Chapter 2

1039 Words
"Daddy Merry Christmas!" Niyakap niya ang kanyang daddy, Napangiti agad ito at niyakap din siya "Son.. Merry Christmas! And happy birthday !" masayang bati nito sakanya. Nandito sa kanilang bahay ngayon ang kanyang mga pinsan at ang buong pamilya nila. Nakasanayan na ng kanilang pamilya ang magsalo salo tuwing disperas ng pasko. Buong buhay niya tingin sakanya ng kanyang daddy ay isa siyang lalake. Pinagbibigyan nalang niya ito dahil ayaw niyang masaktan ito. Ngunit ngayon lang siya nito tinawag na 'SON' Natahimik ang mga pinsan niya ng tawagin siyang 'Son' ng kanyang daddy. Marahil nabigla din ang mga ito katulad niya, "A..Anak merry Christmas.." Niyakap siya ng kanyang mommy at bumulong ito sakanya "Anak pasensya kana sa daddy mo.." Malungkot itong ngumiti sakanya. "A..Ayos lang mommy" Pekeng ngiti ang kanyang binigay dito. "M..Merry Christmas guys!" pinasigla niya ang kanyang boses upang bumalik ang saya sa loob ng kanilang bahay Sabay sabay kumanta ang kanyang mga pinsan ng happy birthday song habang ang isa niyang pinsan ay may hawak ng napakalaking cake "Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday.. Happy birthday.. Happy birthday to you..." Napangiti siya dahil masaya siya . Masaya siya tuwing nagkakasama sama sila tuwing pasko. "Salamat guys.." "Blow the candle son!" inakbayan siya ng kanyang daddy Unti unti nawala ang kanyang ngiti. Natahimik muli ang kanyang mga pinsan "Lizardo babae ang anak natin.." bulong ng mommy niya sa kanyang daddy dahil napapahiya siya sa kanyang mga pinsan "He is a man. Hindi mo ba nakikita? Hindi babae ang anak natin.." Todo ngiti pa ang kanyang daddy Napalunok nalang siya. "Son make a wish now.." Huminga siya ng malalim.. Tahimik padin ang kanyang mga pinsan. Sana magkaroon ako ng pagkakataon maging babae . Sana magising na sa katotohanan si daddy na isang babae ang kanyang anak.. She make a wish before she blow her cakes candles. Nagpalakpakan lahat ng kanyang mga pinsan. "Let's eat!" Pinasigla niya ang kanyang boses upang bumalik ang sigla sa kanilang bahay. Ayaw niyang sirain ang kanilang gabi.. Masayang nagsalosalo ang buong pamilya niya sa hapag kainan. Madaming hinanda ang kanyang mommy mga putahe upang pagsaluhan nila "Mommy akyat na po ako.." Paalam niya sa kanyang mommy "A..Anak pasensya kana sa daddy mo--" "Ayos lang po mommy, Mukha naman talaga akong lalake eh? Kanina nga po napagkamalan akong bakla.." Niyakap siya ng kanyang mommy "K..Kung may magagawa lang ako anak.. Patawarin mo ako" "Son! Come here!" Naputol ang pagyayakapan nila ng kanyang mommy dahil sumigaw ang kanyang daddy. May katabi itong magandang babae. Matangkad ang babae at balingkinitan ang katawan nito Napalunok siya "M..Mommy ano po ito.." "H..Hindi ko alam anak.." Lahat din ng kanyang mga pinsan napatingin sa kanyang daddy. "Son halika dito.." Tawag uli sakanya ng kanyang daddy Huminga siya ng malalim "D..Daddy bakit po?" Lumapit siya sa kanyang daddy. May kutob na siya kung bakit siya nito tinatawag "I want you to meet Erica. She will be your girlfriend Son--" "PO?!" "Lizardo ano bang kalokohan yan?!" Sigaw naman ng kanyang mommy Kung pwede lang ilabas ang eyeballs niya baka nahulog na iyon sa sobrang laki ng kanyang mata ngayon "Tumahimik ka nga diyan honey! 23 years old na si Cris ngayon kaya maaari na siyang mag girlfriend--" "Daddy! H..Hindi po ako lalake!" hindi niya mapigilan sumigaw. Kahit nirerespeto niya ang kanyang daddy sumosobra na ito! Napakunot ang nuo nito "Lalake ka! At magiging girlfriend mo si Erica sa ayaw at sa gusto mo---" Sigaw uli nito "M..May boyfriend nako dad!" Sigaw niya din Natahimik ito. Nanlaki naman ang mata ng kanyang mga pinsan. "A..Anong sinabi mo?" Halos hindi makapaniwala ang kanyang daddy "M..May boyfriend nako dad--" Sinampal siya ng kanyang daddy "Lizardo!" niyakap agad siya ng kanyang mommy Doon na tumulo ang kanyang luha. Buong buhay niya sinusunod niya ang gusto nito. Ngunit sobra na ito! "D..Dad buong buhay ko sinusunod ko kayo! Gusto niyo akong maging lalake pinagbibigyan ko kayo. Pero ang pumatol sa kapwa ko babae hindi ko magagawa yon dad!" Napahagulgol na siya Napaiyak na din ang kanyang mommy "Fine. Ipakilala mo samin ang nobyo mo bukas na bukas din! kung totoo ang sinasabi mo at kung wala kang nobyo pakakasalan mo si erica! Maliwanag ba Cris?!" Matapang niyang tinitigan ang kanyang daddy "Sinisigurado ko po sainyo na ipapakilala ko siya sainyo bukas!" "Anong pangalan niya?" Galit na tanong ng daddy niya Shit.. Napalunok siya "Ano hindi ka makasagot Cris? Dahil wala ka naman talagang nobyo---" "Miguel Hoffman!" Naputol ang pagsasalita ng kanyang ama "Miguel Hoffman? Isang Hoffman ang nobyo mo? Nagpapatawa ka ba anak? Mangangarap ka nalang ng magiging nobyo mo yung hindi pa kapanipaniwala--" "S..Si Miguel Hoffman po talaga ang boyfriend ko" Gulat na gulat ang mga pinsan niya sa kanyang rebelasyon "Really?" Pauyam na ngumiti ang kanyang Daddy "O..Opo daddy.. P..Pero bigyan niyo po ako ng isang linggo dahil nasa america pa po si Miguel ngayon--" "Sige sa isang linggo gusto kong makilala ang nobyo mo.." Tumalikod na ang kanyang daddy. Halatang disapointed ito. Umakyat na Napaiyak nalang siya. Dinamayan siya ng kanyang mga pinsan "Cris okay lang yan.. Matatangap din ni tito na isang babae ka.." niyakap siya ng kanyang mga pinsan Pinunasan niya ang kanyang luha "Pasensya na kayo nasira pa tuloy ang pasko niyo.. M..Mag exchange gift na tayo" Masaya nag exchange gift ang kanyang mga pinsan. Nasa isang sulok lang siya habang nag iisip siya kung paano niya makakausap si Miguel. Mukhang napakasungit pa naman nito. "Anak boyfriend mo ba talaga si Miguel Hoffman?" tanong ng kanyang mommy Napabuntong hininga siya "Opo mommy.." "Gusto ko siyang makilala din anak.. Alam kong balang araw may lalake din makakakita ng tunay mong ganda anak kahit ganyan ang suot mo" Napakamot siya sa kanyang ulo. Jusko tingin nga po sakin ni Miguel bakla ako eh.. Paano ko kaya siya mapipilit magpangap bilang nobyo ko? Wait Wait Wait baka nandoon pa si Miguel sa bar? "Mommy aalis po ako-" Mabilis niyang kinuha ang kanyang back pack "Saan ka pupunta? Alas dos na ng madaling araw anak.." "May nakalimutan lang po ako sa bar. Babalik din po ako agad!" Napabuntong hininga nalang ang kanyang mommy dahil mabilis na siyang tumakbo at sumakay sa kanyang motorsiklo "Ingat ka anak!" sigaw ng mommy niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD