bc

I Love the Devil Hunter!

book_age18+
993
FOLLOW
2.2K
READ
sweet
mystery
sword-and-sorcery
magical world
secrets
superpower
supernatural
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Analine lives a normal life not until she discover her power and her misson.

Ilang beses na siyang naliligtas sa kamatayan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Noon tinuturing lamang siyang miracle girl ng mga tao sa bahay ampunan kung saan siya lumaki dahil saksi ang mga ito sa mga oras na muntik na siyang mamatay. When she turned 18, her life started to change. She met Fin, A handsome devil hunter that help her to accomplish her misson on earth.

But falling in love with the devil hunter might not be good for her mission. Her immortality will fade as she fall inlove deeper.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter 1 "Analine!" Isang malakas na sigaw ni Mother Lorna ang huling narinig ni Analine bago siya lumagapak sa lupa mula sa rooftop ng bahay ampunan. Aksidente kasi siyang naitulak ni Ginalyn. Ang pinakabully sa lahat ng mga bata sa bahay ampunan na iyon. Sanay na siya sa pambubully nito dahil siya ang paborito nitong asarin sa tuwing may pagkakataon ito. "Diyos ko po!" Halos mawalan ng hininga si Mother Lorna sa tindi ng takot nito dahil nakita nito kung paano siya itinulak ni Ginalyn. Sabay sabay naman naghiyawan ang mga bata dahil kitang kita rin ng mga ito ang kanyang pagkakalaglag mula sa rooftop. Tatlong palapag lamang ang bahay ampunan na iyon ngunit panigurado basag basag na buto kung sino man ang malaglag mula sa rooftop ng gusaling iyon. Dahil sa labis na takot pinanghinaan ng tuhod si Mother Lorna at halos hindi ito makalakad. Kahit pa nanginginig ang katawan nito dalli dali itong bumaba kung saan naroon siya. Lahat naman ng mga kabataan ay nagtakbuhan upang tignan siya. Napakasakit ng buong katawan niya. Hindi niya maigalaw ang kanyang likod. Unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mata at umusal ng munting dasal. Lord, mamamatay na po ba ako? Kung ito na po ang huling araw ko, Patawarin niyo po ako sa lahat ng kasalanan ko. Sa mura niyang edad maraming beses na siyang nailigtas sa kamatayan sa di malamang dahilan. Kaya naman marami ang nagtataka at naweweirduhan sakanya. Maraming mga bata ang tinutukso siya bilang alien dahil hindi raw siya namamatay. Marami siyang naiisip sa oras na iyon habang nakahandusay siya sa semento ngunit tila unti unting nawawala ang sakit ng kanyang likuran. Ba-Bakit parang hindi na masakit? "A-Analine anak!" Paos na boses ni Mother Lorna ang nagpadilat sakanya ng unti-unti "Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ni Mother Lorna bago ito lumuhod sa lupa at buhatin ang kanyang katawan. Ramdam na ramdam ni Analine ang panginginig ni Mother Lorna habang buhat buhat siya nito. Kitang kita niya ang pag-aalala nito sa kanya dahil umiiyak ito habang buhat buhat siya. She's 7 years old. Pitong taon na siyang inaalagaan nila Mother Lorna kasama ang iba pang madre na tagapangalaga sa bahay ampunan na iyon. Bawat taon umaasa siyang may pamilyang kukupkop sakanya balang araw ngunit dahil hindi siya malusog at patpatin siyang bata kaya naman walang umaampon sakanya. "M-Mother Lorna" Tawag niya sa pansin nito habang lakad takbo ito papunta sa clinic ng kanilang bahay ampunan. "Analine hold on! Parating na ang ambulansya--" "Ayos lang po ako" Nahihiyang sabi niya kay Mother Lorna. Mahina ang kanyang boses kaya naman hindi siya nito narinig. Napalunok siya. Hindi niya rin maunawaan kung bakit wala na siyang sakit na nararamdaman. Kahit sugat wala siyang natamo sa pagkakahulog niya sa rooftop. Napadako ang tingin niya sa mga batang nakapaligid sakanya. Kinilabutan siya ng mapatingin siya kay Ginalyn. Dahil matalim ang tingin nito sakanya. Agad siyang umiwas ng tingin. Pumikit nalang siya ng mariin. Baka magtaka nanaman silang lahat pag sinabi kong wala akong nararamdaman kahit anong sakit.. Napakagat labi nalang siya kahit ayaw niyang mag sinungaling sa tingin niya kailangan niyang mag kunwaring nasasaktan. Ano bang pakiramdam ng nalaglag sa rooftop? Dapat ba akong mangisay? Naku! Baka parang exorcist naman iyon! Dapat ba akong umiyak? Oo kaso paano ako iiyak hindi naman ako naiiyak. Kumalabog ng husto ang puso ni Analine ng marinig niya ang tunog ng ambulansya. Agad siyang hiniga ni Mother Lorna sa isang malambot na higaan. Pilit parin niyang pinipikit ang kanyang mga mata. Naramdaman nalang niyang nasa loob na siya ng sasakyan habang umaandar ito. Hawak hawak ni Mother Lorna ang kanyang kamay habang walang tigil itong nag darasal. Pagdating sa hospital pinagkaguluhan agad siya ng nga doctor. Napalunok siya ng ilang beses habang naririnig niya ang usapan ng mga ito. "Doc nahulog daw po yan mula 3rd floor" Inutos agad ng doctor lahat ng test na gagawin para sakanya. Napakadami niyang narinig na gagawing test sakanya. Naisip agad niyang gagastos nanaman ng malaki ang orphanage para lamang sakanya Hindi na kaya ng konsensya niyang magpangap na may masakit sa katawan niya kaya naman dumilat siya bigla nalang siyang naupo. Apat na doctor ang nakita niyang nagulat dahil sa biglaan niyang pag-upo. "Ay Doc!" Sigaw naman ng isang nurse sa sobrang gulat nito. "M-Mga doktor, A-Ayos lang po ako. W-Wala po akong nararamdamang sakit ng katawan" Nahihiyang sambit niya habang ang mga ito ay nakatulala lamang sakanya. "H-Hija, A-Are you really okay?" Hindi makapaniwalang tanong sakanya ng isang doctor. Tumango siya at nahihiyang yumuko. "B-But we will double check everything---" "Huwag na po. Sayang lang po ang pera nila Mother Lorna. Ayos lang po talaga ako. Kanina po masakit yung likod ko pero nawala na po yung sakit. K-Kung gusto niyo po sumayaw pa ako eh. Para lang maniwala kayo." Nagtinginan ang mga doctor. Lahat ng mga ito ay hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi. Tinawag ng doctor si Mother Lorna at dali dali itong pumasok sa loob ng emergency room. Nagulat pa ito ng makitang nakaupo siya. "A-Analine" Nanginginig ang tuhod nitong lumapit sakanya. "Anak a-ayos ka lang?" Nagtatakang tanong nito sakanya. Kinapa nito ang kanyang ulo kung mayroon siyang sugat o bukol ngunit wala itong makita o makapa. "O-Opo Mother Lorna. A-Ayos lang po ako. Wala na pong masakit sakin" "Sister, Sigurado po ba kayong nalaglag talaga to bata mula sa rooftop?" Tanong ng isang doctor kay mother Lorna. "B-Baka namalikmata lamang ako. P-Pasensya na kayo" Agad siyang kinarga ni Mother Lorna palabas ng emergency room. "M-Mother Lorna. P-Pasensya napo." "Huwag kang humingi ng pasensya anak. Milagro ito ng Diyos." Niyakap siya ng mahigpit ni Mother Lorna habang buhat buhat siya nito. Maliit siyang bata kaya naman kayang kaya siya nitong buhatin. Simula noon hindi na siya nakipag halubilo sa ibang mga bata. Inilayo na rin siya ni Mother Lorna sa ibang mga bata dahil palagi lamang siyang tinutukso ng mga ito. Hangang sa maging labing walong taong gulang siya. Walang magulang ang nag nais ampunin siya mula sa bahay ampunan. Ngayong labing walong taong gulang na siya kailangan na niyang harapin ang sarili niyang buhay sa labas ng bahay ampunan dahil hangang labing walong taon gulang lamang ang bahay na ampunang iyon Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Mother lorna sakanya habang bumubuhos ang kanyang luha. "Mag iingat ka sa bagong buhay na haharapin mo Analine, palagi mo akong dadalawin rito ha?" Magang maga na rin ang mata nito kakaiyak dahil tunay na anak ang turing nito sakanya. Masakit para ritong paalisin siya sa bahay ampunan ngunit iyon ang rules ng gobyerno. Sinusunod lamang nila iyon. "Opo Mother Lorna. Palagi ko parin po kayong dadalawin" Bago siya paalisin ni Mother Lorna may ini-abot ito sakanyang isang gintong libro. "A-Ano po ito?" "Saiyo yan Analine. Nang mapulot kita noon sa tapat ng bahay ampunan katabi mo iyang libro. Sa tingin ko iyan ang maging susi para mahanap mo ang tunay mong pagkatao. Itinago ko iyan dahil gusto kong ibigay saiyo kapag wasto na ang edad mo" Hindi niya maintindihan kung bakit nag taasan lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Nanlamig ang kanyang kamay ng mahawakan niya ang gintong libro na iyon. Binuklat niya ang libro agad naman iyong nagliwanag. Nasilaw siya kaya naman sinara niya agad iyon "Bakit Analine?" Nagtatakang tanong ni Mother Lorna. Tila hindi nito nakita ang nakakasilaw na ilaw mula sa librong hawak niya Napalunok siya ng paulit ulit. "W-Wala po mother." Itinago nalang niya sa loob ng kanyang malaking maleta ang librong iyon. Pag dating nalang niya sa kanyang bagong titirahan doon nalang niya iyon bubuksan. Inasikaso ni Mother Lorna ang lilipatan niyang bahay. Pinahiram siya nito ng pera upang makapag renta sa bahay na iyon pansamantala. Nangako naman siyang babayaran niya ito kapag nakahanap na siya ng trabaho. Bumuntong hininga ito at muli siyang niyakap ng mahigpit "Mag iingat ka anak ha. Huwag ka munang mag aasawa" Biro pa nito upang pangitiin siya "Opo Mother. Lorna"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.5K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook