bc

Rented Girlfriend

book_age18+
13.6K
FOLLOW
123.2K
READ
HE
blue collar
sweet
city
like
intro-logo
Blurb

Rented Girlfriend ❤️❤️❤️ Jacob Riel Hoffman is already successful in the field of business. He is contented in his life. Being a multi-billionaire businessman in his early thirty is such an outstanding achievement. Ngunit kahit abot-kamay na niya ang tagumpay ay parang may kulang parin sa buhay niya, he still hasn't gotten into a relationship. Not even once! Single parin siya hangang ngayon at hindi pa siya nagkakaroon ng nobya sa buong buhay niya. Ofcourse it is not because of his looks, Oh God!He is beyond perfect! Kung pagiging gwapo lang ang pag-uusapan ay nag-uumapaw pa nga ang kagwapuhan niya. Maraming babae ang nais na mapansin niya. Ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi niya napag-bigyan. Paano niya pagbibigyan ang ibang babae kung may isang babae siyang hinihintay? He's in love with his childhood friend Bianca. But Bianca is already in a relationship with somebody since they were highschool. Hindi na ito binitawan ng nobyo nito. Walang ibang magawa si Jacob kundi hintayin nalang na maging single ang dalaga. Wala talaga siyang balak magmahal ng iba. But his friends and cousins can't accept that he still hasn't had a girlfriend! And worst Iniisip pa ng mga ito na bakla siya. Heck no! Impossibleng bakla siya dahil wala sa lahi nila ang pagiging bakla. He just couldn't explain to them that he was waiting for a special woman in his life. Then, One night they beat him in a racing game. As a punishment he needs to date a rented girlfriend for one month! Her name is Jaira Madrigal. Pumayag siya upang tigilan na siya ng mga pinsan niya. And he also wanted to try something new in his life. It seems like he wants to have a hot and spicy life. He did not expect that little by little he will eventually fall inlove with his sweet rented girlfriend Jaira. Paano na yan? She can only be his rented girlfriend for a month! Bakit tila nabitin siya sa loob ng isang buwan? Possible nga kayang nahulog na ang loob niya sa dalaga at tuluyan na niyang nakalimutan ang nararamdaman niya para kay Bianca?

chap-preview
Free preview
Rented Girlfriend
Chapter 1 "Girlfriend for rent? Seryoso?" "Oo nga! Ayan oh? Basahin mo mabuti. Hiring sila. Girlfriend for rent company. Bagong company yan dito sa Pilipinas, ginaya nila yung sa Japan! Alam mo naman tayong mga pinoy madalas gaya-gaya sa uso.." Napapailing si Jaira sa kanyang binabasang artikulo tungkol sa isang kumpanya na naghahanap ng magagandang babaeng nais magkaroon ng trabaho bilang rented girlfriend. She is Jaira Madrigal. 26 years old. Sa edad niyang bente sais, nabibigla parin siya sa kakaibang takbo ng mundo ngayon. "Narerentahan na pala ngayon ang karelasyon?" "Mag-apply ka na diyan. Ang dami mo pang tanong girl. Diba nga naghahanap ka ng trabahong may malaking sahod?" Naiinis na tanong ni Mayla sakanya. She is her makulit na room mate. Naging kaibigan niya ito simula ng mapadpad siya sa metro manila. Paano nga ba siya napadpad sa manila? Anim na buwan na ang nakakaraan simula ng magkagulo-gulo ang takbo ng buhay ni Jaira dahil sa kanyang katangahan. Kaya heto siya ngayon naninirahan sa isang maliit, masikip at pipitsugin na boarding house. Dalawang kama lamang ang laman ng kwarto na iyon na pinagsasaluhan nilang dalawa ni Mayla She was scammed. Nascam siya ng isang kapwa niya pinay. Ang buong akala niya ay makakapag-abroad siya. She's planning to work in America. Nakapagtapos naman kasi siya ng pag-aaral kaya't ayaw niyang sayangin ang oportunidad makapagtrabaho sa ibang bansa. Nagbayad sila ng malaking halaga ng pera para sa kanyang US Working Visa. Sinanla pa ng kanyang mga magulang ang maliit na lupain nila sa kanilang probinsya para lamang makapag-abroad siya. Ngunit halos pagbagsakan siya ng langit at lupa nang malaman niyang scamer pala ang babaeng pinagkatiwalaan niya. She doesn't have the courage to tell her parents what happened to her. Kaya napag-desisyonan niyang manatili sa Maynila hangat hindi siya nakakaipon ng pera upang ipang-tubos sa kanilang lupain ay hinding hindi siya uuwi ng kanilang probinsya. Isinikreto niya sa kanyang magulang ang nangyari sakanya. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa katangahan niya. Napakadali niya naman kasing naniwala sa babaeng scamer na iyon?! Halos kalahating milyong piso ang nascam nito sakanilang pamilya. Kapalit ng pangako nitong makakapag-trabaho siya sa Amerika bilang isang fast food manager. Kasinungalingan lang pala ang lahat. Nang dumating siya sa manila ay inaasahan na niyang ibibigay nito sakanya ang kanyang working visa. Ngunit hindi ito sumipot sa kanilang usapan. Hindi na rin niya nakontak ang babaeng manloloko na iyon. Hindi na ito muling nagpakita sakanya. Inireport na niya sa mga pulis ang panlolokong ginawa sakanya ng babaeng scamer na iyon ngunit wala rin nagawa ang mga pulis kundi i-sulat lang sa report notebook ng mga ito ang reklamo niya. Kaya heto siya ngayon, todo kayod upang makapag-ipon ng kalahating milyong piso. She wanted to give back her parents money. Hindi niya masabi sa magulang niya ang nangyari sakaniya dahil paniguradong manlulumo ang mga ito "Friend? Natulala ka na diyan?" Napapitlag siya. Muli nanaman pala niya naalala ang babaeng scamer na iyon. Humihinga pa kaya ito? Nakakatulog kaya sa gabi ang babaeng scamer na iyon? Napabuntong hininga siya "Eh kasi naman marangal na trabaho ang hinahanap ko hindi pagiging rented girlfriend. May dignidad at puri pa naman akong iniingatan no. Mahirap lang ako pero may dangal" Tumawa ng malakas si Mayla bago siya sinabunutan ng mahina sa kanya buhok "Gaga! Ang lalim naman agad ng speech mo diyan? Hindi naman G.R.O ang magiging trabaho mo oy, rented girlfriend lang. Basahin mo kasing mabuti no?" Napasimangot siya "Hindi ako interesado sa mga ganyang trabaho. Tignan mo nga ang qualifications oh? Must be Pretty, Sexy, Twenty years old to twenty eight years old, Have fair skin, Have an hourglass figure, Have a white perfect set of teeth and beautiful smile, Have a thick and healthy hair, Have a well kept nails, hands and feet, Having a big breast is an advantage--Grabe diba? anong klaseng babae ba hinahanap nila? Diyosa?" Lalo naman natawa si Mayla nang basahin niya ng malakas ang qualifications nang rented girlfriend mula sa cellphone nitong ipinahiram lamang sakanya. "Nasayo naman lahat ng qualifications Jaira eh? Maganda ka, Sexy ka, maganda mga ngipin mo mapuputi at halos pantay pantay, Maganda rin ang buhok mo, palagi rin naman malinis ang mga kuko mo sa paa at kamay mo, At higit sa lahat mayroon kang malaking hinaharap! Aba ikaw na talaga ang hinahanap ng kumpanya na yan gurl!" Napangiwi si Jaira dahil inisa-isa ni Mayla ang mga good qualities niya na nakikita nito sakanya. Umiling siya. Ibinalik na niya ang cellphone nito. Wala talaga siyang balak pasukin ang trabaho na iyon. Wala siyang bilib sa ganda niya kaya impossibleng matangap siya sa kumpanya na iyon. "Hay nako, ayokong sayangin ang oras ko diyan no. For sure hindi naman ako tatangapin diyan. At ayoko ng ganyang klaseng trabaho--" "Kahit tumataginting na one hundred fifty thousand a month a sahod? Bukod pa sa ibang benefits?" Tatayo na sana siya sa kanyang kinauupuan nang matigilan siya sa sinabi ni Mayla "A-ano? One hundred fifty thousand pesos per month?" Wala sa sarili niyang tanong Gumalaw galaw naman ang dalawang kilang ng kanyang kaibigan "Oo Jaira, Tumataginting na one hundred fifty thousand pesos! Ikaw nga agad ang naisip ko nung nabasa ko yan eh. Alam kong kailangan mo ng pera para matubos ang lupa ng parents mo diba? Hindi magkakasya ang sweldo mo sa fast food at sweldo mo sa grab kung iyon lang aasahan mo" Nagtatrabaho kasi siya sa isang sikat na fast food bilang manager. Ngunit napakaliit ng sahod niya kaya rumaraket pa siya bilang grab driver. Gamit niya ang kotse ng kanyang tatay. Bigay lang iyon sa kanyang magulang nang mga amo nito Matagal kasi nanilbihan bilang driver ang tatay niya at kusinera naman ang nanay niya sa isang mayamang pamilya. Kay Mrs. Alime Hoffman at Mr.Gabriel Hoffman. Pinagsilbihan ng mga magulang niya ang mga itosa loob ng sampung taon bago nagretiro ang mga ito. Bilang pasasalamat ng mag-asawang Hoffman ay niregaluhan ng mga ito ang magulang niya ng isang sakahan sa probinsya na mayroon sariling bahay at lupa. Isang kotse rin ang niregalo ng mag-asawa sa magulang niya. Malaki ang utang na loob ni Jaira sa mag-asawang Hoffman na iyon dahil ito rin ang tumulong upang makapagtapos sila ng pag-aaral ng bunso niyang kapatid. Kaka-graduate lang ng kapatid niya. Dalawa lamang silang magkapatid ni Dana. Anim na taon ang agwat ng kanilang edad. Siya ang panganay at ito naman ang bunso. Sa ngayon ito muna ang kasama ng kaniyang magulang sa kanilang probinsya. Iniisip ng mga ito na nasa America siya. Walang kamalay malay ang mga ito na naroon lamang siya sa maynila. "A-Ang laki naman ng sahod? Baka naman kapalit niyan ang puri at dangal ko bilang isang babae?" "Diyan ka nagkakamali friend! Very safe ang kumpanya na yan. Kaya nga naging legal dito sa pinas dahil safe iyan at walang babaeng mapapahamak. Heto oh basahin mo" Ipinabasa sakanya ni Mayla ang code of conduct ng kumpanya Nakasulat doon ang - Code of conduct (The service maintains a strict code of conduct to ensure a safe, respectful, and enjoyable experience for all parties involved. Physical interactions are limited to holding hands and folding arms, and any activity beyond this is prohibited. Taking pictures or videos with the rent-a-girlfriend is prohibited. While you’re allowed to drink and smoke, refrain from offering drinks to the rental girlfriend if they are not willing to drink. The service does not allow exchanging of private email addresses, phone numbers, or SNS contact information other than the confirmation email from the cast member.) "Oh diba? Hangang holding hands lang no!" "Pero may nakasulat dito, additional payment for kiss?--" "If the rented girlfriend agrees" Patuloy na pagbabasa pa ni Mayla Napabuntong hininga siya Hindi na masama? Malaki ang sahod at mukhang safe naman? "Sasamahan mo lang yung mga lalakeng bored a buhay. Four hours a day to six hours lang ito oh? Kung kasing ganda mo lang ako, Ako na mismo ang mag-aapply diyan eh." "N-Nakakatakot naman kasi yang trabaho na iyan. Paano kung matanda yung mag-rent sakin?" "Eh paano kung gwapo?" Nakataas na kilay na tanong ni Mayla sakanya. "Sa tingin mo ba may gwapong magbabayad pa para magkaroon ng girfriend? Ofcourse wala no. Kayang kaya na ng mga gwapong lalake ang magkaroon ng girlfriend kahit kabilaan pa" "Sabagay. Hayaan mo na. Pagbigyan mo na ang mga pangit na lalake na magkaroon ng girlfriend na kasing ganda mo. Atleast mapapabilis ang pag-iipon mo!" Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa kanyang kaibigan. Mag-aapply kaya siya? Kaya niya ba? Paano naman ang nobyo niya sa probinsya? "Alam mo namang may boyfriend ako sa probinsya. Magagalit yun sakin kapag nalaman niyang ganyang trabaho ang pinasukan ko" Tumawa si Mayla bago nito tinapik ang likod niya. "Minsan talaga bobita ka Jaira. Hindi naman malalaman ng boyfriend mo dahil ang alam nun nasa Amerika kana diba? Malalaman lang niya kapag sinabi mo." Napanguso siya. Napaparami na yata ang pagsisinungaling niya dahil lamang sa kamalasan na napala niya sa scamer na babaeng iyon. Mark is her boyfriend. Tatlong taon na niya itong nobyo. Okay naman si Mark, kahit hindi gaanong gwapo ay nirerespeto naman siya nito. Hangang magaan na halik sa kanyang labi lamang ang nagagawa nila sa loob ng tatlong taon, nirerespeto kasi nito ang desisyon niya na nais muna niyang mabigyan ng magandang buhay ang magulang niya bago sila lumagay sa tahimik na buhay. May pangarap rin si Mark para sa pamilya nito kaya naman nagkasundo sila. Ngunit kahit si Mark ay wala rin kamalay-malay sa sinapit niya sa scammer. Ang buong akala rin ni Mark ay nasa Amerika na siya ngayon. Tanging sa f******k lamang sila nag-uusap. Mabuti nalang at kilala siya nitong hindi mahilig mag picture. Kapag naman ka-video call niya ito ay palagi siyang nagkukunwaring nasa America. Inaakala ng mga ito na ang perang pinapadala niya ay galing pa sa Amerika. Diretso niya kasing denedepositi sa bank account ng tatay niya ang pera buwan buwan. "Isipin mo nalang, gagawin mo itong trabaho na ito upang makauwi kana sa probinsya niyo. Para matubos mo na ang nakasanlang lupa niyo at para makasama mo na ang boyfriend mo" Napangiti siya dahil sinundot ni Mayla ang tagiliran niya upang tuksuhin siya Sa katunayan, sa loob ng anim na buwan ay hindi pa niya namimiss si Mark. Para ngang nakahinga siya ng kaunti nang makalayo siya sa binata. Hindi niya rin alam kung bakit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook