CHAPTER 2

1403 Words
Chapter 2 "Ikaw ba yung Analine?" "Opo" Sagot niya sa tanong ng isang matabang babaeng sumalubong sa kanya pagdating niya sa bagong bahay na titirahan niya. Bit-bit niya ang kanyang isang malaking maleta habang nakatayo siya sa harap ng bahay na ito. Ito ay isang room for rent na bahay. Mayroon itong apat na palapag. Ito ang bahay na nahanap ni mother Lorna para sakanya. Tinignan siya nito mula ulo hangang paa. Marahil nawewirduhan ito sakanya dahil nakasuot siya ng mahabang palda na umaabot hangang sa talampakan niya. Nakasanayan na kasi niyang magsuot ng ganoon dahil mga madre ang nagpalaki sakanya. Pinagbabawalan silang mga babae ang magsuot ng short o pantalon. "Tuloy ka. Ito ang susi ng kwarto mo. Sa third floor ang kwarto mo sa bandang dulo." Tinangap niya ang susing ini-abot nito sakanya. "Salamat po" Magalang siyang nagpasalamat bago siya pumasok ng tuluyan. Maganda ang loob ng bahay at simple lamang. Maayos at mukhang malinis ang buong paligid. Nakasunod lamang sakanya yung babaeng mataba na pakiramdam niya kaunti lang ang tanda sakanya. "Nag-aaral ka ba?" Tanong nito habang umaakyat sila sa sementadong hagdanan. "Po?" "I mean. Studyante ka ba?" Umiling siya "Hindi po. M-Maghahanap po ako ng trabaho" "Anong trabaho? parang ang bata mo pa para magtrabaho" "Disi-otso na po ako bukas-Ayy palaka!" Muntik na siyang matapilok dahil naapakan niya ang laylayan ng kanyang palda. Mabuti nalang at nakahawak siya sa babaeng mataba. Napailing ito. "Walang palaka dito. Daga mayroon" Biro nito kaya napangiti siya Tinulungan siya nitong buhatin ng kanyang maleta. "Saang semenaryo ka ba galing? Bakit ang haba haba naman kasi ng palda mo?" Nginitian niya lang ito ng tipid bago sagutin ang tanong nito "Sa bahay ampunan po kasi ako lumaki. Nakasanayan ko na po mag suot ng ganito." Nang makarating sila sa kanyang kwarto isinuksok agad niya ang susi upang buksan ang pinto. "O pano kita kits nalang? Diyan lang ang kwarto ko sa ibaba. Ako nga pala si Celia. Ako ang landlady ng bahay na ito. Ate Celia nalang ang itawag mo sa akin." Ngumiti siya ng matamis bilang pasasalamat "Opo. Salamat po sa pagtulong sakin Ate Celia" "Welcome. Gusto mo ba ng trabaho?" Napalapad agad ang kanyang ngiti sa sinabi nito. "Opo! May alam po ba kayo na pwede kong pag trabahuhan?" Tila nag isip ito "Meron." "Sige po! Mag apply po ako--" "Hindi mo ba muna tatanungin kung anong trabaho?" Nahinto siya sa pagsasalita. "A-Ano po?" "Mapili ka ba sa trabaho?" Umiling agad siya "Naku hindi po! Lalo na ngayon kailangan kong makapag ipon ng pera para makabawi ako kay mother Lorna, siya po yung nag kupkop sakin sa bahay ampunan" "Car wash girl. May car wash diyan sa kanto naghahanap sila ng taga linis ng kotse." Tinignan nito ang kanyang katawan "Kayang kaya ko po iyon!" "Sa tingin ko naman papasa kang car wash girl. Baguhin mo lang iyang pananamit mo" Napatabinge ang kanyang ngiti "Bakit po? Bawal po ba doon ang ganitong kasuotan?" "Aba hija, saan ka naman nakakita naglilinis ng kotse na nakasuot ng napakahabang palda? Baka pag tawanan ka roon." Bahagya pa itong tumawa "G-Ganon po ba" "Kung gusto mong mag apply doon bukas ng umaga sasamahan kita. Magsuot ka lang ng medyo sexy para matangap ka agad" "B-Bakit po kailangan sexy?" Nagkibit balikat ito "Ewan ko rin nga eh. Lahat kasi ng car wash girl doon naka sexy shorts" Napakamot tuloy siya sa kanyang kilay. Alanganin ang trabahong inaalok nito ngunit pipili pa ba siya ng trabaho kung walang wala siyang pera? "S-Sige po mag susuot nalang po ako ng medyo maiksi kaysa sa suot ko ngayon" "Osige mauna na ako sayo. Bukas ng umaga sasamahan kita roon. Ilibre mo nalang ako sa unang sahod mo kahit lugaw lang" Ngumiti siya at muling nagpasalamat. "Salamat po Ate Celia" "Walang anuman. Kung may kailangan ka huwag kang mahiyang magtanong sakin sa ibaba lang ang kwarto ko. May sariling kubeta ka naman diyan sa kwarto mo." "Salamat po ulit" Nang maka-alis na si Celia doon palang siya tuluyan pumasok sa kanyang silid. Maganda at simple lang ang silid na iyon ngunit nakaramdam siya ng kalungkutan. Namiss niya agad ang kanyang kama sa bahay ampunan. Napatingin siya sa kanyang maleta habang hawak niya ito. Napakunot agad ang kanyang nuo dahil tila ba gumaan iyon. Para bang nawalan ito ng laman. Agad niyang inilapag sa ibabaw ng kama ang kanyang maleta. Nakakapag taka dahil kanina lamang halos hindi nila mabuhat ni Celia ang maletang iyon ngunit ngayon ay para nalang itong papel sa sobrang gaan nito. Agad niyang binuksan ang kanyang maleta. Napalunok siya ng makita niyang punong puno parin iyon ng kanyang mga damit at mga gamit Pinagpawisan siya ng malamig. Agad niyang sinarado ang kanyan maleta "D-Diyos ko. Ano ba itong nangyayari sakin. Minsan pakiramdam ko ako si darna" Biro niya sa kanyang sarili. Sinubukan niya uling buhatin ang kanyang maleta. Naging mabigat na ito muli. Nakahinga siya ng maluwag. "Nalipasan lang siguro ako ng gutom kaya kung ano ano ang nararamdaman ko" Binalewala nalang niya ang nangyari. Inayos agad niya ang kanyang mga damit sa aparador at inilagay niya ang kanyang maleta sa ilalim ng kanyang kama. Hindi parin mawala sa kanyang isip ang pagiging magaan bigla ng maleta niya. Kaya naman napagdesisyonan na niyang kumain. May sariling kusina ang kwarto niya kaya nakapagluto agad siya ng beef noodles soup. Pagkatapos niyang kumain nag ayos pa siya ng ibang gamit niya bago siya naligo. Habang siya ay naliligo hindi niya parin maiwasan isipin ang mga nangyayari sakanya. Noong isang araw lang kasi mayroon din siyang naramdamang kakaiba. Napanaginipan niya na magkakaroon ng sunog. sa bahay ampunan kaya napigilan niya iyon. Para bang nagkaroon siya ng pangitain. Ang nakakatakot pa doon nanaginip siyang gising! She's wide awake when that scene flashes on her mind. Sinabi agad niya kay Mother Lorna na may tumatagas na LPG gas sa kusina ng kanilang bahay ampunan kaya naman napigilan niya ang nag babadyang panganib. "Hay mababaliw na ata ako. Kung ano anong nangyayari sakin. Pero dapat sanay na ako diba? Dati pa man di ko na mapaliwanag mga nangyayari sakin" Kinakausap niya ang kanyang sarili habang siya ay nagsasabon ng kanyang katawan. Madalas niyang gawin ito dahil wala naman siyang naging kaibigan sa bahay ampunan noon. Naalala niya tuloy noong bata pa siya. Ilang beses na siyang muntik mamatay. Nakainom siya ng lason, Nasagasaan siya ng kotse at ang pinakamalala sa lahat nahulog siya mula sa rooftop ngunit wala kahit gasgas sa kanyang katawan. Maraming beses pa siyang muntik mamatay ngunit heto siya ngayon buhay na buhay. Ang pinagtataka niya rin tila ba hindi na siya nakakaramdam ng pagod para bang energetic siya lately. Mga tatlong araw na rin siyang hindi makatulog dahil siguro nalalapit na ang kanyang ika-labing walong kaarawan. Kinagabihan, mag aalas dose na hindi parin siya makatulog. Tila ba pinagpapawisan siya ng malamig na pawis. Butil butil ang pawis sa kanyang nuo. Naka-ilang baso na siya ng tubig upang pakalmahin ang kanyang sarili ngunit hindi niya iyon magawa mas lalong sumasama ang pakiramdam niya habang papalapit ang alas dose ng gabi. Bumangon siya sa kanyang kama at naglakad lakad sa loob ng kanyang kwarto. She look at the wall big watch. It's already 11:59 Isang minuto nalang at kaarawan na niya. Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Para bang gusto niyang sumigaw ng malakas. Sa di malamang dahilan napatingin siya sa bintana ng kanyang kwarto tila ba hinihypnotismo siya ng bilog na bilog na buwan Naglakad siya palapit sa kanyang nakabukas na bintana. Habang titig na titig siya napakagandang kabilugan ng buwan. Pagsapit ng alas dose ng gabi napapikit siya dahil tila ba umilaw ang buo niyang katawan. Nakaramdam siya ng takot at pangamba. "A-Anong nangyayari sakin?!" Takot na takot niyang pinagmamasdan ang kanyang mga braso dahil nagliliwanag iyon! Hangang sa masilaw na siya sa tindi ng liwanag na nagmumula sa kanyang katawan. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at doon siya sumigaw ng napakalakas! "Ahhhhh!! Tulong!" Sigaw niya Ngunit lalo siyang natakot dahil walang tunog na nagmumula sa kanyang boses! Napaatras siya dahil tila ba nag liwanag rin ang bilog na buwan at ang liwanag nito ay papunta sakanyang dereksyon! "Diyos ko!" Sigaw niya Tanging matinding liwanag nalang ang kanyang nakikita bago siya nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD