Nanatili nalang siyang tahimik na nagmamahal sa tunay na babaeng tinitibok ng kanyang puso mula noon pa mang bata siya. The girl that he will never have. Ang babaeng laman ng kanyang isip araw araw. Si Magdalena. Simple lang ito at napakaganda para sa kanyang paningin. Nakontento na siya sa pagiging alaskador nitong kaklase mula pa noon. Sa ganoong paraan lang siya nakakalapit kay Magdalena. Sa tuwing inaasar niya ito. Ngunit hangang kailan niya kayang itago ang lihim niyang pagmamahal para kay Magdalena? Lalo na ng may isang lalakeng umeksena sa pagitan nila. Hindi natakot ang lalake sa pagbabanta niya at itinuloy parin nito ang pangliligaw kay Magdalena. Iniisip niya palang na may ibang lalakeng hahawak sa kamay ng babaeng mahal niya ay parang nais na niyang pilipitin ang leeg ng lalakeng iyon!
like
bc
The Nude Secretary!
Updated at Apr 25, 2022, 11:47
She is Gavin Salvador's ex-secretary. Ang babaeng naghubad sa harapan ng kanyang napakagwapong boss! Naaalala niyo pa ba siya? She's Aliah Gomez! Ano na nga bang nangyari sakanya simula ng kaladkarin siya palabas ng opisina ni Gavin Salvador? Simula ng malaking eskandalong kinasangkutan niya. Anong buhay ang naghihintay sakanya? Makahanap rin kaya siya ng lalakeng tunay na mag mamahal sakanya? Paano kung ang long lost twin brother ni Gavin Salvador pala ang nakatakdang makatuluyan niya? Halina at subaybayan natin ang naging buhay ni Aliah Gomez sa storyang ito. Sa storyang ito ay siya naman ang bibida at makakahanap ng tunay na pagmamahal...
like
bc
Can you be mine?
Updated at Mar 23, 2022, 19:46
Si Yaya Flores ay isang simpleng dalagang probinsyana na namasukan bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa maynila. Hindi niya akalain na sa pamilyang iyon ay makikilala niya ang isang masungit ngunit mabait at napakagwapong lalakeng magpapatibok ng kanyang puso. He is Noah Valdemir Hoffman. The youngest son of Jerome Hoffman. Sa unang pagtagpo pa lamang ng kanilang mga mata ay nahulog na agad ang loob ni Yaya sa binata. Nakakapanghina naman kasi ang kagwapuhan nito. Ngunit suntok sa buwan kung papansinin siya nito dahil ito na yata ang pinakatahimik at pinakasuplado sa mga amo niya. Kahit isang beses ay hindi pa niya ito nakitang ngumiti o tumingin man lang sakanya. May pag-asa kaya siya sa isang katulad nito? O hangang panaginip nalang ang kanyang pag-ibig dahil kahit baliktarin ang mundo ay mukhang hinding hindi ito magkakagusto sakanya. Lalo na't kaliwat kanan ang mga babaeng nagkakagusto dito. Ngunit malakas yata ang kanyang panalangin dahil minsan niyang nahuling nakatingin ito sakanya at bigla nalang itong nag iwas ng tingin kasabay ng pamumula ng pisngi nito. Ano kayang ibig sabihin ng tingin nito? May kahulugan kaya iyon? Hangang isang araw inaya siya nitong makipag-date! Wala na yatang isasaya pa ang puso niya dahil sa alok nito ay para siyang lumulutang sa ibabaw ng mga ulap! Ngunit lumagapak agad ang kanyang puso sa lupa ng sabihin nitong may iba itong babaeng minamahal at nais raw nitong pagselosin ang babaeng iyon sa pamamagitan niya. Papayag ba siya sa gusto nito? Hindi pa man siya pumapayag ay nasasaktan na siya.
like
bc
Teach me Primo
Updated at Jan 29, 2022, 08:03
Title : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng papakasalan niya. Hindi raw nito kayang maging asawa ang isang tulad niyang spoiled brat at walang alam sa buhay kundi ang magpaganda at mag-lustay ng pera sa mga luxury brands. Nasaktan siya ng husto dahil sa ginawa ni Carlo sakanya. Nadurog ng husto ang kanyang puso. Noong araw din na iyon ay nag paka-layolayo siya at napadpad siya sa isang tahimik at madilim na lugar. Kung saan makikilala niya si Primo ang lalakeng napaka-antipatiko! Napakayabang nito at tila ba inis na inis ito sa kanyang pagiging maarte at sosyalera. Nakita nito ang kanyang ginawa sa kanyang kotse ng ihulog niya iyon sa bangin upang ipalabas sa lahat na patay na ang Michelle na kilala ng mga ito. Binayaran niya si Primo upang tulungan siya nitong mag bagong buhay sa isang baryo kung saan walang nakakakilala sakanya kundi ang antipatikong lalakeng ito. Pumayag naman ito na turuan siyang magbagong buhay at hindi niya inaasahan na sa pagdaan ng mga araw ay unti unti na siyang natuto sa mga gawaing bahay katulad ng pagluluto at paglalaba. Natutohan niya na rin mamuhay ng simple katulad ng ibang tao. Ngunit kasali rin pala sa mga itinuro ni Primo sakanya kung paano niya ito iibigin ng lubusan
like
bc
RAM HOFFMAN
Updated at Jan 7, 2022, 16:10
Title: I'm Inlove with my bestfriend (RamHoffman) He's the typical campus crush. Normal nalang iyon sakanilang magkakapatid, Ang pag-agawan at pagpantasyahan ng mga babae. Hindi naiiba sa mga kapatid niya si Ram Hoffman. Sikat na sikat rin ito dahil sa taglay nitong kagwapuhan at bonus pa ang pagiging song writer-singer nito. Marami tuloy sa kanilang paaralan ang nababaliw sa aking talentong taglay ni Ram. Bata pa lang si Ram ay best friend na nito si Cheng. Ang nag-iisa ngunit boyish niyang bestfriend. Sabay silang lumaki dahil kinder palang sila ay kaibigan na niya ito hangang sa mag-college sila. Ngunit habang nagkakaroon sila ng edad ay tila nagiging babae na ang kinikilos nito. Hindi niya iyon inaasahan na magdadalaga rin ito katulad ng mga babaeng kasing edad nila. Buong buhay niya lalake ang tingin niya kay Cheng lalo na't halos araw araw silang magkasama. Kalaro niya ito sa basketball at sa mga video games. Mas close niya pa nga ito kaysa sa mga kuya niya. Nagulatang nalang siya ng magsabi ito sakanya na mayroon raw itong manliligaw sa kanilang campus at gusto na raw nitong mag-pakababae ng tuluyan. Dahil babae raw talaga ito at hindi tomboy. Para bang nataranta ang buong pagkatao niya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil parang selos at takot ang kanyang naramdaman. Possible kayang may gusto na rin siya kay Cheng?
like
bc
Pretend girlfriend
Updated at Dec 18, 2021, 20:01
Pretend Girlfriend. Iyon ang naging kasunduan ni Cassandra at Kenjie simula ng maging kontrobersyal ang pagsagip niya sa binata mula sa ex-wife nitong si Cassy sa isang okasyon. Kapangalan niya ang dating asawa nito kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon makisawsaw sa issue ng mag asawa. Mula ng magpangap si Casandra bilang nobya ng isang sikat at napakagwapong lalake ay naging makulay na ang kanyang buhay. Bonus pa dahil napakasarap nitong humalik. Sa kanilang pagpapangap unti unti siyang nahuhulog sa lalakeng ito dahil bukod sa napakagwapo nito ay masarap rin itong alagaan at mahalin. Kulang ito sa pagmamahal ng pamilya at sobra naman siya sa pagmamahal mula sa kanyang pamilya kaya nais niyang ibahagi kay Kenjie ang puso niyang punong puno ng pag-ibig. May patutunguhan kaya ang one-sided love ng dalaga? Kung hindi parin ito makamove on sa ex-wife nito?
like
bc
One night deal
Updated at Nov 14, 2021, 18:58
She need 1Million pesos bail for her father! Kailangan niyang makahanap ng magpapa-utang sakanya ng isang milyong piso! Saang kamay naman ng diyos niya iyon hihingin?! Hindi sapat ang kinikita niya bilang elevator girl para maka-ipon ng isang milyon! Kapit sa patalim. Iyon nalang ang huling baraha ni Alime upang makakuha ng isang milyong piso. Pumasok siya bilang bayarang babae sa isang pipitsugin na night club. Lahat ng dangal at puri ay kanyang winakasan. She's not a princess type of girl ngunit bakit nakahanap siya ng prince charming?! Halos tatlong buwan na siya sa ganoong trabaho at malayo pa niyang mabuo ang isang milyong piso para sa kanyang ama ng makilala niya si Gabriel Hoffman! Kilalang kilala ang pamilya nito sa buong Pilipinas ng minsan maligaw ito sa pipitsugin night club na pinagtatrabahuhan niya. She tried her best to seduced him! Ito na ang susi sa problema niya! Ngunit mukhang napagkatuwaan lang ito ng mga kaibigan nito ng gabing iyon at hindi talaga ito pumapasok sa mga night club. She still grab the chance! Nakipaglapit siya dito at hindi niya tatantanan ito hangat hindi siya nakakahingi ng isang milyon!
like
bc
Started with a bet
Updated at Sep 9, 2021, 08:12
Kenzo Hoffman Ilang ulit ng nakasalamuha ni Kenzo ang babaeng weird na may makapal na salamin at baduy na kasuotan. Ngunit hindi niya akalain na magiging malaking parte ito ng kanyang buhay. It's all started with a goddamn bet. Natalo siya sa isang game at ang parusa niya ay ang makuha niya ang virginity ng babaeng weird sa kanilang campus or else he will give them his brand new red sport car at ang kanyang ten million worth condominium. Hindi niya inurungan ang punishment na iyon. Nakipaglapit siya kay Gerlie ang babaeng weirdo. Akala niya magiging madali lang ang lahat para sakanya dahil halata namang crush na crush din siya nito ofcourse he is Kenzo Hoffman kulang ang salitang gwapo upang mabigyan ng katarungan ang kagwapuhan niya. Ngunit virginity ata ng kanyang puso ang makukuha ni Gerlie dahil unti unti nitong pinaramdam sakanya kung gaano kasarap ang mag mahal. She's too kind ,nice , sexy and goddamn sweet! Paano niya ba aaminin dito na pustahan lang ang pinag-mulan ng pakikipaglapit niya rito? When the night of punishment has come. Yes, Nakuha niya ang virginity nito but that same night nalaman nito ang lahat. She ran away from him... He deserves it right?
like
bc
LUKE ANDERSON HOFFMAN
Updated at May 23, 2021, 12:51
Luke Anderson Hoffaman Hindi akalain ni Luke Anderson Hoffman na makukuha ng bagong katulong nila ang kanyang atensyon. Paano ba naman lantaran nitong pinahahalata sakanya na may 'crush' ito sakanya! She's the youngest maid of Hoffmans mansion. Bale-wala rito ang pag susungit at pagsusuplado niya dahil araw araw itong nagpapapansin sakanya. Nagtataka rin siya sa kanyang sarili kung bakit tila nagugustuhan niyang tumambay sa loob ng mansyon simula ng dumating ito. Halos araw araw niya na nga itong nakikita dahil pinag aral ito ng kanyang Daddy sa campus kung saan pa siya mismo nag aaral. could he possibly falling in love with his cute little maid? No way! Mga sikat na modelo ang ex-girlfriends niya at malayo ito sa tipo niya!
like
bc
Mr.Future
Updated at Apr 7, 2021, 18:53
Flight 914 took off in 1980 but landed in the Philippines after 37 years. Ana Maria Lopez, one of the 57 passenger of American flight 914 survive the time travel plane. Isa lamang siya sa mga pasaherong naka-baba mula sa eroplano bago ito muling nawala na parang bula. Walang nakaka-alam na isa siya sa mga pasahero ng flight 914. Halos mabaliw siya ng malaman niyang year 2017 na! At higit sa lahat wala na siyang pamilyang uuwian sa pilipinas. Until she met Kelvin! Kahawig ito ng nobyo niya! Ngunit hindi na siya nito nakilala. Anong gagawin niya? Bakit hindi nagbago ang edad niya? Nananaginip lamang ba siya? Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi humingi ng tulong kay Kelvin.
like
bc
ZACH HOFFMAN
Updated at Mar 29, 2021, 18:21
Kilalang kilala ni Zach Hoffman si Gelyn Palma. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil sa tuwing nagku-krus ang kanilang landas may kakaiba itong pinag-gagagawa upang mapansin lamang niya ito. Wala na itong ginawa kundi sundan siya kung saan saan. Nagugulat nalang siya sa tuwing nakikita niya ito, kung ano anong raket ang ginagawa nito upang magpapansin lamang sakanya. Alam niyang ilang beses na nitong tinangkang makipag-kilala sakanya ngunit palagi niya lang ito dinededma. Hindi ito sumuko kahit sinusungitan niya ito. Hangang sa isang araw natagpuan nalang niya ang kanyang sarili na hinahanap hanap ang pinakamakulit na babaeng ito. She's the most annoying girl in his life. Ngunit may pagkakataon din na palagi nitong napapasaya ang kanyang araw. Napapangiti nalang siya ng palihim, may pagka-komedyante kasi ang babaeng ito. Kayanin kaya nitong mabihag ang kanyang supladong puso?
like
bc
I Love the Devil Hunter!
Updated at Feb 9, 2021, 18:27
Analine lives a normal life not until she discover her power and her misson. Ilang beses na siyang naliligtas sa kamatayan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Noon tinuturing lamang siyang miracle girl ng mga tao sa bahay ampunan kung saan siya lumaki dahil saksi ang mga ito sa mga oras na muntik na siyang mamatay. When she turned 18, her life started to change. She met Fin, A handsome devil hunter that help her to accomplish her misson on earth. But falling in love with the devil hunter might not be good for her mission. Her immortality will fade as she fall inlove deeper.
like
bc
The Prince and Me
Updated at Nov 18, 2019, 20:21
THE PRINCE AND ME ? A prince fled from the palace to escape the king's command for him to tie the knot with the woman he does not like. The prince was accompanied by his old guardian maid to the Philippines because there was no other way to escape the king. Until he met Yasmine, the pretty and sexy niece of his guardian maid. Little did she know that he was the prince, whom his aunt assisted for many years in the castle. He was effortlessly pleased with this woman and he was extremely interested in her. Eventually, she turns him on! And he finds himself yearning for her body. -Ces Vibiesca
like
bc
Cedric Hoffman
Updated at Nov 1, 2019, 18:58
Cedric Hoffman hates fame. Sawang sawa na siya sa pagiging sikat dahil sa angking kagwapuhan. Hindi siya nakakagalaw ng maayos sa tuwing pinagkakaguluhan siya ng mga babae and worst pati mga guro niya ay nagkakagusto din sakanya mapababae man o lalake.. Kaya naman nagpangap siyang isang nerd na studyante nang makalipat siya sa ibang paaralan. He used fake eyeglasses na mas makapal pa sa salamin ng kanyang professor. Hinati niya sa gitna ang kanyang buhok. Nagsuot din siya ng retainers na may ibat ibang kulay upang itago ang kanyang mapuputing ngipin. At higit sa lahat bumili siya ng mga baduy na damit upang isuot ang mga iyon sa kanilang paaralan. He got this idea from his brother's girlfriend. Tinuruan siya nitong magpakabaduy upang iwasan ang pagiging sikat at chic magnet. Finally he become nobody. No one notice his handsome face anymore. Wala na halos nakikipag usap sakanya at ang iba pa nga sa mga studyante binubully pa siya. Mas gusto na niya iyong binubully siya kaysa naman makakita muli ng mga babaeng halos mag hubad na sa harapan niya upang magpapansin lamang sakanya! Tahimik na sana ang kanyang buhay. No fame, No attentions, No women but not until one day, Dahil may isang babaeng nakipag kaibigan sakanya! She's too sweet and too kind to be rejected. Kaya naman wala siyang nagawa kundi kaibiganin din ito. Hindi niya akalain na ito ang magiging dahilan upang magkaroon ng kulay ang kanyang buhay. Mag ka-Crush kaya ito sakanya sa kabila ng kanyang baduy na itsura? THIS STORY IS SPG.. R-18 Please don't forget to vote
like
bc
The Heart Breaker King
Updated at Jun 22, 2019, 17:13
OFlodor Chavez could very well be your next Love Interest.. with his handsome and tall physique.. He has every man would want to have. he has a very manly and angular face that softens whenever he smiles. Oh yes Girls are going Crazy about him.. (Guys college pa ako nung sinulat ko to. Iba pa yung paraan ng pagsusulat ko dito. Jejemon pa po ako noon. Sorry na po agad) But he is a absolute Jerk!! Walang puso!!! He breaks hearts easily without any hesitation at all.. He is so Called The Heartbreaker King!!! But Only One Wrong Move... that changes everything... The Heartbreaker King Downfall... by falling in Love with One Special Girl named... Ysay... Ang haba ng Hair ng isang Promdi :)
like
bc
Lust in Love
Updated at Jun 20, 2019, 04:36
Dark have everything. HE GET'S WHAT HE WANT'S. He is a Certified Playboy. Certified heartbreaker!! Ngunit simula ng makilala niya si Tricia Tubursyo ay parang nabaliw na ang pagkatao niya. He wants her to be his girl. Baliw na baliw sya sa ganda ng dalaga at alindog nito.. Is it Just Lust? Or Lust In Love? Rated SPG
like
bc
My Handsome Hater
Updated at Jun 20, 2019, 04:07
Angelo Hoffman really hates Liza Loraine Veroone, Isang babaeng maingay , pasaway, rebelde at higit sa lahat kakaiba ang mga trip nito sa buhay. Anak ito ni aling bebang which happens to be his mom's best friend! Palagi nitong nasisira ang kanyang araw. Na-aasiwa siya sa tuwing nakikita niya ang itsura nito lalo na napakaraming hikaw nito sa ibat ibang bahagi ng katawan, Makapal ang makeup nito na para bang rakistang sabog with her black lipstick, Kakaiba din ang mga sinusuot nitong damit kulang nalang mag hubad na ito. Mukha din itong parrot dahil ibat iba ang kulay ng buhok nito . Sino ba naman matinong lalake ang magkakagusto sa isang katulad nito?
like
bc
My Seductive Boss
Updated at Jun 20, 2019, 03:50
Paano kung si Mr.Piggy naging super Yummy? GUYS ITO PO ANG UNANG UNANG STORYA NA NAISULAT KO PASENSYA NA SA MGA SPACES at TYPO Hindi pa po ako marunong mag sulat ng tamang format noon. I hope you don't mind guys! :)
like
bc
Only Heart Can Tell. (My Seductive Boss book 2)
Updated at Jun 19, 2019, 16:46
Paano kung sa isang iglap Makalimutan ka ng isang taong nangakong mamahalin ka habang buhay? Will Forever ends? Or fight and start over.... ? Oplan ibalik ang Ala-Ala ni Zander!!!!
like
bc
The Young Master's Maid
Updated at Jun 12, 2019, 21:32
Jerome Hoffman is one of the most successful bachelor in his genaration. Siya ang kauna-unahang pinaka-batang negosyante sa buong bansa. He started doing business when he was 15years old! He is a workaholic beast. His parents are so proud of his achievements. Sabi nga nila "There is only one word to describe Jerome Hoffman. And that word is "Perfect" . Tinaguriang ito bilang "The most hottest man in the Philippines" Kaya naman sikat ito lalo na sa mga kababaihan. Pinagpala ang babaeng magiging unang girlfriend nito! Sino kaya ang masuwerteng bibihag sa puso nito? Who would have thought that girl will be Abby. Ang bagong katulong ng mga Hoffman. Simpleng probinsyana lang pala ang bibihag sa puso ng isang Jerome Hoffman. ? Hindi napaghandaan ni Jerome ang kanyang unti unting pagkahulog sa pinakamagandang babaeng nakilala niya.. RATED SPG!!!! R-18
like
bc
MR. BASTED RETURNED
Updated at Jun 12, 2019, 21:27
R-18 SPG Half-American Half-Filipino, Nerd, payat, lampa at tahimik lang si Jared Hoffman noong High school palang sila kaya naman hindi ito sinagot ni Wendy nang minsan magtapat ito ng pag ibig sakanya. She declined his proposal to be his girlfriend infront of everybody! Hindi niya iyon sinasadya ngunit napahiya ito at nasaktan ng husto. Simula nang ma-basted niya ito hindi na ito muling nagpakita pa sakanya. After Ten years nagtagpo muli ang kanilang landas ngunit hindi niya ito halos nakilala dahil ibang iba na ang itsura nito ngayon! He is Hot oozing handsome with six packs abs! Girls are going crazy about him. Matangkad sobrang gwapo at higit sa lahat napakayaman na nito! Nasa huli talaga ang pag-sisisi... Dahil may girl friend na ito!.. Tsk Tsk! May pag asa pa kaya si Wendy?
like
bc
Ang Charm ng aking Bil-Bil
Updated at Jun 12, 2019, 20:40
Mataba, Balyena, Masiba, Baboy at matakaw ang palaging naririnig ni AppleJoy na tukso sakanya ng mga tao sa paligid niya. Pero Wala siyang Care! Basta Food is life.. Masaya na siya sa kanyang Food life kahit walang Love life! Mas gugustuhin niya pang tumambay sa loob ng kanyang kwarto habang lumalamon at nanunood ng K-Drama. Masaya at kuntento naman siya sa buhay niya.. Akala niya Kumpleto na ang buhay niya bilang isang Cartoonist. Ngunit Yun ang akala niya.. Until she met Trevor Miguel Farier. Ang unang lalaking nagnakaw ng first kiss niya! Hindi niya akalain na malalaglag ang panty niya sa sobra kagwapuhan nito! He is devastating Handsome with a well hard-rock muscles! A very Charming Man dahil palagi itong nakangiti ... Kulang ang salitang Gwapo upang iexplain niya kung gaano ito kagwapo! He changed her life in moment.. La..la..la..la.. R-18
like
bc
Beautiful Soul
Updated at Jun 12, 2019, 19:16
Bata palang si Ashley alam na niyang hindi siya biniyayaan ng kagandahan. She's very ugly. Palagi siyang tinutukso ng mga kaklase niya sa kanilang skwelahan. Tinatawag pa siya nang mga ito na isang bakulaw. She's not a typical average girl, she's not even normal! Alam niya iyon sa kanyang sarili. She never enjoyed her life because of her ugly face. Kaya naman nagpursigi siyang makapag tapos ng pag-aaral upang magkaroon ng maraming pera. She went to south korea to change everything about her face. Her successful operation makes her beautiful! Sa wakas naging maganda siya! May bonus pa. Nagbalik ang kanyang childhood crush! Everything went well. Ngunit, Paano niya ipagtatapat dito na isa siyang retokada?
like
bc
Dr. Lance Steford (Forbidden Love)
Updated at Jun 12, 2019, 18:46
Bata pa lang si Hailee crush na niya si Lance ngunit hindi ito maaari dahil step brother niya ito! Nag asawa muli ang kanyang mommy pagkatapos mamatay ng kanyang daddy, Walang iba kundi ang Daddy ni Lance Steford! Si Lance Ang Campus heartbreaker nila! At ang ultimate crush niya since grade school.. Hindi niya mapigilan ang sariling mahalin ito ng palihim.. Alam niyang bawal na pag ibig ang nararamdaman niya para sa kanyang "kuya Lance" pero hindi niya kayang pigilan ang kanyang puso lalo na napakasweet nito sakanya! Kung umasta ito minsan ay daig pa nito ang maging boyfriend niya! May patutunguhan ba ang pagmamahal niya para dito? Bakit ito nagseselos tuwing may bagong boyfriend siya? Ito din nagiging dahilan ng break-ups niya sa mga naging boyfriends niya! Bakit siya nito hinahalikan sa pisngi? niyayakap at tinatabihan matulog?? May magkapatid bang ganon? Feeling niya Mag boyfriend sila! Certified paasa ito! Until one night mistake happened.. They make love! Passionately!
like
bc
My Fake Boyfriend
Updated at Jun 12, 2019, 17:01
Miguel Hoffman is a man who is extremely successful with beautiful women. Because of his devilishly handsome face and his hot body he became a certified playboy. He professes his love to all girls and commits to no one. Oh Yes! Maybe he is the male version of a whore or a slut. Kaya naman perfect target ito ni Merie cris upang magpangap bilang boyfriend niya, Panigurado lahat ng tao maniniwala na sakanya na isa talaga siyang tunay na babae! Naiinis na kasi siya sa mga taong napagkakamalan siyang tomboy. "Babae po ako!" Agad naman pumayag si Miguel na magpangap bilang fake boyfriend niya. Tinuruan pa siya nito kung paano maging babae. Ngunit unti unti din nahulog ang kanyang puso sa lalaking ito. Sasaluhin ba siya nito?
like
bc
Loving Kevin
Updated at Jun 12, 2019, 16:43
Bakit ang sarap at ang hirap mong mahalin kevin?- -Love Chacha Bata palang si Chacha mahal na mahal na niya si Kevin. Childhood crush niya ito. Alam niyang nakukulitan na ito sakanya ngunit hindi siya susuko upang mapansin siya nang masungit nitong puso..
like
bc
Mr. Tadhana
Updated at Jun 12, 2019, 05:43
Dahil sa isang pagkakamali nagtagpo ang landas ni Calix at Martha. Napagkamalan ni Martha na ito ang taong nang-iwan at nang-buntis sa kanyang kaibigan. Sinugod, inaway at pinahiya niya ito sa madaming tao. In short nagulo niya ang nananahimik nitong mundo. Dahil sa kanyang pangu-ngulit napalapit ito sakanya sa mabilis na panahon. Anong gagawin niya ngayong hawak na nito ang puso niya? Hindi niya akalain na dahil lamang sa pagkakamali niya mahahanap niya ang kanyang tadhana.
like
bc
My First Love
Updated at Jun 12, 2019, 05:24
She loved Tatum Del Rosario since grade one.. All her life dito lng umikot ang mundo niya. Mula elementary Hangang sa high school ay sinundan niya ito.. The ultimate Crush nang Bayan sa kanilang Skwelahan. Ngunit nuknukan ito ng kasungitan! Ganun pa man hindi natibag ang pagmamahal ni Ayesha para ito sa mahabang panahon.. Minsan sinabi nito sakanya na hinding hindi siya nito magugustuhan! Ngunit bakit sa tuwing nasa panganib siya palagi itong to the rescue? bakit ito nagseselos sa tuwing may napapalapit na lalaki sa buhay niya? At ang mas nakakaloka, Bakit siya nito hinalikan ?!
like
bc
Wanted Ugly Secretary
Updated at Jun 11, 2019, 17:53
WANTED UGLY SECRETARY!!! Gavin Salvador is looking for an effective, smart but ugly secretary and he have one special rule, That secretary should never fall in love with him. Dahil sa malaking sweldo napilitan magpangap si Carol bilang "ugly secretary " ni Gavin. Sa likod ng kanyang makapal na blush on at mala-higad na kilay mapapansin din ba ni Gavin ang kanyang tunay na mala-anghel na mukha? makikita din ba nito ang kanyang tunay na kagandahan inside and out? Paano niya mapipigilan tuluyang mahulog ang kanyang damdamin kung sa unang beses niya palang makita ito nagwala na ang puso niya?
like