bc

RAM HOFFMAN

book_age18+
24.5K
FOLLOW
99.0K
READ
friends to lovers
comedy
sweet
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

Title: I'm Inlove with my bestfriend (RamHoffman)

He's the typical campus crush. Normal nalang iyon sakanilang magkakapatid, Ang pag-agawan at pagpantasyahan ng mga babae. Hindi naiiba sa mga kapatid niya si Ram Hoffman. Sikat na sikat rin ito dahil sa taglay nitong kagwapuhan at bonus pa ang pagiging song writer-singer nito. Marami tuloy sa kanilang paaralan ang nababaliw sa aking talentong taglay ni Ram.

Bata pa lang si Ram ay best friend na nito si Cheng. Ang nag-iisa ngunit boyish niyang bestfriend. Sabay silang lumaki dahil kinder palang sila ay kaibigan na niya ito hangang sa mag-college sila. Ngunit habang nagkakaroon sila ng edad ay tila nagiging babae na ang kinikilos nito. Hindi niya iyon inaasahan na magdadalaga rin ito katulad ng mga babaeng kasing edad nila. Buong buhay niya lalake ang tingin niya kay Cheng lalo na't halos araw araw silang magkasama. Kalaro niya ito sa basketball at sa mga video games. Mas close niya pa nga ito kaysa sa mga kuya niya.

Nagulatang nalang siya ng magsabi ito sakanya na mayroon raw itong manliligaw sa kanilang campus at gusto na raw nitong mag-pakababae ng tuluyan. Dahil babae raw talaga ito at hindi tomboy.

Para bang nataranta ang buong pagkatao niya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil parang selos at takot ang kanyang naramdaman. Possible kayang may gusto na rin siya kay Cheng?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Prolouge "O softdrinks" Napalingon si Cheng ng tapikin ni Ram ang kanyang balikat. Napansin kasi nito ang pagiging matamlay niya. Kasalukuyan siyang nakatambay sa kwarto ni Ram. "Salamat tol" Sagot niya kay Ram bago niya kinuha ang softdrinks na ibinigay nito. Matalik na kaibigan niya si Ram kahit malayo ang agwat ng kanilang pamumuhay. Kasambahay kasi ng mga ito ang kanyang nanay at dahil doon nagkakilala sila ni Ram. Pinag-aral siya ng magulang ni Ram kung saan nag aaral rin ang mga anak nito. Kinder pa lang sila noon ay nagkalapit na ang kanilang loob bilang magkaibigan. "What's up?" Tanong ni Ram sakanya at umupo pa ito sa kanyang tabi at inakbayan siya Balewala sakanilang dalawa ang isat-isa dahil sanay na silang maging ganito kaclose simula pa noon. At isa pa wala talagang malisya ang pag akbay ni Ram sakanya dahil lalake ang tingin nito sakanya. "N-Niregla ako tol" Alanganin na balita niya kay Ram. Kagabi kasi ay nagkaroon na siya ng regla. Inis na inis nga siya dahil unti unti na rin siyang nagkakaroon ng dibdib Tumawa ng malakas si Ram "Really? Tuli kana" Pang aasar ni Ram sakanya at ginulo pa nito ang maiksi niyang buhok Boy cut ang gupit ng buhok niya. Gustong gusto niya kasi ang ganitong buhok dahil napakainit sa Pilipinas. Halos pareho sila ng gupit ng buhok ni Ram "Nakakainis nga eh. Ang sakit" Napahawak siya sa kanyang puson. Para kasing may kumukurot sa loob ng bandang puson niya. Makirot iyon. "Atleast tuli ka na bago tayo mag high school" Pang aasar pang muli ni Ram sakanya "Kaya nga e. Kaso nakakahiya" "Pwede ka na mag girlfriend. Ipapakilala kita sa kaibigan ni Faye--" "Nako tol huwag na. Ayokong magkagirlfriend katulad ng girlfriend mong kitikiti no" Tumawa sila ng sabay ni Ram dahil sa kanyang sinabi. Totoo namang mukhang kitikiti ang girlfriend ni Ram. Parang may kitikiti ito sa puwet kapag nakikita nito si Ram "You should start dating Cheng. Para bago tayo mag high school mag doble date tayo" "Papanget naman ng schoolmate natin" Dinaan nalang niya sa biro ang sagot niya kay Ram kaya tumawa itong muli. Ngunit ang totoo naiinis siya sa tuwing pinag uusapan nila ang tungkol sa mga nagiging nobya nito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit. Ininom niya ang sofdrinks na binigay ni Ram sakanya. "Wala ba tayong miryenda?" Tanong niya kay Ram "Pupuntahan mo lang ako dito dahil sa miryenda eh" Napakamot nalang ito sa ulo nito bago ito tumayo upang maghanap ng makakain nila sa ref. Pinagmamasdan niya si Ram habang nakatalikod ito sakanya. Lalo itong gumagwapo sa pagdaan ng mga araw. Palihim niya itong hinahangaan dahil sino ba namang hindi hahanga sa kagwapuhan nito? Ngunit ayaw niyang masira ang kanilang magandang pagkakaibigan. At higit sa lahat wala naman siyang magiging pag asa kay Ram dahil lalake ang tingin nito sakanya Kagabi nagkaroon siya ng regla ay napag isip isip niyang babae talaga siya. Kahit pa ganito siya manamit, Malaking tshirt at malaking shorts na pang lalake dahil iyon ang nakasanayan niya. Madalas napagkakamalan talaga siyang tomboy ng mga tao. Ngunit alam niya sa kanyang sarili na babaeng babae siya. Hindi nga lang siya marunong mag ayos ng kanyang sarili at wala siyang oras para sa ganoong bagay. Binigyan siya ni Ram ng carbonara na ininit pa nito sa microwave. "Salamat tol. Nga pala baka sa ibang school nako mag aral sa pasukan--" "No way" Kunot nuong sabi agad nito "E nahihiya na si nanay kay ma'am abby eh napakamahal naman kasi dun sa school natin--" "Don't prank me" Naiinis nitong sita sakanya "Hindi ako nagbibiro tol. Napag usapan na namin ni nanay yun--" "Kausapin ko ang mom ko. Hindi pwede. Dapat kung nasaan ako nandon ka" Napalunok siya sa sinabi ni Ram. "Nakakahiya sa mama mo--" "Bariya lang yan sa mom ko. Tara maglaro nalang nga tayo" Pag iiba nito ng topic. Ayaw talaga nitong mag aral siya sa ibang paaralan kaya naman wala siyang nagawa kundi mag aral rin kung saan ito nag aaral. Naka-akbay pa ito sakanya habang naglalaro sila ng video games. Sobrang close kasi nito sakanya. Mas malambing pa nga ito sakanya kaysa sa nobya nito. Chapter 1 (College campus) "Cheng nakita mo ba si Ram?" Nagkibit balikat lang si Cheng ng tanungin siya ng girlfriend nitong si Faye. Long time girlfriend ito ni Ram mula pa noong elementary sila. Matabang ang pakitungo niya sa babaeng ito dahil sa kanyang sekretong pag ibig na iniingatan sa kanyang puso. "Malay ko" "What? Eh diba kasama mo siya kagabi? Hindi kasi siya pumasok sa first subject namin" "Baka laseng" Maiksi at walang ganang sagot niya kay Faye. Kasama niya si Ram kagabi as usual nagpapatulong nanaman ito sakanya sa pag gawa ng kanta. Song writer kasi ito at iyon ang hilig nitong gawin. "What?! Nag inuman nanaman kayo no? Baka nambabae kayo ha?!" Exagerated na tanong ni Faye sakanya habang sinusundan siya nito sa paglalakad Napailing nalang siya. Selosa kasi si Faye dahil maraming babae ang nagkakandarapa para lamang mapansin ni Ram. "Hey Cheng sagutin mo nga ang tanong ko!" Hinawakan ni Faye ang kanyang braso upang patigilin siya nito sa paglalakad Napatingin siya sa mukha ni Faye. Sa totoo lang ayaw niyang tignan ang mukha nito dahil naiinsecure lamang siya paminsan minsan. Ito kasi ang mukha ng babaeng nagpatibok sa puso ng bestfriend niyang si Ram. Maganda ito at balingkinitan ang hubog ng katawan. Samantalang siya ay nananatiling mukhang tomboy sa mata ng mga tao. Mahaba ang buhok ni Faye at alon alon pa iyon na halatang alaga ng salon Samantalang boy cut parin ang gupit ng kanyang buhok. Sa tuwing papahabain niya kasi iyon ng kaunti inaasar siya ni Ram na nagmumukha raw siyang bading. Pinagugupit nalang tuloy niya ang kanyang buhok palagi. "Bakit ba ang kulit mo? Si Ram ang kulitin mo huwag ako" Pagsusungit niya kay Faye "Hindi ko nga alam kung nasan siya--" Sabay silang nagulat ni Faye ng biglang may umakbay sakanya. Hindi na niya kailangan hulaan kung sino iyon dahil amoy na amoy na agad niya ang perfume ni Ram "Hi babe!" Nakangiting bati nito kay Faye ngunit sakanya ito naka-akbay "Babe! Kanina pa kita hinahanap!" Agad naman yumakap si Faye kay Ram kaya doon palang tinangal ni Ram ang pagkaka-akbay sakanya at niyakap rin nito si Faye Napaka-asim tuloy ng kanyang mukha dahil doon. Naiinis rin siya kay Ram dahil kagabi doon siya pinatulog ni Ram sa kwarto nito at turing talaga nito sakanya ay lalake rin! Wala man lang itong kahit kaunting naramdamang malisya buong gabi kahit nakayakap ito sakanya! Naiinis rin siya dahil napakalambing nito sakanya at apektado siya ng pagiging malambing nito "Sorry babe napasarap tulog ko. Di kasi ako ginising ni Cheng" Sinimangutan niya lang ito. Buti pa ito napasarap ang tulog samantalang siya hindi siya nakatulog kagabi. Sanay silang mag sleep over sa bahay ng isat-isa ngunit ngayon nagdadalaga na siya ay parang iba na ang nararamdaman ng kanyang katawan. "Ewan ko sainyo. Malate nako" Dinedma nalang niya si Ram at Faye. Nauna na siyang naglakad papunta sa classroom niya. Mula kinder kaklase na niya si Ram ngunit ng mag college sila ay magka-ibang kurso na ang kanilang kinuha. Business management ito samantalang Culinary arts naman ang sakanya. Mahilig kasi siyang magluto. "Wait Cheng!" Humabol si Ram sakanya at iniwan nito si Faye. Inakbayan agad siya nito. "Iniwan mo nanaman si kitikiti mamaya niyan magka-away nanaman kayo" Tumawa lang si Ram habang naka-akbay parin ito sakanya. May nakasabit sa likuran nitong gitara na madalas nitong dala dala. Regalo niya ito kay Ram noong mag 18th birthday ito. "Why didn't you wake me up? Di tuloy ako nakapasok sa first subject ko" "Sa susunod mag alarm ka" Naiinis na sagot niya "Hmm bakit parang galit ka tol?" Nagtatakang tanong ni Ram sakanya "Eh paano di ako nakatulog dahil ang bigat bigat ng paa mo. Kung makadantay ka sakin kagabi akala mo wala akong pakiramdam eh" Muling tumawa si Ram. Lalo tuloy itong gumagwapo sa paningin niya sa tuwing tatawa ito. Lumalabas kasi ang perpekto nitong mga ngipin na alagang alaga nito. Kilala niya si Ram na napakalinis sa katawan. "Sorry. Ilibre nalang kita mamaya ng lunch para naman di umuusok yang ilong mo" Pinisil pa ni Ram ang kanyang ilong Sabay silang naglalakad sa campus nila. Maraming napapatingin sakanilang dalawa ni Ram. Alam ng mga tao na siya ang nag iisa best friend ni Ram mula pa noon. "Sige na papasok nako tol." Paalam niya kay Ram. Ginulo lang nito ang kanyang buhok katulad ng madalas nitong gawin "See you later. Papabasa ko rin sayo yung nagawa natin kagabi na kanta eh" Tumango lang siya at pumasok na siya sa kanilang classroom Matamlay siya at parang walang energy ng araw na iyon. Paano ba naman habang tumatagal mas lalo siyang nahihirapan pigilan ang nararamdaman niya para kay Ram. Hindi naman kasi siya tomboy eh. Kahit kailan hindi siya nagkagusto sa babae! Ngunit ganito lang talaga siya kumilos at manamit dahil nakasanayan na niya iyon Napakunot pa lalo ang nuo niya ng makita niya ang isang sobre sa kanyang upuan. Kulay pink iyon at may puso sa bandang gitna Para sayo Analine Perez Napangiwi siya dahil tunay na pangalan pa talaga niya ang nakasulat doon Nakakunot ang kanyang nuo ng simulan niyang basahin ang sulat na iyon Hi Analine, This is Ford Madrigal. Matagal na kitang gustong ligawan. Ewan ko pero para sakin ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko kahit may pagkaboyish ka. Pwede ba kitang ligawan? Seryoso ako sayo kaya sana huwag mo itong isipin na biro. Sa tingin ko nga mahal na kita. Napalunok siya sa kanyang nabasa at agad na napalingon siya sa kanyang kaklase na si Ford Madrigal. Nakatingin ito sakanya habang binabasa niya ang love letter nito. Ito ang kauna-unahan niyang love letter na natangap buong buhay niya. Hindi niya rin akalain na may lalakeng magkakagusto sakanya kahit pa boyish siya. Nagkatitigan sila kaya ngumiti ito. Halatang kinakabahan ito at mukha naman itong seryoso sa mga isinulat nito. Hindi niya alam ang kanyang magiging reaksyon. Wala siyang gusto kay Ford. Ngunit parang gusto niya ang ipinaramdam nito sakanya ngayon Sa unang pag kakataon sa kanyang buhay ay naramdaman niyang babae siya. Ngumiti siya ng kaunti kay Ford kaya naman mas lalo itong napangiti. Itinago niya sakanyang bag ang first love letter niya. Ipapakita niya iyon kay Ram. Sa wakas may nagkagusto rin sakanyang lalake! Panay babae kasi nagkakagusto sakanya noon. Kinikilabutan siya pag may babaeng nagkakagusto sakanya. Inipit niya pa sa kanyang tenga ang maiksing buhok niya. Pakiramdam niya tuloy babaeng babae siya Lumapit si Ford sakanya ng matapos ang pagtuturo ng kanilang teacher. May itsura rin naman ito at mukhang malinis sa pangangatawan. Malayong malayo ito sa secret crush niyang si Ram ngunit pwede na rin! "H-Hi Analine" Napangiwi siya "C-Cheng nalang. Di kasi ako sanay sa real name ko" Umupo ito sa tapat niya. "I'm Ford." Pakilala nito sakanya Kilala naman niya ito ngunit gusto lang siguro nitong makipag shake hands sakanya pinagbigyan niya ito dahil gustong gusto niya ang pagtrato nito sakanya Napangiti tuloy siya "Nice to meet you Ford" Sambit niya habang nakangiti "Ang lambot ng kamay mo--" "Cheng!" Napalingon silang dalawa ni Ford sa pagtawag ni Ram sa kanyang pangalan. Medyo nakakunot ang nuo nito at tila nagtataka dahil may nakahawak na lalake sakanyang kamay Doon palang binitawan ni Ford ang kamay niya. "See you later sa susunod na subject natin Cheng" Paalam ni Ford sakanya bago ito lumabas ng classroom. Nagtitigan pa si Ram at Ford bago tuluyan lumabas ng classroom si Ford Lumakad naman si Ram palapit sakanya "What was that?" Kunot nuong tanong ni Ram sakanya "Panira ka naman ng moment tol eh." Inilabas niya ang love letter na ibinigay ni Ford sakanya at ipinabasa niya iyon kay Ram Nakakunot nuo namang binasa ni Ram ang love letter na iyon Ngunit mapang asar itong tumawa. "Ayos ah mahal na agad?" Natatawang komento ni ram sa love letter ni Ford Napapangiti tuloy siya ng kaunti kaya naman kumunot ang nuo ni Ram "Don't tell me papatol ka na sa lalake? Damn! Bakla kana ba Cheng?" Tumawa pa si Ram kaya naman nainis siya sa naging reaksyon nito Inagaw niyang muli ang love letter ni Ford sakanya at tumayo na siya "Babae ako. Handa na akong magpaligaw kay Ford" Unti-unti naman nawala ang mapang asar na ngiti ni Ram. "You're not serious" Seryoso nitong pigil sa kanyang braso "Boyish lang ako manamit tol. Pero babae pa rin ako. Pagbibigyan ko si Ford dahil gusto ko na rin maranasan maging babae" Tinangal niya ang pagkakahawak ni Ram sa kanyang braso at naglakad na siya palabas ng classroom. Maya maya pa kasabay na niyang maglakad si Ram. Seryoso ang mukha nito at tila nag iisip "Hindi ka pwedeng magpaligaw sa lalake" Napahinto siya sa sinabi ni Ram "At bakit naman hindi?" "Magmumukha kang bakla" Kinurot nito ang kanyang dalawang pisngi bago siya iniwan ni Ram. Halatang naiinis ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook