bc

Mr.Future

book_age18+
7.9K
FOLLOW
18.8K
READ
time-travel
sweet
lighthearted
mystery
like
intro-logo
Blurb

Flight 914 took off in 1980 but landed in the Philippines after 37 years.

Ana Maria Lopez, one of the 57 passenger of American flight 914 survive the time travel plane. Isa lamang siya sa mga pasaherong naka-baba mula sa eroplano bago ito muling nawala na parang bula. Walang nakaka-alam na isa siya sa mga pasahero ng flight 914. Halos mabaliw siya ng malaman niyang year 2017 na! At higit sa lahat wala na siyang pamilyang uuwian sa pilipinas. Until she met Kelvin! Kahawig ito ng nobyo niya! Ngunit hindi na siya nito nakilala.

Anong gagawin niya? Bakit hindi nagbago ang edad niya? Nananaginip lamang ba siya? Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi humingi ng tulong kay Kelvin.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One Year 1980... Hila-Hila ni Ana Maria ang kanyang maliit na maleta. Naglalaman iyon ng mga pasalubong para sa kanyang magulang sa Pilipinas. "Boarding na ako love, kaunting hintay nalang.." bulong niya sa kanyang sarili. Puno ng kasabikan ang kanyang puso. She's an over sea's worker for two years in New york city. Namasukan siya bilang isang dancer sa isang disenteng bar sa New York city upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. She loves dancing at sinuwerte naman siyang matangap sa ibang bansa. Nag iisa lamang siyang anak kaya naman naisip niyang malaking tulong ang pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa para sa kanyang magulang. Ngayong araw na ito ang kanyang flight pauwi ng pilipinas. Paniguradong matutuwa ang kanyang magulang sa kanilang pagkikita, lalo na ang nobyo niyang si Toper. Miss na miss na niya ito. Dalawang beses lamang silang nakapagpalitan ng sulat dahil may kamahalan ang pagpapadala ng sulat sa pilipinas. Sa loob ng dalawang taon, Isang beses lamang silang nakapag usap sa telepono dahil napakamahal ng tatlong minutong long distance call mula amerika hangang pilipinas Dahil sa labis na pagmamadali hindi inaasahang natapilok siya at naputol ang heels ng suot suot niyang sandals. "Aww!" Namilipit siya sa sobrang sakit. "Are you okay miss?" Tanong sakanya ng isang babaeng americana. Maganda ito at maraming pekas sa mukha. Kulot kulot ang buhok nito. May karga itong amerikanong bata, marahil anak nito iyon dahil magkahawig ang mga ito. "I-I'm okay" "Are you sure?" Nag aalalang tanong nito sakanya Hinilot hilot niya ang kanyang paa bago tuluyan nawala ang kirot na kanyang nararamdaman "Y-Yes. Don't worry, I'm okay" She tried to smile Ngumiti ito "Oh Philippine? Excited going home?" Nakatingin ito sa boarding pass na hawak hawak niya. Nabasa nitong papunta siya sa pilipinas. "Yes. I'm very much excited" Doon niya na-alalang baka mahuli siya sa flight niya "Me too. My husband is a Filipino and this is our baby boy..." Napangiti siya. Ang ganda talaga ng lahi kapag pinaghalo. "Wow. Such a cute baby.. So we have the same flight?" tanong niya pasimple niyang binali ang isa pang heels niya upang maging flat na din pareho ang sandals niya. Bakit ba kasi siya nag heels? "Yes. Flight 914 bound to Philippines" Nakangiting sabi nito "Let's go. We might be late" Aya niya sa babaeng amerikana Sabay silang naglakad papunta sa boarding gate ng Flight 914 "Good morning ma'am. Welcome onboard" Bati sakanya ng isang magandang stewardess bago sila pumasok sa eroplano "Good morning" Sagot niya Ngunit napahinto siya dahil kakaibang pakiramdam ang kanyang biglang naramdaman. Para bang may isang malamig na hangin ang bumalot sa buong katawan niya. M-Malamig lang siguro. Kaya ako nakaramdam ng ganito "Is there anything wrong ma'am?" Tanong sakanya ng stewardess Pilit siyang ngumiti "N-Nothing." Huminga siya ng malalim at tahimik na napadasal. Hindi niya kasi maintindihan ang kanyang nararamdaman Lord, gabayan niyo po ang flight ko. Hinanap niya agad ang kanyang reserve seat. Nasa bandang gitna iyon malapit sa isa pang pinto ng eroplano. Tinulungan siya ng isang matangkad na stewardess upang ilagay niya ang kanyang hand carry baggage sa ibabaw na pinaglalagyan ng mga maleta. "Thank you--" Ngunit hindi sinasadyang sumabit ang kanyang daliri sa zipper ng kanyang maleta. Dumugo ang kanyang daliri "Aww!" Hinipan niya agad ang daliri niya "Oh my God! I'm so sorry ma'am" Hingi ng tawad ng stewardess sakanya agad itong kumuha ng first aid kit at binalutan agad ang kanyang daliri "I'm really sorry--" "It's okay.. It's my fault.." Nang matapos nitong balutan ng band aid ang kanyang daliri, nagpasalamat siya at umupo na sakanyang pwesto. Sa tabi siya ng bintana. Napabuntong hininga siya. She's supposed to be excited but she felt nervous. "Nervous?" Tanong ng amerikanang katabi niya. Napansin siguro nitong kinakabahan siya. Maitim ito at kalbo ang buhok. nakasuot lamang ito ng isang kulay puting scarp sa ulo nito. Simpleng puting damit lang din ang suot suot nito. "Y-Yeah" Sagot niya "Just pray to God. To always guide and protect you, Trust me, It always works.." Nakangiting payo nito sakanya Mukhang mabait ito katulad ng amerikanang nakausap niya kanina. Nasa bandang dulo naman ng eroplano nakaupo ito. Malayo sa pwesto niya. "Thank you" Simple siyang ngumiti. Napabuntong hininga siya at tahimik na napadasal. Lord, Please protect us.. Ingatan mo po kaming lahat sa flight na ito. Hindi ko po alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Sana po ingatan niyo kami-- Napadilat siya ng marinig ang boses ng piloto "Good Morning! Ladies and Gentlemen. Welcome onboard this flight 914 bound to Philippines. My name is Rupert Graham and I'm Your In-flight Service Director. Your cabin crew are here to ensure you have an enjoyable flight to Philippines." Napalunok siya at lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso "Don't worry what ever happens, Always remember everything happens for a reason. Sometimes we cannot understand the reason behind it, just be strong and never give up" Lalo naman siyang kinabahan sa mga pinagsasabi ng kanyang katabi. "T-Thanks" Huminga siya ng malalim.. Nagtataka siya kung bakit parang napatagal ang pag alis ng kanilang eroplano. Pinagpapawisan din siya ng malamig. Maya maya pa narinig niya muli ang anunsyo ng piloto. "We are sorry for the delay in our departure. Please fasten your seat belt and refrain from smoking while the no smoking sign is on." Isunuot na niya ang kanyang seatbelt. Pangiti ngiti lamang ang kanyang katabi na para bang relax na relax ito "A beautiful love story awaits for you" Napalingon siya sa babaeng ito "What?" Friendly niyang tanong sa babae. Kahit medyo nakakaramdam na siya ng kakaiba para dito Ngumiti ito ng husto "Good luck and God bless you always.." Napalunok siya. Anu ba yan parang may sayad pa tong nakatabi ko? Kinakabahan na nga ako eh Muli siyang huminga ng malalim Unti unti niyang naramdaman na umaandar na ang eroplanong sinasakyan niya.. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso.. "Do you believe in destiny?" tanong ng babaeng katabi niya "Y-Yeah sometimes" Pilit niyang kinakausap ito kahit sobrang kaba ang kanyang nararamdaman "You should believe in destiny dear. It's beyond your imagination. It's beyond time. If two people are meant to be together, destiny will find its way. Sometimes love can be seen in many mysterious beautiful ways. You will understand me someday dear" Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Kinilabutan siya sa sinabi nito Jusko po. Ano ba tong pinagsasabi ng babaeng ito. Nakakatakot na. "Do you believe in love?" Napabuntong hininga siya "Uhm yeah" Pilit na pilit na ang kanyang ngiti "That's great.. Love is the greatest thing that the world can give to you dear.. Just relax and enjoy this flight" Tatlong beses siyang napalunok sa mga sinabi nito. Makahulugan at may kakaibang tinutukoy ito. Napapikit silang pareho ng unti unti nang lumipad ang eroplanong sinasakyan nila She really felt something weird.. Hangang sa nakarinig siya ng malakas na kulog. "Oh my God!" Napasigaw agad siya. "Ladies and gentlemen I've turned on the fasten seat belts sign and asked the flight attendants to be seated, we may be entering an area of turbulence and would like everyone seated for safety" Halos lahat ng pasahero nag panic ngunit nanatiling nakaupo Pakanta kanta naman ang babaeng katabi niya. Nakakapagtaka talaga ang ugaling pinapakita nito sakanya "Love love has come your way. Everything is gonna be okay" Pagkanta pa nito na para bang hindi kinakabahan sa mga nangyayari "Oh my God..." Napapikit siya dahil sunod sunod na kulog ang kanyang narinig. Naging maalog din ang eroplano "Relax.. Love is coming.." Bulong ng babaeng katabi niya. Kumanta nanaman ito ng isang love song habang ang mga pasahero ay nag papanic na. May mga sumisigaw at nag iiyakan na. Halos lahat ng mga bata sa loob ng eroplano ay nag iiyakan sa sobrang takot sa malalakas na kulog. "Stop it please! Can't you see? We're going to die!" Sigaw niya sa katabi niya, Pakanta kanta pa kasi ito! Naiiyak na din siya sa labis na takot na kanyang nararamdaman "I said relax.. Look outside the window" Nakangiting sabi nito sakanya Lumingon siya sa itinuturo nito dahil nakita niya sa mga mata nito ang kakaibang liwanag. Napatulala nalang siya dahil napakaganda ng sikat ng araw sa labas ng bintana ng eroplano. Paano nangyari iyon?! Samantalang kanina ay napakalakas ng kulog at madilim na madilim ang paligid. Para bang may delibyo. Ngunit ngayon napakaganda na agad ng sikat ng araw? "See? I told you.. Just Relax dear.." Bulong nitong muli sakanya Tumutulo padin ang kanyang luha at ang kanyang pawis sa labis na takot na kanyang naramdaman. "Oh my God.. Thanks God! Akala ko mamamatay na tayo.." Napahagulgol siya sa sobrang takot sa pag aakalang katapusan na ng kanyang buhay. Hinawakan ng kanyang katabi ang kamay niya. Napatitig siya sa napakagandang mata nito. "Don't worry. Everything is in control.." Hindi padin siya tumigil sa pag iyak hangang sa nahimasmasan siya dahil naging maayos na ang paglalakbay ng eroplanong sinasakyan nila. Naging tahimik na din ang lahat ng mga pasahero. Natutulog na din ang kanyang katabi Toper pauwi nako...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook