Chapter two

1927 Words
Chapter two "Ladies and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you" Nagising si Ana maria sa announcement ng piloto. Umayos siya ng pagkakaupo. Pakiramdam niya napakatagal niyang nakatulog. "We're here in the Philippines Ana.." Bulong sakanya ng kanyang katabi Nilingon niya ito at bahagyang kumunot ang kanyang nuo "H-How did you know my name?" "Oh sorry. I read it on your passport earlier" "O-Okay" Hangang ngayon nakakaramdam padin siya ng kakaiba. Lalo na may kakaiba talaga sa kanyang katabi. Para bang palagi itong nakangit at excited. "Cabin crew, prepare for landing please" anunsyo muli ng piloto Huminga siya ng malalim. Pakiramdam niya lumundag ang puso niya dahil sa wakas makakasama na niya ang kanyang magulang at ang kanyang minamahal na nobyo. Maya maya pa naramdaman niyang pababa na ng eroplanong sinasakyan nila. Napadasal siyang muli dahil pakiramdam niya sasadsad ang eroplano. "Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is nine fifteen in the morning and the temperature is 28 degree celcius" "For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the captain turns off the fasten seat belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about" Napangiti siya ng husto ng sa wakas nakalapag rin ang eroplanong sinasakyan niya "Tik tak tik tak.." Napalingon siyang muli sa kanyang katabi Kinilabutan kasi siya sa pag bulong nito "H-Hey.. " Lumayo siya ng kaunti lalo itong napangiti. Napansin ng mga cabin crew ang pagkaweird ng babaeng katabi niya. Kaya nagkatinginan sila "On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!" Pasasalamat ng piloto "E-Excuse me" Tumayo na agad siya pagkatapos mawala ng seat belt sign. Upang kuhain ang kanyang hand carry baggage sa overhead bins. Tinulungan agad siya ng isang cabin crew "Thanks" "No problem ma'am" Tumayo din ang weird na babaeng katabi niya lumapit ito sakanya habang nakangiti "I'll give you one hundred days Ana Maria. Enjoy your one hundred days" "E-Excuse me?" Kunot nuong tanong niya sa babaeng negra "Time is gold Ana Maria.. Good luck.. Find your true love" Kinilabutan siya sa sinabi nito. Nagkaroon din ng isang napakalakas na hangin kaya napapikit siya ng husto. Pakiramdam niya kakaibang hangin iyon na bumalot sa buong katawan niya Nanlamig siya at hindi makagalaw sa kanyang kinakatayuan Nang unti unting mawala ang napakalakas na hangin dinilat niya ng dahan dahan ang kanyang mata ngunit napa-atras siya "O-Oh my God.." Kakaibang lugar ang kanyang kinaroroonan. Madaming tao sa paligid. Para iyong makabagong airport. Maliwanag at maaliwalas ang paligid. Naliligaw ba siya? Paano siya nakarating dito? Hindi ba nasa loob palang siya ng eroplano?! Hindi niya kilala ang lugar na ito! Alam niyang airport din ito base sa mga taong naglalakad at may mga dalang bagahe Pa-atras siya ng paatras dahil pakiramdam niya namamalikmata siya o dikaya naeengkanto "Oh.. Oh my God. A-Anong nangyayare?! N-Nasa loob ako ng eroplano paano paano paano ako ako mapupunt dito" Habang umaatras siya nakabanga niya ang isang babae "Miss ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Napatingin siya agad dito. Malamig ang kanyang pawis at nagbubutil butil na iyon sa kanyang nuo. Hindi niya maintindihan kung ano bang nangyayari sakanya Tinignan niya ang babaeng nakabanga niya. Base sa pananamit nito mukha itong mayaman. Pilipina ito dahil nagtagalog ito. "M-Miss n-nasaan ako?" "What? Ano bang pinagsasasabi mo miss? Nasa airport ka malamang!" Inirapan pa siya nito at derederetso na itong lumakad palayo sakanya Napalunok siyang muli. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sakanya Nanginginig ang kanyang tuhod. Para bang nanghihina siya sa mga kaganapan. "P-Paano ako nakarating dito. Ang naaalala ko humangin lang ng malakas sa loob ng eroplano. P-Paano ako napunta dito. D-Diyos ko" Napa-sign of the cross siya sa labis na takot na kanyang nararamdaman "Miss doon ang pila sa immigration. Ano pa bang tinatayo mo diyan?" Sita sakanya ng isang gwardia "P-Pilipinas na po ba ito?" Takot na takot niyang tanong sa gwadia Napakunot agad ang nuo nito "Nalipasan ka siguro ng gutom miss. Oo nasa pilipinas ka" Natawa ito at napapa-iling "D-Diyos ko po. Paano a-ako na-nakababa ng eroplano" Bulong niya sa kanyang sarili. Nakaramdam siya ng matinding takot. Pilit niyang iniisip mabuti kung paano siya naka-alis ng eroplano "Kilos na miss! Bawal tumambay dito!" Napatalon halos ang puso niya dahil sa sinabi ng gwardia. Kahit nanginginig pa ng tuhod niya pilit niyang inihakbang ang kanyang mga paa papunta sa pila ng immigration officer Inilabas niya mula sa kanyang bag ang kanyang pasaporte "Next!" Lumapit agad siya sa immigration officer Ibinigay niya ang kanyang passport. Napakunot agad ang nuo nito. "Pinaglolo-loko mo ba ako?" Galit nitong tanong sakanya. Halos mag salubong na ang kilay nito "H-Ho?" Natatakot niyang tanong "Bakit old passport itong binigay mo sakin? Panahon pa ito ng lola at lolo mo eh! Where is your passport?!" "A-Ano pong sinasabi niyo Sir. Iyan po talaga ang passport ko--" "Miss pwede ba wala akong oras makipaglokohan sayo! 1980 pa tong passport mo! Nababaliw kana ba ha?!" "B-Bakit ho ba? 1980 palang naman po ngayon at kakarenew ko lang po ng passport ko. G-Galing po ako sa new york." Napakunot na talaga ng husto ang nuo nito. May kinuha ito na parang maliit na pahabang kulay itim. Hindi niya alam kung ano ng tawag sa bagay na iyon. Napanganga siya ng umilaw iyon at pinindot iyon ng immigration officer "W-Wow" Napatulala siya sa bagay na iyon. Parang may kinausap ito na para bang nakikipag usap sa isang telepono Telepono ba yun? "May baliw dito pakicheck nga" Narinig niya ang sinabi nito bago nito muling pinindot ang itim na aparato. "Miss mukhang nabaliw ka sa ibang bansa. Gusto ko lang sabihin sayo year 2017 na! Nababaliw ka na ba talaga? Paano ka nakapasok dito?" Pakiramdam niya huminto ang mundo niya sa sinabi ng immigration officer Madami pa itong sinabi ngunit parang hindi na niya naririnig ang mga sinasabi nito dahil napatulala na siya. She just felt that her world stops. Paulit ulit umeecho sa kanyang guni guni ang sinabi ng immigration officer Year 2017 na! Year 2017 na! Year 2017 na! Year 2017 na! A-Anong ibig niyang sabihin. A-Anong year 2017 na? A-Ako ba yung nababaliw o siya? Halos sumisigaw na yung immigrtion officer kaya nagbalik ang kanyang pag iisip "Nakikinig ka ba sakin miss?!" Sigaw nito "S-Sir.. Flight 914 po ang sinakyan ko. July 4, 1980 ang flight ko. Impossible naman pong napakatagal ng biyahe ko sa eroplano. Edi sana ho senior citizen nako ngayon. Higit sa lahat edi sana ho naubusan ng gasolina yung eroplano? Sobrang kalokohan po yung sinasabi niyo---" "Shut up!!! Makipag usap ka nalang sa mga guard dahil sinasayang mo ang oras ko!" Binato nito sakanya ang kanyang lumang passport. Parang gusto niyang mapaiyak. Ganito ba mag trato ang immigration officer! Pasalamat ito wala siyang gana makipag away dahil nanghihina pa siya sa mga nang yayari sakanya. Maya maya pa may dalawang guard ang lumapit sakanya "Miss sumama ka samin for questioning" "S-Sige ho. Tulungan niyo ho ako please" Sumama siya sa dalawang gwardiya. Habang hila hila niya ang kanyang hand carry bag. Dinala siya ng mga ito sa isang private room. May dalawang lalakeng immigration officer ang nasa loob ng kwartong iyon "Maupo ka" Umupo siya sa isang napakagandang upuan. Napansin niyang makabago lahat ng kagamitan sa buong kwarto. Maski ang airconditioner sa loob ng kwarto ay napansin niyang kakaiba "Nasan ang passport mo?" Nanginginig ang kanyang kamay na ini-abot ang kanyang passport sa isang lalakeng officer "Miss ayaw namin makipaglokohan sayo. Bakit lumang luma tong dala dala mong passport?" Napalunok siya "L-Luma po? Kakarenew ko lang po niyan sir two years ago palang po iyan nagagamit---" "Miss nag drugs ka ba? Ipapadrug test kita. Dalawa lang yan. Nababaliw ka o gumagamit ka ng bawal na gamot" "S-Sir.. Nagsasabi po ako ng totoo. Ako po si Ana Maria Lopez. Nakatira po ako sa sampaloc manila. Nandoon po ang mga magulang ko. Parang awa niyo na po---" "Miss paano ka nakapasok dito sa arrival area? Galing singapore ang airline na sinabayan mong pumila." "Tska miss year 2017 na. Lumang luma na tong passport mo. Nag TNT ka ba sa ibang bansa? Paano ka nakalusot?" Umiling siya ng husto. Unti unti na din nanubig ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya nga mababaliw na siya "G-Galing po akong new york Sir.. Flight 914 po ang flight number ko. Paki-check naman po please. Natatakot na po ako. Bakit niyo po ba pinipilit na 2017 na. Parang awa niyo na po palabasin niyo nako" "Hindi ka namin papalabasin dito hangat walang sumusundo sayo" "S-Sige ho. Ibibigay ko po ang address namin parang awa niyo na po papuntahin niyo dito ng tatay ko" Kinuha niya ang kanyang lapis sa kanyang lumang bag. Pati na din ang lumang papel. Nagtaka din siya kung paano naging luma ang kanyang bag dahil kakabili niya lang nito sa amerika last week! Huminga siya ng malalim. Sana nananaginip lamang siya Isinulat niya ang kanyang address sa lumang papel. Nakatingin lamang sakanya ang mga gwardia at officer. Para bang nagtataka din ang mga ito sa kinikilos niya "Heto po. Address po namin yan. Felife Lopez po ang pangalan ng tatay ko" "Sige miss maupo ka muna." Napapahikbi siya dahil hindi niya alam kung anong nangyayari sa paligid niya Naupos siya sa sulok at tahimik na umiyak. Nagdadasal siya na sana makauwi na siya. "Guard, Pakainin niyo yan mukhang nalipasan yan ng gutom" Utos ng officer sa isang guard Maya maya pa binigyan siya ng isang sandwich at kape ng lalakeng guard "Para lalo kang kabahan miss magkape ka muna" Biro nito sakanya Hindi niya ito pinansin at tahimik lang siyang umiiyak sa isang gilid Maya maya pa bumalik ang officer "Pinaglololoko mo ba talaga kami miss? Yung address na binigay mo samin hindi naman residential! Isang park yun sa sampaloc miss. Ano ka sa park ka ba nakatira?" Nagtawanan ang mga ito "Hindi ko po alam anong nangyayare Sir.. Parang awa niyo na tulungan niyo ho ako." "Maganda ka sana kaso nababaliw kana miss. Wala ka na ba ibang kakilala? para makauwi kana. Awang awa nako sayo eh" Tanong ng officer sakanya Bigla niyang naalala si Toper.. Matutulungan siya nito! "Meron ho! Yung nobyo ko ho!" Nagtawanan ang mga ito "Biruin mo yun may nobyo ka pala kahit baliw ka. Osige miss tatawagan namin ang nobyo mo. Anong cellphone number niya?" "A-Ano ho yung cellphone?" Inosenteng tanong niya Nagkatinginan ang mga ito "Miss mukhang sa mental hospital ka namin dadalhin" Nagpanic siya sa sinabi ng mga ito. Seryoso na kasi ang mukha ng mga ito "S-Sir parang awa niyo na. Puntahan niyo nalang ho ang nobyo ko. Pakisabi nandito ho ako" Madali agad niyang sinulat sa papel ang address ng bahay nila Toper. Napakunot agad ang nuo ng officer "Miss yung address na binigay mo. Valdez Mansyon to. Sigurado ka bang nobyo mo ay isang Valdez?" mansyon? Kailan pa nagkaroon ng mansyon sila Toper? -Naisip niya "Oho Chrisostomo Valdez ho ang pangalan ng nobyo ko. Pakisabi nandito ho si Ana maria" Nagkaroon ng pag asa ang kanyang puso. Sana sunduin siya ni Toper.. Toper parang awa mo na love sunduin mo ako. Takot na takot nako.. Maya maya pa bumalik muli ang officer. Seryoso ang mukha nito. "Miss papunta na dito ang sundo mo" Unti unting gumaan ang kanyang pakiramdam. Napatayo siya sa kanyang upuan "Diyos ko! Salamat po!" Napaiyak siya sa sobrang tuwa "Pero miss apo daw ng nobyo mo ang susundo sayo. Dahil matagal ng patay si Don Crisostomo Valdez!" Nawala ang kanyang ngiti dahil sa sinabi nito. Para iyon bombang sumabog sa kanya ulo. "T-This is not happening..." Pakiramdam niya mahihimatay siya sa sobrang pagod lungkot at pagkabigla sa mga nangyayari. Unti unti siyang nawalan ng malay. Huli niyang narinig ang pag sigaw ng officer sa kanyang pangalan. Hangang sa bumagsak siya sa sahig at doon niya pinikit ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD