Chapter 1

1898 Words
Chapter 1 Unti-unting kinapa ni Yumi ang kanyang gilid upang hanapin ang mainit na katawan na yumayakap sakanya tuwing gigising siya sa umaga. She love how Rence hugged and kissed her the moment she woke up. Nakasanayan na niya sa loob ng pitong araw na pananatili niya sa boracay ang mainit na yakap ng binata na nagbibigya init sa kanyang umaga. Yes. She made love with a stranger for the past seven days! Halos lumpuhin na nga siya nito sa tindi ng estamina nito sa pakikipagtalik. Kulang palagi ang tulog niya dahil sa loob ng pitong gabi ay palagi silang nagpupuyat ng binata upang pagsaluhan ang maiinit na sandali Ngunit tila malamig yata ang umaga niya ngayon? Nararamdaman niya kasing nanunuot ang lamig sa kanyang buto dulot ng malakas na temperatura ng aircondition ng hotel room na nirentahan pa ni Rence para lamang sakanilang dalawa. Triple ang karangyaan na makikita sa hotel room na ito kumpara sa hotel room dapat niya rito sa boracay. Hula nga niya ay isa itong milyonaryo dahil panay ang pag-gasta nito ng pera habang naroon sila. Nag-inat muna siya habang pupungas-pungas ng kanyang mga mata nang bumangon siya sa kama at naupo saglit upang sumandal sa headboard nito. Hindi pa kasi totaly gising ang diwa niya dahil inaantok pa siya Napakunot ang nuo niya ng makitang wala na ang binata sa kanyang tabi. Tanging puting unan nalang nito ang naroon at nag-iisa na lamang siya sa napakalaking kama. Marahil ay nasa banyo ito? Pinusod muna niya ang kanyang buhok sa isang messy bun bago siya nagtungo sa banyo upang puntahan si Rence doon. "Rence?" Nang buksan niya ang automatic glass door ng banyo, tinted ito sa labas ngunit kitang kita sa loob ang pagkakayare ng naturang pintuan. High tech kumbaga. Sanay naman siya sa mga high technology things sa Japan ngunit natutuwa parin siya dahil mayroon ng mga ganito sa Pilipinas. Mayayaman lang siguro talaga ang makaka-afford sa ganito karangyang hotel room. Pinangako pa nga sakanya ni Rence na kahit ilang araw daw silang manatili doon ay ito raw ang bahala sa lahat ng gastusin. Napangiti siya ng makita ang condom sa puting-carpeted na sahig ng banyo. Doon lang pala naitapon ni Rence ang condom na ginamit nila kagabi. Oh dear, naalala niya tuloy kung gaano nito napapatirik ang kanyang mga mata sa sarap nitong mang-romansa "Rence?" Nakangiti siya ng buksan niya ang pinto at ilaw sa loob ng shower room. Iba pa kasi ang pintuan ng shower room sa comfort room. Ngunit unti unting napalis ang kanyang ngiti nang makitang walang tao roon. Nasaan kaya ito? Ngayon lang ito nawala sa paningin niya simula ng magkasama sila rito sa boracay. Tila baliw na baliw sila sa isat-isa nitong mga nakaraang araw kaya naman hindi siya sanay na wala ito roon sa hotel room nila Bakit kaya hindi man lang ito nag-paalam sakanya kung may pupuntahan ito? Kinutuban siya ng masama ng makita niyang wala na sa drawers ng hotel ang mga damit ni Rence. Wala rin doon ang maliit nitong maletang kulay itim at tanging maleta niyang malalaki lamang ang naroon sa loob ng dressing room. Nagmadali tuloy siyang magbihis. Nagsipilyo lamang siya at hindi na siya naligo upang magtungo siya sa reception ng hotel. Malakas kasi ang kutob niya na umalis ito ng walang paalam sakanya. At halos pagbagsakan siya ng langit at lupa ng malaman niyang nag-early check out na nga ito! "W-Wala man lang ba siyang iniwan na cellphone number miss? Wala ba siyang binilin sayo--" "Sorry ma'am wala po talaga" Sagot ng receptionist sa ika-sampung tanong niya. Paulit-ulit lang ang tanong niya sa babae kung nag-iwan ba ng cellphone number si Rence "T-Tulog kasi ako nung umalis yung boyfriend ko. A-Are you really sure wala talaga siyang binilin sayo? Itanong mo naman miss sa ibang receptionist baka sila yung nakausap ni Rence--" "Ma'am ako po ang nakaduty ng mag-check out ang boyfriend niyo. Nagmamadali po siya at parang balisa noong umalis siya. Kaya po siguro nakalimutan niyang iwan ang cellphone number niya. Bakit naman ho kasi hindi niyo alam ang number ng boyfriend niyo?" Napalunok siya Oo nga naman! Sa loob ng pitong araw ay hindi man lang niya nagawang itanong ang cellphone number nito. Ni-hindi nga niya alam kung ano bang surname ni Rence! Langya! Tila nanghina tuloy ang kanyang tuhod sa sitwasyon niya ngayon. Na-s3x and run ba siya? Shit naman Yumi napakatanga mo! Pinagsawaan ka lang ng lalakeng yun sa loob ng pitong araw!--Pangaral niya sakanyang sarili ng makabalik na siya sa kanilang hotel room. Wala kasi siyang mapapala sa receptionist kundi ang mapanghusgang tingin ng mga ito Narinig pa nga niya na nagbulungan ang mga ito na biktima daw siya ng mga playboy na mayayaman na nais lamang magpakasasa sa katawan ng mga kababaehan Alas-dose daw ang check out at kailangan na rin niyang umalis doon. Kumirot ng husto ang puso niya. Ano bang nagawa niya kagabi para iwanan siya nito ng ganon ganon nalang? Masaya at magkayakap pa nga silang natulog kagabi or should she say 'natulog ng madaling araw' Naalala niya pa nga na umuungol ito habang nagtatalik sila kagabi dahil napakasarap daw niyang gumalaw sa ibabaw nito. Anong nangyare? Bakit bigla nalang ito naglaho na parang bula? Paano naman siya? Paano yung mga araw na pinagsaluhan nila? Ang akala pa naman niya ay pareho sila ng nararamdaman ni Rence. Akala niya in-love na inlove rin ito sakanya. Well, alam naman niyang hindi pa niya masasabing inlove na siya sa binata pero gustong gusto na niya ito. Pasasaan ba't mauuwi rin sana sila sa pagmamahalan kung hindi lang ito nawala na parang bula! Nangangarap na nga siya na ipapakilala niya ito sa kanyang pamilya bilang first ever boyfriend niya! Napasabunot siya sa sarili niyang buhok "Ahh napakatanga mo" Gigil niyang sabi sakanyang sarili bago niya hinayaan dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang luha Shit naman! Daig niya pa ang na-scam at nabudol sa nangyari sakanya. Nakuha nito ang pinaka-iniingatan niya. Nakuha nito ang pagkabirhen niya na iaalay lang sana niya sa lalakeng mamahalin niya habang buhay. Ngunit ngayon wasak na wasak na ang p********e niya! Hinayupak na lalakeng iyon adik pa yata sa s3x! Tatlong beses siyang ginagalaw nito sa gabi at tatlong beses rin sa buong maghapon. "Bwisit kang lalake ka." Pinagpapalo niya ang unan na ginamit ni Rence habang naiinis siya sa ginawa nitong pang-iiwan sakanya Ngunit natigilan siya sa pagsuntok at pagpalo sa unan nito ng maamoy niya ang unan nito. Naroon pa ang napaka-bangong fresh na perfume ng binata. Paborito niya ang perfume nitong iyon. Naiyak tuloy siya lalo at niyakap nalang ang unan na binugbog niya Hindi naman siya pinipilit ng lalake dahil siya nga mismo ang nagyayaya dito. Naiinis siya sakanyang sarili dahil hindi man lang niya natanong ang mga personal na bagay tungkol sa binata. Naging kampante siya na marami pa silang araw na pagsasaluhan ni Rence kaya panay happy at sweet moments lamang ang kanilang ginagawa sa tuwing magkasama sila Parang magnet kasi ang nguso nito. Palagi niya itong gustong halikan ng paulit ulit. Nawalan tuloy siya ng chance magtanong kung ano nga bang surname nito pati na rin ang cellphone number nito Naputol ang pag-iyak niya ng marinig niyang mag-vibrate ang kanyang cellphone sa ibabaw ng bedside table ng kama Pasinghot singhot pa siya ng sagutin niya iyon. Ang kaso naibaba na sa kabilang linya at dial tone nalang ang naabutan niya. Mama Susan niya ang tumatawag sakanya. Binundol ng kaba ang puso niya dahil tila pang-30 missed call na ito ng mama niya. Halos malowbat na rin ang kanyang cellphone Ano kayang problema? Kakatapos lang nila magusap noong isang araw at maayos naman ang mga ito. Kinamusta siya ng mama niya kung ayos lang daw ba siya sa kanyang bakasyon. Sinabi niyang nag-eenjoy siya kaya nag-extend pa siya ng ilang araw. Hindi naman ito nag-usisa pa at hinayaan siyang mag relax sa boracay Tinawagan niya agad ang numero ng mama niya habang isinasaksak niya ang charger ng kanyang cellphone. "Hello ma--" "Jusko kang bata ka! Ang tagal mong matawagan anak!" Lalong dinaga ang puso niya. Dahil sa tono ng pananalita ng kanyang mama susan ay para bang balisang balisa ito "A-Ano po bang nangyari ma--" "Ang ate Fiona mo tinakbo namin sa hospital kaninang madaling araw. Dinugo kasi siya! Pero huwag kana mag-alala okay na sila ng anak niya at sa awa ng diyos hindi naman napaano ang baby niya" Napahawak siya sa kanyang dibdib. Labis ang pag-aalalang naramdaman niya para sa kanyang ate Fiona. Alam niyang buntis ito kaya nga minamadali na nito ang pagpapakasal sa magiging asawa nito. Salamat naman sa diyos at walang nangyaring masama sa ate Fiona niya at sakanyang pamangkin "Oh God. Mabuti naman po ma! Uuwi na po ako ngayon ma. Baka mamayang gabi nariyan na po ako." "Osiya sige anak mag-iingat ka. Doon kana muna sa bahay natin tumuloy. Ako ng bahala magbantay rito kay Fiona. Narito na rin kasi mayamaya si Terence para palitan ako sa pagbantay sa ate mo." "Osige po ma" Alam niyang ang Terence na tinutukoy ng mama niya ay ang lalakeng nakatakdang maging asawa ng ate Fiona niya. Nakahinga naman siya ng maluwang sa isipin na walang masamang nangyari sa ate niya. "Si Yoshi nauna pa sayo sa bahay. Naroon na iyon si hapon noong isang araw pa. Kinukulit ako kung saan ka raw ba niya hahanapin. Naawa naman ako kaya roon ko na pinatuloy muna sa bahay natin. Tatlong araw kasi pabalik balik kaya naman sinabi kong doon kana niya sa bahay hintayin." Napasapo siya sa kanyang nuo. Sinundan siya ni Yoshi sa Pilipinas? Si Yoshi ang lalakeng hindi yata nakakaintindi sa salitang busted at ayoko sayo. Ito ang masugid at napakakulit niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo rin ngunit hindi niya lang talaga ito gusto at wala siyang nararamdaman na kilig sa tuwing kasama niya ito This is the worst day of her life. Ang malas niya naman ngayon araw na ito! Malungkot siyang nag-empake ng kanyang mga damit. Nalulungkot parin siya dahil tila nagising na siya sa napakagandang panaginip na nangyari sakanya dito sa boracay Seven days in heaven siguro ang title ng kanyang love life kung bibigyan niya iyon ng isang malupit na title "Ungoy ka Rence. Ipagdasal mong hindi magkrus landas natin kundi malilintikan ka sakin" May pait sa tono ng kanyang boses habang kinakausap ang king size bed ng hotel room nila Sa huling pagkakataon ay inalala niya ang mga sandaling kasama niya ang binata sa kwartong iyon. Panigurado buong buhay niyang hindi makakalimutan ang lalakeng pinag-alayan niya ng kanyang sarili. Mabigat ang kanyang dibdib habang sakay sakay siya ng eroplano papuntang manila. Inis na inis siya kay Rence dahil napamahal tuloy ang flight niya pauwi ng manila. On the spot kasi siyang bumili ng panibagong ticket sa cebu pacific website at napakamahal kapag ora-mismo ang pipiliin niyang flight Wala siyang choice dahil ayaw na rin niyang manatili pa sa boracay. Naroon kasi ang mga masasaya at maiinit na sandali nilang dalawa ni Rence. Ayaw na niyang maalala pa ang pagkakamali niya Ngunit kahit ganoon pa man, sa tingin niya ito ang pagkakamali na nanaisin niya parin ulit-ulitin gawin dahil napasaya siya nito sa loob ng pitong araw Ito marahil iyong tinatawag nilang 'Pagkakamali na hinding hindi mo pagsisisihan' "Gaga" Sita niya sa kanyang sarili dahil kung ano ano pang naiisip niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD