CHAPTER 3

1870 Words
CHAPTER 3 Unti-unting minulat ni Analine ang talukap ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ang gaan-gaan ng kanyang katawan na para bang hinehele siya sa hangin. She felt like flying. She felt a strong force entered her body for no particular reason last night. Ramdam niya ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang pisngi. Nang tuluyan na siyang magising agad siyang nataranta ng mapansin niya ang kanyang sarili na palutang lutang sa ibabaw ng kanyang kama! She's literally flying?! "D-Diyos ko po!" Sigaw niya bago siya bumagsak sa kanyang malambot na kama. Labis ang takot na kanyang naramdaman. Agad siyang nag sign of the cross. Pakiramdam niya sinasapian siya ng kung ano-anong espirito! Paano siya nakalipad ng ganoon? "A-Ano ba itong nangyayari sa akin?" Puno ng takot niyang pagkausap sa kanyang sarili Pilit niyang binubura sa kanyang isip ang nangyari sa kanya kagabi kung saan nagliwanag ang buo niyang katawan at sukluban siya ng liwanag ng buwan. Kahit nangangatog ang kanyang tuhod pinilit niyang makalakad papunta sa kanyang munting kusina. Kumuha agad siya ng tubig mula sa gripo, pinuno niya ng tubig ang basong hawak hawak niya at ininom agad niya iyon kahit pa nagkakanda-tapon tapon na iyon sa kanyang damit dahil sa panginginig ng kanyang kamay. "R-Relax. P-Panaginip lang iyon" Pagkumbinsi niya sa kanyang sarili pagkatapos niyang uminom ng tubig Napakabilis ng t***k ng kanyang puso. Napakapit siya sa gilid ng lababo at doon siya unti-unting napaiyak. Hindi niya kasi maunawaan ang mga nangyayaring kababalaghan sakanya. Napakurap siya ng mapansin niyang nag karoon ng mga letra ang kanyang kamay. Mabilis lamang nawala ang mga letrang iyon at halos hindi niya nabasa ang nakasulat kaya naman napakurap siya ng paulit ulit. "Oh God. Ano po ba itong nangyayari sakin?!" Takot na takot na siya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya mababaliw na siya sa sobrang pagkatakot. Kinuskos niya ng paulit ulit ang kanyang kamay upang masigurado niyang namamalikmata lamang siya. Napatalon ang kanyang puso ng makarinig siya ng isang malakas na pagkatok sa kanyang pintuan. Para siyang mababaliw sa takot na kanyang nararamdaman "Analine? Gising kana ba?" Boses iyon ni Celia. Tatlong beses muna siyang lumunok at hinagod niya ang kanyang buhok pataas sa kanyang nuo sa sobrang pagkabagabag na kanyang nararamdaman "O-Opo" Sagot niya na halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig "Analine?" Patuloy parin sa pagkatok si Celia. Kaya naman dahan dahan siyang lumapit sa pinto upang buksan iyon. Hindi parin nawawala ang pangangatog ng kanyang katawan "Analine-Oh gising kana pala. Teka bakit parang nakakita ka ng multo?" Agad nitong napansin ang kanyang itsura dahil balisang balisa siya. Pilit siyang ngumiti kahit nanginginig pa ang kanyang bibig "G-Ganito lang po talaga ako pag bagong gising" "Ganoon ba? Teka bakit ang gulo gulo ng kwarto mo?" Napasilip kasi ito sa loob ng kanyang silid Agad naman niyang tinignan ang loob ng kanyang silid at doon pa lang niya napansin na parang pinasabog ang mga gamit sa kanyang kwarto. Lahat ng kanyang damit at mga gamit ay nagkalat sa buong kwarto niya. "M-May may may hinahanap lang po ako hindi ko makita" Pagsisinungaling niya "Nako Analine. Hindi pwedeng babuy sa bahay na ito. Nakita mo naman malinis ang kwartong iyan kagabi. Panatilihin mo sanang malinis ang kwartong ito." Halata ang dissapointment sa mukha ni Celia. Nakaramdam tuloy siya ng hiya kaya napayuko siya "P-Pasensya na po Ate Celia. Lilinisin ko po ito" Bumuntong hininga ito "Nga pala kaya ako narito dahil akala ko gusto mong mag apply ng trabaho doon sa kanto? Eh kaso hindi ka pa nakakapag asikaso ng sarili mo" "M-Maliligo lang po ako ng mabilis ate Celia. Bigyan niyo lang po ako ng sampung minuto at susunod na agad ako" Bumuntong hininga itong muli "Osige. Hintayin nalang kita sa ibaba." "Salamat po ate Celia" Umalis na ito. Pailing iling pa ito dahil hindi nito nagustuhan ang napakagulo niyang kwarto Pagsarado niya ng pintuan agad siyang sumadal doon at parang kandilang natutunaw. Hindi man niya maintindihan kung ano ang nangyayari sakanya lakas loob nalang niya iyong binalewala. Naligo agad siya nagsipilyo at nag bihis ng damit. Kahit pa napakagulo ng kanyang kwarto at kalat kalat ang kanyang mga damit nakahanap parin siya ng maayos ayos na paldang itim at puting blusa. Sinamahan siya ni Celia sa car wash shop kung saan siya natangap bilang taga linis ng mga kotse. Madali naman siyang natangap dahil mabait ang matandang may ari ng car shop na iyon. Pinagtatakahan niya lang ang kasuotan ng mga babaeng naglilinis ng mga kotse. Ibat-Ibang raket ang ginagawa ng mga ito para magkaroon ng tip mula sa mga manyakis na driver. Marunong naman siyang maglinis ng kotse dahil pinapalinis sila noon ng mga kotse noong nasa bahay ampunan pa lamang siya. "Hi gurl bago ka dito?" Tanong sakanya ng isang babaeng naka bra-at shorts lamang. Napalunok siya dahil pakiramdam niya siya ang nahihiya para dito. Nag iwas nalang siya ng tingin. "O-Oo pinasok ako ni Ate celia" "Bakit ganyan suot mo? Dapat ganito para may tip ka" Nginitian nalang niya ito ng tipid. "Ako nga pala si Karla" "Analine" Pakilala niya sabay silang ngumiti sa isat isa "Maya maya may customer kana. Hintayin mo lang" Mukhang mabait naman ito at friendly marahil napansin nitong isang kotse palang ang nagpapalinis sakanya buong maghapon. Ayos lang iyon sakanya dahil fix naman ang sweldo niya. 500 pesos ang sweldo niya sa loob ng isang araw walong oras siyang magtatrabaho. Pwede na iyon para sakanya. Maya maya pa may isang kotseng paparating kaya napangiti siya. "Miss hubad ka mag tip ako sayo ikaw kasi ang pinakamaganda sainyong mga car wash girl." Nawala agad ang kanyang ngiti sa sinabi nito. "H-Ho?" Kunot nuo niyang tanong sa driver. Halatang nakainom ito base narin sa pamumungay ng mata nito "Sabi ko maghubad ka! Bilisan mo na!" Napaatras siya "Hindi ko po trabahong maghubad!" Napalakas ang kanyang boses. Halatang naasar ito sa inasal niya. Bumaba ito sa kotse nito "Aba maarte kang babae ka! Kung ayaw mong maghubad ako ang maghuhubad sayo!" Pagewang gewang itong lumakad palapit sakanya. Nanlaki ang kanyang mata ng hawakan nito ang kanyang balikat at ang isang kamay nito ay muntik ng hawakan ang malusog niyang hinaharap! Mabuti nalang at napigilan niya agad ito at tinulak ng napakalakas! "B-Bastos ka!" Nagsigawan naman lahat ng car wash girl dahil tumalsik ang driver na iyon sa kalsada! Napakalayo ng narating nito! Napakalakas ng pag tulak niya sa lalaki at hindi iyon kapanipaniwala! Nawalan agad ng malay ang driver dahil sa tindi ng pagkakatulak niya. Halos bali bali rin ang buto nito! Miski siya hindi makapaniwala kung paano niya iyon nagawa! Nanginginig ang kanyang tuhod sa labis na takot "A-Anong ginawa mo Analine?" Tanong ng matandang lalaking may ari ng car wash shop sakanya. Hindi ito makapaniwala kung gaano siya kalakas. Para bang natakot rin ito sakanya. Kitang kita kasi nito ang pag tulak niya sa driver. "T-Tinulak ko lang siya. H-Hindi ko rin po alam" Nagkagulo ang mga tao at pinalibutan ang driver. Samantalang siya ay natulala nalang sa isang tabi. Hindi niya maintindihan ang kanyang nagawa! Nanginginig parin ang kanyang mga kamay. Maya-maya pa nakarinig na siya ng tunog ng sasakyan ng ambulansya. "That's what he deserves" Napatingin siya sa kanyang gilid ng biglang may nagsalita doon. Isang gwapong lalake na nakaitim ang bigla nalang sumulpot sa kanyang tabi! Napa-atras tuloy siya dahil bigla nalang itong sumulpot at hindi niya alam kung saan ito nang galing! "S-Sino ka?" Tinignan lang siya nito ng isang seryosong tingin. Napansin niya napakagwapo ng mukha nito! Kakaiba rin ang kulay ng mga mata nito. Ngunit nanglaki ang kanyang mga mata ng makitang may kulay itim itong pakpak sa bandang likuran nito! Napakapit siya sa pader sa kanyang gilid. "Normal reaction of book keepers tss" Masungit at tinatamad nitong sabi sakanya. Nakasandal parin ito sa isang kotse. Habang seryosong nakatingin sakanya. Napalunok siya ng paulit ulit. Sino ba ito?! Bakit ito may pakpak na kulay itim! Alam niya sa kanyang sarili na hindi normal na tao ang kanyang kaharap. Dahil nagliliwanag ang likurang bahagi nito. Medyo nakakasilaw iyon. "Sino ka ba?!" Sigaw niya sa lalaki dahil lumapit ito sakanya ng kaunti kaya naman natakot siya "Analine s-sinong kausap mo?" Napatingin naman siya sa mga babaeng car wash girl. Nakatingin ang mga ito sakanya na para bang isa siyang baliw dahil nag sasalita siyang mag isa. Si Karla ang nagtanong sakanya kung sino ang kinakausap niya. "They can't see me." Sabi ng lalaki sakanya kaya naman dumoble pa ang takot na nararamdaman niya. Sa labis na takot agad siyang tumakbo palayo sa mga ito. Tumakbo siya papunta sa kanilang bahay! Agad niyang ni-lock ang pinto ng kanyang silid . Napaiyak siya sa labis ng takot. "Diyos ko po tulungan niyo po ako. Nababaliw na po ako" Hagulgol niya. Iyak siya ng iyak habang siyang nagdadasal. Naputol lamang ang kanyang pag iyak ng marinig niya muli ang tinig ng lalaking may itim na pakpak! "Are you done?" Agad siyang napalingon sa pinang galingan ng boses nito! Napasigaw siya dahil prente itong nakaupo sa kanyang kama habang nakatingin sakanya "Ahhhh!!!" Sigaw niya Ngunit agad nitong tinangal ang boses niya kaya kahit anong sigaw niya walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. "Calm down before i turn back your voice" Huminga siya ng malalim at pilit niyang pinakalma ang sarili. "Good" Anito bago nito binalik ang kanyang boses "S-Sino ka ba? B-Bakit may pakpak ka? Bakit ako lang nakakakita sayo?!" Sunod sunod ang tanong niya "Oh so this bothers you?" Agad nitong tinago sa loob ng katawan nito ang itim nitong pakpak Lalo naman siyang natakot sa nasaksihan "Diyos ko.." Dasal niya Demonyo ba itong kaharap niya? Bakit parang napakagwapong demonyo naman nito? Wala naman itong sungay! "I'm Fin. I'm a devil--" "Devil ka?! Diyos ko po!" Napabuntong hininga ito at halatang nauubusan na ng pasensya sakanya "I'm not a devil. I'm a devil hunter." "Devil parin yun!" "Tss! Pwede ba patapusin mo muna akong magsalita para maintindihan mo kung anong nangyayari sayo?" Masungit nitong pagalit sakanya kaya naman napatahimik siya "I'm not a devil okay? Sa gwapo kong to? Tss. I'm a devil hunter. Hunter. Means i hunt evil spirits. Ikaw lang nakakakita sakin because you're not a human being." Nanglaki ang kanyang mata sa sinabi nito "Anong pinagsasasabi mo diyan? A-Ako hindi tao?! A-Ano bang sinasabi mo diyan!" Bumuntong hininga ito at unti unti ng nawawalan ng pasensya sakanya "You're a book keeper!" "Hindi ako book keeper! Anong book sinasabi mo diyan?!" "The golden book!" Bigla niyang naalala ang golden book na binigay sakanya ni mother Lorna bago siya umalis ng bahay ampunan "I'm your devil hunter partner. We have a mission! I'll kill the evil spirits and you will lock them inside the book! We're partner. That's it! I don't want to explain anymore. Ikaw ang pinakamahirap kausap na book keeper. Maybe I'll just change my partner" Bigla nalang itong nawala na parang bula. Halatang nawalan na talaga ito ng pasensya sakanya. Nagpakurap kurap siya ng maraming beses bago siya nawalan ng malay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD