bc

SECRETLY YOURS

book_age18+
4.7K
FOLLOW
71.9K
READ
HE
sweet
bold
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Yumi is looking forward to her stepsister's upcoming wedding. Pinag-ipunan niya talaga ang pag-uwi niya sa Pilipinas para lamang makadalo siya sa kasal nito. Nangako rin siya na siya ang magiging wedding singer sa kasal ni FionaIsa siyang singer sa Japan sa loob ng limang taon at ngayon lamang siya uuwi ng Pilipinas. Kaya naman nais niyang sulitin ang kanyang bakasyon, minabuti niyang mag-liwaliw muna sa boracay dahil ilang taon na rin siyang hindi nakakapagpahinga. Puro trabaho at pag-iipon lang kasi ang inatupag niya sa mahabang panahon. She give herself a "Me" time. Mag-isa siyang nagpunta sa boracay bago siya umuwi sa manila para sa kasal ng kanyang stepsister.Hindi niya akalain na may makikilala siyang lalakeng bibihag ng husto sa mapili niyang puso. Bente kwatro anyos na siya at tila ngayon palang niya naranasan ang magkaroon ng matinding atraksyon sa isang lalake. Nahulog agad ang kanyang loob sa gwapong lalakeng iyon. He is Rence. Noong umulan siguro ng kagwapuhan ay sinalo nitong lahat ang magagandang quality ng isang lalake. Kinilig siya ng husto dahil nagpakita rin ito ng interest sakanya hangang sa umabot nga sa punto na naibigay niya ang pinaka-iingatan niyang pagkabirhen sa binataWala siyang pinag-sisihan kahit wala pang 24 hours niya itong nakilala ay bumigay na agad siya sa binata at may nangyare agad sakanila. Nagsusumigaw kasi ang matinding atraksyon sa pagitan nilang dalawa sa unang beses palang nilang pagkikita. Naging pitong araw tuloy ang bakasyon niya sa boracay imbis na tatlong araw lamang dahil nag-enjoy sila ng husto ni Rence sa isat-isa. Halos araw araw at gabi gabi nilang sinulit ang hotel room na kinuha nito para sakanilang dalawa. Ito ang nagbayad ng lahat. She was so happy because she never thought she would have a hot boyfriend during her vacation. Ngunit isang umaga ay bigla nalang ito nag-check out at hindi man lang nagpaalam sakanya. Hindi niya alam kung saan niya ito hahanapin at nawalan rin siya ng gana na hanapin pa ito dahil nadismaya siya ng husto.Nawasak tuloy ang puso at p********e niya dahil sa kanyang katangahan. Nagpakasawa lang ang gwapong lalakeng iyon sa katawan niya sa loob ng isang linggo at heto siya ngayon nagsisisi kung bakit hindi muna niya ito kinilala bago niya ito pinagkatiwalaanSubalit laking gulat niya ng makilala niya kung sino ang lalakeng nakatakdang pakasalan ng step sister niya! Walang iba kundi si Terence Hoffman! Ang lalakeng nakasiping niya sa boracay sa loob ng isang linggo!Nagulat rin ito ng makilala siya. Hindi niya inaasahan na mas lalo pa siyang mahuhulog sa binata sa pagdaan ng mga araw. Masyado siyang marupok pagdating sa binata kaya naman nagkaroon sila ng secret affair kahit alam niyang ikakasal na ito sa stepsister niya. Mali man sa pangingin ng iba ay pumayag siyang magkaroon sila ng sikretong relasyon  Tama bang maging mali? May maganda bang kahahatnan ang relasyon nila? Paano kung mabuntis siya nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Really?! I'm so excited to see you Yumi." Napangiti si Yumi dahil sa masayang boses ng kanyang stepsister sa kabilang linya. Tuwang tuwa kasi ito ng sabihin niya dito na uuwi siya ng Pilipinas para sa nalalapit nitong kasal "Oo ate uuwi ako para sayo. Malakas ka sakin eh!" Nakangiting sabi pa niya kahit hindi naman nito nakikita kung gaano kalapad ang ngiti niya "Bruha ka kung hindi pa ako ikakasal hindi ka pa talaga uuwi dito no?" Nagtatampo ito dahil limang taon na siyang nagtatrabaho sa Japan at never pa siyang nagbakasyon sa Pilipinas. Nanghihinayang kasi siya sa magagastos niya. Bawat sentimo kasi na kanyang kinikita ay pinahahalagahan niya. Hindi biro ang pagtatrabaho niya bilang singer sa isang highclass bar sa Tokyo Japan. Puyat at pagod ang puhunan niya. Mas mataas sana ang sahod niya kung papayag siyang magpa-table sa mga hapones na gustong gustong itable siya. Ngunit dahil mataas ang pagpapahalaga niya sa kanyang sarili at dignidad ay hindi siya kahit kailan man nagpatable at nanatili lamang siyang singer sa bar na kanyang pinagtatrabahuhan. "Alam mo namang nanghihinayang ako ate. Ang mahal mahal kaya ng ticket pauwi ng pinas. Isang buong sweldo ko na ang--" "Oo na oo na Yumi. Ililibre ko na ang ticket mo." Natigil siya sa pagsasalita ng sabihin nito iyon. Namilog agad ang kanyang mga mata sa tuwa. "Talaga? Baka drawing lang yan ate ha? Baka umasa ako diyan sa libreng ticket na yan sige ka--" "Hindi no! Diba nga mayamang lalake ang pakakasalan ko? Magiging mayaman na tayo! Sisiw nalang sakin ang plane ticket mo kahit buwan buwan ka pang umuwi dito" Sabay silang natawa sa biro ng kanyang step sister. Mas matanda lang ito sakanya ng dalawang taon. 24 years old siya samantalang 26 years old naman ang Ate Fiona niya. "Grabe ate Fiona masayang masaya talaga ako para sayo. Sana all ikakasal" "Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Yoshi?" Napangiwi siya. Naalala niya tuloy si Yoshi. Ang lalakeng makulit na nanliligaw sakanya. Kahit ilang beses na niya itong binusted ay tuloy parin ito sa pagsuyo sa kanya. Half-Japanese at pinoy blood si Yoshi. Gwapo rin ito ngunit hindi talaga niya kayang turuan ang kanyang puso na magustuhan rin ito "Tatanda nalang siguro akong dalaga ate" biro niya sa kanyang kapatid Magkapatid sila sa ama ngunit magkaiba ang kanilang ina. Namatay ang mommy ng Ate Fiona niya noong pinanganak nito ang ate niya kaya naman nag asawang muli ang daddy nila at siya ang naging bunga. Tinuring ng mommy niya na tunay na anak ang ate Fiona niya kaya naman para na rin silang tunay na magkapatid "Sayang naman ang ganda mo Yumi ano ka ba?" "Huwag mo muna nga problemahin ang lovelife ko ate. Mag focus muna tayo sa nalalapit mong kasal. Excited nako for you ate!" "Thank you Yumi. Ako rin nga eh. Sobrang gwapo pa ni Terence grabe dream come true talaga!" Napangiti siya ng husto. Umabot yata ang kilig ng kanyang ate mula sa Pilipinas hangang sa Japan "Patingin nga ng picture ate?" "Naku wala ngang picture ang lalakeng yun eh. He hates taking pictures daw sabi niya sakin. Pero hayaan mo kukuhaan ko ng stolen shots minsan para makita mo kung gaano kagwapo ang magiging asawa ko! Sobrang gwapo niya sa lahat ng lalake lalo na sa ex ko!" Napataas ang kilay niya. "Nakalimutan mo na ba talaga si kuya Federic ate?" Ex-boyfriend iyon ng ate Fiona niya. Mahal na mahal ito ng ate Fiona niya ngunit nahuli nitong maykasamang ibang babae si Federic kaya naghiwalay ang mga ito. Nasayang tuloy ang ten years relationship ng mga ito dahil lamang sa pagtataksil ni Frederic. "Duh! M-Matagal na no! Huwag na nga natin pag-usapan ang kulugo na yun. Ikakasal nako ngayon kaya 'who you' na siya sakin" Naiimagine niya pa ang pagsimangot ng ate Fiona niya sa mga sandaling iyon "Patingin naman ng picture niya ate sige na!" Pangungulit niya dahil sa kanyang kuryosidad sa itsura ng mapapangasawa nito "Ang kulit. Sige meron ako ditong picture niya. Pero ngayon mas gwapo na siya ha? Hindi pa kasi siya nag-aahit sa picture niya na isesend ko sayo" Nasabik siya "Okay na yun ate! Gusto ko lang makita ang future husband mo!" Tumunog ang messenger tone niya. Napangiti siya nang mag-send ng photo images ang ate Fiona niya. "Ayan nasend ko na ang pictures niya." Nasabik siyang tignan ang photos nito. Napangiwi siya ng makita niya ang mga photos na sinend ng ate Fiona niya sa kanyang messenger. Mukhang gwapo nga ang fiance nito subalit mukha itong ermitanyo! Nababalutan kasi ng bigote at balbas ang mukha nito. "Ate mukhang ermitanyo ha?" Biro niya sa ate niya kaya napahagikgik ito "Sira ka! Nag-shave na siya ngayon hindi na siya ermitanyo no! Workaholic kasi yan eh" Katok sa kabilang lamesa ang narinig ni Yumi kaya napalingon siya doon Nakita niyang nakatayo doon ang haponezang katrabaho niya sa resto bar na pinagtatrabahuhan niya Tinuro nito ang orasan na nangangahulugan na tapos na raw ang 30 minute break time niya. Kasalukuyan kasi siyang nag-bebreak time sa pantry. Nais niya tuloy mapairap dahil bantay sarado talaga nito ang oras niya. Nag-thumbs up nalang siya sa haponezang epal sa buhay niya bago siya nagpaalam sa ate Fiona niya Kausap niya lang kasi ang ate Fiona niya sa f******k messenger. "Ate tapos na pala ang breaktime ko. Asahan ko yung libreng plane ticket ko ha? Joke lang! Nag-ipon naman talaga ako para sa kasal mo ate kaya may plane ticket na talaga ako noong last week pa. Pero balak ko sana magbakasyon muna ng three days sa Palawan bago ako umuwi sa bahay natin. See you soon ate!" "Wow that's great Yumi. Oo maganda yan itreat mo muna ang sarili mo! Para makapag-relax relax ka naman. Isang buwan pa naman bago ang kasal namin ni Terence eh." Muling kinatok ng haponeza ang kabilang lamesa kaya napaikot na talaga ang mga mata niya "Okay sige na ate Fiona nagagalit na ang haponeza dito. I need to go back to work ate. See you soon! Love you ate!" "Love you Yumi!" Excited na tuloy siya! Ngunit imbis na sa Palawan siya makapagbakasyon ay naging boracay tuloy ang distenasyon niya dahil nagkaroon daw ng environmental problem ang Palawan beach. Excited pa naman sana siyang magpunta sa underground river ng palawan. Pero hindi na rin masama kung sa boracay siya magbabakasyon dahil isa rin iyon sa mga pangarap niyang mapuntahan Nasa eroplano palang si Yumi nang araw ng kanyang flight pauwi ng Pilipinas ay tila nais na niyang magtatalon sa tuwa Sa loob ng limang taon ay ngayon palang siya makakapagpahinga. Nagbook siya ng two nights and three days sa boracay. Tinodo na niya ang kanyang bakasyon kaya sa magandang hotel talaga siya nagcheck in. Minsan lang naman niya mapapasaya ang sarili niya kaya itotodo na niya. Nagpapasalamat nga siya sa amo niyang hapon dahil pinayagan siya nitong magbakasyon ng dalawang buwan sa Pilipinas. Tutal naman daw ay limang taon niyang naipon ang mga vacation leaves niya. Pagdating ni Yumi sa boracay ay parang gusto niyang yakapin ang kanyang sarili. Gusto niyang pasalamatan ang sarili niya dahil sa kanyang relaxation time na ibinigay niya sa kanyang sarili. Nagpalit agad siya ng two pieces swimsuit na kulay asul at nagsuot lamang siya ng kulay puting cover up pagkarating niya sa hotel room niya. Even though she was alone on her vacation, her happiness seemed to have no place! Sobrang saya niya talaga. Napapakembot kembot pa siya sa harap ng salamin ng hotel room niya habang naglalagay siya ng manipis na red lipstick sa kanyang malambot na labi. Confident siya sa kanyang katawan dahil bukod sa magandang mukha ay binayayaan rin siya ng malulusog na papaya at balingkinitan na katawan. Maganda ang kurba ng kanyang katawan kaya naman bagay na bagay sakanya ang kanyang swim wear. Wala siyang balak magpacute sa mga lalakeng nasa beach ngunit talagang naaagaw niya ang atensyon ng ibang kalalakihan roon. Takaw pansin kasi ang kanyang alindog lalo na't nag-iisa siya. May mga lalakeng gustong makipagkilala sakanya ngunit tipid na ngiti lang ang sinasagot niya at pagkatapos ay lalayuan na niya ang mga ito. "Miss sandali!" Napalingon si Yumi ng habulin siya ng lalakeng nais kuhain ang number niya Hindi niya ito type! Maliit ito at hindi niya type ang mga ganoong klaseng lalake. Gusto niya kasi sa lalake ay yung matangkad at may itsura. Magpapakaplastik siya kung sasabihin niyang gusto niya sa lalake ay yung pangit hindi ba? Masyadong mataas ang standards niya pagdating sa mga lalake kaya tuloy hangang ngayon ay hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo! "Bakit?" kunot nuong tanong niya Naiistorbo na kasi nito ang pag-sun bathing niya. Lilipat na sana siya sa ibang puwesto para layuan ito ngunit heto at kinukulit parin siya nito "Saglit lang masyado ka namang suplada eh." Napabuntong hininga siya. Pang sampung lalake na itong nanghingi ng permiso na makipagkilala sakanya at nanghingi ng number niya ngunit ito lang ang pinakamakulit Hinawakan pa nito ang braso niya kaya naalarma siya at nagpumiglas sa lalake "Sinabi ko na sayong magagalit ang boyfriend ko kapag nakikipag-usap ako sa ibang lalake diba? Sige ka baka suntukin ka nun at makatulog ka agad dahil ang liit liit mo pa namang bansot ka" Nais niyang batukan ang sarili niya. Nilait niya pa talaga ang kawawang lalakeng makulit? Paano naman kasi ang kulit eh! Medyo manyak pa! Nakarinig sila ng mahinang pagtawa sa likod niya kaya sabay silang napatingin sa lalakeng tumawa sa likuran niya Nawala ang kunot ng kanyang nuo at parang huminto ang mundo niya ng makita niya kung gaano kagwapo ang lalakeng nasa likuran niya Killer smile! Iyon ang pinakagusto niya na katangian ng isang lalake! Yung magaganda at mapuputi ang mga ngipin! Lalo tuloy itong gumwapo! Napalunok siya ng matitigan niya ang kakaibang kagwapuhang taglay nito. Artistahin ito at hindi pa siya nakakilala ng lalakeng kasing gwapo nito. Nakaka-tulala rin ang mga pandesal sa tiyan nito. Idagdag pang matangkad ito at may magandang pangangatawan "B-Bakit ka tumatawa?" Tanong ni bansot sa lalake dahil natulala na siya "She's my girlfriend kaya bitawan mo na" Natatawa paring sabi nito habang napapakamot pa ito sa sariling kilay nito Oh God. Kahit ang boses nito ay napakagwapo rin! Bagay na bagay ang boses nito sa mukha nito. Kumbaga full package na talaga. Teka sinabi ba nitong girlfriend siya nito? "T-Totoo ba yun miss? Siya ba ang boyfriend mo?" Tanong ni bansot sakanya Kinapula iyon ng kanyang mga pisngi. Ewan ba niya kung bakit tila nahiya siya sa lalakeng gwapo. Palibhasa type niya ito. "Oo boyfriend ko yan" Mataray niyang sagot kay bansot at muli siyang nagpumiglas sa pagkakahawak nito sakanyang braso Bwisit na bansot ito, makachansing wagas? "Ay sorry po boss! Nakikipagkaibigan lang naman ako dito sa magandang nobya niyo. Akala ko kasi mag-isa lang siya eh" Binitawan siya ng bansot at nagmamadali na itong tumakbo palayo dahil napa-angat ang kamay ng lalakeng gwapo upang hagurin lamang ang sariling buhok nito, iniisip siguro ng bansot na susuntukin ito ng lalake kaya napakaripas ito ng takbo Natawa tuloy silang dalawa ng lalakeng gwapo dahil sa pagtakbo ng lalakeng manyak na iyon "Salamat" Nakangiting pasasalamat niya sa lalake. Nagpapasalamat siya dahil iniligtas siya nito sa lalakeng manyak "Welcome. Bakit kasi mag-isa ka lang? Lalapitan ka talaga ng mga lalake rito delikado para sayo" Inipit niya ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga. Nahihiya kasi siyang makipag-usap sa lalakeng gwapo na ito. Na-starstruck yata siya at parang artista kasi ang nasa harap niya. "Mag-isa lang kasi akong nagbabakasyon. Medyo makulit lang ang isang iyon kaya salamat dahil niligtas mo ko sa pangungulit ng bansot na iyon--sorry medyo pintasera" Natakpan niya ang kanyang sariling bibig dahil nasabi nanaman niyang bansot ang lalakeng manyak Muling natawa ang lalake dahil sa sinabi niya. Feeling niya tuloy ay madali itong mapasaya. "Mag-isa lang rin ako. Do you want me to accompany you? Kung gusto mo lang naman ng bodyguard" Nais niyang napangiti dahil type pa yata siya ng lalake. Sana nga! "Oo naman para hindi na rin ako kulitin ng mga lalake diyan sa tabi tabi" Ngumiti ito sakanya. Lalo talaga itong gumagwapo kapag ngumingiti ito. "I'm Rence by the way. Ikaw anong pangalan mo?" Inilahad nito ang kamay sakanya kaya naman napalunok siya "Y-Yumi" Nakagat niya pa ang kanyang labi nang magdaop palad sila ng binata Napasinghap pa nga siya ng kaunti dahil parang may kuryente siyang naramdaman mula sa mainit nitong palad Ang laki ng kamay nito kaya sakop na sakop ang kamay niya. Bahagya pa nitong pinisil ang kamay niya bago iyon binitawan "Nice name. Do you want to eat lunch?" Tumibok agad ng mabilis ang kanyang puso. Tila hindi na nagpapatumpik tumpik pa ang lalake at pinapakita na agad sakanya na gusto siya nito? "S-Sure" Nag tataka rin siya sa kanyang sarili dahil mabilis siyang napapayag nito He is totally stranger to her! Pero heto siya at napapa-oo nalang agad sa binata. Nakakahipnotismo kasi ang kagwapuhang taglay nito at hindi niya iyon kayang tangihan Mukhang natuwa ito. Naglakad sila sa pinakamalapit na restaurant. Kinilig siya dahil pinaghila pa siya nito ng silya bago ito naupo sa tabi niya. Pinili talaga nitong umupo sa tabi niya kaysa sa tapat niya? Kinikilig tuloy siya at di mapakali sa kanyang kinauupuan. Ang bango bango pala nito sa malapitan. Naamoy niya ang shampoo at aftershave na ginamit nito. Nagkakatinginan silang dalawa na para bang nababanguhan rin ito sa shampoo niya? Lumapit sakanila ang waiter kaya naputol ang pagtitinginan at pasimpleng pag-aamuyan nila Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding atraksyon ng katulad ng ganito. Nag-iinit agad ang katawan niya sa simpleng tingin palang nito "Here's the menu ma'am and sir" Iniabot sakanila ng waiter ang isang menu tablet. Umusog pa ng kaunti si Rence sakanya upang sabay nilang tignan ang menu. Isang tablet lang kasi ang ibinigay ng waiter dahil iniisip nitong magkarelasyon sila ni Rence "Ilibre kita dahil niligtas mo ko doon sa bansot na iyon. Kaya pumili ka kahit anong gusto mong kainin" Nahihiyang sabi niya dahil ang lapit lapit ng katawan nito sakanya Nararamdaman niya rin na pasimple nitong inaamoy ang buhok niya habang tinitignan nila ang menu. Nagpapatay malisya lamang siya dahil nagugustuhan niya ang ginagawa nito Nakakapagtaka nga eh, Sa ibang lalake at kahit gwapong lalakeng pa noon ay hindi siya pumapayag na magpaamoy ng kanyang buhok, ngayon lang! Ang sarap pala sa pakiramdam ng pasimpleng paglalandian. Ngayon lang niya iyon naranasan. "Really? Huwag na. Ako ng magbabayad. Hindi kita pagbabayarin sa first date natin" Nilingon niya ito dahil nagulat siya sa sinabi nito. "H-Ha?" Isang halik sa kanyang labi ang isinagot nito. Nanlaki ang kanyang mata dahil sa kapangahasan nito! Ngunit ang nakakapagtaka ay hinayaan lang niya itong halikan ang kanyang birhen na labi! Never pa siyang nahalikan ng kahit sinong lalake! Ngayon lang! Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa lalake. Isang dampi lang sa kanyang labi ang ginawa nito pagkatapos ay tinignan nito ang reaksyon niya "Pili kana" Napapangiti ito dahil napakagat labi pa siya Hindi ba't dapat ay sinampal niya ito? Ngunit bakit parang gusto niya pang ulitin nito ang pagdampi ng labi nito sa labi niya Napapatingin tuloy siya sa labi nito. Napalunok tuloy ito at napatingin rin sa mga labi niya "Kapag di ka pa pumili ng kakainin natin hahalikan kita ulit.." Sabi nito Napalunok siya at siya na mismo ang humalik sa labi nito! Oh God Yumi anong iniisip mo? Bakit mo hinalikan ang strangherong gwapong iyan?--Sigaw ng kanyang utak ngunit hindi niya rin maintindihan ang matinding atraksyon sa pagitan nila Isang dampi lang sana ang igagawad niya sa lalake ngunit hinuli nitong muli ang kanyang labi. Hinabol ng labi nito ang labi niya. Napasinghap siya dahil mapusok siyang hinalikan ng binata. Agad naman niyang ipinikit ang kanyang mata dahil sa sarap ng halik nito Hindi siya marunong humalik ngunit hindi naman siya tanga. Ginaya lamang niya ang pag galaw ng labi nito sa kanyang labi. Ito ang unang beses na nakipaghalikan siya at hindi niya akalain na sa pang publikong lugar pa talaga iyon. Napakapit siya sa batok nito dahil nadadala na siya sa kapusukan ng halik nito Hindi pa nga sila nakakapag-usap man lang ng mahaba-haba ay heto nakikipaglaplapan na siya sa binata? Tanging pangalan palang nga ang napag-usapan nila kanina! "Ehem. Ma'am sir oorder po ba kayo o babalik nalang kayo sa room niyo?" Natigil lamang ang paghahalikan nila ng lalakeng gwapo dahil sa boses ng waiter. Hiyang hiya siya! Nababaliw na ba siya?? Bakit siya nakipaglaplapan sa lalakeng kaka-kilala palang niya? Bakit ang sarap?! Hindi tuloy siya makatingin kay Rence dahil namumula ang buong mukha niya sa hiya Marami pa namang tao sa loob ng restaurant at paniguradong nakita ng iba ang mapusok na paghahalikan nilang dalawa ni Rence

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook