bc

My Fake Boyfriend

book_age18+
61.7K
FOLLOW
449.6K
READ
billionaire
possessive
sex
friends to lovers
arrogant
goodgirl
tomboy
CEO
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Miguel Hoffman is a man who is extremely successful with beautiful women. Because of his devilishly handsome face and his hot body he became a certified playboy. He professes his love to all girls and commits to no one. Oh Yes! Maybe he is the male version of a w***e or a slut.

Kaya naman perfect target ito ni Merie cris upang magpangap bilang boyfriend niya, Panigurado lahat ng tao maniniwala na sakanya na isa talaga siyang tunay na babae! Naiinis na kasi siya sa mga taong napagkakamalan siyang tomboy. "Babae po ako!"

Agad naman pumayag si Miguel na magpangap bilang fake boyfriend niya. Tinuruan pa siya nito kung paano maging babae. Ngunit unti unti din nahulog ang kanyang puso sa lalaking ito. Sasaluhin ba siya nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Merry Christmas Cris! And happy birthday too!" Masaya siyang niyakap ni Ricky ang kanyang bestfriend. "Thanks bro.. Mamaya pang 12nn ang birthday ko.." "Oo nga pala december 24 palang. Tara nandito na lahat ng barkada.." Napangiti nalang si Merie Cris dahil tuwing pasko nagkakaroon sila ng mini reunion ng mga kabarakada niya. Nandito sila ngayon sa Hoffman bar. Ang pinakasikat na bar sa buong Pilipinas. Dahil big time na ang mga ito pinili ng mga ito na mag celebrate sa Hoffman bar. Ipinanganak siya sa mismong araw ng pasko kaya naman pinangalanan siya ng kanyang mga magulang ng 'merie cris'. "Rick hindi ako pwedeng gabihin may salo salo pa kami sa bahay mamaya e.." "Kakarating mo lang nagpapa-alam kana agad?" Napakamot siya ng kanyang ulo. Panigurado mamagalit nanaman sakanya ang kanyang mga magulang. Nag iisang anak lang kasi siya. "Guys nandito na si Cris!" anunsyo ni Ricky sa lahat ng mga kaibigan nila "Pare! Dumating ka din. Madaming chix dito.." biro sakanya ni Jayson ang isa pang kaibigan niya Yeah She's one of the boys kind of girl. Panay lalake ang mga kaibigan niya. Mula pa noong bata siya panay lalake na ang mga nagiging kaibigan niya. Gusto kasi ng kanyang daddy lalake ang maging kaibigan niya Iniisip ng mga ito na isa siyang tomboy. Ngunit nag kakamali ang mga ito dahil isa siyang tunay na babae. Ayaw niya lang talaga mag suot ng mga pang babaeng damit Masaya at komportable siya sa maluluwang na T-shirt. Male size T-shirt ang palagi niyang suot suot at isang maluwang na pantalon. Palagi din siyang nakasuot ng cap. Nasanay na siya sa ganitong outfit dahil bata pa lang siya gusto ng kanyang daddy maging lalake siya. Imbis na bigyan siya nito ng barie binibigyan siya nito ng baril barilan. Kaya naman nakasanayan na niya sigurong maging boyish. "Sira-ulo.." Yun nalang ang kanyang sinabi Nakipag-high five sakanya ang mga lalakeng kaibigan niya. Si Ricky Jayson Peter at Ryan. Si Ricky ay isang nerd. Si Jayson ay isang matabang lalake. Si Peter naman ay isang sobrang payat na lalakeng punong puno ng tigyawat ang mukha. At si Ryan naman? kakambal ito ni Peter so nevermind. "Tara inom kana dito cris.." Aya sakanya ni Peter "Loko ka peter isang bulate nalang nga ang hindi pumipirma para mamatay ka inom ka pa din ng inom" biro niya. Dahil butot balat na ito. Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Sanay na ang mga ito sa pagiging bully niya. Napangiti siya dahil kahit ganito ang kanyang barkada may kanya kanya na itong mga nobya. Biruin niyo yun? Ang lalakas ng appeal ng mga tyongong kaibigan niya. Daig pa siya ng mga ito. Mabuti pa ang mga kaibigan niya nakahanap na ng forever. Samantalang siya kahit isa wala man lang nanliligaw sakanya. Mayroon nagkakagusto sakanya ngunit panay babae ang mga iyon. Yuck! "Minsan lang naman to dahil pasko ngayon eh" Napakamot tuloy sa ulo si Peter. Na-upo siya sa malambot na sofa. Sanay na ang mga ito sa kilos pang lalake niya. Bata palang sila magkakaibigan na silang lima. Alam ng mga ito na strikto ang kanyang daddy. Gusto ng daddy niya na damit pang lalake ang susuotin niya. Ito din ang nasusunod sa gupit ng kanyang buhok. Barbers ang gupit ng buhok niya mula pa nooong bata siya. Sa unang tingin mukha talaga siyang lalake Frustrated kasi ang kanyang daddy na magkaroon ng lalakeng anak. Ngunit disappointed ito dahil isa siyang babae kaya naman pinipilit nitong gawing lalake ang pagkatao niya. Kulang nalang ipag-criminology course siya nito noong college sila. Mabuti nalang hindi naman ito naki-alam ng course niya. Business management ang natapos nilang magkakaibigan. Tatlong taon na silang graduate at may magagandang trabaho na sila ngayon "Ang pogi naman ng kaibigan mo" bulong ng girlfriend ni Ryan. Napasimangot siya dahil narinig niya iyon "Babae po ako" Then she drink her Sta.carolina red wine. "Darling babae yan si Cris. Mukhang lalake lang talaga yan" "Ah Tomboy?" tanong naman ng girlfriend ni Jayson Paasim na ng paasim ang mukha niya dahil sa tanong ng mga ito Nagtawanan naman ang kanyang mga baliw na kaibigan "Bro napagkamalan ka nanaman nilang tomboy.." pang aasar sakanya ni ricky "Siraulo. Halikan kita diyan eh" biro niya Namula agad ang pisngi nito "Yuck kadiri maging tomboy nalang pala ako kesa halikan kita." Nagtawanan ang mga ito at sobrang pula ng mukha ni ricky "Gago" Napa-iling nalang siya "Girls hindi ako tomboy. Babae ako" Deklara niya sa mga girlfriend ng kanyang mga kaibigan. Ngunit parang ayaw maniwala ng mga ito Napabuntong hininga nalang siya Ako tomboy? Mas malaki pa nga dibdib ko sainyo. Haller! "Cris merry Christmas and happy birthday pare. Eto ang regalo namin para sayo.." Napangiti siya dahil tuwing birthday niya may regalo ang mga ito sakanya. "Salamat mga panget nag-abala pa kayo" Kinuha niya ang isang maliit na box na regalo ng mga ito at binuksan niya iyon. Napatili siya dahil isang fake ipis ang laman ng box na iyon "Waaahhhhhhhh!! Put*ena niyo!!" Napatayo pa siya sa sofa dahil sa sobrang takot niya "wahahaha mukha kang bakla tumili pare!" "Mga siraulo kayo gago!" Pakiramdam niya nag sitayuan lahat ng balahibo sa kanyang katawan ng makita niya ang pekeng ipis na iyon. Tawanan ng tawanan ang mga ito. Alam ng mga kaibigan niya na kahinaan niya ang ipis. Takot na takot siya sa ipis mula pa ng bata siya. Napatingin tuloy sakanya ang mga tao sa loob ng bar. "Pare nakakahiya ang lakas ng tili mo" Ani ryan "Mga siraulo talaga kayo eh" Natawa na din siya dahil sa munting surpresa ng mga ito. "Babae nga siya. Dahil takot siya sa ipis." commento ng girlfriend ni ryan Napapa-iling nalang siya "Pare heto talaga ang regalo namin sayo.." "Ano?" tanong niya "Sagot ito sa lahat ng problema mo." Napakunot ang nuo niya ng iniabot ng mga ito sakanya ang isang paper bag. Napangiti siya ng makitang isang pulang lacey lingerie dress iyon. "Mga siraulo talaga kayo. Anong gagawin ko dito?" "Diba sabi mo gusto mong matangap ng tatay mo na babae ka? Gamitin mo yan pag may nobyo kana. Mag honey moon agad kayo" Napa-iling nalang siya "Sige itatago ko nalang to.. Salamat mga tyongo.." "Guys! I have an idea!" Napatingin silang lahat kay Ricky "Ano?" maangas niyang tanong dito habang binabalatan niya ang kanyang bubble gum. "Bakit hindi ka nalang mag hanap ng pekeng nobyo? Magpapangap bilang pekeng boyfriend mo sa harap ng pamilya mo. Para magising na sa katotohanan ang daddy mo na isa kang tunay na babae" Napa-isip siya sa idea ni Ricky. Mukhang may punto ito "Sino naman gagawin kong fake boyfriend?" tanong niya "Ako? Si jayson? Si Peter? Si Ryan?" sagot ni ricky "Sira-ulo wag nalang!" Nagtawanan ang mga ito "Hindi maniniwala si daddy kung kayo kayo lang ang mag papangap bilang pekeng nobyo ko. Jusko mga itsura niyo pa naman. Tsk Kailangan siguro sobrang gwapong lalake at yung yummy.." Nagtawanan ang mga ito. Parang huminto naman ang kanyang mundo ng mapalingon siya sa lalakeng naka-upo sa bandang dulo ng bar. Pakiramdam niya nakakita siya ng isang artista dahil sa kagwapuhan nito Napalunok siya dahil ngayon palang siya nakakita ng ganito kagwapong lalake sa buong buhay niya. Hinila niya agad ang leeg ni Jayson. Ngunit wala nga pala itong leeg dahil sa katabaan nito kaya inakbayan nalang niya ito. "Jayson nakikita mo ba ang nakikita ko?" Hindi siya kumukurap habang nakatingin sa lalakeng nakaupo sa dulo ng Bar. Tinignan ni Jayson ang kanyang tinititigan "Anong nakikita mo?" "Yung lalakeng nakaupo sa dulo.. " "Ah si Miguel yan.." "Ang gwapo pare! s**t Kilala mo yan?" "Ah eh hindi eh." Napakamot ito sa ulo nabatukan niya kasi ito. "Kung maka-Miguel ka akala ko naman kakilala mo! Leegan kita kahit wala kang leeg eh." "Si Miguel Hoffman yan. Lahat ng tao nakakakilala diyan. Ikaw lang ata ang hindi" Napakunot ang nuo niya "Hoffman? Ibig sabihin siya ang may ari ng bar na to?" "Oo. Bakit ba?" "Ang gwapo taena parang artista" Nakatitig padin siya kay Miguel "Wag mong sabihin siya ang gusto mong magpangap bilang boyfriend mo?" Napangiti siya ng malawak "Perfect target.." Ginulo niya ang buhok ni Jayson dahil binigyan siya nito ng isang idea "Gaga hindi papayag yan. Sobrang gwapo naman ng tipo mong lalake pare.." "Watch me.." Tumayo siya at tinunga niya ang Vodka na nasa isang baso na punong puno ng yelo "San ka pupunta?" tanong sakanya nila ricky "Sa future jowa ko.." Todo ngiti siya bago siya lumakad palapit kay Miguel Hoffman. Habang papalapit siya dito parang nawawala ang tapang niya dahil palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso. Mas lalo itong nagiging gwapo sa malapitan. Pakiramdam niya umurong ang kanyang dila. Gosh may ganito pala kagwapo sa earth? Bakit hindi ako nainform agad? Ngumiti agad siya ng mapatingin ito sakanya. She tried her best to look cute? Shit di ako marunong magpacute! Napakunot agad ang nuo nito ng lapitan niya ito "H..Hi?" She still tried her best to look cute and pretty. Kahit nakakapanghina ang kagwapuhan nito. Lalo naman napasimangot ito habang nakatingin sakanya "Sorry pare hindi ako pumapatol sa bakla" tumayo ito at lumayo sakanya Napa-nganga siya sa sinabi nito. Nagtawanan naman ang mga kabarkada niya sa di kalayuan. Taena nagmukha ba akong bakla? Wala siyang magawa kundi panuorin nalang itong lumakad palayo sakanya. to be continue... (SA LGBT kong mga readers. Mahal ko po kayo. Wala po akong problema sa mga tomboy at bakla. Sana walang sumama ang loob sa storya na ito. Maraming salamat po guys!)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

The Young Master's Maid

read
748.9K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.0K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

Billionaire's Twins

read
263.3K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook